You are on page 1of 12

TULA

10 Poems

Espela, Jacinta M. BSGE1B
11/19/2013









Nanay
Salamt sa pagtitiis
Sa lahat ng dulot kong hinagpis
Pinaiwas sa daang lihis
At lumaki akong malinis.

Siyam na buwang pagdadala
Salamat sayo ina
Buong buhay ko itong utang
Salamt sayo inang.

Nagkaroon ng buhay na maganda
Hinda ka na naalala
Tinalikdan kat di ginalang
Sumagot sagot pang pabalang.
Huli na ng aking malaman
Ikaw pala ay may malubhang karamdaman
Patawad mahal kong ina
Mahal na mahal kita.

Kundiman
May mga taong masuwertet nakahanap na
May mga taong hanggang ngayon ay searching pa
Mahirap talagang mag hanap
Halina munat mangarap.

Nahanap ko na siya
Lagi kaming Masaya
Pagksama ko siya
limot ko ang mga problema.

Mahal ko siya at mahal niya din ako
Ang kaso ay dudugtungan pam niya ng ganito
mahal kita hindi ka mapapalitan
isa kang tunay na kaibigan.

kundiman niya ko mapusuan
kuntento na kong maging kaibigan
sa kanyay di magbabago
pangako ko ito.
Marikit
Siyay isdang makulit
Bigay sakin ng amo niyng singkit
Sa tagaytay siya nag mula
Ako na ang nag alaga.

Mga mata niyang marikit
Mga palikpik na maliliit
Napamahal siya sakin kahit saglit
Paglisan niyay may konting pait.

Patawad marikit
Wala kang kapalit
Kung nasan ka man naroroon
Alam kong Masaya ka na ngayon.

Salamat munting anghel
Napasaya mo kami to the highest level
Kamiy lagging bantayan
Wagpababayaan.
Inbox
Sa bawat ring ng aking cellphone
Hiling ko sana ay tinugon
Mensaheng pangarap mula pa noon
Sana ay mabasa ko ngayon.

Inbox kong kay daming laman
Iisang panglan lang ang inaabangan
Paano ipihahayag ang nilalaman
kung dibdib ay puno ng kaduwagan.

kalian ko ba malalaman?
Mangangahas ba kong subukan?
Kung hindi ngayon ay kalian?
Paano itong nararamdaman?

Nagdaan ang mahabang panahon
Hindi mo padin ako naalala hanggang ngayon
Ikukulong nalang ang damdamin sa kahon
At pababayaan ito sa habang panahon.
Pangako
Ngumingiti ang araw
mga punoy sumasayaw
pag ikay natatnaw
ligayay umaapaw.

mula noon hanggang ngayon
nadadapat bumabangon
pagibig sayo nakabaon
pangakong tapat sayo sa habang panahon.

gaano ka man kasungit
kaartet kaliit
pagmamahal na kay lupit
pangakong di pagpapalit.

ikaw lamang ang mamahalin
lahat ng gustoy susundin
lagi kang pipiliin
mga pangkoy tutupdin.

hindi ka iiwan
hindi pagsasawaan
tayoy walang hanggan
bastat pagkakatiwalaan.

maghihintay parin
itong pusong mainipin
lahat kayang gawin
manatili ka lang sa akin.

lahat satin magbabago
maliban sa pagmamahal ko
buong pusong nangangako
habang buhay akong sayo.





Adameve
Mga tingin nilang kakaiba
Nakangiti pagkaharap ka
Mga nalalaman nilay kulang
Kung humusgay ganon nalang.

Ako ba talaga ay eba
O sadyang ipinanganak na iba?
Puso kong taglay ay kay adan
Hinding hindi kayang palitan.

Pasasalamat ko ay lubos
Sa kataastaasang diyos
Akoy hinayaang mabuhay
Ng may paninindigang taglay.

Ako po ay naniniwalang
Mas mabuting maging tapt sa sarili
Kesa dayain ito hanggang sa huli.

Bangungot
Sa pag pikit handa ng managinip
Sagot sa sandaling pagkainip
Tumakas sa mundong mapanlait
Sa nitong dulot walang makahihigit.

Malayo ka pay tanaw na kita
Sabik ka raw sa yakap ko sinta
Sayay walang mapagsidlan
Hinding hindi malilimutan.

Humangin ng malakas
tinangay ka pataas
nasan ka sinta
ako bay iniwan na?

bumalik ang diwat lahat naalala
ako palay nagising na sa panaginip na Masaya
it na ang tunay na bangungot
patuly akong binabalot.
Sirena
Akoy kanilang piniringan
Walang habas na binusalan
Sa kalayaay inilayo
Sa kadiliman itinago.

Paano ako makalalaya
Kung sila mismo ang nandaya
Mga anak kong naturingan
Ninakawan akot iniwan.

Sa puso koy walang pagsuko
Kahit ilang ulit mang mabigo
Mahal ko ang mga anak ko
Kahit tila itinakwil nila ako.

Darating di ang panahon
Kamiy sabay sabay babangon
Ako ang sirena ng karagatan
Sumisimbulo sa ating bayan.
Peripheral view
Unang araw ng pasukan
Mga mata moy nasilayan
Kay ganda pag naniningkit
Konting lingon mong kay lupit.

Pasimple sayong sumulyap
Kita kahit di kaharap
Bawat kilos natatnaw
Pagmasday buo ang araw.

Nahuli man ako minsan
Ngunit ikay nilampasan
Pagkat di kayang aminin
Tinatago kong damdamin.

Patawad kung akoy duwag
Isang isdang di makakawag
Pipiliting mapanatag
itong pusong may bagabag.
ipagpapatuloy parin
mga masasayang Gawain
itong lihim na pagtingin
pangkong pagyayamanin


Throw back
Nagsimula sa pasakit na harutan
Ang pagiibigang di inaasahan
Habulan batuhan at sabunutan
Hngal at pawis ang kinalabasan

Pagdaan ng mga araw kapiling ka
Unti unting napaplapit ang puso sinta
Dahil sa senseridad ng pananalita
Pigilan may agad naniwala

Hanggang sa napiling magtanghal
Di ginusto ngunit napamahal
Galit at sampal ginabi sa pag uwi
Masaya naman pagkat nakapiling kang muli

Nangako sa isat isa
Na kami lang dalawa
Di maghihiwalay
Kapalit may buhay.

You might also like