You are on page 1of 1

Noli Me Tangere Kabanata 10

Ang San Diego.




Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang
baybayin ng isang lawa at May malalapad na bukirin at palayan.
Karamihan sa nakatira rito ay mga magsasaka. Dahil sa
kanilangkamangmangan, ang mga inaaning produkto agrikultura ay
naipagbibili nila ng murang-mura sa tsino.Mula sa pinakamataas na
bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuan ng
bayan. Samay itaas na bahagi, may kubo na sadyang itinayo.
Gayunman, mapapansin sa pagtanaw sa kabuuan nitoang isang tila
pulong gubat na nasa gitna mismo ng kabukiran.Kagaya pa ng ibang
bayan sa Pilipinas, ang San Diego ay mayroong itinatagong alamat.
May isa umanongmatandang kastila na dumating sa bayan. Ito ay
matatas magsalita ng tagalog at nanlalalim ang mga mata.Binili niya
ang buong gubat. Ang mga pinambayad niya ay mga damit, alahas at
salapi. Hindi nagtagal angmatanda ay nawala.Isang araw ang mga
nagpapastol ng kalabaw ay nakaamoy ng masangsang na amoy.
Hinanap nila angpinanggalingan ng amoy at nakita nila ang nabubulok
na bangkay ng matanda na nakabitin sa isang punong baliti.Dahil sa
pagkamatay ng matanda, lalo siyang kinatakutan sapagkat nung
nabubuhay pa siya, takot na takotsa kanya ang mga babae sa pagkat
bahaw ang tinig nito, paimpit kung tumawa at malalalim ang
mga mata.Sinunog ng ilan ang damit na galing sa matanda at ang
mga hiyas naman ay tinapon sa ilog.Hindi nagtagal, isang batang
mistisong kastila ang dumating at sinabing siya ang anak ng namatay.
Ito aymay pangalang Saturnino. Siya ay masipag at mapusok. Sininop
niya ang gubat. Sa kalaunan, nakapag-asawa siya ng isang babaeng
taga-Maynila at nagkaroon ng anak na tinawag niyang Rafael o Don
Rafael, nasiyang ama ni Crisostomo.Si Don Rafael ay hindi malupit
bagkus siya ay mabait. Ito ang dahilan kung bakit kinagiliwan siya ng
mgamagsasaka. Napaunlad niya ang lugar, mula sa pagiging nayon.
Ito ay naging bayan.Nagkaroon ng isang kura Indiyo. Pero, nang
namatay si Padre Damaso na ang pumalit at naging kurapareho ng
bayan.

You might also like