You are on page 1of 10

State of the Nation Address of His Excellency Benigno S.

Aquino III
President of the Philippines
To the Congress of the Philippines

[Delivered at the Session Hall of the House of Representatives, Batasang Pambansa Complex, Quezon
City, on July 28, 2014]

Bise Presidente Jejomar Binay; dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M.
Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de
Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga
kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng
lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong
hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal kong
kababayan:

Magandang hapon po sa inyong lahat.

Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon
sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-
tanaw:

Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay,
patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong Sick Man of
Asia. Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa
atin pong bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa
ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa ibang bansa.
Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at
lipunan.

Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isat isa,
humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga
sarili.

Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.

Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga
lumilitaw sa kasalukuyanobligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan
kong isaalang-alang ang interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood
ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang
nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at
kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismoat dapat sagutin mo ito, bago pa
iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon din ng
agam-agam.

Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa
dapat nitong tuonang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon. [Palakpakan]

Di po bat may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw.
Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ay ang
TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos.
Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66 percent po nitoo katumbas ng 146,731
graduatesang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin
ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang
pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin. [Palakpakan]

Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 pesos ang
naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang
18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000 pesos. Ibigay man ang maximum tax
deduction, ang magiging income tax niya kada taon: 7,900 pesos. Ibig-sabihin, ang pinuhunan ng
estadong 7,155 pesos, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis ng
ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng parehong
pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala [Palakpakan]: May tama pong intensyon, pamamaraan,
at resulta. Lahat panalo.

Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate:

Pag naabot mo na yong pangarap mosuccess, hindi naman stable yon e. You need to work hard for
it.

Ako po si Marc Joseph Escora. Ako po ay isang high school graduate. And through TESDAs help, I have
my career in the BPO [business process outsourcing] industry right now.

I stayed in Libertad public market for seven years. Nagba-barker po ako. Hindi kaya ng pamilya ko na
pag-aralin kami nang sabay, so I need to find another way para makapagtapos ako.

Most important thing na natutunan ko is yung confidence to interact with other people. Pag nakita ka
ng tao na may kapansanan ka, hindi na nila ni-look forward yung ability mo ba. Kailangan lang natin ng
tiwala sa sarili.

If TESDA is not there to help out, siguro wala rin ako ngayon kung nasaan man ako ngayon. Yung way
of living namin, masasabi kong mas okay siya compared noong dati.

- Marc Joseph Escora, TESDA beneficiary

Dahil sa TESDA, napabilis yung pag-aaral ko, paghahanap ko ng trabaho, at ang pagtulong ko sa
pamilya ko.

Ako po si Jonnalyn Navarossa, Technical Trainer ng Toyota Motor Philippines. Ako po yung naging
overall topnotcher ng batch 1 sa automotive servicing sa TESDA Region 4-A. Napili ko po yung
automotive servicing kasi po pangarap kong maging isang mechanical engineer. So para
makapagtrabahot magkapag-ipon, nag-TESDA po ako.

Nakasanayan na po natin na ang auto mechanic ay trabahong panlalaki lang. Pero napatunayan ko na
basta masipag at determinado, magkakaroon tayo ng dekalidad na produkto. Dahil sa TESDA, tumatak
po sa akin ang kahalagahan ng dekalidad at mahusay na pagtatrabaho. Mas tumaas yung tiwala ko sa
aking sarili, at mas masarap nang mangarap nang malaki.

- Jonnalyn Navarossa, TESDA beneficiary

[Palakpakan]

Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may
pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang umabot ng 18 taong gulang
ang benepisyaryo. May magtatanong, Bakit? Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for
Development Studies, 40 percent ang dagdag na sinasahod ng high school graduate, kumpara sa grade
school lang ang natapos.

Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng
datos ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang semester ng 2012,
bumaba patungong 24.9 percent sa kaparehong panahon noong 2013. Ang three percentage points
pong ito ay katumbas ng halos 2.5 milyon na Pilipinong nakaalpas na sa poverty line. [Palakpakan] Totoo
namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahihirap sa lipunan. Pero hindi tayo titigil
diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi na manumbalik sa ilalim ng
poverty line ang lahat ng nakaalpas na. [Palakpakan]

Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito,
halos wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon, sa
pakikiambag ng bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na natin ang mga kagamitan at materyales na
itotulad po ng budget na tanging nakatuon sa pangangailangan ng mamamayan, at apat na sunud-
sunod na taon na nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga batas na nagpapabilis ng
pagdating ng pakinabang sa atin pong mga Boss.

Dito posa isang patas na sistemanagsimula ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya.
Nakatipid tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang saklaw ng mga
serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis, maliban sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa
lipunan. [Palakpakan]

Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang mga proyektong ipinatupad,
ipinatutupad, at ipatutupad pa natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa koleksyong
1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas na natin ito sa 1.536 trillion noong 2013. [Palakpakan] Inayos
natin ang pamamahala ng ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt to GDP ratio; ang
perang dating dapat ibabayad sa interes, napupunta na sa social services. Pati ang mga obligasyong
karamihan ay minana lang, natugunan din natin. Halimbawa po nito: 1993 pa po o panahon pa ni
Pangulong Ramos nang itinakda ang obligasyong i-recapitalize ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa
halagang 50 bilyong piso para magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang napondohan ni Presidente
Ramos, 10 bilyong piso, at hindi na nadagdagan pagkatapos noon. 40 bilyon ang kakulangang iniwan sa
atin; nabayaran na po natin ito. [Palakpakan]

Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo ngayon, kayat hindi po natin maaatim na waldasin lang
ito. Kung pipili nga ng tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang ating mga
nagawa, dahil malaki na ang naibawas natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang pagmumulan.

Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade status
mula sa Moodys, sa Fitch, at Standard and Poorsang tatlong pinakatanyag na credit ratings agency sa
mundo. Sa pagsusuri nila ng ating macroenomic fundamentals at governance, nabawasan ang riskong
itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng mga namumuhunan. Hindi pa nga po nakuntento ang
Standard and Poors: Nitong Mayo lang, panibagong upgrade na naman ang ibinigay nila sa atin. Ang
hatid po nito: Dahil nga investment grade na tayo, mas murang mahihiram ng gobyerno ang pondo para
sa mga programa at proyekto, mas maraming naaakit na mamumuhunan sa ating bansa, at mas mabilis
na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo. [Palakpakan]

Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang pumasok sa Philippine Economic Zone Authority
simula nang itatag ito noong 1995, makikitang 42 porsyento ang pumasok sa apat na taon ng ating
panunungkulan. Ang natitirang 58 percent, inabot ng 15 taon ang ibang mga administrasyon para
bunuin. Kumpiyansa po tayo: bago tayo bumaba sa puwesto, papantayan o hihigitan pa natin ang
halagang ito. Kay Director General Lilia de Lima: Salamat sa nagawa mo na, at gagawin pa, sa pagkamit
ng tagumpay na ito. [Palakpakan]

Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa, at inaabot na natin ang mas matatayog pang
mithiin. Minana natin ang tila grounded na aviation industry: napatawan tayo ng significant safety
concerns ng International Civil Aviation Organization, o ICAO, nabigyan ng downgrade ng United States
Federal Aviation Administration, at nilagyan ng restriction ng European Union ang ating mga local
carriers.

Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant safety concerns sa Pilipinas. Sa parehong taon,
sinundan ito ng pagpayag ng European Union na muling lumipad ang Philippine Airlines patungong
Europa, kaya direkta nang makakabiyahe ang Pilipino [Palakpakan] mula Maynila po hanggang London.
Malamang nga po, pasunod na ang Cebu Pacific dahil nabigyan na rin sila ng pahintulot ng EU ngayong
2014. Ngayong taon din, in-upgrade ng United States Federal Aviation Administration ang Pilipinas balik
sa Category 1. Dahil dito, maaari nang dumagdag ang mga ruta papunta sa Estados Unidos. Sa larangan
ng turismo at pangangalakal, malaki ang itinulong ng pagdami ng flights ng ating airlines tungo sa mga
bansa kasapi ng EU at Estados Unidos .

Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong bumisitang negosyante at turista sa ating bansa,
dumarating ang mga panahong kulang na ang mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga po ang
mga upgrade: Dadami ang biyahe, kayat matutugunan ang suliraning ito. At sa patuloy na
pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga local carrier, pihadong mas marami pa tayong maaakit na turista
at negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga umaasa sa sektor ng turismo, panalo ang
sambayanang Pilipino. Mabuting pamamahala po ang ugat ng mga tagumpay na ito. Nagpapasalamat
nga tayo kina Director General William Hotchkiss, sa CAAP, at sa ating mga local carriers para sa inyong
pagsusumikap. [Palakpakan]

Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang Pilipinas. Nito lang pong nakaraang Mayo,
nagpakitang-gilas tayo sa tagumpay ng pagdaraos ng World Economic Forum on East Asia sa ating bansa.
Ihahayag natin sa gaganaping APEC Summit dito sa susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at
ang pagkakataong hatid nito para sa lahat. Wala pong duda: More open for business na nga po ang
Pilipinas. [Palakpakan]

Bukod po sa maaliwalas na pagnenegosyo, isinusulong din natin ang maayos na relasyon ng ating mga
manggagawa at mga kompanya.

Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa sa sampu ang bilang ng mga strike kada taon ayon sa
National Conciliation and Mediation Board. Isa po itong positibong bunga ng itinataguyod nating Single
Entry Approach, o SEnA, ng DOLE, kung saan dumadaan sa 30-day conciliation-mediation ang mga
nakahaing labor cases. Ang maganda nga po: sa 115 notices of strike and lockout noong 2013, isa lang
ang natuloy na welga. Ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE. Maraming salamat po kay
Secretary Linda Baldoz, sa pamilya ng DOLE [palakpakan] at siyempre po sa labor at management
sectors. Minsan po ay nagkabiruan kami ni Secretary Baldoz, noong 2012 ho yatay may dalawang strike,
noong 2013, isa na lang, so nangangalahati nang nangangalahati. Sabi ko: Linda, sa 2014, hindi
tagumpay yung may kalahating strike. Baka puwede, wala nang strike? [Tawanan at palakpakan]

Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at pagbukas ng pagkakataon, kailangan ng
imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante, magpapabilis sa daloy ng produkto at serbisyo, at
sisigurong kaya nating makipagsabayan sa iba pang merkado sa daigdig.

Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang budget para sa imprastruktura, mula 200.3
billion pesos noong 2011, naging 404.3 billion pesos ngayong 2014. [Palakpakan] Paalala ko lang po:
Hindi tayo nagdagdag ng buwis maliban sa Sin Tax Reform na nakatugon sa kalusugan, habang napanatili
din ang ating allowable deficit, at patuloy na bumababa ang ating debt-to-GDP ratio. Malaki po ang
epekto nito, dahil hindi lang lumaki ang pondo: binawasan pa natin ang mga tagas sa sistema, kaya
natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.

Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang tongpats, bawal ang bukol. Tinapalan na
ang mga butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso sa ahensya. Isang simpleng halimbawa po nito
ang pagtatanggal ng Letter of Intent sa bidding process. Noon po kasi, ginagamit ito bilang kasangkapan
sa kuntsabahankapag nalaman kung sino-sino ang bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang
sabwatan. Isa pa po: Ang mga dokumentong hinihiling mula sa bidders: lima na lang, mula sa dating 20.
Mas mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong manghingi ng pampadulas o suhol. Ang
resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at napapaaga ang pagpapatupad ng mga susunod
na proyekto. [Palakpakan] Kaya naman kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH: muli, maraming
salamat po sa inyong lahat. [Palakpakan]

Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napapaayos, napalawak, o naipagawa
nilang kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro. [Palakpakan] Nung nakita ko po
itong numerong to, napag-isip rin ako: Paano ko ba maipapaliwanag yung labindalawang libo? Sabi po
sa atin: katumbas ito ng apat na kalsadang nag-uugnay sa Laoag hanggang Zamboanga City. National
roads lang po ito; wala pa rito ang mga local farm-to-market roads o tourism roads. [Palakpakan]

Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo,
nakapag-award at nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong pamahalaan; ang halaga nito:
tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na taon natin sa tuwid na daan, nalampasan na natin ang
pinagsamang anim lamang na aprubadong solicited PPP projects mula sa nakaraang tatlong
administrasyon. [Palakpakan]

Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga ni Secretary Cesar Purisima: Dati, hindi
makaakit ang Pilipinas ng mga mamumuhunan. Noon, gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng kaliwat
kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng commercial development rights, subsidy, at iba pang garantiya.
Ngayon, baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang kompetisyon ng mga nag-uunahang kompanya; handa
silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo ang imprastrukturang kailangan natin. Halimbawa
po: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal Building, may premium ang gobyerno na
umaabot sa mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project Phase 2, nakakuha ang gobyerno ng
prima na 11 bilyong piso. Muli: Mabuting pamamahala ang ugat ng lahat ng ito. [Palakpakan]

Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito, maginhawa na ang biyaheng Tarlac hanggang
Rosales sa Pangasinan. Ayon po sa kanila, ang bahagi hanggang Urdaneta, makukumpleto na bago
matapos ang 2014. Sa susunod na taon, aabot na raw ang daang ito hanggang sa dulo sa Rosario, La
Union. [Palakpakan]

Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin na rin pong isinasakongkreto. Ang
Aluling Bridge, na 1978 pa po binuo ang konsepto, bukas na sa publiko. Ang Metro Manila Skyway Stage
3, na bahagi ng Metro Manila Expressway na proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na natin
noong Enero. Sa mga dumadaan ng Osmea Highway, nakikita naman po ninyo kung gaano kabilis itayo
ang mga haligi para dito. Ang Ternate-Nasugbu Road, na noon pang 1994 sinimulang ilatag ang plano
100 percent complete na rin ngayon. [Palakpakan] Ang Basilan Circumferential Road, na year 2000 pang
under construction, malapit na rin pong matapos. Hindi ko na ho sasabihin yung eksaktong petsa baka
mausog pa. Pero pag hindi ho natupad, yung ipinangako sa atin ni Governor Hataman, sasamahan ko
siya araw-araw hanggang matapos ito.

Ilan lang po ito sa mga imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang problema; sa halip,
ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating mga Boss.

Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga
problemang paparating pa lang. Halimbawa: sa tubig. Alam nating habang lumalago ang populasyon at
umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig ang kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po
sa pag-aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila pagdating ng 2021. Hindi na
po natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-aralan ng mga dalubhasa,
inaprubahan na po natinang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at ang pag-aayos ng mga linya ng Angat
Dam. Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga aquifer sa ilalim ng lupa, na mas
madaling pasukan o magbibigay-daan para pasukin ng tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer lang tayo
nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng lupana siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.

Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-bayan ang suporta natin sa mga
tagalalawigan. Aprubado na rin ang Water District Development Sector Project, sa ilalim ng LWUA o
Local Water Utilities Administration. [Palakpakan]

Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP projectang Laguna Lakeshore Expressway
Dikebubuksan na rin ang bidding bago matapos ang 2014. [Palakpakan] Napakaraming benepisyong
maidudulot nito. Una, mababawasan ang pagbaha. Ngayon po, pag pumalo ng 12.5 meters ang taas ng
tubig sa lawa, tiyak, babahain na ang mga komunidad sa paligid nito. Ang solusyon: dikeng may taas na
higit sa 15 metro. Ikalawa pong pakinabang: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ang ikatlo po: Bawas
trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng expressway, na babagtas sa Los Baos hanggang Taguig. Pag
natapos ang C-6 road na kokonekta sa San Jose del Monte, may isa na naman tayong paraan upang
makatawid ng Kamaynilaan nang hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. [Palakpakan] Sa
pakikituwang ngpribadong sektor, ang obligasyon natin dito ay right of way lang; porsyento ng lupang
mare-reclaim ang ipapambayad sa mananalong bidder. Dahil dito, makukuha natin ang ating mga
pangangailangan, habang mababawasan din ang ating gastusin.

Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong nakapila na para magdala ng benepisyo sa ating mga
Boss. Marami pang iba: Aprubado na rin ng NEDA Board ang Laoag City Bypass Link Road Project; ang
Cebu Bus Rapid Transit Project; at ang LRT Line 1 South Extension and Line 2 East Extension. Sa mga
taga-Palawan naman: Maliban sa mga proyekto sa Puerto Princesa Airport, abangan na rin ninyo ang
Busuanga Airport. Naka-go signal na rin po ang pagpapatayo ng phase one ng modernong Clark Green
City sa Capas, Tarlac, pihado pong magsisilbing sentro ng komersyo at industriya, hindi lang sa Gitnang
Luzon, kundi sa kalakhang bansa. [Palakpakan] Sa dulo po, ang ambisyon natin sa Clark Green City
maging di-hamak itong mas malawak na Bonifacio Global City. Ang dating liblib, magiging hitik sa
oportunidad.

Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado, ng mundo, at ng taumbayan sa ating
gobyerno. Nagbubunsod ito ng isang siklo: Dahil nakikita ang resulta ng agenda ng reporma,
nakikiambag ang bawat isa sa ating mga Boss. Talagang hindi nag-iisa ang gobyerno sa pagsusulong ng
malawakan at makabuluhang reporma. Totoo nga po: Kayo ang aming lakas. [Palakpakan]

Kaya nga po, mga Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa, na lalong naging mahalaga sa mga
panahong sinalubong tayo ng sunud-sunod na trahedya.

Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang elemento ang Zamboanga: Ginawang human shield
ang mga kababayan nating namumuhay nang mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga tahanan.
Nasubukan ang galing ng ating unipormadong hanay. Pinakamasalimuot sa larangan ng bakbakan ang
tinatawag na urban combatngunit 195 ang nailigtas natin, sa 197 kataong naipit sa putukan. Saludo
tayo sa ating mga kapatid sa unipormadong hanay: Nagtagumpay ang sambayanan dahil sa inyong
sakripisyo. [Palakpakan]

Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira sa
Zamboanga. Pangunahin sa mga pangangailangan: mabigyan ng tahanan ang mga kababayan nating
nasunugan. Ito po mismo ang isinasagawa natin sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and
Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto, magsisimula nang lumipat ang mga apektadong pamilya sa
mga permanenteng bahay sa Martha Drive Subdivision. Kabuuang 7,176 na kabahayan sa ibat ibang
lugar ang target nating makumpleto sa Hunyo ng susunod na taon. Humihingi po kami ng pang-unawa.
Maraming problemang kinailangan munang lutasin ukol sa pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din
nating ang mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa pangangailangan ng kanilang relihiyon at kultura,
kayat hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661 pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni
ng sariling tahanan, 30,000 pisong halaga ng Home Materials Assistance ang ipinapamahagi na.

3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng mga lote,
pagpapatayo ng mga permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa Zamboanga. 2.57 billion pesos dito,
nai-release na sa NHA at DPWH.

Ilang linggo naman po matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig ng lindol ang Central Visayas;
pinakamalaki ang pinsala sa Bohol. Dito natin nakita ang maaaring maabot ng sambayanang nagkakaisa
sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo matapos ang lindol, may kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng
munisipalidad sa Bohol. [Palakpakan]

Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang nasira ng lindol, nadadaanan na. May
kabuuang 3.583 billion pesos nang nai-release para sa rehabilitasyon ng Bohol at Cebu. [Palakpakan]
Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na ipinagkaloob ng DILG sa lokal na gobyerno, para sa
pagpapagawa ng mga palengke, civic center, tulay, water systems, munisipyo at ibang pang istrukturang
pampamahalaan.

Bago naman po matapos ang 2013, dumating naman si Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa
kasaysayan. 1.47milyongpamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa ating 81 probinsya ang tinamaan.
Sa Eastern Visayas, kung saan pinakamalakas ang pinsalang nadulot, napakaraming kinailangan ng
agarang lingap.

Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil sila mismo ang tinamaan.Natangay po
pati ang ating prepositioned relief goods, kayat talagang kinailangang manggaling sa ibang lugar ang
tulong. Lalo pang naging mabigat ang pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura: Walang
kuryente, hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat ng truck at heavy equipment na kailangan ng ating
first responders ay nasira sa pinakaapektadong lugar. Wala ring gasolina, at walang komunikasyon.

Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot ang tulong sa mga apektadong pamilya,
kalingahin ang mga naulilat sugatan, siguruhing walang mangyayaring outbreak ng sakit, at marami
pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po sa pagkain. Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang
intindihin: kailangan din ng mga repacking center, ng maraming truck, pati na ng mga barkong
magtatawid ng ayuda sa mga apektadong probinsya. Pagdating doon ng relief goods, kailangang malinis
na ang kalsadang dadaanan, at mapagasolinahan ang mga truck nang makabalik sila sa pinanggalingan,
upang muling makapagkarga ng ating mga food pack.

Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong gobyerno. Nagmadali tayong linisin unang-una
ang airport, kaya sa loob ng 24 oras matapos ang bagyo, nakapasok na ang tatlo nating C130 na may
dalang ayuda. Sa mismong araw ding iyon, nakapagtayo tayo ng communications hub para maging mas
mabilis ang daloy ng impormasyon. Sa ikalawang araw, dumating na ang Rapid Health Assessment teams
ng DOH; ang dagdag na sundalo, pulis, at BFP personnel mula sa ibang probinsya; pati na mga kawani ng
DSWD na nanguna sa relief operations sa distribution centers man sa Eastern Visayas, o sa maraming
repacking centers na agad na nagbukas sa buong bansa.

Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte water district; sa ikatlong araw naman, bumukas
ang unang gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing mga kalsada. Pagsapit ng ika-22 ng Nobyembre
o dalawang linggo matapos ang bagyo, naipamahagi na ang ikaisang milyong food pack sa mga
nasalanta; at na-clear na ang 35,162 cubic meters ng debris; at nalinis at nadadaanan na muli ang 3,426
kilometers ng National Roadskasalukuyan naman po nating kinukumpuni ang 108.8 kilometrong
napinsalang daanan, tulay, approaches, at landslide-prone areas. Pagsapit nga po ng Pasko noong
lumipas 2013, may kuryente na sa lahat ng munisipalidad na tinamaan ng sakuna. [Palakpakan]

Kumbaga nga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang
agad na mai-stabilize ang pasyente. Nagpapasalamat tayo sa mga kasapi sa ating Gabinete, na talaga
naman pong nanguna sa pagresponde sa mga apektadong komunidad. Sina Sec. Cesar Purisima at Sec.
Joel Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at nag-organisa sa mga repacking center, nagmistulan
po silang dalawang warehouse operator. [Palakpakan] Si Sec. Greg Domingo ng DTI, naging head
purchasing agent ng bansa, habang si Sec. Linda Baldoz naman ng DOLE ay minabuting maging call
center operator para sa lahat ng gusto o nag-aalok ng tulong. [Palakpakan] Salamat din kina Sec. Jun
Abaya ng DOTC, na naging dispatcher ng ating transportasyon; kay Sec. Dinky Soliman na talagang
pinatunayan ang pagiging punong relief worker ng bansa; at kina Sec. Mar Roxas ng DILG at Sec. Volts
Gazmin ng DND, na nagbigay ng marching orders sa ating unipormadong hanay mula sa frontline ng
sakuna. [Palakpakan] Muli po, salamat sa ating Gabinete.

To our friends and neighbors around the world: Your outpouring of solidarity will never be forgotten by
a grateful Filipino people. Again, on their behalf, we thank you. [Palakpakan]

Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng ating makakaya, na siyang ipinapamalas ng
ating OFWs, peacekeepers, at iba pang Pilipino sa labas ng bansa, nang tayo naman ang nangailangan,
nakita ng mundong karapat-dapat din tayong tulungan. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-
alay ng dalangin at suporta, dito man o sa ibang panig ng mundo. [Palakpakan]

Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood interventions, upang maging mas
mabilis ang pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan. Ngayong Hulyo nga po, 221,897 trabaho na
ang nalikha matapos tayong magkaloob ng bangka, kagamitan sa pangingisda at pagtatanim, mga binhi,
at livestock. Kasama na rin po dito ang mga sinuwelduhan nating naging kabahagi ng cash for work
program.

Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang dala ni Yolanda. Pero ayon nga po sa
international standards, kapag nangyari ang ganitong klaseng sakuna, isang taon ang inaabot bago
matapos ang relief at mag-umpisa ang rehabilitasyon ng isang bansa. Pero sa loob lang ng walong
buwan, idineklara ng United Nations mismo na nasa yugto na tayo ng rehabilitation. Si Ginoong Yuri
Afanasiev ng United Nations Development Programme na nga po ang nagsabi: We have never seen a
recovery happen so quickly. And many of us have been in many different disasters. [Palakpakan]

Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa mabibigat na sakuna. Sa Haiti,
dalawang taon ang nakalipas mula ng lindol, marami pa rin ang nasa evacuation centers. Ang mga
kapatid natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa
Amerika nga po, sinasabing walong taon ang inabot para makabalik sa dati matapos humagupit si
Hurricane Katrina.

Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga
kababayan natin ang kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga
hinagupit ni Yolanda.

Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan na rin natin, ang LGU Rehabilitation and
Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Tacloban City. [Palakpakan] Pumasa
po ito sa masusing pagsusuri ng mga cluster ng Gabinete; laman nito ang mga pangangailangan ng ating
mga kababayan, ayon na rin sa isinasagawang malawakang post-disaster needs assessment. Nabuo po
ang planong ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping Lacson, na inatasan nga nating tumutok sa
mga hamong iniwan ni Yolanda. [Palakpakan] Umaasa po ako sa pakikiisa ng Kongreso, dahil malaking
halaga ang kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang ating mga kababayan.

Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng ating
mga hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas natin ang mga LGU na siyang mga frontliner
tuwing bagyo at ibang sakuna, gamit ang moderno at malawakang forecasting system.

Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa, napapadali ang pagtukoy kung saan ang
mga lugar na pinaka-babahain. Nakamapa na po ang 19 sa target nating 20 river systems para matukoy
kung ano ang mga lugar na agad naapektuhan tuwing bumubuhos ang ulan.

Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan tatama ang epekto ng bagyo, ngayon po,
napapaaga ang paghahanda at pagbibigay-babala ng ating mga LGUs. Maaga na ring naililikas ang
kanilang mamamayan. Kung ang maayos na forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga
naman pong maraming buhay ang maililigtas. Sa Albay na hinagupit kamakailan lang ng bagyong Glenda,
walang naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting pamamahala ni Governor Joey Salceda.
[Palakpakan] At kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya ngang parang natawag na nga pong
highway ng mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na kaya ng iba pang hindi highway ng bagyo?

Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga hamon sa bansa, at alam din nating
mahal ang kailangan nating mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy ang
modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang brand new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong
AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-unahang landing craft utility ship na ginawa dito mismo
sa ating bansa, ang BRP Tagbanua. Dumating na rin po ang apat na refurbished UH-1 helicopters at 2
navy cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan na rin natin ang state-of-the-art Command
Center ng Naval Forces West sa Palawan.

Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in fighter trainer jets na binili natin.
[Palakpakan] Ang natitira naman po, inaasahan nating

You might also like