Tula hango sa mga ideya ng mga tulang isinulat ni Jose Rizal Pagdadalamhati Pag ibig ko sayo inang bayan ay sing lalim ng karagatan Aking iniaalay sayo puso kot kaluluwa Gagawin ang lahat maipagtanggol ka lamang Di patitinag maging sa mga mananakop man Aking ikinalulugod na ikaw ay tawaging aking Ina Datapwat niyurakan ay nananatiling matatag Akoy labis na nasaktan, pusoy nahati sa dalawa ngunit Laban natiy patuloy pagkat ang lahat ay nagsisimula pa lamang At gamit ang lakas ng nag-aalab nating mga damdamin ay Maghihimagsik tayo tungo sa kalayaan Habang payapa at nahihimbing ang kanilang mga armas Ay siyang ating pagsalakay, at pagbawi sa mga yamang sa iyoy kinuha Tutupdin ko ang aking tungkulin sayo pagkat Ikaw lamang Inang bayan ang nag iisang inang aking tunay na mahal
Traditional - Acrostic
Ma. Ericka O. Faren PI 100 - MHC Block 19 BS Physical Therapy Prof. Mangubat
Naglahong parang bula
Ni minsan hindi sumagi sa aking hinagap Na isang tulad mo ay masisilayan Isang nilalang na walang kasing ganda Isang anghel na bumaba sa lupa
Ni minsan hindi ko naisip Na ikaw ay pwedeng mapasaakin Masilayan ka lamang ay sapat na Mahagkan at makasama ka pa kaya? Itoy ikamamatay ko na
Kay tagal ako ay naghintay Pilit na pinanatag ang sarili sa pasulyap sulyap na lamang Ngunit damdamin ko ay di mapigilan Parang apoy na nagsusumiklab
Kung kaya naman walang mapagsidlan ang tuwang aking nadama Nang iyong tinuran inaasam asam kong mga salita Ikaw na aking pinangarap ay umibig sa isang tulad ko Labis akong nagalak, puso koy nagtatalon sa tuwa
Ngunit ang bawat saya ay may kapalit na dusa Pagkat an gating mundong ginagalawan ay pinagdamutan tayo ng pang unawa Pag ibig nating dalaway hinusgahan, tinutulan Pilit na sinira ng mga taong walang magawa
O aking irog hinarap nating lahat Hinamak sila para sa ating pagmamahalan Nanatiling matatag an gating paninindigan Pag ibig natiy pilit na pinatunayan
Ngunit bakit yata tulad ng paglipas ng panahon ikaw rin ay nagbago Ang dating init ng pagmamahalan natiy unti unting naglaho O bakit aking irog akoy iyong ginanito? Ikaw na siyang nagpatibok ng puso ko ang siyang naging sanhi ng paghinto nito
O anong kalapastanganan sa akin ay nagawa Labis labis na kalungkutan ang aking nadama Pag ibig mo pala ay isang bula Kay gandang pagmasdan bihagin moy maglalaho lamang