You are on page 1of 3

Kabanata 17

Sa kabantang ito, pag katapos hindi maasikaso ni Alma si Victor, patakbo itong umakyat ni tila
hindi pinansin ang mga taong nagsasayawan sa kanilang sala. Humiga nalang ito sa kanyang kama at
nagsulat nalang sa kanyang talaarawan ng kanyang sariling katuwaan at hinanakit. Pumasok si Minnie sa
kwarto upang sabihin na naka alis na si Victor. Muling bumaba si Alma upang bumati sa mga bisita
ngunit ang mga ngiti sa kanyang mukha ay tili pilit at pabalat bunga na lamang. Iniiwasang makipag usap
ni Alma sa kanyang magulang nang gabing iyon. Makalipas ng ilang araw, nagkita sila ni Victor sa kantina
ng kanilang eskwelahan at inasikaso ang kanilang pagtatapos. Napag usapan nila ang mga taong
nagmamartsa ng dahil lamang sa diploma na ayaw na ayaw na pag-usapan ni Victor. Tinanong ni si
Victor kung sasama ito sa martsa ngunit sabi ni Victor na mas magandang magmartsa sa altar.
Napatingin si Alma pagkarinig dito at biglang kinabahan.
Kabanata 18
Sa kabanatang ito, Biniro ni Victor si Alma kung martsa lang sa graduation ay martsa na lang sa
altar. Dahil dito, nakurot tuloy ni Alma si Victor. Hinatid muna ni Victor si Alma sa pinaghihintayan
nitong sakayan at masayang naghiwalay ang dalawa. Napapunta na si Victor sa looban, binati siya ni
Tonying dahil nabalitaan nito ang kanyang malapit nang pagtatapos. Hinintay ni Lucas si Victor para
ibigay ang ipinatahing toga at cap para sa kanya. Umakyat siya sa bahay at sinukat ito. Masaya siya dahil
makakadalo na siya sa baccalaureate upang makinig sa mga huling tagubilin ng kanilang mga punong
guro. Iniharap ni Victor ang kanyang ina sa salamin at bigla ding sumingit si Lucas at tila na pa iyak sila sa
sobrang kagalakan. Lumabas muna sandali si Victor sa likod bahay at biglang nagsipasok noon sina
Paeng Gasti, Tatong, Bamban, at Pilo patungo sa entreswelo.
Kabanta 19
Nagtatawanan sa bahay ni Aling Inggay sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, Victor, Pilo at Lukas ng
inabot kay Victor ang isang kahong karton na nakabalot nang maganda at may laso pa. Pagbukas ay
barong tagalog ang laman ng kahon na para sa graduation ni Victor. Naglabas din ng alak si Pilo at silay
nagsalu-salo habang pinaguusapan ang graduation ni Victor. Pag-alis ng mga bisita ay naiwang
nakatingala si Victor sa langit. May katapat na langit ang lahat, ang Tundo man, may langit din sabi
nito sa sarili. Kasabay ng pagtatanto niya sa kalangitan ay ang pag iisip din ni Alma at Flor na nakatingala
din dito.
Kabanata 20
Sa kabantang ito nagpunta si Victor sa opisina upang magpaalam sa kanyang hepe na si Mister
Del Pilar na kalahating araw lamang siyang papasok upang makadalo siya sa kanyang baccalaureate.
Kumalat ito sa loob ng opisina at dahil dito maraming nagsibati sa kanya, nagpainom din si Mister Del
Pilar para kay Victor. Bumili muna siya ng isang bagong antolohiya o mga tulang kinatha sa ibat-ibang
panahon at ibat ibang sulok ng daigdig para ibigay kay Alma. Dumalo si Victor at pagkatapos nito ay
nagkita sila ni Alma at biglang nagkwentuhan. Nagbigayan sila ng regalo. Nagdesisyon na din si Victor na
dadalo na siya sa graduation dahil hindi niya kayang ipagkait ito sa kanyang ina na ang kasiyahan ay ang
pagtanggap nito ng muting papel sa taas ng entablado. Sa kabilang dako, iniisip na din ni Alma kung
paano magtatapat sa kanyang ama.
Kabanata 21
Sa kabanatang ito sinabi ni Alma na mapalad daw si Victor na dadalo ang ina at ang mahal
niyang kaibigan sa kanyang graduation. Magtatapat na sana ng lihim si Alma na tungkol sa kanyang
panaginip na bumabagabag sa kanya ngunit dumating si Minnie. Oras na nang graduation, ang araw na
hinihintay ng mga magsisipagtapos, oras na lamang ang hinihintay sa pag-abot ng diploma. Inihatid ni
Lukas sina Victor gamit ang sasakyang nahiram nila. May surpresa sina Tatong Bamban at Lukas para kay
Victor. Pumasok na si Victor ngunit na alala parin niya ang surpresa na tinutukoy ng kanyang mga
kaibigan.
Kabanata 22
Sa kabanatang ito nagsimula na ang seremonyas. Sunod-sunod ang pagtawag sa pangalan ng
mga ga-graduate. Sa pagtawag ng pangalan ni Alma at ng pangalan niya ay mayroong nabubuklod na
palakpakan na nanggagaling kina Tatong Bamban at Lukas. Kitang kita ni Victor ang masayang ngiti mula
sa mukha ng kanyang ina. Naalala niya ang pagtitiwalang ang Tundo man ay may langit din at ang langit
na iyon ay dapat niyang hanapin at pagsumikapang abutin. Ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili
kundi para sa lahat. Ipinaalala ng panauhing pandangal, Tundo: ang pook na kinakitaan ng liwanag ng
dakilang anak-pawis na si Bonifacio, pook na pinagtatatagan ni Rizal ng La Liga Filipina. Matapos ang
graduation ay nagsayang magkakasama ang mga dumalo dito. Buong uso ibinigay ni Victor sa kanyang
ina ang diploma. Biglang napansin ni Victor na may kakaiba sa mga kasamahan niya, yun pala ay si Flor
ang tinutukoy na surpresa ni Lukas.
Kabanata 23
Sa kabanatang ito, nagulat si Victor nang makita si Flor. Natuwa siya nang makita niya ito.
Pinasiya ni Flor ang tawa ni Victor. Nalala niyang dapat ay magkikita na sila ni Alma sa lobby, ang dating
tagpuan nilang dalawa. Nagpaalam na ang mga kaibigan at kasama ni Victor. Pinuntahan nila si Alma
matapos ang batian. Sa lobby, si Alma ay naghahanap na din kay Victor, madaming tao sa lugar na iyon.
Habang pinagmamasdan ni Alma ang mga pulutong ng pamilyang nagsasaya, siyay nangulila at naiinggit
dahil sa masasayang estudyanteng gumaraduate kasama ang kanikanilang mga pamilya. Nagkita sa
wakas si Victor at Alma. Ipinakilala ng bawat isa ang mga kasama ngunit kitang kita ang ilangan ng
pamilya at mga ni Victor kay Alma.
Kabanata 24
Sa kabanatang ito, nagyaya na sa kainan sina Victor at ang mga kasama. Nagmamadaling
paglayo sa mga kasama ni Alma ang grupo upang hindi na tumagal pa ang malamig na ilangan ng bawat
isa. Masaya ang salu-salo. Maraming pagkain. Maraming serbesa. Natuklasan ni Victor ang kaibahan ng
daigdig niya sa daigdig ni Alma. Ito ay mayaman sa mahirap. Nagbukas na ng mga regalo si Victor sa
kainan. Ang kay Flor ay relong may ukit ng pangalan ni Victor. Ang kay Alma naman ay fountain pens na
mayroong ukit ng Victor-Alma. Nakauwi na silang lahat ngunit nakaukit padin sa isipan ni Victor ang
ukit sa regaling ibinigay ni Alma. Ayaw niyang isipan ng kahit anong ibang kahulugan ang kanilang
magkadikit na pangalan. Sa pagsusulat ni Alma sa kanyang talaarawan, nagunita niyang ditto niya inamin
ang lihim na nais niyang sabihin kay Victor noon. Ang dating labandera nila ay pinagnasaan ng kanilang
sariling ama. Ang pangalan niya ay Dolores. Mahigit isang taon na nang umalis ang labandera. Binayaran
upang umalis, at huwag gumawa ng kahit anong isyu. Kailangan ni Alma si Victor upang tulungan siyang
hanapin ang labanderang ito. Si Dolores ay maid ni Flor sa kasalukuyan. Nagbalak magpatayo ng dress
shop sina Flor. Nagkausan ng masinsinan sina Flor at Victor. Nagpasalamat ang dalawa at sinabi ni Flor
kay Victor na halatang minamahal siya ni Alma.

You might also like