You are on page 1of 5

Cibu, Rainier

Holy Angel University


Rizal F-332 CBA HAU
Ang wika natin ay isang simbolo na napakahalaga sa atin upang magkaruon ng communication sa isa`t
isa bagama`t marami sa atin ay nakakalimutan nang bigyan halaga ito pero kung pagpapatuloy natin
bigyan halaga at mabigyan ng magandang impormasyon tungkol sa ating wika maraming mamamayang
pilipino ang magkakaisa kaya ang tema ngayung taon para sa Buwan ng Wika ay Wika ng Pagkakaisa
dahil gusto ipahatid ng tema sa atin na kahit anu mang problema or trahedyang dumaan sa ating bansa
at sa ating buhay, tayo ay magkaisa at tulong tulong para labanan mga pagsubok na nararanasan natin.

Kung hindi dahil sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041 na nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos
noong Hulyo 1997 hindi natin mararanasan gaano kaganda ang wika natin, wika na daan patungo sa
pagkakaisa at pagkakasundo sa mga desisyon ng isa`t isa, desisyon na isa lamang ang hinahangad ang
makamit ang kapayapaan.

Reply
Rovelyn Mae E. Tesoro July 5, 2014 at 1:40 am
Tesoro, Rovelyn Mae E.
Holy Angel University
Rizal F332 CBA HAU

Napakaimportante ng wika sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nang dahil sa wika, naipapahayag
natin ang ating sarili. Nagkakaroon din tayo ng komunikasyon sa mga taong ating nakakasalamuha. At
higit sa lahat, ang wika ang siyang nag-uugnay sa bawat isa at nagdudulot ng pagkakaintindihan upang
magkaisa ang isang bansa. Sa darating na Agosto, marapat lamang na bigyan natin ng pansin ang
pagseselabra ng buwan ng wika na may temang Wika ng pagkakaisa. Sa pamamagitan ng selebrasyong
ito, maipapakita ang kahalagahan ng wika at mapapainam natin ang paggamit nito. Mas magiging
epektibo ang selebrasyong ito kung lahat ng mga paaralan ay makikiisa sa aktibidades na ito. Naway
maging daan ito upang mas lalong mabuhay ang ating pagiging Pilipino. Naway maisapuso ng bawat isa
ang tunay na kahalagahan ng buwan ng Agosto. Yun ay ang magamit natin ang ating sariling wika at
mahalin natin ang ating sariling bansa; sa isip, sa salita at sa gawa.

Reply
Yalung, Pamela Justine G. July 5, 2014 at 2:36 pm
Yalung, Pamela Justine G.
Holy Angel University
Rizal F332 CBA

Sabi nga ni Rizal na Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda kaya
nararapat lamang na bigyan natin ng pagpapahalaga ang wika na araw araw nating ginagamit. Tuwing
Agosto ang Buwan ng Wika. Importanteng ipagdiwang ito, lalo na sa mga eskwelahan dahil alam naman
natin na nakararami sa mga kabataang Pilipino ngayon ay ipinalaking Ingles na ang pangunahing wika.
Dapat lamang na malaman natin na ang Filipino ay ang wikang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa
ating mga Pilipino. Itoy nagiging instrumento upang makamit natin ang kapayapaan dahil dito tayo
nagkakaintindihan at nagkakaunawaan. Ang wikang Filipino ang nagsisilbing pagkakilalan ng mga Pilipino
sa mga dayuhan.

Reply
Sarmiento, Louise Angelica C. July 5, 2014 at 7:14 pm
Sarmiento, Louise Angelica C.
Holy Angel University
Rizal BM-334 CBA

Bilang pilipino, dapat parin nating mahalin at pahalagahan ang ating sairiling wika dahil ito ang ating
unang natutunang lenggwahe. At dahil dito, nagkakaroon tayo ng koneksyon at maayos na samahan sa
ating mga kapwa pilipino.

Reply
Matitu,Jhunell B. July 5, 2014 at 9:49 pm
Matitu, Jhunell B.
Holy Angel University
Rizal BM-334

bawat tao ay may kanya kanyang sariling wika. may ibat ibang lengwahe sa ibat ibang bansa na dapat
natin itong respetuhin. at eto ang gamit natin sa pakikipag kapwa tao upang tayoy mag kaintindihan. at
ang wika ang importante salahat kaya mahalin natin at ipag malaki kahit saan man lugar.

Reply
Tuazon, Aila P. July 6, 2014 at 1:52 am
Tuazon, Aila P.
Holy Angel University
RIZAL F332 CBA

Ating ginugunita at ipinagdiriwang ang buwan ng wika tuwing Agosto bilang pagbibigay ng kahalagahan
sa ating wika. Ito ang nagbibigay daan upang tayoy magkaintindihan, umunlad at magka-isa. Ngunit
hindi natin masisisi kung may mga ilan sa atin ay bihasa na sa paggamit ng wikang Ingles dahil
sinisimulan na itong ituro pagtungtong palang sa paaralan. Ngunit mali nga bang matutunan ang wikang
banyaga? Masasabi kong oo, sa paraang paglimot sa ating sariling wika. Hindi tayo matatawag na tunay
na isang Pilipino kung ikinahihiya natin ang ating sariling wika kaya nararapat lamang na ating gamitin,
respetuhin at pagyamanin ang ating wikang pambansa dahil ang ating sariling lenggwahe lamang ang
malinaw na batayan at sumisimbolo ng pagiging isang bansa natin.

Reply
Shiela Quizon July 6, 2014 at 5:27 pm
Napakagandang malaman na isinusulong pa rin ang Buwan ng Wika sa ating bansa. Naway hindi lamang
ito gawin para sa pagtalima sa Pampanguluhang Proklamasyon 1041, kundi gawin din sana ito ng mga
Pilipino dahil sa totoong kagustuhan nilang ipagmalaki at ipakita ang pagmamahal sa sariling wika.
Ngayon na isang malaking isyu ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino sa kurikulum sa kolehiyo,
maging daan sana ang Buwan ng Wika upang mabuksan ang isip ng mga tao sa kahalagahan ng wikang
Filipino, hindi lamang sa pang-araw-araw nating pamumuhay, kundi pati na rin sa akademiko.

Quizon, Shiela Mae A.
Holy Angel University
RIZAL F-332 CBA

Reply
Cuellar, Ma. Khrysselle M. July 6, 2014 at 6:26 pm
Bilang isang Pilipino, nararapat lang nating gunitahin o alalahanin ang kahalagahan ng wika.
Nakakalungkot man isipin na, yung mga ibang mga kapwa nating Pilipino ay mas ginugusto nilang salitain
ang ibang wika kesa sa ating sariling wika. Kaya napakagandang balita kung isusulong ng ating gobyerno
ang batas Pampanguluhang Proklamasyon 1041. Mas makikita natin ang tunay na kahalagahan nito. At
nang dahil sa batas na ito, gagamitin ang ating wika sa pagaabot ng pagkakaisa sa abawat isa sa atin. Sa
darating na Agosto, alam kong lahat ng PIlipino ay gunitahin at makiisa ang lahat.

Cuellar, Ma. Khrysselle M.
Holy Angel University
F-332/Rizal/CBA

Reply
Cuellar, Ma. Khrysselle M. July 6, 2014 at 6:29 pm
Bilang isang Pilipino, nararapat lang nating gunitahin o alalahanin ang kahalagahan ng wika.
Nakakalungkot man isipin na, yung mga ibang mga kapwa nating Pilipino ay mas ginugusto nilang salitain
ang ibang wika kesa sa ating sariling wika. Kaya napakagandang balita kung isusulong ng ating gobyerno
ang batas Pampanguluhang Proklamasyon 1041. Mas makikita natin ang tunay na kahalagahan nito. At
nang dahil sa batas na ito, gagamitin ang ating wika sa pagaabot ng pagkakaisa sa bawat isa sa atin. Sa
darating na Agosto, alam kong lahat ng PIlipino ay gugunitahin at makikiisa ang lahat.

Cuellar, Ma. Khrysselle M.
Holy Angel University
F-332/Rizal/CBA

Reply
Clint Aves July 22, 2014 at 7:24 pm
Paano lubos na matatamasa ang tamis ganda ng ating wika kung ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay
tatanggalin na.:(

Reply
Clint Aves July 22, 2014 at 7:25 pm
Paano lubos na matatamasa ang tamis ganda ng ating wika kung ang asignaturang Filipino sa kolehiyo ay
tatanggalin na.:( Aanhian pa ang kagandahan ng wika kung ang mismong kabababayan ang
nagsasawalang bahala.

Reply
ivymar manapsal July 23, 2014 at 11:14 pm
Ang wikang pilipino ang nagbibigay daan upang tayo any magkakaintindihan umunlad at magka-isa kaya
gamitin natin ito ng maayos at respetohin natin ito.sa pamamgitan nito ay Nagpaptunay na tayo ang
tunay na Pilipino.

Reply
Breaking News. July 29, 2014 at 2:21 am
Must Read
North Korea Threatens White House a Nuclear Strike

You might also like