You are on page 1of 22

8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S.

Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse


http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 1/22
Edition: Local |
About Us
Archive Sitemap
Contact Us
Like Us on Facebook
Follow Us on Twitter
Add Us on Google+
Monday 04 August, 2014
Breaking News >
News
Magnitude-6.1 earthquake hits southwest China...
Search News - Type Keyword & Hit Enter
Trending Topics:
Maki Pulido
- NAPOLCOM
- Top 100 Schools
- LET
- #NoToSofitel
- Class Suspension
Class suspensions for August 4, 2014, Monday
Child suffers hand burns due to misplaced cannula
'Re-elect PNoy Campaign' goes viral online
Magnitude-6.1 earthquake hits southwest China
Praybeyt Benjamin 2, entry to MMFF 2014, starts filming
Trending on Twitter
Youtube Popular
Viral on Facebook
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 2/22
Home
Announcement
News
Technology
Entertainment
Sports
Education
Exam Results
Weather Update
Published On: Mon, Jul 28th, 2014
News | By proffsg
Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino IIIs
SONA 2014
LIKE THIS ON FACEBOOK
Share This
Tags
President Aquino IIISONASONA 2014SpeechTranscript
A full transcript of President Benigno S. Aquino IIIs speech on State of the Nation Address (SONA 2014) on
Monday 28 July, highlighted major progress in infrastructure development and education.
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 3/22
President Benigno Noynoy Aquino III delivered hist fifth State of the Nation Address (SONA) at the Session Hall of
the House of Representatives in Batasan Pambansa Complex in Quezon City this afternoon, July 28.
(READ: Transcript in English of Pres. Benigno Aquino IIIs SONA 2014)
Full Transcript of SONA 2014
State of the Nation Address
Of
His Excellency Benigno S. Aquino III, President of the Philippines
to the Congress of the Philippines, Batasang Pambansa, Quezon City
JULY 28, 2014
Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M. Drilon at mga
miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice
Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng
kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis,
at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga
Boss, ang mga minamahal kong kababayan:
ANG HINDI TUMINGIN SA PINANGGALINGAN
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:
Noon, ang sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-patong ang
tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema. Naturingan tayong Sick Man of Asia. Ang ekonomiya, matamlay;
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 4/22
ang industriya, manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa bansa. Ang resulta: kakarampot ang trabahong nalilikha.
Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran
sa ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan at lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isat isa, humina ang
kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga sarili.
Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid na daan.
REINVESTING IN THE PEOPLE
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga lumilitaw sa
kasalukuyanobligasyon ko ring paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang
interes at punto-de-bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang
sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng
nilalaman ng bawat channel. Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestyon, at kritisismoat
dapatsagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao lang po ako, na kung minsan,
nagkakaroon dinng agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat nitong tuon
ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon.
Di po bat may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo siyang
mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili niya. Halimbawa nito ang TESDA. Sa Training-for-Work
Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng 1.6 billion pesos.Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo. 66
porsyento nitoo katumbas ng 146,731 graduatesang nagtatrabaho na ngayon. Iyon naman pong 34 percent na
natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar,
nakalista ang pangalan at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin.
Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 piso ang naipuhunan ng
pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada buwan. Kada
taon, kikita siya ng 234,000 piso. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang magiging income tax niya kada taon:
7,900 piso. Ibig sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 piso, sa unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at
ang lahat ng ibubuwis ng ating scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng
parehong pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala: May tamang intensyon, pamamaraan, at resulta. Lahat
panalo.
Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate:
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may pondong 12.3
billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado hanggang umabot ng 18 taong gulang ang benepisyaryo.Bakit? Batay
po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, 40 porsyento ang dagdag na sinasahod ng high
school graduate, kumpara sa grade school lang ang natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng datos ng NEDA.
Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba patungong 24.9
percent sa kaparehong panahon noong 2013. Ang 3 percentage points pong ito ay katumbas ng halos 2.5 milyong
Pilipinong naka-alpas na sa poverty line. Totoo namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahirap sa
lipunan. Pero hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi na manumbalik sa
ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas.
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 5/22
REGAINING TRUST THROUGH GOOD GOVERNANCE
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito, halos wala tayong
kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong mga nakaraang taon, sa pakikiambag ng bawat mapagkapwang
Pilipino, nabubuo na natin ang mga kagamitan at materyales na itotulad ng budget na tanging nakatuon sa
pangangailangan ng mamamayan, at apat na sunud-sunod na taon na nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang
mga batas na nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa ating mga Boss.
ECONOMIC ACHIEVEMENTS
Dito posa isang patas na sistemanagsimula ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya. Nakatipid tayo dahil sa
maayos na pangangasiwa ng pondo. Napapalawak natin ang saklaw ng mga serbisyo nang hindi nagtataas ng buwis,
maliban sa Sin Tax Reform na layuning ibsan ang bisyo sa lipunan.
Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang tustusan ang mga proyektong ipinatupad, ipinatutupad, at ipatutupad
pa natin. Pinaigting natin ang pangongolekta ng buwis: mula sa koleksyong 1.094 trillion pesos noong 2010, naitaas natin
ito sa 1.536 trillion noong 2013. Inayos natin ang pamamahala ng ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt
to GDP ratio; ang perang dating dapat ibabayad sa interes, napunta na sa social services. Pati ang mga obligasyong
karamihan ay minana lang, natugunan din natin. Halimbawa: 1993 o panahon pa ni Pangulong Ramosnang itinakda ang
obligasyong i-recapitalize ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso para magawa niya ang kanyang
tungkulin. Ang napondohan ng mga administrasyong nauna sa atin, 10 bilyong piso. 40 bilyon ang kakulangang iniwan sa
atin; nabayaran na po natin ito.
Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo ngayon, kayat hindi po natin maaatim na waldasin lang ito. Kung pipili
nga ng tamang pinuno ang ating mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang ating mga nagawa, dahil malaki na ang
naibawas natin sa problema, at mas matayog na ang kanilang pagmumulan.
Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade status mula sa
Moodys, Fitch, at Standard and Poorsang tatlong pinakatanyag na credit rating agency sa mundo. Sa pagsusuri nila
ng ating macroenomic fundamentals at governance, nabawasan ang riskong itinatala, kaya tumingkad ang kumpiyansa ng
mga namumuhunan. Hindi pa nga po nakuntento ang Standard and Poors: Nitong Mayo lang, panibagong upgrade na
naman ang ibinigay nila sa atin. Ang hatid po nito: Dahil nga investment grade na tayo, mas murang mahihiram ng
gobyerno ang pondo para sa mga programa at proyekto, mas maraming naaakit na mamuhunan sa ating bansa, at mas
mabilis na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo.
Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang pumasok sa Philippine Economic Zone Authority simula nang itatag
ito noong 1995, makikitang 42 porsyento ang pumasok sa 4 na taon ng ating panunungkulan. Ang natitirang 58
porsyento, inabot ng 15 taon ang ibang mga administrasyon para bunuin. Kumpiyansa po tayo: bago tayo bumaba sa
puwesto, papantayan o hihigitan pa natin ang halagang ito. Kay Director General Lilia de Lima: Salamat sa nagawa mo
na, at gagawin pa, sa pagkamit ng tagumpay na ito.
Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa, at inaabot na natin ang mas matatayog pang mithiin. Minana
natin ang tila grounded na aviation industry: napatawan tayo ng significant safety concerns ng International Civil Aviation
Organization o ICAO, nabigyan ng downgrade ng United States Federal Aviation Administration, at nilagyan ng
restriction ng European Union ang ating mga local carrier.
Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant safety concerns sa Pilipinas. Sa parehong taon, sinundan ito ng
pagpayag ng European Union na muling lumipad ang Philippine Airlines patungong Europa, kaya direkta nang
makakabiyahe ang Pilipino mula Maynila hanggang London. Malamang nga po, pasunod na ang Cebu Pacific dahil
nabigyan na rin sila ng pahintulot ng EU ngayong 2014. Ngayong taon din, inupgrade ng United States Federal Aviation
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 6/22
Administration ang Pilipinas sa Category 1. Dahil dito, maaari nang dumagdag ang mga ruta papunta sa Estados
Unidos.Sa larangan ng turismo at pangangalakal, malaki ang itinulong ng pagdami ng flight ng ating airlines tungo sa ibang
bansa.
Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong bumisitang negosyante at turista sa ating bansa, kulang na ang
mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga po ang mga upgrade: Dadami ang biyahe, kayat matutugunan ang
suliraning ito. At sa patuloy na pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga local carrier, pihadong mas marami pa tayong
maaakit na turista at negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga umaasa sa sektor ng turismo, panalo ang
sambayanang Pilipino. Mabuting pamamahala po ang ugat ng mga tagumpay na ito. Nagpapasalamat nga tayo kina
Director General William Hotchkiss, sa CAAP, at sa ating mga local carrier para sa inyong pagsisikap.
Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang Pilipinas. Nito lang pong nakaraang Mayo, nagpakitang-gilas tayo
sa tagumpay ng pagdaraos ng World Economic Forum on East Asia sa ating bansa. Ihahayag natin sa gaganaping
APEC Summit dito sa susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at ang pagkakataong hatid nito para sa lahat.
Walang duda: More open for business na nga po ang Pilipinas.
Bukod nga po sa maaliwals na pagnenegosyo, isinusulong din natin ang maayos na relasyon ng ating mga manggagawa
at mga kompanya.
Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa pa sa sampu kada taon ang bilang ng mga strike ayon sa National
Conciliation and Mediation Board. Isa po itong positibong bunga ng itinataguyod nating Single Entry Approach o SEnA
ng DOLE, kung saan dumadaan sa 30-day conciliation-mediation ang mga nakahaing labor cases. Ang maganda nga
po: sa 152 notices of strike and lockout noong 2013, isa lang ang natuloy na welga. Ito ang pinakamababa sa
kasaysayan ng DOLE.
INFRASTRUCTURE
Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at pagbukas ng pagkakataon, kailangan ng
imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante, magpapabilis sa daloy ng produkto at serbisyo, at sisigurong kaya
nating makipagsabayan sa iba pang merkado sa daigdig.
Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang budget para sa imprastruktura, mula 200.3 billion pesos
noong 2011, naging 404.3 billion pesos ngayong 2014. Paalala ko po: Hindi po tayo nagdagdag ng buwis maliban sa
Sin Tax Reform na nakatugon sa kalusugan, habang napanatili din ang ating allowable deficit, at patuloy na bumababa
ang ating debt to GDP ratio.Malaki po ang epekto nito, dahil hindi lang lumaki ang pondo: binawasan pa natin ang mga
tagas sa sistema, kaya natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.
Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang tongpats, bawal ang bukol. Tinapalan na ang mga
butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso sa ahensya. Isang simpleng halimbawa po nito ang pagtatanggal ng
Letter of Intent sa bidding process. Noon po kasi, ginagamit ito bilang kasangkapan sa kuntsabahankapag nalaman
kung sino-sino ang bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang sabwatan. Isa pa: Ang mga dokumentong hinihiling
mula sa bidders: 5 na lang, mula sa dating 20. Mas mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong manghingi ng
pampadulas osuhol. Ang resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at napaaga ang pagpapatupad ng mga
susunod na proyekto. Kaya naman kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH: maraming salamat sa inyo.
Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napaayos, napalawak, o naipagawa nilang kalsada
mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184 kilometro. Isipin ninyo: katumbas ito ng 4 na kalsadang nag-uugnay sa
Laoag hanggang Zamboanga City. National roads lang po ito; wala pa rito ang mga local farm-to-market roads o
tourism roads.
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 7/22
Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo, nakapag-award at
nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong pamahalaan; ang halaga nito: tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na
taon natin sa tuwid na daan, nalampasan na natin ang pinagsamang anim lamang na aprubadong solicited PPP projects
mula sa nakaraang tatlong administrasyon.
Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga ni Secretary Cesar Purisima, dati, hindi makaakit ang
Pilipinas ng mga investor. Noon, gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng kaliwat kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng
commercial development rights, subsidy, at iba pang garantiya. Ngayon, baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang
kompetisyon ng mga nag-uunahang kompanya; handa silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo ang
imprastrukturang kailangan natin. Halimbawa: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal Building, may
premium ang gobyerno na umabot sa mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project Phase 2, nakakuha ang
gobyerno ng premium na 11 bilyong piso. Muli: Mabuting pamamahala ang ugat ng lahat ng ito.
Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito, maginhawa na ang biyaheng Tarlac hanggang Rosales sa
Pangasinan. Ayon sa kanila, ang bahagi hanggang Urdaneta, makukumpleto na bago matapos ang 2014. Sa susunod na
taon, aabot na raw ang daang ito hanggang sa La Union.
Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin na rin pong isinasakongkreto. Ang Aluling Bridge, na
1978 pa binuo ang konsepto, bukas na sa publiko. Ang Metro Manila Skyway Stage 3, na bahagi ng Metro Manila
Expressway na proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na natin noong Enero. Sa mga dumadaan ng Osmea
Highway, nakikita naman po ninyo kung gaano kabilis itayo ang mga haligi para dito.Ang Ternate-Nasugbu Road, na
noon pang 1994 sinimulang ilatag ang plano100 percent complete na rin ngayon. Ang Basilan Circumferential Road,
na year 2000 pang under construction, malapit na ring matapos. Ilan lang po ito sa mga imprastrukturang wala tayong
planong ipamana bilang problema; sa halip, ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating mga Boss.
NEDA BOARD-APPROVED PROJECTS
Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga problemang paparating
pa lang. Halimbawa: sa tubig. Alam nating habang lumalago ang populasyon at umaangat ang ekonomiya, mas maraming
tubig ang kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po sa pag-aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng
tubig sa Metro Manila pagdating ng 2021. Hindi na po natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-
aralan ng mga dalubhasa, inaprubahan na po natinang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at ang pag-aayos ng mga linya
ng Angat Dam. Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga aquifer sa ilalim ng lupa, na mas
madaling pasukin ng tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer lang tayo nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng
lupana siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.
Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-bayan ang suporta natin sa mga taga-lalawigan.
Aprubado na rin ang Water District Development Sector Project, sa ilalim ng Local Water Utilities Administration.
Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP projectang Laguna Lakeshore Expressway Dikena
bubuksan na rin ang bidding bago matapos ang 2014. Napakaraming benepisyong maidudulot nito. Una, mababawasan
ang pagbaha. Ngayon po, pag pumalo ng 12.5 metro ang taas ng tubig sa lawa, tiyak, babahain na ang mga komunidad
sa paligid nito. Ang solusyon: dikeng may taas na higit sa 15 metro. Ikalawa: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ikatlo:
Bawas trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng expressway, na babagtas sa Los Baos hanggang Taguig. Pag
natapos ang C-6 road na kokonekta sa San Jose Del Monte, may isa na naman tayong paraan upang makatawid ng
Kamaynilaan nang hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. Sa pakikituwang ngpribadong sektor, ang obligasyon
natin dito ay right of way lang; porsyento ng lupang mare-reclaim ang ipapambayad sa mananalong bidder. Dahil
dito,makukuha natin ang ating mga pangangailangan, habang mababawasan din ang ating gastusin.
Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong nakapila na para magdala ng benepisyo sa ating mga Boss. Marami
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 8/22
pang iba: Aprubado na rin ng NEDA Board ang Laoag City Bypass Link Road Project; ang Cebu Bus Rapid Transit
Project; at ang LRT Line 1 South Extension and Line 2 East Extension. Sa mga taga-Palawan naman: Maliban sa mga
proyekto sa Puerto Princesa Airport, abangan na rin ninyo ang Busuanga Airport. Naka-go signal na rin po ang
pagpapatayo ng phase one ng modernong Clark Green City sa Capas, Tarlac, na pihadong magsisilbing sentro ng
komersyo at industriya, hindi lang sa Gitnang Luzon, kundi sa kalakhang bansa. Sa dulo po, ang ambisyon natin sa
Clark Green Citymaging di hamak itong mas malawak na Bonifacio Global City. Ang dating liblib, magiging hitik sa
oportunidad.
REGAINING THE TRUST OF OUR PEOPLE
Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng merkado, ng mundo, at ng taumbayan sa ating gobyerno.
Nagbubunsod ito ng isang siklo: Dahil nakikita ang resulta ng agenda ng reporma, nakikiambag ang bawat isa sa ating
mga Boss. Talagang hindi nag-iisa ang gobyerno sa pagsusulong ng malawakan at makabuluhang reporma. Totoo nga
po: Kayo ang aming lakas.
Kaya nga, Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa, na lalong naging mahalaga sa mga panahong sinalubong tayo ng
sunud-sunod na trahedya.
DISASTERS: ZAMBOANGA, BOHOL, YOLANDA, GLENDA
Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang elemento ang Zamboanga: Ginawang human shield ang mga
kababayan nating namumuhay nang mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga tahanan. Nasubukan ang galing ng ating
unipormadong hanay. Pinakamasalimuot sa larangan ng bakbakan ang urban combatngunit 195 ang nailigtas natin, sa
197 kataong naipit sa putukan. Saludo tayo sa ating mga kapatid sa unipormadong hanay: Nagtagumpay ang
sambayanan dahil sa inyong sakripisyo.
Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan ang rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira sa Zamboanga.
Pangunahin sa mga pangangailangan: mabigyan ng tahanan ang mga kababayan nating nasunugan. Ito po mismo ang
isinasagawa natin sa ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto,
magsisimula nang lumipat ang mga apektadong pamilya sa mga permanenteng bahay sa Martha Drive Subdivision.
Kabuuang 7,176 na kabahayan sa ibat ibang lugar ang target nating makumpleto sa Hunyo ng susunod na taon.
Humihingi po kami ng pang-unawa. Maraming problemang kinailangan munang lutasin ukol sa pagkuha ng lupang
lilipatan. Tinitiyak din nating ang mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa pangangailangan ng kanilang relihiyon at kultura,
kayat hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661 pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni ng sariling
tahanan,30,000 pisong halaga ng Home Materials Assistance ang ipinapamahagi na.
3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng mga lote, pagpapatayo ng mga
permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa Zamboanga. 2.57 billion pesos dito, nai-release na sa NHA at DPWH.
Ilang linggo naman matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig ng lindol ang Central Visayas; pinakamalaki ang pinsala sa
Bohol. Dito natin nakita ang maaaring maabot ng sambayanang nagkakaisa sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo
matapos ang lindol, may kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng munisipalidad sa Bohol.
Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang nasira ng lindol, nadadaanan na. May kabuuang 3.583
billion pesos nang nai-release para sa rehabilitasyon ng Bohol at Cebu. Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na
ipinagkaloob ng DILG sa lokal na gobyerno, para sa pagpapagawa ng mga palengke, civic center, tulay, water systems,
munisipyo at ibang strukturang pampamahalaan.
Bago naman po matapos ang 2013, dumating si Yolanda ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan. 1.47 milyong
pamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa ating 81 probinsya ang tinamaan. Sa Eastern Visayas, kung saan
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 9/22
pinakamalakas ang pinsalang nadulot, napakaraming kinailangan ng agarang lingap.
Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil sila mismo ay tinamaan.Natangay po pati ang ating
prepositioned relief goods, kayat talagang kinailangang manggaling sa ibang lugar ang tulong. Lalo pang naging mabigat
ang pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura: Walang kuryente, hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat
ngtruck at heavy equipment na kailangan ng ating first responder ang nasira sa pinakaapektadong lugar. Walang
gasolina, at walang komunikasyon.
Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot ang tulong sa mga apektadong pamilya, kalingahin ang
mga naulilat sugatan, siguruhing walang mangyayaring outbreak ng sakit, at marami pang ibang tungkulin. Halimbawa
lang po sa pagkain. Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang intindihin: kailangan din ng mga repacking center, ng
maraming truck, pati na ng mga barkong magtatawid ng ayuda sa mga apektadong probinsya. Pagdating doon ng relief
goods, kailangang malinis na ang kalsadang dadaanan, at mapagasolinahan ang mga truck nang makabalik sila sa
pinanggalingan, upang muling makapagkarga ng mga food pack.
Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong gobyerno. Nagmadali tayong linisin ang airport, kaya sa loob ng
24 oras matapos ang bagyo, nakapasok na ang tatlo nating C130 na may dalang ayuda. Sa mismong araw ding iyon,
nakapagtayo tayo ng communications hub para maging mas mabilis ang daloy ng impormasyon. Sa ikalawang araw,
dumating na ang Rapid Health Assessment teams ng DOH; ang dagdag na sundalo, pulis, at BFP personnel mula sa
ibang probinsya; pati na mga kawani ng DSWD na nanguna sa relief operations sa distribution centers man sa Eastern
Visayas, o sa maraming repacking centers na agad na nagbukas sa buong bansa.
Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte water district; sa ikatlong araw naman, bumukas ang unang
gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing mga kalsada. Pagsapit ng ika-22 ng Nobyembre o dalawang linggo
matapos ang bagyo, naipamahagi na ang ika-isang milyong food pack sa mga nasalanta; at nalinis na ang 35,162 cubic
meters ng debris; atnalinis at nadadaanan na muli ang 3,426 kilometers ng National Roadskasalukuyan naman nating
kinukumpuni ang 108.8 kilometrong napinsalang daanan, tulay, approaches, at landslide prone areas. Pagsapit nga po
ng Pasko ng 2013, may kuryente na sa lahat ng munisipalidad na tinamaan ng sakuna.
Kumbaga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang agad na mai-stabilize
ang pasyente. Nagpapasalamat tayo sa mga kasapi ng ating Gabinete, na talaga naman pong nanguna sa pagresponde
sa mga apektadong komunidad. Sina Sec. Cesar Purisima at Sec. Joel Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at
nag-organisa sa mga repacking center, nagmistulang warehouse operator. Si Sec. Greg Domingo ng DTI, naging head
purchasing agent ng bansa, habang si Sec. Linda Baldoz naman ng DOLE ay minabuting maging call center operator
para sa lahat ng gustong tumulong. Salamat din kina Sec. Jun Abaya ng DOTC, na naging dispatcher ng ating
transportasyon; kay Sec. Dinky Soliman na talagang pinatunayan ang pagiging punong relief worker ng bansa; at kina
Sec. Mar Roxas ng DILG at Sec. Volts Gazmin ng DND, na nagbigay ng marching orders sa ating unipormadong hanay
mula sa frontline ng sakuna. Salamat sa ating Gabinete.
To our friends and neighbors around the world: Your outpouring of solidarity will never be forgotten by a grateful
Filipino people. Thank you.
Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng ating makakaya, na siyang ipinapamalas ng ating OFWs,
peacekeepers at iba pang Pilipino sa labas ng bansa, nang tayo naman ang nangailangan, nakita ng mundong karapat-
dapat din tayong tulungan. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng dalangin at suporta, dito man o sa ibang
panig ng mundo.
Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood interventions, upang maging mas mabilis ang
pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan. Ngayong Hulyo nga po, 221,897 trabaho na ang nalikha matapos
tayong magkaloob ng bangka, kagamitan sa pangingisda at pagtatanim, mga binhi, at livestock. Kasama na rin po dito
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 10/22
ang mga sinuwelduhan nating naging kabahagi ng cash for work program.
Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang dala ni Yolanda. Pero ayon nga po sa international
standards, kapag nangyari ang ganitong klaseng sakuna, isang taon ang inaabot bago matapos ang relief at mag-umpisa
ngrehabilitasyonang isang bansa. Pero sa loob lang ng 8 buwan, idineklara ng United Nations na nasa yugto na tayo ng
rehabilitation. Si Ginoong Yuri Afanasiev ng United Nations Development Programme na nga po ang nagsabi: We have
never seen a recovery happen so quickly. And many of us have been in many different disasters.
Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa mabibigat na sakuna. Sa Haiti, dalawang taon ang
nakalipas mula ng lindol, marami pa rin ang nasa evacuation center. Ang mga kapatid natin sa Indonesia, inabot ng
walong taon para maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa Amerika nga po, sinasabing walong taon ang inabot
para makabalik sa dati matapos humagupit si Hurricane Katrina.
Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga kababayan natin ang
kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga hinagupit ni Yolanda.
Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan na rin natin, ang LGU Rehabilitation and Recovery Plan
para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at Tacloban City. Pumasa po ito sa masusing pagsusuri ng mga
cluster ng Gabinete; laman nito ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, ayon na rin sa isinagawang
malawakang post-disaster needs assessment. Nabuo po ang planong ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping
Lacson, na inatasan nga nating tumutok sa mga hamong iniwan ni Yolanda. Umaasa po ako sa pakikiisa ng Kongreso,
dahil malaking halaga ang kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang ating mga kababayan.
Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng ating mga hakbang
para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas natin ang mga LGU na siyang mga frontliner tuwing bagyo, gamit ang
moderno at malawakang forecasting system.
Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa, napapadali ang pagtukoy kung saan ang mga lugar
na pinaka-babahain. Nakamapa na po ang 19 sa target nating 20 river systems para matukoy kung ano ang mga lugar
na agad naapektuhan tuwing bumubuhos ang ulan.
Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan tatama ang epekto ng bagyo, ngayon po, napapaaga ang
paghahanda at pagbibigay babala ng ating mga LGUs. Maaga na ring naililikas ang kanilang mamamayan. Kung ang
maayos na forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga naman pong maraming buhay ang maililigtas. Sa
Albay na hinagupit kamakailan lang ng bagyong Glenda, walang naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting
pamamahala ni Governor Joey Salceda. At kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya ngang parang highway ng
mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na kaya ito ng lahat?
MILITARY AND POLICE
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga hamon sa bansa, at alam din nating mahal ang kailangan
nating mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy ang modernisasyon ng AFP. Nakuha na
natin ang brand new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-
unahang landing craft utility ship na ginawa dito mismo sa ating bansa, ang BRP Tagbanua. Dumating na rin po ang apat
na refurbished UH-1 helicopters at 2 navy cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan na rin ang state-of-the-
art Command Center ng Naval Forces West sa Palawan.
Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in fighter trainer jets na binili natin. Ang natitira naman po,
inaasahan nating maidedeliver bago matapos ang 2017. Target din nating makuha ang karagdagang brand new na 8 Bell
combat utility helicopters, 2 anti-submarine helicopters, 10 pang AgustaWestland-109 helicopters, 2 light-lift aircraft, 3
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 11/22
medium-lift aircraft, mga radar system at iba pang kagamitang magpapaunlad sa kakayahan ng ating Sandatahang
Lakas. Samantala, sa Setyembre ng taong ito,inaasahan ang pagdating ng karagdagang 17 refurbished UH-1
helicopters.
Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na binili natin para sa kasundaluhan. Sa mga susunod na buwan, ang
kabuuang bilang ng baril na mapapasakamay ng ating mga kawal: 50,629 units. Ang bonus pa: dahil sa maayos na
proseso ng procurement at tapat na pangangasiwa sa pondo, may savings tayo na mahigit 1.2 billion pesos, na
ipinambibili na natin ng mas marami pang baril.
Ididiin ko lang po: Brand new at de-kalidad ang lahat ng ripleng ito. Di po ba noong araw: naubos na nga ang pondo,
hindi pa alinsunod sa spesipikasyong kailangan natin ang binili nilang Kevlar Helmets. Imbes na sa US, sa ibang bansa
sila bumili. May na-convict na po dahil dito. Pati ang isang hukom na diumanoy sangkot dito, natapos na ang
imbestigasyong inutos ng Korte Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.
Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado atmasasamang elemento para sa mga krimeng ginawa nila. Halimbawa
nga po: Nahuli na ang Chairman at Secretary General ng NPA nitong Marso. Nanunumbalik na rin po ang normalidad
at kaayusan sa 31 probinsyang dating ginambala ng NPA.
Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Patunay po rito ang 30 pulis, sa pangunguna ni Inspector
Charity Galvez, na tumalo sa tinatayang 250 NPA na sumugod sa kanilang presinto noong 2011. Nitong Marso naman
po, 4 na bagitong pulis ang buong-tapang na sumagupa laban sa Martilyo Gang sa Mall of Asia. Mabuti nga pot naabot
na ang 1:1 police to pistol ratio, kayat na-isyuhan na rin ng bagong baril ang ating mga rookie policewomen. Dati,
nakakaligtaan ang kapulisan; ngayon, kinakalinga na sila ng estado, at talaga namang tinutumbasan nila ito ng wagas at
masigasig na serbisyo.
Pakinggan po natin ang magigiting nating pulis:
Nito naman pong Hunyo, naging sunod-sunod ang high-profile na pamamaslang. Arestado na ang ilang mga sangkot sa
pagpatay kina Mayor Ernesto Balolong, sa negosyanteng si Richard King, at may sinusundan na ring magandang lead
ang ating kapulisan sa pagpatay sa racecar driver na si Ferdinand Pastor. Huwag po kayong mag-alala: habol natin ang
hustisya sa kabuuan, hindi ang bahagi lamang. Kaya bukod sa mga ginawa nating pag-aresto, patuloy tayo sa paglikom
ng ebidensiya laban sa iba pang suspect. Pananagutin natin ang lahat ng may-sala.
Pinapaigting pa natin ang pangangalaga sa seguridad ng taumbayan. Simula ika-16 ng Hunyo ngayong taon, ipinatupad
natin sa NCRang Operation Lambat. Matapos nating gawing triple ang dami ng checkpoints at magsagawa ng ibat
ibang operasyon, ang resulta: 862 sasakyan at 29 firearms ang nakumpiska natin. Nakapag-serve tayo ng 587 warrants
of arrest, na nagresulta sa pagkaaresto ng 410 suspect. Ibinalik din natin ang Oplan Katok para matiyak na ang may
tangan ng lisensyadong baril ay ang karapat-dapat lamang. 28,714 na bahay sa NCR ang kinatok ng mga pulis para sa
operasyong ito.
Bago natin ipatupad ang Oplan Lambat, mula Enero hanggang ikalawang linggo ng Hunyo, ang murder at homicide sa
NCR, umaabot sa 31 kaso kada linggo. Sa limang linggo pa lang ng operasyon, ang murder at homicide: Bumaba sa 22
kaso na lamang kada linggo. 29 porsyentong pagbaba ang naitalakatumbas ng 9 na pagpatay ang napigilan natin kada
linggo. At sa NCR pa lang po ito. Kung maisasabatas natin ang pension reform, at makakakalap nga tayo ng sapat na
pondo para sa dagdag na pulis at para matuloy ang planong pagbili ng kagamitan, lalong mapapalawak ni Sec. Mar
Roxas ang Operation Lambat, upang gawing mas ligtas ang buong bansa. Nasa ilalim nga po sana ng DAP ang pondong
pang-kagamitan, pero dahil hindi ito na-obligate bago bumaba ang desisyon ng Korte Suprema, kailangan po nating
maghanap ng pagkukunan ng karagdagang pondo.
RIGHTING THE SYSTEM TO REGAIN TRUST
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 12/22
Tunay nga po: Tiwala ang pundasyon ng mabuting pamamahala. Tiwalang maaasikaso ang lahat ng tinamaan o tatamaan
ng bagyo; tiwalang sa bawat araw ng trabaho, ligtas mong mauuwian ang pamilya mo. Tiwala na hindi kayo lalamangan
ng inyong mga pinuno; tiwalang nariyan ang inyong gobyerno, kakampi ninyo, lalo na kung kayo ang nadedehado.
Tiwala na mananagot ang mga nang-abuso, at maitatama ang mga proseso at institusyong ginamit para nakawan kayo.
Tiwala na kung sumunod ka sa tama, makukuha mo kung ano ang dapat sa iyo. Ang pagbabalik ng tiwala ninyo: Iyan
po ang ibig sabihin ng reporma.
CUSTOMS REFORM
Halimbawa: Sa Customs, na talaga naman pong sinubok ang ating pasensya noong nakaraang mga taon. Naging
malinaw sa atin: Reset button ang solusyon. Bumuo po tayo ng mga bagong tanggapan para suriin at gawing epektibo
ang mga patakaran sa Customs. Nagtalaga tayo ng bagong commissioner, anim bagong deputy commissioner, kasabay
na rin ang 40 iba pang maaasahang indibidwal para ipatupad ang ating mga reporma. Ibinalik din natin sa tamang
posisyon ang mga empleyado. Totohanang ipinagbawal ang mga guwardiyang umaastang kahera, o warehouseman na
ginagawang examiner.
Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang Customs. Kabilang dito ang mga kawani mula sa ibang
departamento, na hiniling nating lumipat sa Customs dahil tiwala tayo sa kanilang integridad. Sino nga ba naman ang
naghahanap ng sakit ng ulo, lalo pat walang garantiya ng tagumpay? May mga ipinagpaliban ang kanilang promotion.
May mga nagpahiwatig din ng agam-agam dahil sa takot na balikan sila ng mga sindikato. Pero sa huli, tumugon sila sa
ating panawagang maglingkod. Marapat lang na personal kong pasalamatan ang lahat ng kawaning ito, sa pangunguna ni
Commissioner Sunny Sevilla.
Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at pagkakaisa, kayang linisin kahit pa ang isang institusyong napakahabang
panahon nang dinungisan ng katiwalian. Patunay po rito ang good news na natatanggap natin: Mula Enero hanggang
Abril 2014, umangat ng 22 porsyento ang cash collections ng Customs kumpara sa parehong panahon noong 2013.
Ang kabuuan nilang koleksiyon sa unang apat na buwan ng taon: 117 billion pesos.
Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket: Alam kong hindi na kayo tinatablan ng takot at kahihiyan. Nasa
inyo kung makukunsensya kayokung maaawa kayo sa mga nalululong sa drogang pinapapasok ninyo, o sa mga
magsasakang napagkakaitan ng tamang kita. Ang sa akin lang: Kapag sumapat na ang nililikom na ebidensiya laban sa
inyo, sa Bilibid ang susunod ninyong destino.
AGRARIAN REFORM
Kung pag-uusapan natin ang mga repormang nagsisimula nang magbunsod ng malawakang kaunlaran, marapat din pong
ibalita ko sa inyo ang mga pangyayari ukol sa repormang agraryo.
Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan munang tukuyin ang maaari at hindi maaaring ipamahaging lupain.
Pero ang masaklap, ipinamana sa atin ang bungi-bunging datos. Taong 1913 pa sinimulan ang Cadastral Survey, na
tutukoy ng hangganan ng mga lupaing saklaw ng bawat lungsod, bayan, at lalawigan sa Pilipinas.
Isa pang problema: Inuna ng mga nakaraang administrasyon ang distribusyon ng mga lupaing madaling ipamahagi tulad
ng mga government-owned land, at lupaing napagkasunduan na ng may-ari at magsasaka. Ang naiwan sa atin ay mga
lupaing maraming kumplikasyon, at ugat pa ng mahabang debate at demandahan.
Dagdag din nga pong suliranin ang masalimuot na sitwasyon sa ARMM. Ang lupa ng ARMM ay tinatayang 1.5 milyong
ektarya. Pero ang lupang nakatala na dinatnan natin, nasa 2.9 million hectares dahilsa patung-patong na pag-angkin ng
lupa. Nagtataka nga po si Governor Mujiv Hataman ng ARMMpaano kaya nanganganak ang lupa?
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 13/22
Wala po tayong balak na ipasa ang mga suliraning ito sa susunod sa atin, para pag-ugatan lang ng panibagong mga
problema at ng lalong pagkaudlot ng repormang agraryo.
Sa 2015, makalipas ng 102 taon, matatapos na rin ang Cadastral Survey. Ngayong taon, ihahain din nating muli sa
Kongreso ang panukalang batas para i-extend ang paghahain ng Notice of Coverage, na hindi agad natapos nang husto
dahil nga sa mga problemang kinailangan muna nating solusyonan. Oras na maihain ang panukalang batas, umaasa
tayong maipapasa ito sa lalong madaling panahon.
PEACE
Kung tiwala nga po ang pag-uusapan, dapat ding isama ang Bangsamoro. Matapos ang mahabang panahon ng hidwaan
at napupurnadang negosasyon, naibalik nanatin ang tiwala. Pruweba po nito: Noong nakaraang Marso, nilagdaan na ang
Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Pero simula pa lang ito ng ating pag-usad sa landas ng malawakang pag-unlad sa Mindanao. Wala pong
makakatangging napag-iwanan ang ARMM. Gusto po nating bigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng Pilipino,
kaya nga dapat may boost up, para naman maka-catch up ang ating mga kababayang nasa laylayan. Halimbawa, sa
budget na imumungkahi natin para sa 2015, 5.17 billion pesos mula sabudget ng DPWH ay nakalaan para sa
imprastraktura ng ARMM.
Kasalukuyan na po nating pinapanday ang panukalang Bangsamoro Basic Law. Humihingi po tayo ng pang-unawa sa
ating Kongreso ukol rito. Mahalaga pong maging masusi ang paghimay natin ng bawat probisyong ilalatag. Sa abot ng
ating makakaya, isusulong natin ang isang panukalang batas na makatuwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa
lahat.
Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang taon at maisasagawa ang kinakailangang
plebesito, mabibigyan ng isat kalahating taon ang Bangsamoro Transition Authority para ipakita ang positibong
pagbabago. Kung maaantala naman ito, natural pong iikli rin ang panahon para mapatunayan na tama nga ang landas ng
kapayapaang tinatahak natin.
PROMISES FULFILLED
Napakarami na nga po nating narating dahil sa tiwalaat wala tayong balak basagin ang tiwalang ito. Ang gobyerno
ninyo ngayon: mayroong isang salita. Hindi ko na po iisa-isahin ang mga natupad nating panata sa tuwid na daan; baka
masabihan lang tayong nagbubuhat ng sariling bangko. Pero mahirap din namang hindi tayo magbanggit, dahil malamang
nag-aabang na ang mga magsasabing wala tayong ginagawa. Kaya samahan niyo na lang akong magbigay ng ilang
halimbawa: Trabahot pagkakataon para sa napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy pang nililikha. Sa katunayan, mula
Abril 2013 hanggang Abril 2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho.Minanang
kakulangan sa aklat, upuan, at silid-aralan, napuno na; habang ang mga panibagong pangangailangan dahil sa K to 12,
pinupunuan na rin. 1:1 police-to-pistol ratio, meron na. Modernisasyon ng Sandatahang Lakas, nangyayari na.
Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao, sumusulong na. Pag-angat ng ating ekonomiya, tuloy-tuloy pa.
Sabay-sabay nang natutupad ang ating mga pangarap: kalusugang pangkalahatan, silid-aralan, trabaho, daungan,
kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan. Ang nabawi nating pambansang dangal, sinamahan pa ng pagkilala ng
mundo sa bagong anyo ng Pilipinas. Ang kaban ng bayang mula sa pawis ng mamamayan, ginugugol para lamang sa
kanilang kapakanan.
Pakinggan po nating muli ang isa pa sa ating mga Boss:
PRONOUNCEMENTS
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 14/22
Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan, nasolusyonan. Ang nandiyan, tinutugunan. At ang problemang parating pa
lang, pinaghahandaan na rin. Naniniwala ako: Kung mananatili ang inyong tiwala, masosolusyonan natin ang mga ito.
ENERGY
Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po natin ang lahat para siguruhing natutugunan ang lumalagong
pangangailangan ng bansa. Sa kabila nito, meron pong mga pangyayaring talagang hindi natin inaasahan, na maaaring
magbunsod ng problema sa susunod na taon. Halimbawa: Kailangan nating bunuin ang mga kakulangan dahil sa outages
para sa maintenance ng mga lumang planta, ng mga biglaang paghinto ng operasyon dahil sa pagkasira, at ng delay sa
implementasyon ng mga bagong planta.
Huwag po nating kalimutan, may banta din ng El Nio na makakaapekto sa kapasidad ng mga hydro powerplant, at
magpapataas pa ng demand sa kuryente. Kung sa ating mga kabahayan nga, lalakas ang gamit natin ng electric fan o
aircon dahil sa init ng panahon, lalo naman po sa mga industriya at negosyo. Hindi ito kasing-simple ng pagpunta sa
tindahan at pagsabing, Pabili nga po ng 600 megawatt generator, at paki-install na rin bukas.
Ang habol natin: kumpletong paghahanda para hindi tayo maparalisa sakaling mangyari ang worst-case scenario. Dapat,
kahit sa susunod na taon pa uusbong ang problema, meron na tayong pinaplanong solusyon para dito. Kaya nga po
inatasan ko si Secretary Icot Petilla ng DOE: Makipag-ugnayan ka na sa Joint Congressional Power Commission, sa
Energy Regulatory Commission, sa industriya, pati na sa mga consumer, upang madagdagan ang kakayahan nating
tugunan ang problema sa enerhiya.
RICE PRICES + AGRICULTURE
Batid ko rin po na apektado ang mga Boss natin sa pabugso-bugsong pagtaas ng presyo ng bigas. Mukhang totoo nga
po ang mga ulat: May ilang mga halang ang bitukang hoarder na itinatago lang ang bigas, para kapag tumaas ang presyo,
ibebenta nila ang stock para kumita nang di-makatuwiran.
Hindi puwede ito. Kung sa tingin nila wais sila, mas mahusay ang ginagawang diskarte ng inyong gobyerno. Ang agarang
solusyon: mag-import pa ng bigas, i-supply sa merkado, pababain ang presyo, at panatilihin ito sa risonableng antas,
para malugi ang mga nagsasamantala sa Pilipino.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsimula na tayong mag-import ng 500,000 metriko tonelada para magsilbing
ayuda sa supply na pinanipis ng nagdaang mga bagyo, at dumating na lahat ito noong Marso. Nito ding Pebrero,
inaprubahan ng NFA Council ang pag-angkat natin ng karagdagang 800,000 metriko tonelada bilang pagpuno sa ating
buffer stocking requirement, at 360,750 metriko tonelada na nito ang dumating ngayong Hulyo; pagdating ng
Setyembre, makakarating na ang kabuuan. Naaprubahan na rin ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng 500,000
metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng open bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-angkat ng
karagdagan pang 500,000 metriko tonelada, bilang paghahanda sa magiging epekto ng kalamidad sa ani at sa presyo ng
bigas.
Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa na ngayong magbenta ang mga hoarder ng bigas na
nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga hoarder na ito: Kung gusto ninyong makipagmatigasan, sige lang, subukan
ninyo ang estado. Tandaan lang ninyo: Anim na buwan lang ang itatagal bago mabulok ang stock sa mga warehouse
ninyo. Siguradong malulugi kayo kapag nalunod na ang merkado sa dagdag na bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga
Pilipino; kami naman, isinusulong ang interes ng bawat Pilipino. Tingnan natin kung sino ang mananalo.
Bukod sa pag-iimbestiga sa mga diumanoy nagtago ng NFA rice, sinisiyasat na rin natin ang lahat ng mga pwedeng
nagkuntsabahan sa mga ahensya. Iniimbestigahan na ang mga empleyadong pinagdududahan upang makasuhan at
mapakulong sa hinaharap.
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 15/22
Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin ang mga proyekto natin para alagaan ang mga nasa sektor ng
agrikultura. Ginagawa nating kaakit-akit na kabuhayan ang pagtatanim ng palay. Alam naman po natin na tumatanda na
ang ating mga magsasaka, kaya malaki ang maitutulong sa food security kung mahihikayat natin ang mga kabataan na
pasukin ang ganitong hanapbuhay.
Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka para sa episyenteng pagtatanim at pag-aani. Mula
2011 hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi na natin ang kabuuang 4,628 production machineries, 11,362 post-
production machineries, at 105 rice mills sa ibat ibang farmers associations. Sa tulong po nito, nabawasan ang
nasasayang sa ani ng ating mga magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad natin ang mga patubig, nagpapagawa tayo ng farm-
to-market roads, at nagsusulong ng training programs upang masagad ang kanilang kita.
SUPPLEMENTAL BUDGET + CLARIFICATORY LEGISLATION + BUDGET
Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang Ehekutibo, nagmumungkahi ng mga proyekto; inaaprubahan naman ito ng
Kongreso. Kailangan nga lang po nating itigil ang ilan, para makasiguradong sumusunod tayosa naging desisyon ng
Korte Suprema ukol sa Disbursement Acceleration Program. Alam ko pong kaisa kayong mga nasa bulwagang ito sa
paniniwalang hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa ating mamamayan, at dapat nga itong makarating sa kanila sa lalong
madaling panahon.
Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng supplemental budget para sa 2014, upang hindi naman maantala ang
ating mga programa atproyekto. Kasabay po nito, nananawagan din tayo sa pakikiisa ng Kongreso, upang maipasa ang
isang Joint Resolution na maglilinaw sa mga depinisyon at kaisipang tila pinagtatalunan paat iba pang mga usaping
kayo lang sa lehislatura, bilang mga nagsulat ng batas, ang makakapaglinaw.
Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA, ihahain natin sa Kongreso ang panukalang 2.606 trillion pesos na
2015 National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito kasama ang mamamayan, gamit ang stratehiyang naglalaan ng pondo
kung saan lamang ito tunay na maghahatid ng benepisyo. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng ating mga mambabatas na
pagtibayin ito, bilang pangunahing instrumento sa paglikha ng pagkakataon para sa sambayanang Pilipino.
Pakinggan naman po natin ngayon ang isang benepisyaryo ng Alternative Learning System program ng DepEd.
Matingkad siyang patunay ng pagkakataong naihahain sa ilalim ng mabuting pamamahala.
PERORATION
Siya po, at ang marami pang benepisyaryongtulad niya, ang natatabunan sa tuwing umiingay ang orkestra ng negatibismo
sa balita. Itong maiingay na ito,sadyang isinasara ang isip at namumuhay sa sariling mundo at realidad. Habang nakikita
ang pagbabago sa lipunan, nangyayari na nga ang ating inasahan: lalong dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang
pag-atake nila sa atin. Habang lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang magtagumpay
ang panlilinlang nila, kayat nagtatanim sila ng duda. Desperado na sila.
Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang kanilang motibasyon. Para sa mga ginawa nang negosyo ang
kanilang posisyon: kung maayos natin ang mga sistema, nawawalan sila ng pagkakataong mansamantala. Natural lang na
kontrahin nila tayo. Ito namang mga walang ibang layunin kundi ibagsak ang gobyerno: Puwede lang madagdagan ang
kanilang hanay kung maraming nagdurusa, at nawalan ng tiwala sa sistema. Ngayong nakukumpuni na ang sistema at
natutugunan ang pagdurusa, nababawasan na ang puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang pakaunti ang kanilang
bilang. Natural lang din na kontrahin nila tayo. Ang pinakamaingay na kumokontra sa atin ay ang ayaw ng
transpormasyon, dahil nagsamantala at nakinabang sila sa lumang kalakaran.
Ganito ko nga po naiisip angating situwasyon: Para tayong mga mamamayang matagal na naipit sa isang isla kung saan
may nag-iisang tindahan. Dahil walang pagpipilian, napapataas nila ang presyo kung kailan nila gusto, at talaga nga
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 16/22
naman pong inaabuso tayo. Inatasan po ninyo akong itimon ang bangka ng estado tungo sa kabilang isla, kung saan mas
maraming tindahan, mas maraming pagpipilian, mas maayos ang buhay, at mas malawak ang pagkakataon. Siyempre
po, ang nagpapatakbo ng tindahan sa ating isla, ayaw tayong pumalaot, dahil mawawalan sila ng inaabuso. Lahat,
gagawin nila para pigilan ang ating pagtawid sa kabilang pampang: Sasabihin nilang pareho lang naman doon; wala
naman talagang pagbabago doon. Itatali nila tayo sa daungan, bubutasan ang ating bangka, makikipagkuntsabahan para
iligaw ang ating biyahe.
Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi ang taumbayang nakikinabang sa tuwid na daan.
Kontra sila sa magsasaka sa Iloilo, na mahigit limampung taong nangarap ng maayos na irigasyon, at ngayon ay nakikita
nang ginagawa ang Jalaur Multi-purpose River Project. Kontra sila sa napakaraming estudyanteng hindi na kailangang
magsiksikan sa mga classroom. Kontra sila sa nagkatrabaho dahil nasanay ng TESDA; kontra sa mga maagang naililikas
sa panahon ng bagyo dahil sa pinahusay na PAGASA; kontra sa mga informal settler na nailayo sa panganib dahil sa
programang pabahay; kontra sa mga maralitang libre nang nakakapagpagamot sa pampublikong ospital; kontra sa mga
sundalong may modernong kagamitan kaya mas may kumpiyansa nang ipagtanggol ang bayan; kontra sa mga Moro at
katutubong abot-tanaw na ang kapayapaan. Mga Boss, kontra po sila sa inyo.
Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake na tayo. Sanay na tayong sinasalubong ng negatibong
komentarista sa almusal, pang-aalipusta sa tanghalian, insulto sa hapunan, at may intriga pa bilang midnight snack.
Ngayon nga pong Pangulo ako, tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Sa tingin ko, maski sa pagbaba ko sa
puwesto, hindi pa rin sila titigil.
Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap ko dati sa kampanya. Ang sabi niya sa akin, Noy, mag-iingat
ka. Marami kang makakabangga. Totoo ang kanyang babala. Pero buo ang loob kong kaharapin ang mga
nakakabanggang ito, dahil alam ko: iilan lamang sila, at di hamak na napakarami natin. Mas malakas tayong mga
handang makisagwan tungo sa pagbabago. Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil tayo ang nasa tama. Nangarap
tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino. Lalong
magiging sulit ang pagod at sakripisyo natin kung itong nasimulan natin ay itutuloy ninyo.
Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang magpapasya kung magtutuloy ang pagbabago. Tandaan lang po natin, ito
ang aking ikalimang SONA; isa na lamang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa
akin lang po: Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang ang
batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala ni katiting na dudang magpapatuloy sa transpormasyong ating
isinakatuparan?
Kayo ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabagokaya kayo rin ang magpapatuloy nito.
Nasasainyo kung paanong isusulat sa kasaysayan ang mga panahong ito. Maaari itong maalala bilang tuktok ng ating
tagumpay, bilang magandang simulaing nasayang lang. Pero mas maganda pong di hamak kung maalala ang mga nagawa
natin bilang simula pa lang ng ating mahabang paglalakbay tungo sa katuparan ng mas matatayog pang pangarap.
Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na akoy tumakbo, ang sabi nila sa akin, hindi namin inaasahan na lutasin mo
lahat ng problema ng ating bansa sa loob ng anim na taon. Pero simulan mo na sana. Nakita naman ninyo kung saan
tayo nanggaling, at nakita naman ninyong lampas-lampas pa sa ating mga pinangarap noong simula ang tinatamasa natin
ngayon.
Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang patas ang laban; kung saan ang sumusunod sa patakaran ay
nakakarating sa nais niyang paroonan; kung saan may tunay na kumpetisyong nagbubukal ng pagkakataon at
malawakang kaunlaran; kung saan ang lahat ay may kakahayang panghawakan ang sariling kapalaran.
Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo sa mga nasa laylayan; kung saan ang bawat isa ay kumikilala sa
kanyang tungkulin sa kapwa at sa bayan; kung saan tuloy-tuloy at walang-hanggan ang pakikiambag at sama-samang
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 17/22
pag-angat ng sambayanan.
Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating kinabukasan, kung saan naghahari ang katarungan, at tunay pong walang
maiiwan.
Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglaban natin, at patuloy pang ipinaglalaban: Hindi ang pagpapanatili ng
nakasanayan, kundi ang pagbabago ng sistema para makinabang ang lahat.
Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang transpormasyon. Kung hinindian ko ang hamon na
iniharap niyo sa akin, para ko na ring sinabi na tutulong akong pahabain ang inyong pagdurusa, at hindi maaatim ng
konsensiya ko iyon. Kung tinalikuran ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang aking amat ina, at ang lahat
ng inialay nila para sa atin; hindi mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid na daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama;
tumotoo kayo sa akinat ako naman ay tumotoo sa inyo.
Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa nating permanente sa gabay ng Panginoon. Hanggat buo
ang ating pananalig at tiwala, at hanggat nagsisilbi tayong lakas ng isat isa, patuloy nating mapapatunayan na, the
Filipino is worth dying for, the Filipino is worth living for, at idadagdag ko naman po: The Filipino is worth fighting
for.
Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng lahat ng
positibong pagbabagong naaabot natin. Buong-buo ang tiwala ko: Nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa
dapat niyang patunguhan.
Maraming salamat po.
About proffsg
proffsg is the co-founder, author and webmaster for Local Pulse. He manages the SEO and technical
concerns of this website. He began his blogging career in 2010. As a self-taught blogger, he got his
blogging tips from Coolbuster, Jehzlau Laurente, Pat Flynn, Joost de Valk, and other local and
international bloggers. He also manages and owns other websites such as mathgol.com, and wpressdo.com.
Comments
comments
Related News
Magnitude-6.1 earthquake hits southwest China
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 18/22
Classes, office work suspended in FEU due to bomb threat
Transcript in English of Pres. Benigno Aquino IIIs SONA 2014
A Reaction to President Aquinos SONA 2014
Leave a comment
Your Name... (Required)
Your Email... (Will not be published) (Required)
Your Website... (Optional)
XHTML: You can use these html tags: <a href="" title="" rel=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b>
<blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>
Submit Comment
Captcha *
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 19/22
Type the text displayed above:
Notify me of follow-up comments by email.
Notify me of new posts by email.
Connect wi th us on soci al networks
4,442 people like this. Be the f irst of your
f riends.
Like
Follow @localpulseph 19 f ollowers
Recommend on Google
Enter your email Subscribe
Popular
Comments
Tags
Prophecy of Sadhu Sundar Selvaraj about Pangasinan, Philippines
goes viral
November 21, 2013, 188 Comments
2014 Top 100 Colleges and Universities in the Philippines on the Web
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 20/22
May 18, 2014, 22 Comments
NAPOLCOM 2014 Online Exam Application System Activated
June 30, 2014, 20 Comments
Dear Kim Henares Open Letter Goes Viral
November 29, 2013, 13 Comments
Doctor Criticises Journalist Maki Pulidos Tweet Regarding PGH
Conditions
July 14, 2014, 9 Comments
x'chen torremocha says:
bilib namn ako kay pnoy....
Alex says:
DLSU! Nice one....
kialangan kong ma panood ang video ni paolo bediones says:
paolo bediones scandal video...
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 21/22
Raquel Alcazaren says:
pwede pa bo ako mag take ng exam kasi po 30 years...
Troy says:
tingnan mo sa official website ng pma may list nan dun ung...
ADMU vs DLSU basketball beauty pageant board passers celebrity news civil service exam class
suspension CS exam results exam result Gilas Pilipinas Glenda INC Kathryn Bernardo list of passers
live streaming May 2014 NLE Passers metro manila NAPOLCOM NLE NLE Passers No
Classes nurse open let t er PAGASA passers pbb PBB All In Philippines PRC room assignments scandal SONA SONA
2014 supert yphoon yolanda top 10 passers trending Twitter Typhoon Glenda typhoon yolanda uaap Vice Ganda Video Scandal
viral volleyball weather advisory
Recent Posts
Class suspensions for August 4, 2014, Monday
August 4, 2014, No Comments
Child suffers hand burns due to misplaced cannula
August 4, 2014, No Comments
Re-elect PNoy Campaign goes viral online
August 3, 2014, No Comments
8/4/2014 Full Transcript of Pres. Benigno S. Aquino III' s SONA 2014 | Local Pulse
http://www.localpulse.net/news/full-transcript-pres-benigno-s-aquino-iiis-sona-2014-english-2603/ 22/22
Search News - Type Keyword & Hit Enter
Magnitude-6.1 earthquake hits southwest China
August 3, 2014, No Comments
Praybeyt Benjamin 2, entry to MMFF 2014, starts filming
August 3, 2014, No Comments
Top 10 Posts Today
A Reaction to President Aquinos SONA 2014
2014 Top 100 Colleges and Universities in the Philippines on the Web
SONA 2014 Reaction Paper Sample
Derek Ramsay Sued by Wife and Son
Angel Gutierrez, new girl linked to Paolo Bediones sex scandal
Photos of Derek's Wife, Mary Christine Jolly Surface
Pres. Aquino's SONA 2014 Replay, Full Transcript
Typhoon Jose, strongest typhoon this year - Update
July 2014 CPA Board Passers - Top 10 List
China Roces, the girl in Paolo Bediones sex video scandal?
Home
Contact Us
Archives
News
Entertainment
Technology
Sports
Education
Copyright 2014 Local Pulse. All Rights Reserved.

You might also like