You are on page 1of 2

Karamihan siguro natin ay naniniwalang bawat bagay sa

mundong ating ginagalawan ngayon, may buhay man o wala ay


likha ng ating Panginoon at isa na tayo diyan. Minsan napaisip
ako na bakit kaya tayo nilikha ng Diyos? Hanggang sa naisip ko
na nilikha pala tayo sapagkat tayo ang mga nilalang na naatasan
upang mapangalagaan ang kalikasan.
Siya, ikaw, at ako ay nakakaalam na may mga bagay din
tayong kinakailangan upang mabuhay sa ating mundong
ginagalawan ngayon at ang mga bagay na ito ay kadalasang
kinukuha natin sa kalikasan. Kung mapapansin natin sa
kasalukuyan ay imbes na pangalagaan natin ang kalikasan ay
ang kabaliktaran ang ginagawa natin nito. Kahit alam nating
nakakasama ang ating ginagawa para sa kalikasan ay bakit
ipinagpapatuloy parin ito? Ganyan na ba talaga ang mga tao
ngayon? Wala nang pakialam sa pinagkukunang yaman basta ay
mabuhay lamang? Kadalasan ay inaabuso at sinisira natin ang
kalikasan dahil sa sariling interest at hindi natin ito
namamalayan na marami ng kalamidad na dulot na rin sa pang-
aabuso natin sa kalikasan.
Bilang mag-aaral, kikilos ako sa abot ng aking makakaya
upang may kalikasan pa na madadatnan sa susunod na
henerasyon. Alam nating kadalasan sa mga nakakatanda ay ang
sumisira o umaabuso sa kalikasan sapagkat wala silang pakialam
at sila ay nakakaimpluwensya sa mga kabataan. Tapon dito,
tapon doon, sumusunog ng mga basura, pumuputol ng mga
punong kahoy ay ang mga kadalasang ginagawa natin. Dapat
tayong mga tao ay maging instrumento para maputol na ang
mga masidhing ginagawa ng ibang mga tao sa kalikasan.
Simulan natin sa ating mga sarili sapagkat ang isa ay dadami na
mahihintulad natin sa ripple effect. Gawin nating kaugalian
ang pagpulot ng basura kapag ikaw ay nakakita nito, magtapon
ng basura sa tamang lugar at huwag sunugin ito, kung puputol
man ng kahoy ay dapat palitan ito, kung may mga programang
pangkalikasan ay dapat lumahok at ang mga nabanggit ko ay
ilan lamang para masumpung natin ito.
Samakatuwid, nasa ating mga kamay ang kaligtasan ng
kalikasan sapagkat ang kaligtasan ng kalikasan ay kaligtasan na
rin nating lahat. Hindi pa naman huli ang lahat halimbawa tulad
nang ikaw ay gumuguhit at ang gamit mo ay lapis, nakita mong
hindi maganda ang ginuhit mo kaya syempre ang gagawin mo
buburahin mo ito. Katulad din yan natin kung ano o sino ang
may punot dulo o pinanggalingan ay siya rin ang makakalutas o
magwawakas. Huwag nating hintayin pa na ang kalikasan na
ang magalit at maghigante sa ating mga tao dahilan sa ating mga
kapabayaan at abuso. Ang kalikasan at tao ay may ugnayan
dahil kung wala tayong mga tao walang mag-aalaga nito at kung
wala ang kalikasan ay hindi tayo mabubuhay. Sa hulit huli tayo
rin ang kawawa dahil tayo ang maaapektohan sa ating baluktot
na gawain kaya kung ako sa inyo ay ipapangako ko na
pangangalagaan ko ang kalikasan at sisimulan ko na ito ngayon.

You might also like