You are on page 1of 2

Depende kung ilan ang balak mong palakihin na sisiw.

Pero mas makabubuting


magsimula muna sa maliit na bilang, kabisaduhin muna ang tamang pagpapalaki bago
mag-alaga ng marami.
Ang mga dapat mong ikonsidera sa pag-aalaga na nangangailangan ng puhunan:

1. Kulungan (gaano ito kalaki ay depende sa aalagaang sisiw at ikonsidera din ang laki
nito hanggang sa paglaki ng mga sisiw). Ano ba ang gagamitin? kawayan o kahoy na
may screen?
2. Presyo ng isang sisiw (30- 40 pesos bawat piraso) depende kung ilan ang aalagaan.
3. Pagkain nila. Isama na rin ang mga bitamina.
4. Dagdag sa babayarin sa kuryen dahil nangangailangan ang mga sisiw ng
magdamagang ilaw nila bilang pampainit.
Ang pag-gawa nmn ng bahay ng manok dapat i'multiply mo ang LAPAD sa HABA ng
kulungan ng 50 n manok, 1 sq Foot po dapat ang sukat kada isang manok at ang sukat ng
house nya dapat 4Ft x 12.5Ft = 50chicks....hehe

In addition, ito po ang maaari nyong magastos kapag nag-alaga kau ng 45days...
Noon inaabot pa ng 45days ang broiler bago ibenta, pero dahil sa pag-ulad ng
tecknolohiya dito sa bansa natin mas napapabilis na ang pag-harvest. Kagaya ng mga
commercial grower at contractor grower hindi na nila pinapaabot ang manok nila ng
45days kasi malulugi na sila sa pagkain at mga medicines ng mga manok kaya ang
ginagawa nila 30 or 35days hinaharvest na agad para hindi na sila malugi sa pakain sa
mga manok. At ang timbang dapat ng manok sa loob ng 35 days ay aabot sa 1.6Kg kaya
mas maganda din kung meron kang kilohan sa manokan mo. Ito naman ang rate kapag
binenta mo ang manok; P85 kapag buhay, P90 or P95 kapag n'dress na at P100 naman
kapag n'dress na at may balot na.
At Ito ang maaari mong magastos kapag nag-alaga ka ng manok:
Let's start sa 50 chicks ang aalagaan mo;


A. Capital:
32Php (PRICE MO)/ 50 chicks -------------------------------------------------- P 1,600
B.

Assumptions:
Sa 50chicks mo 4% dyan ay ang Mortality rate kaya kapag
tumaas ka sa percentage nayan lugi ka na sa negosyo mo.
50chicks - 4% mortality = 48 Chicks
(Gastos sa pagpapakain)
Starter = 10g x 50head / 1000g x 7 days x 28Kg ----------- P 98.00
Grower = 60g x 50head / 1000g x 14 days x 27kg --------- P 1,134
Finisher = 90g x 50head / 1000g x 14 days x 26kg --------- P 1,638
Medicines 5 Pesos / 50 Heads ---------------------------------- P 500.00
Total ng gastos sa loob ng 35 Days --------------------------- P 4,520.00


B. Income
Total: 48 x 1.6 x P95 / kilo --------------------------------------- P 7,296
(optional) Other Income: Mga Lamang Loob at Adidas ----------------- P 500.00
Total gross Income ----------------------------------------------- P 7,796.00
Ibawas ang gastos ----------------------------------------------- P 4,420.00
Net Income --------------------------------------------------------- P 3,376.00
Minus electricity and water consumption ----------------------- P 600.00
Net Gross: ----------------------------------- P 2,776.00


Yan ang feasibility study na ginawa ko...
Kaya kung mag-aalaga ka ng 500 chix, meron kang siguradong kita sa lood ng isang
buwanlet me know if kung may comment and suggestion kayoI hope na nagging
helpful ito para sa lahatThanks...

You might also like