You are on page 1of 8

PROLOGUE

ISINAMA ako ni Daddy Lolo sa isang lakad niya kung saan bibisitahin daw niya ang matalik niyang
kaibigan. Habang nasa sasakyan kami, pinapaliwanag sa akin ni Daddy Lolo na may nagawang hindi
maganda sa kanya ang kaibigan niya kaya tuturuan niya ito ng leksyon. Pagdating namin sa bahay ng
kaibigan ni Daddy Lolo ay agad kaming sinalubong ng kaibigan niya at ng asawa nito. Nagpunta sa isang
kuwarto si Daddy Lolo at ang kaibigan niya. Hinatid naman ako ng asawa ng kaibigan ni Daddy Lolo sa
isang garden kung saan naglalaro ang isang batang lalaki na kasing-edad ko. May playground doon at sa
ibaba ng slide nakaupo ang batang lalaki na naglalaro ng isang malaking plane toy. Naupo ako sa swing
malapit sa kanya at dahan-dahan akong nag-swing. Dadalhan daw kami ng pagkain ng mama nung bata.
Nang makaalis na ang mama ng bata ay ibinaba nito ang kanyang laruan at lumapit sa akin.
Anong pangalan mo? tanong niya.
Alexis. nakangiting sagot ko.
Bakit ganyan kulay ng mata mo? ipinaling ng bata ang ulo niya habang nakatitig sa akin.
Yumuko ako, Hindi ko din alam bakit Clyde.
Pano mo nalaman pangalan ko eh hindi ko pa sinasabi sayo?
Sinabi sa akin ng mama mo.
Ah. Tara laro tayo. Marunong ka magtago-taguan? excited na tanong nito.
Umiling ako. Hindi ko masabi na hindi ako naglalaro.
Halika, hinawakan niya ang kamay ko at hinila patayo. tuturuan kita. nakangiti si Clyde.
Hindi ko maramdaman ang balat ni Clyde dahil sa suot kong gloves. Pagtayo ko ay sabay naming
narinig ang mga nahulog at nabasag na mga baso at pinggan. Paglingon namin ay nakita naming duguan
at napaluhod ang mama ni Clyde. Gulat na gulat ang mukha ng mama ni Clyde at kitang-kita sa dibdib
nito ang dalawang tama ng baril. Bumagsak ito ng nakadapa sa lupa sabay tumakbo palaapit dito si
Clyde. Umiiyak ito, tinatawag ang mama niya at ang papa niya. Nakikiusap sa mga kasama kong tauhan
ni Daddy Lolo na tulungan ang mama niya.
Alexis, hija, gawin mo na ang sinabi sayo kanina ni Lolo. sabi ni Daddy Lolo habang lumalapit
kay Clyde at sa mama nito, hawak ang baril sa gilid niya.
Lumapit si Bernard, ang assistant ni Daddy Lolo, iniabot nito ang maliit na baril sa akin. Tinitigan
ko si Clyde na iyak pa rin iyak.
Alexis ayaw mo magalit si Lolo diba? Sige na gawin mo na yung palagi mong pinapraktis sa
bahay. sabi sa akin ni Bernard habang inaabot sa akin ang baril.
Kinuha ko ito at itunutok kay Clyde. Sumigaw si Clyde, lalong lumakas ang pag-iyak at biglang
tumakbo. Narinig kong pumutok ang baril na hawak ko at umiiyak na tumumba si Clyde hindi kalayuan
sa gilid ng mama niya. Binaril ko siya sa binti ng hindi ko namamalayan. Pumalakpak si Daddy Lolo.
Alexis. tawag ni Daddy Lolo sa akin sabay turo sa kanyang sentido.
Bumilis ang tibok ng puso ko, ayaw ko nito. Hindi ko na gusto ito. Wala na akong ibang naririnig
kung hindi ang pag-iyak at pagmamakaawa ni Clyde kay Daddy Lolo. Isinigaw ni Daddy Lolo ang pangalan
ko at napaatras ako sa kinatatayuan ko.
Five years old ako tumigil sa paglalaro ng mga manika at kung anu-anong laruan dahil binigyan
ako ni Daddy Lolo ng kakaibang laruan na nagpapatulog daw ng tao habang buhay. Kapag hindi ako nag-
praktis tulad ng gusto niya ay binabali ni Bernard ang braso o binti ko. Kapag hindi ko sinunod si Daddy
Lolo baka ako ang patulugin niya habang buhay.
Pikit mata kong ginawa ang utos ni Daddy Lolo. Pumutok ang baril at biglang tumahimik si Clyde.
Nagpalakpakan sina Daddy Lolo pati na rin ang mga tauhan niya at si Bernard. Seven years old akong
nag-umpisang kumitil ng buhay. Si Clyde ang una at hindi siya ang huli.
CHAPTER 1
Class Dismissed. pagkasabi ko nito ay biglang sumabog ang ingay sa classroom at nagkanya-kanya na
ang mga estudyante ko. Nauna pa ang mga ito lumabas sa akin. Ganoon nga siguro ka-boring ang klase
ko sa kanila. Alas-sais na ng gabi at sobrang lakas pa ng ulan. Paniguradong aabutin nanaman ako ng
ilang oras sa kalsada dahil sa traffic. Isang oras pa naman ang byahe ko mula sa Unibersidad na ito
hanggang sa bahay kapag normal lang ang traffic pero kapag rush hour at umuulan? Aabutin ako ng
siyam-siyam.
Nag-stay muna ako sa faculty at naki-wifi. Papalipas muna ako ng oras bakasakaling tumila ang
ulan. Dalawa na lang kaming professor sa loob ng faculty at ilang minuto pay dumating na ang sunod ni
Dr. Filantes kaya nagpaalam na ito sa akin at ako na lang ang natira. Nag-facebook muna ako at nagbasa
ng ilang balita sa Yahoo.
Top story ang A mysterious lady killed a man on public. Pinanood ko ang video kung saan sa
loob ng isang tren sa Brazil binaril ng isang babae ang isang lalaki. Gabi na ng mangyari ang krimen at
nasa lima o anim ang nakasakay sa tren ayon sa balita. Isa sa mga nakasakay ang kumuha ng naturang
video. Sabi ng kumuha, pipicturan daw niya sana ang babae dahil nagandahan siya dito at sa cool na
pananamit nito na mala-Angelina Jolie sa pelikulang Salt. Nagulat na lang daw ang lahat ng sumigaw ang
lalaki at nagmakaawa kaya kinuhaan niya ito ng video dahil biglang inilabas ng babae ang isang baril at
parang bored na pinaputukan ang lalaki.
Naisip ko na ang dami na talagang baliw sa mundo ngayon. Nakakatakot na at hindi na safe.
Pinatay ko na ang laptop ko at nagligpit na ng mga gamit dahil humina na ang ulan at pwede na siguro
akong umuwi.
KATULAD nga ng hinala ko, inabot ako ng dalawang oras sa biyahe pauwe. Latang-lata akong
pumasok sa bahay at halos walang ganang kumain. Dumiretso ako sa banyo para maligo dahil nabasa
ako ng pesteng ulan na hihina-lalakas ang trip. Medyo nabawasan ang pagod ko sa paliligo kaya naisip ko
na kumain na tapos diretso tulog. Paglabas ko ng kuwarto ay nagtaka ako dahil patay ang ilaw ng sala at
kusina samantalang bukas iyon pagpasok ko para magbihis.
Baka pundi na ang mga ilaw. Naisip ko pero sabay na napundi? Lumapit ako sa switch at
binuksan ito. Bumukas ang dalawang ilaw. May nagpatay nito at hindi ako yun. May kasama ako sa
bahay. Naging alerto ako at naghanap ng maaring pangdepensa sa magnanakaw. Nakapagtatakang
napasok ako gayong sinisigurado kong naka-lock ang lahat. Sobrang pagod ko siguro kaya ako nalusutan
ng magnanakaw? Dahan-dahan akong naglakad patungong kusina para kumuha ng kutsilyo at muling ini-
scan ang kusina. Pagpunta ko sa sala ay nagulat ako sa nakita ko sa sofa.
May babaeng nakahiga sa sofa ko. Natutulog. Pamilyar sa akin ang suot nito pero hindi ang
mukha. Lumapit ako para titigan siya ng mabuti. Bigla itong dumilat at muli akong nagulat. Kulay violet
ang mata niya. Mukhang cosplayer ang lintik. Sinakal ako nito bigla! Lumaban ako pero hirap na hirap
akong huminga at humabol ng hangin.
Grimmie! sigaw ng isang babae sa likod ko.
Kumislap ang mata ng sumasakal sa akin sabay binitawan ang leeg ko at itulak ako pabagsak sa
sofa. Napahawak ako sa leeg ko at napaubo. Naramdaman ko na may humahagod sa likod ko. Dilat ang
mga mata ko pero lumabo ang paningin ko. Mayamaya pay nakikita ko na ng maayos ang dalawang
babae. Nakatayo pa rin ang sumakal sa akin samantalang katabi ko naman ang isa na pamilyar ang
mukha sa akin.
Kuya. nakangiti itong yumakap sa akin.
Halo-halo ang emosyong naramdaman ko. Masaya ako na naiinis na nagagalit sa presensya ng
kapatid ko na si Terrence. Babaeng-babae na ito.
Ako lang ang nakatira sa bahay namin at may sampung taon na akong nabubuhay ng mag-isa
dahil umiba ako ng landas sa pamilya ko. Tahimik ang buhay ko kumpara sa kanila na mayaman pero
kailangang magtago sa mga kinauukulan at literal na madugo.
CHAPTER 2
Maupo ka muna Grimmie. sabi sa akin ni Terry na medyo naluluha pa. Hindi ko alam kung
dahil ngayon nya lang ulit nakita ang kapatid niya after 10 years o dahil itinulak siya ng kapatid niya
palayo after niyang yakapin ito.
Nakayuko ang kapatid ni Terry ng magsalita ito, Anong ginagawa mo dito? Nagsama ka pa ng
katulad mo.
K-kuya, tulungan mo kami ni Papa. hahawakan sana ni Terry ang braso ng kapatid pero
tumayo ito at tumitig sa akin.
Wala akong itutulong sa inyo ni Papa, makakaalis na kayo. Naglakad ito patungo sa kusina.
Naiinis na ako sa attitude ng kapatid ni Terry pero hindi ako nangialam.
Kuya nahanap na namin ang pumatay kay Mama.
Napatigil sa paglalakad ang kuya ni Terry. Doon nag-umpisang magkuwento si Terry. Isang
painting ang ninakaw namin ni Papa sa isang museum sa Wales. Yun ang naging daan para makilala
namin ang pumatay kay mama.
After namin ibenta yung painter doon sa buyer, naitanong sa amin nung buyer kung may ideya
kami tungkol sa existence ng blue pearl. Tinanong niya kung kaya ba naming kuhain at ibenta sa kanya
ang blue pearl. Dahil doon nalaman namin ni papa kung nakanino ang blue pearl at kung saan siya
makikita. Tinawagan ni papa sina Rose, Miel at Daressa para tulungan kami na makuha ang blue pearl at
syempre pa kahit never namin ginawa ni papa ay dispatchahin ang pumatay kay mama. Nakuha namin
ang blue pearl pero sinabit kami ni Rose. Swerteng buhay kami salamat kay Grimmie pero tinutugis kami
ngayon ng may hawak ng blue pearl.
Sino ba ang may hawak ng blue pearl? tanong ng kapatid ni Terry pero nakatalikod ito sa amin.
Belmont Industries. halos bulong ni Terry.
Nanlaki ang mga mata ng kapatid ni Terry. Mukhang kilala nito na ang Belmont Industries ang
nangungunang developer at distributor ng mabibigat na weapons sa ibat-ibang bansa. Yumaman ang
Belmont Industries sa mga kakaiba at advance weaponries na ipinu-provide nito worldwide.
Nasaan si papa? tanong kaagad ng kapatid ni Terry.
Hindi ko alam kung nasaan si papa. Ang plano ay hindi namin dapat malaman kung nasaan ang
isat-isa para mahuli man ang isa walang impormasyong maibibigay.
Tanga ka ba Terrence? Dito pupunta sa Pilipinas ang mga yun dahil alam nila na may mga
kamag
Binura namin ang lahat ng impormasyon na pwedeng mag-lead sayo Kuya. Sinunod ni papa
ang gusto mo kaya nga wala kaming contact sayo. Pineke namin lahat ng history ng pinagmulan namin
at lahat ng dokumento. Matatagalan silang mahanap kami at sana hindi na mangyari yun dahil
papatumbahin namin ni papa ang pumatay kay mama.
What?! Nasisiraan na kayo! Paano niyo sila mapapatay samantalang mas makapangyarihan
sila?
Ngumiti si Terry, We found Grimmie. Itinuro ako ni Terry sa kapatid niya. While in search for
the blue pearl, we saw Grimmie locked-up on a cell or something. Pinakawalan siya ni papa kaya naman
tinulungan kami ni Grimmie. Shes a weapon created by the Belmonts.
Alam ni Terry na ayaw kong tinatawag akong weapon kahit iyon pa talaga ang purpose ng buhay
ko pero sinabi niya siguro iyon para ipaitindi sa kapatid niyang nakakairita ang sitwasyon.
Oo, plano na kunin ang blue pearl para kumita pero plano din na patayin ang kumuha ng blue
pearl na orihinal nating pagmamay-ari. Double shot kuya. super wide ng smile ni Terry.
Ilang segundo na natahimik ang kwarto hanggang sa basagin iyon ng kapatid ni Terry ng No.
What do you mean No? tanong ni Terry.
If you want to stay here then stay here. Ako ang aalis. dumiretso na ito sa kwarto niya at
iniwan kami ni Terry.
Lets leave Terry. Useless ang pakikiusap mo sa kapatid mo. I told her.
Umiling si Terry. Kailangang i-push ko ito. Para sa kanya ito Grimmie. sabi niya sabay pasok sa
kwarto ng kuya niya.
CHAPTER 3
Napaupo ako sa kama habang iniisip sina mama at papa. Ang blue pearl ang kauna-unahang
treasure na sabay nilang kinuha noon ni papa. Simula ng mapasakamay nila ang blue pearl ay naging
swerte na sila sa mga misyon nila sa ibat-ibang bansa. Noong araw din na nakuha nila ang blue pearl
ang araw na nalaman nilang magkakaroon na sila ng panganay.

You might also like