You are on page 1of 136

shuffle

</shuffle>
</>
Join Now
</user_signup?nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F2215728-i%2527m-yours-compl
ete-compilation>
| Login <#> Join Now
</user_signup?nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F2215728-i%2527m-yours-compl
ete-compilation>
|
Username Password Facebook <#> Sign in with Twitter
<http://www.wattpad.com/user_twlogin.php?nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F
2215728-i%2527m-yours-complete-compilation>
Forgot? </user_password>
What's Hot </> What's New </stories/new>
Discover </stories>
Mobile </getmobile> Extra </news> Upload <
/mystories>
Filipino/Tagalog <#> Wattpad in
your language <#>
- <#> T <#> + <#>
I'm Yours (Complete Compilation)
Dedicated to
/Property of/* thelovablesunshine*
Everything in this book is purely fiction.
*Please do not steal or redistribute.*


*-------#--------*

*Prologue *
Gusto ko lang maging masaya at makasama ang ate ko sa States. That was
all I ever wanted. Wala sa plano ang magpakasal sa isang lalaki. At
lalong wala sa plano na babayaran ko ang 90 million na utang ng nanay ko
sa bestfriend niya! =___=
At sa kasamaang palad, kung hindi namin kayang bayaran yon, papakasalan
ko ang isang lalaking masungit na walang ibang gusto kundi awayin ako at
awayin... I hated him. Babaerong mabait lang sa mga babaeng malandi.
Lalaking suprisingly na maarte. =))
Sa storyang 'to, lagi akong naiiwanan. Lagi akong nasasaktan. At nang
nagsimulang makaramdam ako ng weird feelings sa lalaking 'to... I want
to be with him kahit na nasasaktan na ako. I want to be beside him kahit
na hindi ako ang pinipili niya. Basta't lahat ng katangahan ginagawa ko
na! Ang tanga lang, diba?!

But if he ever asks me who I am in his life..
I'll tell him... /"I'm yours."/


--

*CHAPTER ONE.
*
Ako nga pala si Erina. Isang magandang *ehem* dilag na 17 years old. No
boyfriend since birth. Dahil? Wala. Ayaw ni nanay, e. Masunurin akong
anak. Tsaka isa pa, nag-aaral pa ako. Oo nga pala, nandito ako ngayon sa
kwarto ko, ayaw ko lumabas, kulungan ko na nga 'to e. Walang lock ang
pinto ko, kaya basta na lang pumapasok yung mga tao diyan. Nawalan na
yan ng silbi. Bakit pa magpipinto kung papasok ka na lang, diretso pa?

"Ina, kain ka na. Mamayang alas-dose ang klase mo, diba?"

"Oo na, kakain na. Sus, kung magpakain kayo.....e 9 am pa naman." Hindi
ako pinakinggan ng nanay ko at pumasok na sa kwarto ko.

"Bakit ka pa nagpipinto? Wala naman 'tong lock."
"Alam ko."
"Kung makasagot ka, parang di mo 'ko nanay ah."

"Kung makasabi ka, parang di mo ko anak ah."

"Kain na tayo."

"K."

Yun lang, hindi naman kami masyadong close ng nanay ko 'no? Hindi naman
ako only child,e . As you can see, my sister deals with her work on the
United States and she plans to bring me there if I graduate, but then,
my mother doesn't approve. Too bad.

"You know what, Ina? You should eat now." Kinuha ko na ang kutsara ko at
tinidor.

"Don't English me, I'm not graduation." Hinila ko na yung sinigang.
"Sinigang na naman? Magiging Sinigang na tayo kaka-kain nito ah!"

"Wag ka nga reklamo ng reklamo, yung iba diyan, walang makain."

"So kapag kinain ko 'to, mabubusog sila?" Hindi na naman ako pinansin.
Kumain na lang ako at ninamnam ang maasim na lasa ng Sinigang, magiging
Datu Puti na ako nito.

"Ay, nag'ring yung telepono! Kunin mo nga, Ina." Aba, kung maka'utos,
akala mo katulong ako!

"E nasa tabi mo lang naman yung telepono ah." Dinilaan lang ako ng
tabachoy, sus kung hindi ko 'to nanay. HMPPPPPPPPPPPPH. "Magbibihis na
po ako. Sige bye."

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumasok sa kwarto ko. Pagkatapos kong
maligo, magbihis, magsipilyo at magsuklay, lumayas na ako sa bahay
namin. Ngayon araw na 'to kasi, hapon lang ang klase ko. Medyo okay na
rin yun.

(Sa eskwelahan)

"Inaaaaaaaaaaaa~ ang tagal mo naman nakarating! Alam mo bang Mayo na!"
Sabi ni Trina.

"Galing akong Abril." Tinignan ko yung iba kong kaklase at nakita ko
silang may ginagawa sa papel. "Trins, ano yang ginagawa nila? Assignment
ba yan sa Bio?" Nagkibit-balikat lang si Trina. "Wag mo nga akong
kinikibit balikat diyan! Baka ma'minus tayo!"

"Hayaan mo na, malay mo, diary lang nila."

"Diary?! May diary bang may kinalaman sa CELLS ARE THE BASIC UNITS OF
LIFE?!" Napakamot si Trina sa ulo. Kinuha ko agad ang notebook ko sa
Biology, at dahang-dahan na lumapit dun sa mga kaklase kong may assignment.

"Huy, anong ginagawa mo?" Bulong ni Trina saken.

"Mangongopya! Obvious?"

"Oo."

"Ha?!"

"Nandiyan na si Sir Diaz, nakatingin pa nga sayo e."

"E ba't ka bumubulong?!"

"E bumubulong ka din, e!"

"Eheeem. Miss Erina and Miss Trina? May problema ba kayo at nakatingin
kayo sa notebook ng kaklase niyo?" Lumingon samin yung kaklase namin at
napakunot ang noo.

"Ah, wala naman sir. Nakatingin lang ako, baka diary sinusulat
niya........."

-5 minutes later-

Pinalabas kami ni Sir Diaz dahil wala kaming assignment. Nakakaloka.
Nakakaloka talaga kasi minus na kami sa asignatura. Naglakad-lakad na
lang kami ni Trina, walang imik.

"Bagsak na kaya tayo sa Bio?"

"Hindi naman siguro."

Tapos naglakad-lakad ulit kami. Nag'bell na nung narating na namin yung
exit gate. Wala na akong klase. Yun lang. Biology. Ayoko ng pumasok,
wala rin akong assignment, bakit pa? Papalabasin naman ako, e.
Nag-aalala lang ako kay Trina, kasi maluha-luha niyang hinablot ang
cellphone niya at tinawagan ang Daddy niya.

"Daddy?" Umiiyak pa siya. "Daddy, wala akong assignment! T____T"
Tinadyak niya ang paa ko nung sinabi niya yun, bruha. "DADDY PANO NA
'TO?! WALA AKONG ASSIGNMENT! BAGSAK NA AKO SA BIO!!!!!!!" Tinadyakan
niya ulit ako.

"Hoy Trina ang sakit na ha----" Tadyak ulit. Umiiyak pa rin ang bruha.

"Daddy, babagsak na ako, hindi na ako makakasunod kay Ate....yung
promise niya sa akin na Forever 21 clothes!
Daddyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy...." Tadyak. "Daddy?" Binagsakan ata ng telepono.

"Ano raw sabi?" Umiyak lalo si Trina.

"Hindi niya raw ako narinig! Hindi niya suot ang hearing aid niya."

"Ay, anak ng.............." Akma ko na sana siyang sasapakin pero wag na
lang.

"Halika na, libre kita sa McDo." Ngumisi ako, libre daw. HEHEHEHE.

At ayun nga, nilibre niya ako sa McDo nang...makita ko ang nanay ko, may
kausap na isang babae at lalaki. May inabot na envelope, tapos ngumisi
ang nanay ko, tapos nahagip ako ng tingin.

"ERINA! ANAKKKKKKKKKKKKK!" Naku po.

*CHAPTER TWO*
"Bakit ba kung makatingin ka saken kanina parang di mo 'ko nanay, ha?"
Naman kasi, hinila lang ako bigla e hindi ko pa nga nakakagat yung Big
Mac ko. Sayang ang libre. Huuuuuuu. T_T

"E kasi yung....big mac ko. Sayang." Sagot ko nung umupo ako sa sofa. "E
ano bang ginagawa niyo dun, at may ngiti pa kayo sa mukha nung kumuha
kayo ng envelope." Natigilan ang nanay.

"Bio data lang 'yon, wag kang tsismosa." At ako pa tsismosa ngayon?
"Kaysa naman yung napalabas ka dahil wala kang asignatura!" Naku po,
kawawa tenga ko nito. "Oy, babae. Halika ka dito."

"Ayoko. Papasok na po ako sa kwarto ko, kukurutin niyo lang tenga ko e!
College na ako!" Tumawa si Mama.

"Gaga, yun na nga e! College ka na, wala ka pa ring asignatura! Baka
ipakasal na talaga kita e...."

"Ano po?" Hindi ko kasi narinig yung sinabi niya e. Parang 'Baka sakal
na talaga kita e...' "Sasakalin niyo ko?!" Nagmadali na akong tumakbo sa
kwarto ko at pumasok.

Hay, kamusta naman yon. Hindi ko naman kasalanan yung sa Bio e.. wala
lang talaga akong alam na may asignatura. Oo nga pala, may assignment pa
ako sa Math. Ewan ba't may Math, di naman yun kasali sa gusto kong
i'take up. Nakakaloka.

Nung binuklat ko yung notebook ko, nag'linya ang mga Math problems na
kailangan kong i'solve. Next week na deadline nito, jusme. Di pa rin ako
tapos sa 2x+y. Ang hirap kasi. Ano nga ba sagot dun? Diba may formula pa
yun? O wala ba? Erzitttt, wala akong maalala sa high school ko. Ang hina
ko kasi sa Math. Naku po, pano na yan. E wala ring alam sa Math si Mama,
pero ultimo pera, andali lang niyang mabilang at maalala. Pati utang ko
nung bata pa ako, alam niya. Malas.

"Ina, may utang ka pa saken na limang piso, diba?" Narinig ko sa may
pintuan ko.

"Oo. Next time na."

"Next time na naman? Limang piso, magiging sampung piso ah!"

"Ha?! Pano magiging sampung piso yun? Transform, nay? Ganon?"

"Ay wag mo nga akong pinipilosopo diyan ah." Napakamot ako sa ulo at
tumayo papuntang drawer ko. Madami kasi akong limang piso dun. Oo,
tag-ipon ngayon. Mahirap na.

"O eto na limang piso mo. Wag mo na akong gambalain! May Math assignment
pa ako!" Tumawa si Mama tapos ginulo buhok ko.

"Okay anak...para ma'solve mo na yan. Hay, andami mong problema."
Problema daw. Huu, ikaw lang naman problema ko e. "Oy, bukas. Maging
mabait ka ha. Linggo bukas, wala kang ibang lakad. Wag mong takasan 'to."

"Ano po ba yan?"

"Kasal."

"Ah, kasal." Natigilan ako. "KASAL?!"

"Nung bata ka pa, pinangako namin ng bestfriend ko na ipapakasal namin
sa isa't isa ang anak namin."

"Nayyyy, kaya kong kumain ng Sinigang ng paulit-ulit kasama niyo at
pilosopohin kayo..." Lumunok ako ng isang baso ng laway. "pero kasal? No."

"Napagkasunduan na namin 'to, Ina. Gwapo naman anak niya e."

"Eeee, kahit na! Ayoko. Di ko naman yun mahal."

"Hay nako, sana bukas ko na lang sinabi, wala ka pang reklamo."


Kasal raw? Aba, pwede na kahit ano wag lang 'to. Ayoko pang ikasal! Not
with a man I don't know! At pano na lang yung mahal ko?! Ay oo, wala nga
pala akong minamahal. Di ko na naisipan magmahal kaya eto! Eto na ang
parusa.

"Kilala mo daw yung lalaki, Leux Luciano yung pangalan ng anak nila."

"Ano nay?! LEUX ALEXANDER LUCIANO?"

"O bakit? Nauntog mo ulo mo?"

E siya yung lalaking sikat dun sa university sa kabilang kalsada.. o
baka ibang Leux. Imposible naman ata yun, diba? Parang napaka'imposible
na yung playboy na yun ang papakasalan ko..

"Nay, sigurado ba kayo na yan na Leux?"

Hindi na sumagot nanay ko at nagkibit balikat. Nakakainis talaga 'tong
taba na 'to, ipapakasal na nga ako ayaw pa akong sagutin! Sinarado ko na
yung pinto. Kasal....Leux.....masyado naman atang mabilis. Ang bilis
bilis.. Kanina-nina, bagsak ako sa asignatura sa Bio tapos ngayon
ikakasal na ako. Ayaw na ata akong buhayin ni tadhana nito. Pano na lang
yung true love ko? Kawawa naman.

Siguro nga, medyo pabiro ko 'tong hina-handle, pero anong gusto niyong
gawin ko? Magpakasaya kasi ikakasal na ako sa taong walang ibang gustong
gawin kundi mambabae? Gusto ko na nga umiyak ngayon, e. Ayoko nito.
Hindi pa ako handa. Walang ibang pwedeng pumigil kay nanay nito...kahit
nga ako, e .

Hay, tatakas na lang ako mamaya. Hehe.


"At wag ka nang magbalak tumakas mamaya, Ina ha." Narinig kong sabi ni
Mama. Hayz, bisto. "Sundin mo 'tong gusto ko, intindihin mo naman ako."
Lumabas ako sa kwarto ko at hinarap si Mama.

"Anong gusto niyong intindihin ko? Na ipapakasal niyo ko na parang
bayaran? Bakit hindi si Ate?"

"Nasa Amerika na, alangan naman pauwiin ko dito?"

"Noon, nung wala pa siya sa Amerika. At isa pa, siya naman yung panganay
e. Bakit akoooo?!" Kumunot ang noo ni Mama.

"Magpahinga ka na." Sagot ba yun sa tanong ko? Erzittt.

"Mama, sagutin mo 'ko."

"Hindi ka naman nanliligaw ba't kita sasagutin?"

"Binibiro niyo lang naman ako, e!" Nakakainis. Kailangan kong
ma'convince ang nanay ko bago mag'Lingoo! Alas'6 na ng gabi. Hayz.
"Mag-aaral na po ako ng mabuti! Hindi na po ako magrereklamo kapag
sinigang ang ulam, Ma.. please naman...."

"Tigilan mo nga ako sa drama mo. Manonood pa ako ng Mutya." At hindi na
ako pinansin. Umupo na siya sa sofa at tuluyan ng pinanuod si Mutya. Erzit.

"Mag-usap kayo ni Lolo Sheldon!" Binagsak ko na ang pintuan ko at
umiyak. Ayoko nito.

Tinawagan ko si Trina.

"Uy, ba't ka umiiyak?" Tanong niya nung tinadtad ko siya ng mga iyak.
"Okay ka lang ba, Ina?"

"Mukha ba akong okay, ha?! Sino bang taong okay na umiiyak?!"

"E kung maka-pilosopo ka, parang hindi ka pa thankful na sinagot ko
tawag mo ah." HINDI THANKFUL?!

"Hindi thankful ka diyan, sino ba nagbabawas ng load?!" Hindi na siya
nagsalita, mabuti nga. "Trins..."

"Ano? Anong bang nangyayari sayo? O theorical question na yan ha."

"Ipapakasal ako ni Mama..." Pinahid ko ang luha na unti-unting nahuhulog
mula sa mga mata ko. "Trina, ayoko pa!"

"San ba nanay mo?" Napaiyak ulit ako.

"Nanood ng Mutya! Huhuhuuu." Tapos naramdaman ko na lang na nabagsakan
na ako ng telepono. Bruha talaga. Porke't paborito niya ang Mutya,
babagsakan na ako ng telepono! T___T

Pano na kaya ako nito. Mabubuhay pa kaya ako? Ayokong mag-asawa. Ayoko
pa. Ayoko pang tumabi ng tulog sa isang lalaki habang nag-aagawan kami
sa kumot. Ayoko ng may kaagaw sa pagkain. Ayoko mag-alaga ng bata. Ayoko
mag-lakad sa isang nakakapagod na red carpet para lang makita ng madla
ang gown ko. Ayoko talaga.

Gagawin ko na lang impiyerno ang buhay ni Leux Luciano. Hah.

*CHAPTER THREE*
*Leux POV*

Wanted, future girlfriend.
Medyo mahaba ang buhok
Maputi, magaling manamit
Huwag lang mga babaeng sosyal
Simple, manonood ng sine
Magkakape diyan sa tabi-tabi
Siya pa ang manlilibre

"Leux Alexander! Hinaan mo nga yan!" Narinig kong sigaw ni Mama mula sa
ground floor. Hininaan ko na ang volume at humiga sa kama ko. Nakakainis
na buhay naman, oo. Ipapakasal na daw ako.

Ini'enjoy ko pa nga buhay ko, e. Ayoko pa ng kabiyak sa buhay. At kung
may magpapatino man sa pagiging playboy ko, hindi pa siya pinapanganak.
Kasal? Hah, it ain't stopping me. Edi I'll cheat. Hanggang sa ma'annul
ang kasal, edi I'm free.

"Hoy." Si Ate Hera.

"Uy, Heracross, ba't ka nandito?"

"Heracross ka diyan. Kumain tayo ng ice cream, libre mo 'ko. Gutom ako, e."

"May date pa ako mamaya."

"Leuxxxxxx, mamaya na yang babae mo! I thought I was the only woman you
ever loved! Your sister!" I rolled my eyes, nandito na naman 'tong
usapan na 'to.


"Of course you are. Pero maganda kasi siya Ate. Okay? And besides, you
know you love me." Nag'puppy eyes pa ako sa kanya para bitawan na niya
ang ice cream.


"Ayoko. You're going to meet your fiance tomorrow, don't be late ha. I
heard mom say na maganda daw itong girl. I'm sure you'll like her."


"I'm not ready to settle any commitments!"

"I'm sure this time, Leux. Ito na yung babaeng magpapatino sayo; ang
asawa mo." Tapos nag'evil laugh na siya. Evil talaga.

"Oo na, lumabas ka na. Bibilhan na kita ng ice cream para matahimik ka na."


"Yipee! You really love me, brother. Sige na, yung Reeces ha? Ayoko ng
ibang flavor." Tapos lumabas na siya sa kwarto ko. Kainis. Kasal daw. Hah.

Tumayo na ako para umalis, baka pumasok na naman yung babaeng yun.
Well, sige na nga, ibibili ko na siya ng ice cream, gutom rin naman ako.
Fair enough. Kaya umalis na ako ng bahay at nag'kotse papuntang
convenience store. Ayoko maglakad ng malayo, ayoko sa alikabok, ayoko ng
usok, ayoko ng dirt, at higit sa lahat, ayokong tinititigan ako sa mata
ng mga tao. Kaya mabuti nang mag'kotse ako, at least mabilis, walang abala.

Mamaya-maya, nakarating na ako sa convenience store malapit sa house.
Well, 10 minute walk lang naman yun galing sa bahay. Ayoko lang talaga
maglakad. Binili ko na ang request ni Ate hEra at bumili na rin ng
cigarette. Nung nilapag ko na sa counter, ngumiti yung cashier girl saken.

"Ang gwapo.." Narinig kong bulong niya sa sarili. Nginitian ko siya.
"Ang gwapo talaga..!" Binilisan niya ang pag'laser sa mga binili ko at
pinasok sa cellophane, kasama ang receipt at ang number niya. "Sun yan,
text mo ko ah? Hihi." Kinuha ko na yun at umalis, sabay wink sa kanya.

Mga babae talaga..andaling mauto, porke't gwapo na ang lalaki, ibibigay
agad ang number. Maganda naman siya, e. But, she's not like those girls
I dated before, yung marunong magdala ng itsura. I want girls who make
themselves pretty for me. FOR ME and nobody else. Madami na rin akong
na'date pero lahat sila, tapos lang sa isang gabi, I get their v-card,
and then poof...babalaan ko na sila na lumayo saken or else hindi na
nila ako makikita. Simple lang, diba?

Kaya ayoko pa magpakasal. I still like girls who throw themselves at me.
Ayoko pang matali sa isang babaeng panghabambuhay. A girl who dates me
only lasts 2 months. Kapag nag'extend ng 1 month..........hindi
mangyayari yon, no extension. 2 months, tapos.

Binilisan ko na ang pag-uwi ko dahil naalala kong may assignment pa
palang binigay yung Prof. namin sa amin. Well, kahit ganito naman ako, I
am pretty good at my studies. Hindi ko naman pinapabayaan yung pag-aaral
ko. Kaya kong maging rank 1, I can even achieve to be a valedictorian.
Mayaman ako, gwapo, matalino. At oo, mayabang ako, dahil may
maipagyayabang ako.

"Leux, bilisan mo! Matutunaw na yang Reeces ko!" Hinila na ako ni Ate at
tumawa siya bigla.

"Anong tinatawa mo diyan?"

"Wala. Ini-imagine ko lang, pano kong asawa mo na ang hihila sayo? How
good would that be! Diba?" I glared at her.

"Hindi ako mag-aasawa. That will never happen." Binuksan na niya ang
container at sinimulang nilamon ang ice cream. My sister's a pig.

"Waf ka nga mafado congfishent dan!" Sabi niya ng may laman pa ang bibig
niya. "Tomorrow's the meet and greet! I can finally have a permanent
sister-in-law! Pati na rin si Siena!" Si Siena ang younger sister ko.
She's 7 years old. Medyo maaga nag-asawa si Mom at Dad kaya ganyan. Hera
is 4th year college right now, ako, 2nd year college at si Siena, Grade
2. Malayo-layo rin ang years namin ni Hera kay Siena, antagal kasi bumuo
nila Mom at Dad.

"Kuya Lus?" I heard my sister's voice. I jogged to her and smiled.

"Hey, baby girl. Ice cream, you want?" Siena rubbed her eyes and smiled.

"Meron pa po ba?" Mahina niyang sabi tapos biglang nahiya. "Ate...can I
make hingi your ice cream..?" Kinarga ko na siya papunta sa table at
sinubuan ng Reeses ni Ate Hera.

"Sayo na lang 'tong ice cream ko, okay?" Sabi ko sa kanya para hindi na
siya humingi. Nilagay ko na yun sa isang bowl at binigay sa kanya. "Kuya
will be out muna, okay?"

"Will you smoke again...Kuya?" Napatigil ako. Matagal na ring alam ni
Siena na naninigarilyo na ako pero ngayon niya lang ako tinanong tungkol
dun.

"Yeah..baby, why?"

"Smoking is bad for your body....right? Wag ka na smoke. Bad yan."
Ngumiti ako.

"No, Siena..I won't smoke anymore, just a little more..okay?" Tumango
lang siya at kinain na ang ice cream niya.

Lumabas na ako at nanigarilyo. Nagsinungaling ako kay Siena, I won't
smoke just a little more...hindi ko mapigilan ang paninigarilyo. It's
more of a habit than an addiction. Ayoko kasi nang hindi ako
nakakalanghap ng sigarilyo.

"Sabi mo, just a little more? Mukhang pangalawa mo na yan, ah." Narinig
kong sabi ni Ate Hera.

"Isa pa lang 'to. At isa pa, hindi ko pa kayang tigilan."

"Adik ka talaga." Natigilan si Ate Hera. "Ah, nasa living room yung
nanay nung pakakasalan mo, kakausapin ka daw. Bumaba ka na."

Ugh, why now. Sht.
*
CHAPTER THREE POINT TWO.*
ERINA POV

May narinig akong ingay sa bintana at kinamot ang ulo ko. Sino na naman
ang magtatapon ng bato sa bintana ko sa dis-oras ng gabi (11:39 pm)?
Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ako makatulog. At oo, walang
konek. Nasan na ba kasi yung suklay ko?! Ang gulo ng buhok ko, hindi
talaga ako makakatulog nito. Ang inittttt.

*klink*

"Pwede ba?! Maghanap ka ng ibang bintana diyan na pagtatapunan mo ng
bato?! Nakikita mo ng natutulog yung tao e!"

*klink* Ay sht, ginagalit ako? AY HINDEEE HINDEEE INA, PINAPATAWA KA. -,-

"May tao bang tulog na sumisigaw?" Hala, si Trina ba yun?

"Trina?" Tanong ko, saka naglakad papuntang bintana para tignan kung sino.

"Oo 'no! Gaga ka ba?! Kailangan na ba ng appointment para makausap ka?!"

"E ba't hindi ka na lang kasi pumasok sa kwarto ko? Wala naman yang lock."

"Mamamatay ka na."

"Manahimik ka." Tapos naglakad na siya papasok sa bahay. Baliw. Ano na
naman ginagawa niya rito? Wala na naman akong utang sa kanya ah.
Andami-dami kong problema.

"Girrrrrl~, lumayas ako sa bahay."

"HA?! PINALAYAS KA?!"

"Wala 'no, baliw ka ba. Wala 'no, lumayas lang ako." Natahimik lang
kaming dalawa tapos humiga na siya sa kama ko. "Bukas na yung meet and
greet. Hindi ka naman siguro nag'Nescafe Strong & Rich para hindi
makatulog, diba?"

"Yun na nga, e. Hindi ako nag'kape, nawawala suklay ko."Tapos narinig ko
na lang na tinulugan na niya ako. Ganun na ba ako ka'boring?

Hinila ni Trina yung kumot ko tapos pinulupot sa sarili niya, sabay ikot
sa kabila. Hindi ko na siya dinistorbo. Bukas na ng umaga yung meet and
greet. Leche talaga. Ayoko pa kaya. Baka pangit yung ipapakasal sakin,
tapos mukhang pera tapos sasabihan ako ng hampaslupa. Ganun naman talaga
pag mahirap at mayaman, diba? Madaming differences. Buhay pa lang nga
namin, magkasulungat na, tapos kami pa mismo?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ng nanay ko at nag'deal sila
ng bestfriend niya noon. Namaaaan, ano kami? Doll na ipapapakasal lang
dahil nag'deal? Pano naman ako? Reklamador pa naman ako. Ayokong
sumasakay pag malapit lang ang pupuntahan ko. Mahilig ako maglakad. E
yung Leux na yun? Playboy lang naman ang alam kong traits nun. Mabait
kaya siya?

Umungol si Trina sa tabi ko, ang ganda siguro ng panaginip niya. Mabuti
pa siya...hindi pa rin makukulong sa isang lalaki. Nakakainggit na ha.
Habang ako, nararamdaman ko na ngang pabagsak ang grades ko, wala pa rin
akong ginagawa.

Teka...

Kung magpapakasal ako kay Leux....


Mamahalin niya kaya ako...?

*CHAPTER FOUR*
"Erina, gumising ka na." Umungol ako kasi ang ingay-ingay. Limang beses
na ata ako sinabihang bumangon na at gumising. Ayoko pa nga gumising e.
Ang kulit kulit! "Erina, gising na sabi! 8 na ng umaga! Uuwi na ako,
maligo ka na! Meet and greet na!"

/'Meet and greet na!'/
/ 'Meet and greet na!'/
/ 'Meet and greet na!'/

Nag'echo ang mga salitang yon sa ulo ko at napabukas ako sa mata ko,
bumangon ako at sinilip ang sala namin. Walang tao. Wala pa si Mama,
hindi pa siya gising. Pagkakataon ko na 'to. Tatakas na ako. Tutal ayoko
naman nito.

Binuksan ko na ang cabinet ko at sinimulang tanggalin ang mga damit ko
at tinapon ito sa maleta na nasa kama ko. Kung tatakas ako, dapat
madaliin ko na, kung hindi, maaabutan ako ni Mama. Mawawala lahat ng
pag-asa na pwede pa akong maging single, na pwede pang lumandi. Chos.

"Hoy, anong ginagawa mo?" Tanong ni Trina saken. Tinignan ko siya ng
nakakunot ang noo.

"Obvious ba? Nag'eempake. Haler, wag mo na akong tignan! Umuwi ka na sa
inyo. Mangugutang na lang ako sayo bukas, tatawagan kita pag ganon.
Mangangamusta ako sayo paminsan-minsan. Kailangan ko lang 'tong gawin.
Tapos minsan, baka magkita rin tayo at tsaka---"

"Ano bang pinag-sasabi mo diyan Ina, ha?! Bakit nakalabas lahat ng damit
mo? Tapos may maleta pa! San ka ba pupunta, ha?" I froze. Shit.
Kajirits. Anak ng adik. Leche. "Hoy, bakit hindi ka sumasagot ha? Ano
bang gagawin mo?"

"Aling Rowena, good morning po!" Sabi ni Trina kay Mama. "Sorry po, ah.
Nakitulog ako dito." Tapos ayun..umupo na ako at umiyak.

"Mama! Ayokong ikasal! Bakit niyo ba 'to ginagawa saken?! Kaya kong
kumain ng Sinigang kasama niyo ng paulit-ulit! Kaya kong kayanin lahat
ng pambabara na ginagawa niyo saken! Lahat ng pagpisil ng tenga ko, mga
utos niyong hindi mailista, ang mga pagsusungit niyo saken at pagiging
KJ niyo pero wag 'to! Ayoko!!" Patuloy na tumulo yung mga luha ko mula
sa mata ko. Nakasandal lang ako sa cabinet ko at napuno ng katihimikan
yung kwarto ko. Naramdaman kong tumabi si Mama sa tabi ko.

"Anak...sa totoo lang, ayoko rin naman 'to e. Kaso, may utang pala ako
kay Serisa noong bata pa kami, nasira ko ang mamahalin nilang vase noon
na nagkakahalaga ng siyam napung milyon (90 million), at alam mo namanh
mahirap lang ang pamilya namin at nakakayanan lang ng pagkain at
pag-aaral namin ang sahod ng Inay at Itay ko. Kaya nangako ako sa ama ni
Serisa na ipapakasal ko ang anak kong babae sa anak na lalaki ni Serisa,
tapos bibigyan ko siya ng apo para magmana ng kayamanan niya pagdating
ng panahon." Umiyak lang ako ng umiyak. Lecheng vase na yan! Dahilan ng
pagkasira ng buhay ko! Wala bang mighty bond noong araw?! Bwiset. Hindi
alam mag'mighty bond edi sana buo pa yung lecheng vase na yon! Tae. Vase
na vase, kasal ang kapalit. Shit paker! Trashtalk na kung trashtalk! SHIT.

"So anong gusto niyong gawin ko?! Bigyan ko ng apo sa tuhod yang ika-ika
na tatay ng Serisa na yan?! Tae! Mag-ampon, di ba nila alam yan?!"

"Kailangan na galing sa dugo ng mga Luciano."

"Edi mag'donate sila ng dugo! Ihalo dun sa aampunin! Andami-dami pang
satsat! Kung ginawa pa nila yan noon edi sana may apo sa tuhod na yang
tatay niyang yan."

"Bwiset na vase." Mahinang sabi ni Trina.

"Sige na nga, gagawin ko na. Magpapakasal na ako sa Leux na yan."
Ngumiti si Mama. Tapos niyakap ako. "Bitawan niyo nga ako, ang taba-taba
niyo."

"Che, mahal mo ko."

"Di kita boyfriend, alis na."

Mamaya-maya, lumabas na si Trina at si Mama, naiwan ako sa kama ng
nakatulala. Sa vase lang pala 'to nagsimula e. Sana 'The Vase' na lang
ang title ng storya na 'to. Wala kasing maisip na title. Sus. Napahiga
na lang ako sa kama ko sandali at narinig ko ang sigaw ng nanay ko.

"Erina, bihis ka na ba?! Bilisan mo na't maligo ka na diyan. Darating na
sila!" Bumangon ako sa pagkaka'higa ko.

"Ma, pano kung hindi ako ikasal dun sa Leux na yun?" Tanong kong pasigaw
kay Mama.

"Edi ako ang magiging kabayaran!" Tumawa ako at inimagine ang pag-ihaw
sa nanay kong tabachoy. Magiging lechong baboy siya dun sa mga Luciano.
Ang sarap siguro ng meat niya. Hehe

"Sana nga ikaw na lang!" Pumasok na ako sa banyo at naligo.

Pagkatapos kong mag-ayos; nagsuot ako ng t-shirt at isang pedal. Disente
naman siya tignan e. Okay lang. Ayos na 'to. As if naman. Bakit ba ako
magpapaganda sa magiging rason kung bakit masisira ang buhay ko? Shet
lungs. Sus, kung di ko lang mahal nanay ko, siya na lang ibabayad ko dun
e! Chop-chopin siya dun for all I care. Maging porkchop ba o ano.

Sumilip ako sa labas at nakitang binuksan ni Mama ang pintuan. Shit.
Sinarado ko ang pinto ko, tapos may narinig akong 3 pares ng mga paa na
palapit sa sala. Nandito na sila. Patay. Tae.

"Rowena! Ang lusog lusog mo na, ah!" Boses ng babae, eto na siguro yung
Serisa.

"Oo nga, Serisa e. Malusog pa rin at maganda!"

"Siyempre naman 'no. E yung anak mo, nasan na ba? Tawagin mo na. Excited
na ata 'to si Leux e." Huuuuu, jusko sana naman hindi ako mamatay sa
gagawin kong 'to.

"Nako, Leux. Sandali lang iho, ah? Tatawagin ko lang yung magandang
dilag ko na anak." Narinig kong papalapit si Mama sa kinaroroonan ko.

"Ina, lumabas ka na diyan anak." Pumikit ako at nag'sign of the cross
bago pinihit yung pinto ko.

At ayun nga. Nakita ko sila. Yung Serisa, yung asawa niyang lalaki, may
kagwapuhan ang asawa niya at yung nasa tabi nilang dalawa, yung lalaking
medyo spiky yung buhok at ayos ang porma, maputi at siguro
matangkad...yan na ba si Leux?

Tinulak ako ni Mama papunta sa kanila at ngumiti na lang ako, sa kabila
ng mga kabog sa dibdib ko.

"Good morning....po, uh Tita...Serisa." Ngumiti yung Serisa sabay tayo
niya at hila sa kamay ko para himasin ito.

"Aba, ang ganda ng anak mo Rowena! Ang puti at chinita!" Tumingin siya
sa mata ko at ayun nga....nakita ko...mabait siya. Nakita ko ang galak
sa mata niya sabay tingin sa anak niyang si Leux. "Leux, stand up ang
greet your fiancee." Tinignan ako ni Leux pataas hanggang baba, para
bang ina'analyze ang porma at tindig ko bago tumayo. He offered his hand
to me.

"I'm Leux Luciano." I took his hand at hindi ngumiti. Tinignan ko lang
siya sa mukha at in'analyze din ang features niya, gwapo nga. Napansin
ata niya na tumitingin ako. "Is there something wrong with my face?"
Binitawan ko ang kamay niya at nag'blush.

"Wala, maamo lang ang mukha mo." Poker face pa rin siya at tinignan ako.
Tapos nabigla na lang ako ng hinila niya ako at naglakad palabas ng bahay.

"Hey, alam kong ayaw mo ng marriage na 'to, and so do I. My parents--no,
our parents decided na mag'date raw tayo for about 5 months before ang
wedding. Look.." Tumingin siya sa ibang direksyon bago ako tinignan.
"hindi kita type. I don't like your looks. Ayoko ng tindig mo. Para kang
nagbihis lang para sa isang hang out sa barkada mong taga'kanto." Ang
sakit niya magsalita! Ang yabang, porke't ganito ako magbihis parang
taga'kanto na friends ko?! Loko 'to ah.

"Pwede ba, ha?! How about you get to know about me before you judge me?
Alam kong masyadong charming ang tindig mo, gwapo ka, maamo ang mukha
mo, pero para sabihan ako na ang tindig ko ay parang kaibigan ng
taga'kanto? Excuse me, ha. Ayoko rin naman ng kasal na 'to e. Wag kang
swapang! Hindi lahat ng babaeng tumitingin sayo ng pangalawang beses e
gusto ka na! Oo nga't gwapo ka, ang ugly naman ng ugali mo! At wag mo
'kong ini-English! I'm not graduation! Che!" Naglakad ako palampas sa
kanya at nag'decide na magkulong na lang sa kwarto ko. Walang
patutunguhan ang pag-uusap namin dahil kapwa naman pala namin hindi
gusto ang kasal na 'to. Bwiset. Swapang. Sungit.

Bago pa man ako makarating sa hagdanan papuntang pinto, may humablot sa
kamay ko at napaikot ako hanggang naramdaman ko na lang ang isang labi
sa labi ko. Labi ni....Leux Luciano.

I pulled away, gulat na gulat sa ginawa niya at ang sumunod na ginawa ko?


Sinampal ko siya, ng malakas na malakas.

*CHAPTER FIVE*
Leux POV

"Magbihis ka na daw. Pupunta na kayo sa bahay ng fiancee mo." I groaned.
Nakatayo si Ate Hera sa may pintuan ko at hinihintay akong tumayo.
"Leux, bilisan mo nga! Such a turtle." Pumasok na talaga siya at
tinapunan ako ng unan.

"Oo na, sandali lang.. 5 minutes." She rolled her eyes at me at lumabas
ng kwarto ko. I should lock my door sometime. Nakakainis. Oo, ayoko ng
mga taong dinidistorbo ako pag natutulog.

Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at naligo, bago pa pumasok ulit si
Ate. Ayoko pa naman na pinapaulit-ulit ang mga sinasabi. Ayoko ng
paulit-ulit. Nakakairita sa tenga. Binilisan ko ng maligo at lumabas.
What should I wear? Casual clothes? A v-neck shirt should be good. And
jeans, at siguro a pair of Vans shoes. Okay na yan. Makikita ko lang
naman yung babae, not a big deal to get dressed to kill.

"Leux Alexander! Are you done? Let's go!" Pinihit ko na ang pinto at
lumabas. I haven't even had my breakfast. Tapos aalis na agad? Ganun ba
talaga ka'importante yung babaeng yun para magising ako ng 7 am? Ugh.
And it's Sunday.

"Nandiyan na po." Bumaba na ako sa hagdanan. Nakita ko si Siena na
kumakain and patted her head. "Good morning, baby." She smiled at me
then waved.

"Bye bye Kuya." Tapos lumabas na ako ng bahay. I head on the car, nandun
na sila mom at dad. Then I felt my phone beep on my pocket.

'I'm going back in 1 month! Aren't you excited 'Der? I love you.'

Ngumiti ako. She's back. Matagal ko rin 'tong hinintay.

"Medyo may kalayuan ang bahay nila, pero malapit lang sa school mo."

"Okay."

"Treat her nice."

"I won't promise anything."

"Leux..."

"You know I don't like this." I saw my Mom's eyes, her eyes went sad.
"I'm sorry. I was just telling the truth." Kahit alam ko ang rason kung
bakit ginagawa ko 'to, it still pissed me off. I didn't like it. Ayokong
pinipilit saken ang bagay na ayoko.

"Okay lang. I just wanted you to do this for me. Just for me, anak. I
love my bestfriend." Ngumiti siya for a second then nawala ang ngiti
niya. "Do this also for your lolo, para may magmamana na ng company niya
pagdating ng panahon."

"I'm just a 2nd year college student, ma."

"I know. Malapit ka na ring maging 3rd year, and by then, you'll turn
19, then yung anak ni Rowena, she'll be 18 by then." She smiled at me.
"Tapos after both of you graduate, we'll have the church wedding." Hindi
na ako nagsalita.

20 minutes later, dumating na din kami sa bahay nila. It's kinda old and
somewhat big. Gawa sa kahoy. As in yung paisa-isang binuo para makagawa
ng bahay. Pang-mahirap na bahay. Andami sigurong alikabok diyan. I got
out of the car and explored more of the house's appearance. Parang bahay
ni Rizal, pero medium-sized. Mas malaki pa bahay namin, 5x more bigger.
Ang yabang ko, alam ko.

Kumatok na si Mom sa pinto, 1 minute later, binusan ito ng isang
matandang mataba na babae. Ito na ata yung Aling Rowena. Pinapasok
kaming lahat sa salas niya. Umupo lang si Dad, si Mom at tumabi ako sa
kanya. Hindi nagsasalita si Dad 'cause he knows how I feel. Kaya go with
the flow lang siya. He respects my emotions. Kaya tahimik lang siya.

"Rowena, ang lusog lusog mo na, ah!" Sabi ni Mom.

"Oo nga Serisa, e. Malusog pa rin at maganda!"

"Siyempre naman 'no. E yung anak mo, nasan na ba? Tawagin mo na. Excited
na ata 'to si Leux e." Hindi ako excited. I don't even want to know who
she is.

"Nako, Leux. Sandali lang iho, ah? Tatawagin ko lang yung magandang
dilag ko na anak." Naglakad na siya papunta sa isang kwarto. "Ina,
lumabas ka na diyan anak." Sabi niya saka kumatok. Dahang-dahan na
bumukas yung pinto at lumabas ang isang babaeng maikli ang buhok.
Naka't-shirt lang siya at naka'pedal. Plain. Kinakabahan ang mukha niya
at nakita kong tinignan niya kami isa-isa.

"Good morning....po, uh...Tita...Serisa." Ngumiti si Mama sa kanya saka
tumayo. Pumikit na lang ako at hindi nakinig sa pinag-uusapan nila. I
didn't care.

"Leux, stand up and greet your fiancee." Minulat ko ang mga mata ko at
tinignan ko siya, head to toe. She looked very plain. Wala siyang
fashion sense. I feel it. I offered my hand to her, kailangan pa rin
naman maging gentleman kahit na ayoko e.

"I'm Leux Luciano." Kinuha niya ang kamay ko. Tinignan ko siya at nahuli
ko siyang nakatingin sakin, para bang ina'analyze ang mukha ko. "Is
there something wrong with my face?" Tinanong ko siya para hindi na siya
tumingin sa mukha ko. Napayuko siya at nag'blush.

"Wala, maamo lang ang mukha mo." I didn't want anymore drama in the room
kaya hinila ko na ang kamay niya at lumabas ng bahay nila. I have many
things to tell her off.

"Hey, alam kong ayaw mo ng marriage na 'to, and so do I. My parents--no,
our parents decided na mag'date raw tayo for about 5 months before ang
wedding. Look.." Tumingin siya sa ibang direksyon bago ako tinignan.
"hindi kita type. I don't like your looks. Ayoko ng tindig mo. Para kang
nagbihis lang para sa isang hang out sa barkada mong taga'kanto." Her
face changed when I said it all. Tapos she glared at me.

"Pwede ba, ha?! How about you get to know about me before you judge me?
Alam kong masyadong charming ang tindig mo, gwapo ka, maamo ang mukha
mo, pero para sabihan ako na ang tindig ko ay parang kaibigan ng
taga'kanto? Excuse me, ha. Ayoko rin naman ng kasal na 'to e. Wag kang
swapang! Hindi lahat ng babaeng tumitingin sayo ng pangalawang beses e
gusto ka na! Oo nga't gwapo ka, ang ugly naman ng ugali mo! At wag mo
'kong ini-English! I'm not graduation! Che!" Hahahaha, ugly ang ugali
ko? Swapang? Tignan ko lang.

She walked past me at umakyat dun sa hagdanan papuntang pinto. But
before she even reached there, I grabbed her hand. Napaikot siya and I
laid my lips on hers.

1...2....3....4....5....6....7....and...

*slap!*

Naramdaman ko na lang ang kamay niya na dumampi ng malakas sa mukha ko.
I grinned.

"ANG BASTOS MO!" Pumasok siya bahay nila at binagsak ang pinto. Hinimas
ko ang mukha ko na sinampal niya. Ang init. Hah..this is the first time
a girl slapped me for kissing her lips.

"Leux! What did you do?! What is that red mark on your cheek?" Si Mom.
Lumabas siya at hinila ako. "I'm so sorry Rowena! May ginawa ata si Leux
sa anak mo. We'll be leaving now. Tandaan mo na lang yung mga sinabi ko
sayo! Please say sorry to Ina for me." Tapos tuluyan na akong hinila ni
Mom papunta sa kotse.

"LEUX ALEXANDER! ANO BANG GINAWA MO?!" Yumuko lang ako. Pinapagalitan
ako ni Mama ngayon sa salas. Hindi ko sinagot ang tanong niya. Napa-upo
si Mom sa tabi ko. "Leux, I know you don't like this..I know you hate
this. But..pwede bang gawin mo 'to as a favor to me? Please. Ayokong
masaktan ni Papa si Rowena dahil lang sa vase na yon. That's why I need
you. Yung ancient vase na yun, pagmamay-ari yun ng Lolo ng Lolo mo. It
was an ancient treasure. Kaya galit na galit si Papa nung nalaman niyang
nabasag yun ni Rowena...he demanded Rowena a grandchild or else siya ang
magiging kabayaran."Nakita kong tumulo ang luha sa mata ni Mama. "I
don't want her to pay. Vase lang yun, but it means a lot to Papa. Please
do it for me...treat Ina nice. Magkasundo kayo...date each other for
five months.. Kasi next week, dito na rin siya titira."

"WHAT?!" Hindi ko napigilan ang sarili ko. "Dito na siya titira?! That's
more than enough!" I looked at my Mom. "Alam niyong kailanman, hindi ako
nagseseryoso ng babae!"

"Is it because of her?! Matagal na kayong wala! You should start
treating a girl seriously, Leux!"

"Hindi niya ako iniwan. Babalik siya, at siya lang gusto kong
seryosohin. Not that Ina girl!"

"Stop it, Leux!" Si Ate Hera. "Can't you see it?! Zairene already left
you! Tapos umaasa ka pa ring babalik siya?!"

"Babalik si Zairene, okay?! She told me! She texted me that she'll be back!"

"At tatanggapin mo naman siya?!"

"Oo! Dahil mahal ko siya."

"She left you for her dreams."

"Ayoko ng makipag-away sa inyo. I just...want to be alone." Umakyat na
ako at pumasok sa kwarto ko. Why don't they understand me? Why don't
they just support me?

Bakit di nila kayang intindihin na hindi ako magseseryoso sa isang babae
dahil isa lang ang gusto kong seryosohin? It will always be her.
Hinding-hindi ako magpapakasal sa Ina na yan.

* CHAPTER SIX*
Erina POV

"BWISIT KA LEUX! MAMATAY KA NA SANA! MAPANAGINIPAN MO SANA ANG NANAY KO
NA RINE'WRESTLING KA AT MABABALI LAHAT NG BUTO MO!" Sigaw ko si unan
kong pinangalanan kong 'Rekams'. Wag niyo nang itanong kung bakit dahil
hindi niyo mage'gets.

Anyway highway, kung hindi man alam ni Leux o kahit sino man, first kiss
ko yon! Kahit kailan, hindi ko inisip na sa ganun lang mauuwi ang
pinapangarap kong first kiss. A kiss in the rain, yun ang gusto ko.
Gusto ko habang umuulan, hahalikan ako ng taong mahal ko. Kasi it feels
like heaven, sabi nila. Para bang ang special nun. Kaya lang ano?!
Hinalikan ako sa tinik ng araw! WALA NA. SIRA NA PANGARAP KO. Bwisit na
Leux. Bwisit talaga! Bwiset! Mamatay sana yung gago na yun.

Oo, gwapo siya, pero ang yabang niya! Di porke't ex na niya lahat ng
babae, ganun na siya maka'asta? Oo, mahirap ako, pero hindi naman ako
judgemental tulad niya! Tama na yung sampal na ginawa ko sa kanya.
Deserve na deserve niya yun! Pero nakakainis pa rin..bakit kailangan
siya pa? Oo, gwapo siya...hindi ko naman mahal ang hinalikan ko.

"Ina? Okay ka lang ba?" Pumasok pala si Mama, narinig niya kaya yung
sinabi ko kay Rekams?

"Hindi ako okay." Sagot ko. "Alam niyo naman diba? Ayoko nito."

"Anong ginawa ni Leux sayo?" Sasabihin ko kaya? Wag na lang kaya?

"Ano..wala." Di bale na. Ayoko nang malaman ni Mama, para naman 'to sa
kanya e.

"Alam kong meron. Kahit mataba ako, matalino ako ya 'know?"

"Ninakaw niya first kiss ko, pwede na ba yan?" Natigilan si Mama tapos
niyakap ako.

"Sorry talaga Ina... ako na magso'sorry para kay Leux."

"Okay lang...kiss lang naman yun e."

"Oo nga, kiss lang yun, get over it." Tapos ngumiti ang tabachoy. Sus,
lang?! KISS LANG?! Alam niya bang parte yun ng pagkababae ko?!
AMFWDBFUIWGVUGBDNKSANDEWHFE... Sarap talagang ihawin ng nanay ko. Ng
buhay. Chooks to go 'to e. "Sige, labas na ako."

"Oo nga, lumayas na kayo." Partida, 11 am pa ha?! Sira na araw ko. Sorry
naman 'no. "Baka ihawin ko pa kayo ng buhay.." Bulong ko.

"Ano yun?"

"Wala, mataba kayo. Layas na." Tapos ika-ika na naglakad ang nanay ko
palabas ng kwarto. Isang milagro na nakakalagos pa siya dun sa pintuan
ko. Deh, joke.

Natulog na lang ako buong maghapon at hindi na nag'tanghalian. Wala
akong gana. Nararamdaman ko pa kasi yung labi ni Leux sa labi ko, at
hindi ako nagbibiro. Para pa ring nakahalik siya sa kin. Ay, bwiset
talaga. Makakagawa na talaga ako ng kasaysayan sa pinakamaraming
'Bwiset' na nasabi sa isang chapter.

Sige na nga, siguro...nararamdaman ko pa yung labi ni Leux sa labi ko
dahil...nagustuhan ko din yung halik na yun. OH. MY. GOD.
Eraaaaaaaaaaaase! CLEAR RECENT HISTORY! Delete! Backspace! WALAAA AKONG
SINABI. Baliw na ako, baliw na ako, baliw na ako! HAHAHAHHAHAA
nakakatawa ako! HAHAHAHAA baliw ako. K.

'ERINA! Hindi mo gusto yung halik na yun! Baliw kana.' Sinampal ko ang
sarili ko. Halik lang yun pero bakit parang mababaliw na ako dito?
Nababaliw ako, seryoso. Sige na Leux Luciano, nakakabaliw ang halik mo.
Shet.

Anong oras na ba kasi?

"2 pm na?!" Ang bilis. Sheeeet! Ganito na ba kabilis ng oras?!

"Ina, nandito ulit si Leux." Narinig kong sabi ni Mama mula sa pintuan ko.

"ANO?!"


Hindi niya ako pwedeng makita! Hindi ngayon...hindi ngayon na baliw pa
ako sa halik ng taong yun.

*CHAPTER SEVEN*

Bakit na naman bumalik yung ugok na yun dito?! Alam niya bang mainit pa
ang dugo ko sa kanya?! Ano na naman ang gagawin niya?! Ano na namang
sasabihin niya? Na ang taba ng nanay ko at puro cholesterol ang katawan
niya? Na ang pangit ng taste ko at wala akong fashion sense? Na bakit
nag-aaral pa ako e wala naman akong utak? ANOOOO PAAAAAAAAAA.

"Mama, ang sakit ng ulo kooooo, grabe! Pwede bang sabihin mo bukas na
lang? O sa susunod na buwan? Parang brain tumor na ata! Di ko na kaya
tumayo.. huuuu." Pag-iinarte ko kay Mama. Humiga ako para masakitin effect.

"Manahimik ka nga diyan! Para sa halik, brain tumor na? Tigilan mo ako
ha. Baka i'wrestling kita palabas ng kwarto mo!" Pumasok si Mama sa
kwarto ko at ayun nga, wala ng choice.

"Oo na tabachoy, lalabas na, layas na sa kwarto ko." Tinakpan ko ang ulo
ko ng unan tapos humiga ulit.

"Erina, bilisan mo nga diyan, nagmamadali ata 'to si Leux kaya bilisan
mo!" Sino ba kasi yan para bumangon ang Prinsesa Erina? Pssssss.
Bumangon na lang ako at nagtungo sa sala. Nakaupo si Leux dun sa sofa at
halatang naiirita na.

"Kailangan ba talagang magka'appointment para lang kausapin ka?" Tanong
niya saken nung humarap na ako sa kanya.

"Oo, prinsesa ako e." Gusto ko sanang isagot. "Sino ka ba para bumangon
ako? Isa ka lang hamak na mayamang gwaping na walang ibang ginagawa
kundi lumandi!" Gusto ko rin sanang isagot.

"Anong kailangan mo?" Yun na lang sinagot ko, baka magkagulo ulit,
mahalikan pa ako ulit..

"Nandito sana ako para humingi ng sorry." Tumayo siya tapos tinignan
ako. "Pero dahil antagal mong lumabas, hindi na ako hihingi ng sorry."
He smirked. "You deserve it. Pasalamat ka, hinalikan pa kita. Alam mo
bang only a few girls gets a kiss from me?" Tapos tumawa siya. "Because
they always kiss me first."

"Ang yabang mo. Pwede ba, kahit hindi ka mag'sorry, hindi pa rin kita
patatawarin." Tinignan ko siya from head to toe. "Dahil...first kiss ko
yon." Natigilan si Leux.

Tapos he grinned.

"So?" Tanong niya na para bang wala lang yung sinabi ko.

"Anong so?! Baliw ka ba?!" Napaupo ako sa sofa. "Baliw ka na talaga!"
Naramdaman kong tumulo yung luha ko. Bwisit. Ang manhid! Di pa siya
hihingi ng tawad?! Oo nga pala, hindi ko pa rin siya patatawarin, lalo
na dahil a kiss in the rain ang gusto ko, at sa taong mahal ko 'to
gustong gawin.

"Anong gusto mong gawin ko? Bawiin ko sayo?"

"Umalis ka na!"

"Hindi lang naman yang ang pinunta ko dito, e." ANO PA?!

"ANO PA?! NA ANO?! ANG SAYA SAYA MO DAHIL NAKUHA MO NA FIRST KISS KO?!
NA ANG SWERTE-SWERTE KO DAHIL ISANG LEUX LUCIANO PA ANG FIRST KISS KO?!"
He frowned a bit.

"Wala naman akong sinabing ganyan, ah." Umupo na rin siya sa sofa.
"Bakit ba? Alam ko bang wala ka pa palang nahahalikan na lalaki? Do I
look like I know?"

"Pero rude ang ginawa mo saken. You should at least say sorry!"

"Bakit pa? Hindi mo rin naman ako patatawarin. What's the point?"

"Point mo mukha mo! Lumayas ka na nga! Baka ipakain pa kita ng buhay!"
Magwa'walk out sana ako nung bigla siyang nagsalita.

"Erina Nievera, you will have 100 dates with me." Natigil ako sa
paglalakad. Hinarap ko siya.

"Ano bang pinagsasabi mo? Anong 100 dates? Ni makausap ka ayaw ko, date
pa?!" Tumayo siya at naglakad palapit saken. Napa'atras ako ng
napa'atras dahil palapit naman siya ng palapit! Hanggang pader na ang
nasa likuran ko, at siya naman ang lapit lapit na sa akin, then he put
his hands on either sides of my head. Nilapit niya ang mukha niya sa
akin, halos isang metro na lang, mahahalikan na niya ako, at ang tangkad
niya ha para idungo pababa yung mukha niya saken, pasensya na, maliit ako e.

"May magagawa ba ako, ha? Ni makita nga ang mukha mo, ayaw ko, tapos
date pa?" Ganun na ba talaga siya ka'harsh at 'mukha' ang ginamit niyang
term?

"Yun naman pala, e. E ba't pa natin gagawin?"

"Walang natin dito, remember that. It's only you." Oo nga pala, ginagawa
ko 'to for myself. Walang natin, walang kami. Kailangan ko na ata
mag-aral ng tagalog. Nilayo na niya ang mukha niya sakin at naglakad
papunta sa pinto. "Yung lang pinunta ko dito." Tapos lumabas. Hindi
talaga nag'sorry ang ugok. Deserve ko daw yun, hala. Kapal ng mukha. Ang
yabang.

Pero infairness, ang gwapo niya mag'smirk at mag'grin. Pero yung
simpleng smile ba, hindi niya kaya? Hindi pa ata ngumingiti yun. ATA
lang naman. E andami nung babae, sus naman, imposible. Napangiti na
siguro siya ng isa sa kanila. Kahit kailan kaya....may sineryoso pa kaya
yun?

Nakalimutan ko ata yung nanay ko, ah.

"Ma?" Tawag ko, pero walang sumagot. Umalis ata papuntang kapitbahay.
Tsismosa kasi yun.

Baka alam na din ni Mama yung tungkol sa 100 dates. Kajirits naman, 100
dates? Nakakainis na, ha. May kasal na, may dates pa? Ano sila,
sinuswerte? Hindi ko na nga matagalan ang ugali ni Leux sakin, e. Hindi
siya mabait! Ang sungit niya. Ang yabang pa. Tapos kung makatingin siya
sa bahay namin kanina, para bang nandidiri. OA naman.



Hayaan mo Leux, gagawin kong impiyerno buhay mo. Hehe


*CHAPTER EIGHT*
Lunes. Maaga ako nagising, mabuti na lang. Pumasok na ako sa school,
kasi ayokong mahuli, gusto ko kasing bumawi sa Prof. ko. At ginawa ko na
yung assignment ko sa Math, ah. Kahit na medyo nagtanong'tanong din ako
kay Google kasi ang hirap talaga. As in ang hirap talaga.

"Uy, kamusta meet and greet mo? Maayos ba?" Nakangiti na tanong ni Trina
sa akin. Seryoso? Yan ang tanong niya? Hindi ko siya sinagot. "Huy,
bakit ayaw mong sumagot?"

"Kasi baliw ka. Hindi ako nakikipag-usap sa mga baliw." Tinulak niya ako
ng pabiro.

"Baliw-baliw ka diyan! Hindi ako baliw, ikaw yon. Ang gwapo na ng
pakakasalan mo, ayaw mo pa! Baliw!" Nakakairita na 'tong bruhang 'to ha.

"Edi ako na baliw! Salamat naman sa compliment na yan, ha.
Nakaka'touch!" Sarkastiko kong sagot sa kanya. Sus, kung hindi ko lang
'to kaibigan, hinulog ko na 'to sa bangin.

As if naman nandun siya, tapos binibiro-biro niya pa ako ngayon?! Siya
kaya ipahalik ko dun sa Leux na yon? Sarap mo talaga patayin, Trins.
Pramis. Isa na lang talaga. Papatayin na kita. Huuuuuuuu. Ang lakas ng
suporta mo, Trina. Grabeeeeeeeeeeeee.

"Sorry na." Tapos yumuko siya. "Wala naman kasi akong experience diyan
sa pinagdadaanan mo, e. Binibiro na nga lang kita para gumaan loob
mo..kahit na alam kong mas ginagalit lang kita. Sorry, Ina ha? Na itong
bestfriend mo, wala man lang magawa para sayo. Para na nga akong tanga
pag nakikita kitang malungkot.." Sus, nag-drama pa 'tong isang 'to.

"Wag ka nga mag-drama diyan! Korni mo lang, e." Hinila ko na siya.
"Halika ka na nga, mapagalitan pa tayo ni Sir, sayang naman 'tong
pinaghirapan kong assignment para sa kanya. Minsan lang kaya ako
magsikap sa Math."

"Wala akong assignment, e."

"Hindi ko naman tinatanong, e."

"K."

Hinila ko na siya papasok ng classroom at buti nga wala pa si Prof. Yung
classmate kong pinag-kopyahan ko last week, wala. Absent. Kinarma, hindi
kasi ako pinakopya. Deserve na deserve niya yoooon! Edi ako na masama, k.

----- (class hours, bawal dumistorbo! HAHAHAHA)

Syeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Bwisit na
Professor! Yung pinaghirapan kong gawin na assignment, hindi niya pala
kukunin?! At eto naman ako na si tanga, ginawa ang assignment na
in'assign niya tapos self-challenge lang daw yon?! Tae. Sarap bangasin
nung Prof na yun. Babawi na sana ako tapos ganito lang?!

Kaya ayan! Nakasimangot akong naglakad pauwi, actually papuntang exit ng
school. Wala na si Trina, sinundo ng Daddy niya..at ako...mag-isa.
Siguro everyday na rin siyang susunduin, wala na akong makakasamang
mag-commute nito...

Kinapa ko ang bulsa ko para malaman kung may natitira pa akong pera.
Kapa dito....kapa doon....bakit parang may butas tong bulsa ko? Ohmy
syet.. sandali.. walang laman! Halaa, butas yung bulsa ng pantalon ko?!
Malas nga naman. Tsssss.

"BAKIT BA AKO MINAMALASSSSSSSSSS?!" Napaupo ako dun sa tabi ng kalsada,
nasa labas na ako ng school at malayo-layo pa kung babalik ako dun para
hanapin pera ko. Haynako, bakit dito pa ako minalas. Malas tologoooo. I
hate this day for-e-ver, wagas, period no erase! Tinakpan ko ang mukha
ko gamit ang mga kamay ko at nararamdaman ko na namang maiiyak ako. Pano
ba naman kasi ako uuwi, diba?! Wala akong cellphone, wala akong pera.
Ako'y walang-wala. Baka sumama na lang nga ako sa kidnapper pag kinidnap
ako, e. Syet.

Ilang minuto rin siguro akong parang tanga na nakaupo dun sa tabing yon
hanggang may malakas na shriek ng gulong akong narinig na huminto sa
harapan ko. Napatingala ako at nakita kong may tumigil na Porsche sa
harapan ko. Noynoy? Nandito ka ba para sunduin ako? Deh, joke. Sino na
naman 'to? Kidnapper? Sosyal ah.

"Hoy." Medyo magdidilim na rin kaya nung una di ko masyado na'mukhaan
yung bumaba dun sa sasakyan...hanggang nag-adjust ang mga mata ko at
nakita ko ang ayaw ko makita. Si Leux. "Bakit ka nandito?"

"At sino ka naman para huminto-hinto diyan sa harapan ko?" Inirapan ko
siya at tumayo para maglakad paalis.

"Ba't hindi ka pa umuuwi?"

"Bakit ba?" Sus, kung makatanong, parang tatay ko... "None of that is
your concern."

"Hindi na lang sana ako huminto dito, susungitan mo lang pala ako."

"Umalis ka na." Haynako, pride talaga Erina! Sige Erina, pride pa!
Hanggang hindi ka maka-uwi! Pft. "Hindi ko kailangan ng kahit ano."

"Wala ka bang pera?" Tanong niya sakin sabay tingin sa bag ko. "Kaya
hindi ka maka-uwi?" Naku naman po, Lord. Bakit niyo po ba hinayaang
makita ako ng ugok na 'to? E iinsultuhin na naman ako nito, e. "Masyado
mo naman yatang pinapa'obvious na mahirap ka." Tapos tumawa siya. See?
Yabang.

"Hoy lalake! Kung nandito para insultuhin ang pamumuhay ko, pwede ba
umalis ka na lang? Oo! Wala akong pera ngayon, at sorry naman kung
nahagilap ako ng mga mata mo. Salamat na lang sa paghinto dito para
insultuhin ako, ha? Na-touch ako sa effort mo. As in." Sarkastiko kong
sabi sa kanya. Wala na naman expression ang mukha niya.

"Ihatid na kita."

"Wag na."

"Ano gusto mo? Ma'rape ka dito?"

"Mukha ba akong maganda?" Natigilan siya sa tanong ko tapos iniwas sakin
ang tingin.

"Ayaw mo ba talaga?" Umalis na siya sa kinatatayuan niya at akmang
papasok na sa kotse niya. "5 seconds. Pag hindi ka pa pumasok, iiwan na
kita dito. Hindi na kita babalikan." Hindi, Erina. Hindi ka sasama sa
kanya. Kahit anong mangyari, papanindigan mo ang pagiging mahirap mo!
OKAY?! "5....4.....3...." Nuh-uh. Hindi ka sasakay, kahit na masyadong
inviting ang pintuan ng Porsche niya, hinding-hindi ka sasama! "2....one
and one eight...one and one fourth...1!" Tinignan niya ako one last time
then he chuckled. Pumasok na siya sa kotse niya at pagkatapos ng ilang
segundo, umandar na ang sasakyan niya paalis sa kinatatayuan ko.

"Gaga ka talagaaaaaaaaaaaaaaa! As in, Erina! Grabe, ang galing mo!"
Papuri ko sa sarili ko nung naka'alis na siya. "Ngayon, pano na ako
uuwi? Grabe, galing ko!" Tapos napa-upo ako ulit dun sa tabi. Gabi na.
Siguro 6 pm na nga. Haaay, pano na kaya ako nito..

*shrieeeeeeeeeeeeeek*

Sasakyan na naman? At nag'stop na naman sa harapan ko. Isa yung Mclaren.
Sosyal ulit. Bakit ba andaming gustong magpasikat sa harapan ko? Kanina
Porsche, ngayon Mclaren? Ano ako? Car Showdown? Or whatever.

Bumaba yung windshield at nakita ko and isang gwapong nilalang na
ngumingiti saken.

"Sakay na." Kahit na stranger siya, bigla ko na lang binuksan yung pinto
ng kotse niya at sumakay. Baliw na ata ako. Kung kay Leux, ayaw ko
sumakay, eto na hindi ko kilala, sumakay ako! Baliw na ako.

"Sino ka?" Tanong ko, para hindi na stranger. Hehe

"I'm Echo. You must be Erina, right?" Oh my gosh, why does this guy know
me? Kiligsss naman ako.

"Ah, oo." Yun lang ang sinagot ko at hindi ko na tinanong kung ba't niya
alam name ko. Basta ang alam ko, nag'drive lang siya ng nag'drive, ang
bilis niya magpatakbo pero smooth lang ang sasakyan. Tapos mamaya-maya,
nandun na ako sa bahay ko. Ilang minuto ba yun? 10 minutes? Ang bilis. E
halos isang oras ako papuntang school. Heehee.

Bumaba na ako at bumaba din siya.

"Eto pala bahay niyo, ang ganda, pang-old school. Pero mukhang disente."
Buti pa siya, alam mag'appreciate ng bagay. Kaysa si Leux...teka, ba't
pa Leux ang nasa isip ko? Namaaaan.

"Sige, salamat ulit Echo. Hindi ko alam kung bakit mo alam ang bahay ko,
at ang name ko pero thank you, ha?" He smiled at me. As in yung genuine
smile! Ang cute niya.

"No problem..ang totoo niyan, my cousin asked me to fetch you up.
Kasi..ang martyr mo daw." Teka, sinong cousin? Bakit ako pinapasundo ng
cousin niya?

"Sinong cousin ba yang sinasabi mo?" Tinignan ako ni Echo sa mata.

"Si Leux."


*CHAPTER NINE*
Nasa rooftop ako ng school namin ngayon at tinititigan yung notebook na
hawak ko. Ewan ko kung bakit 'to binigay sa akin ni Echo kagabi. Sabi
niya ibigay ko daw kay Leux, pero sa ginawa ko kay Leux kagabi...parang
hindi muna kami magkikita nun. Haha. Teka, ano ba kasing laman nito?
Hindi ko naman mabuksan kasi may lock. At aber, pano ko 'to ibibigay?
Ibibigay ko kay Leux sa university niya? Medyo malayo kasi..

"Aissst, bakit kailangan ako pa kasi, sus, kung hindi lang yun gwapo si
Echo.."

"Sinong Echo, bestfriend?"

"Anak ng!" Biglang sumulpot si Trina. Syet, malapit ako nahulog dun ah.
"Wala...gwapo."

"Pakilala mo naman sa akin!" Umupo si Trina sa tabi ko. Buti hindi siya
baliw ngayon, hindi naman kasi siya baliw, e. Gusto niya lang maikasal
ako kay Leux agad dahil gwapo. Oo, mahilig si Trina sa gwapo. Maganda
naman siya, e. Hindi nga lang sineseryoso, daddy's girl kasi.

"Hindi pwede, e. Celebrity siya.." Hay nako, bungangera talaga ako! Oo,
celebrity yung si Echo, kasasabi niya lang sa akin kagabi. Mahilig naman
ako manuod ng TV pero di ko siya nakikita; e kasi model pala siya..
Model ng RRJ. Alam niyo naman siguro ano yang RRJ, diba? Yung brand ng
jeans?

"Edi mas lalo mo dapat ipakilala sa akin, diba? Sure ako gwapo yan!"

"Sige na nga, ipakikilala kita, pero sasamahan mo ako sa university ni
Leux. Dun din ata nag-aaral si Echo." Sikat yung university na
pinapasukan ni Leux at Echo. Xavier University. Naku patay, baka
maintriga na naman ako dun, diba sikat silang dalawa? E yun naman lagi
nangyayari pag sikat ka sa isang school, e.

"Yey, pupuntahan natin ang school ng asawa mo!"

"Che, asawa ka diyan. Halika na nga! Para maka-uwi ako ng maaga."

Pagdating namin dun, ang lakiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii pala ng university
na yun! At to think na sa kabilang kalye, bahay na namin. Ang lapit ng
university nila sa bahay namin for short. Pero di ko afford dito, e.
Mahirap lang kami, ah-huh.

"Miss, sino po pakay nila?" Patay, ano itatawag ko kay Leux? Asawa ko?

"Ano, kuya.. Kuya ko lang po!" Mukhang naniwala naman yung uto-uto kaya
pinapasok kami. Pano ko hahanapin si Leux? Ang lawak kaya ng school na
'to! Tsk, pano ba yan...

"Hintayin na lang natin yung sasakyan niya, Ina. Alam mo naman siguro
yung sasakyan niya, diba?" Pwede na rin.

Hinanap ko ang sasakyan ni Leux sa parking lot ng school...pero wala
akong makita. Tsss, para na akong tanga dito. Namaaaaaaaaaaaan. Nasan na
ba kasi yung ugok na yun? Kainis. Ano nga ba tine-take up niya dito?
Nakalimutan ko na. Syet.

"Ano ba yan..parang iba ang tingin ng ibang babae sa akin!" Sabi ni
Trina, e kasi naman parang hiningi namin ang 2 kidney nila kung
makatingin sila samin. Mga mayayaman talaga..matapob---

"Anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako sa likod ko, at ayun na ang
hinahanap ko; si Leux.

"Ano..kasi..." Ano nga ba yung sasabihin ko?! Namaaaan. "may ibibigay
ako sayo."

"Ano? Number mo?" Swapang talaga! Sarap upakan.

"Pwede ba! Ang feeling mo naman. Eto lang naman ibibigay ko, e!" Hinagis
ko sa kanya yung notebook, nasalo niya naman ito with ease.Tinignan niya
kung ano yung hinagis ko at bigla na lang nanlaki ang mga mata niya.

"Kanino galing 'to?" Parang galit na tanong niya sa akin. Halaaa,
nagalit pa sakin.

"Sa akin yan galing, insan!" Si Echo! Tumakbo siya papunta samin at
inakbayan si Leux. "Ipinabigay ko sayo para makapunta dito ang fiancee
mo." Tapos he smiled. Kainis. Nagsayang ako ng pamasahe! At to think na
parehas lang sila ng school tapos di niya pa binigay! Kainis. "Uy, sino
yang kasama mo, Erina?"

"Ano..bestfriend ko. Trina, si Echo. Echo, si Trina." In-offer ni Echo
ang kamay niya kay Trina.

"Nice to meet you, Trina." Tapos he smirked. Ang gwapo. Hihi. "Uy,
insan. Since malapit na ring mag'6 pm, pupunta ka na ba dun sa club?"

"Oo." Sagot ni Leux. Ano naman gagawin niya dun? Sus.

"Gusto niyo sumama? We'll only have just a few drinks there." Tinignan
ako ni Echo. "At isa pa, since ikakasal na rin naman kayo, dapat may
bond ng namumuo sa inyo, right?"

"At ang paparazzi mo?" Tanong ni Leux kay Echo. Nag-kibit balikat lang siya.

"I know every single route here. Hindi nila ako makikita agad-agad."
Kaya naman pala ang bilis namin nakarating sa bahay kagabi. "At ikaw,
you know every single girl here." Tapos tumawa siya. Ngumiti rin si
Leux. First time ko siyang nakita ngumiti...ano..gwapo pala siya.. Teka.
Ano bang pinagsasabi mo, Erina? Baliw! "So, ano? Sama na kayo? Sige na,
please. Ngayon lang naman, e." Siniko ako ni Trina.

"Sama na tayo, Ins! Safe naman tayo, e. Tsaka nandito naman fiancee mo."

"Sige na, sasama na kami sa inyo.." Natuwa naman si Echo pati si Trina.
Sus. Landi nitong kaibigan ko. At si Leux, wala..pokerface pa din.

Pagkatapos namin dun sa school nila, pumunta na kami dun sa club na
sinasabi ni Echo. At oo nga, alam niya ang bawat route papunta dun.
Mabilis kaming nakarating sa pupuntahan namin. Grabe..ang laki nung
club...ta's ang lakad ng music na pinapatug-tog dun. Pumasok na si Leux
sa club, at si Echo nakasunod sa kanya.

"Safe kaya tayo, Trins? Baka maraming manyak dito."

"Sus, di ka naman maganda, wag ka nang mag-alala."

"Wow ha. Salamat sa compliment, na'touch ako." Sus, sarap rin upakan
'tong isa e. Porke't pinakilala ko lang kay Echo, ganyan na. Pft.

Pagpasok naming dalawa sa club, nasalubong agad kami ng malakas na music
at mga taong nagsasayaw sa dance floor. Sila Leux at Echo? Nandun sa
isang sulok, katabi ng 2 babae. Naghaharutan.

K EDI KAMI NA OP.

"Heeeey...you will text me later, right?" Sabi ni Girl #1 kay Leux. Leux
grinned.

"Sure, and not just tonight..." May binulong siya sa tenga ni Girl#1 na
ikina'ngiti nito. "Okay..?" Tumango lang si Girl#1. Ugh, madami pa lang
malandi dito. Bakit pa ba ako pumuntaaaaa. Tapos eto naman si Leux, ang
bait dun sa babaeng yun, bakit sakin hindi? Lagi na lang siyang walang
expression sa mukha, pero dito sa babae niya, lagi siyang naka'grin o
naka'smirk sa kanya. Basta lagi siyang masaya! Kainis. Habang ako,
miserable.

Lumabas na lang ako ng club at umupo sa hood ng kotse ni Leux. Ibang
kotse na naman ang dala niya, Nissan Skyline. Kung pano ko nalalaman
lahat ng kotseng dala niya, sabihin niyo na lang sa author. =)) Anyway
highway, mag-isa ako dun. Tapos ang dilim pa ng kalye. Parang tinatago
yung club from the public..kaya nga siguro confident si Echo pumunta
dito dahil hindi masyado alam ng paparazzi. Hayz..sabagay..

At yung best friend ko? Nandun sa loob, nagsasayaw ata. Maganda naman
kasi social life ni Trina, lagi siyang pinapalabas ng tatay niya, e ako?
Hindi. Strikta si Mama. Tsaka isa pa, lagi lang ako nasa bahay, first
time kong gumimik after school. Hindi pala masaya. Huhuhu

"Miss?" Nahulog ako sa hood. Anak ng tinapa naman o! Bakit ba ako
ginugulat ng tao ngayon?! "Okay ka lang ba? Sorry, nagulat ata kita."
Tumingala ako para makita kung sinong nagsalita. Ohmy, ang cute niya!
Sino naman 'to?

"Ano..okay lang..sino ka?" Ngumiti naman siya agad.

"Wayne." Tapos inabot niya ang kamay niya para makatayo ako. "Sorry ah.
Nag-iisa ka kasi, minsan lang kasi ako makakita ng babae dito sa labas."
So ano, lahat nasa loob? Sorry naman 'no. Ayoko dito.

"Okay lang. Nasa loob kasi lahat ng kasama ko, tsaka hindi ako sanay
gumimik." Nagulat siya sa sinabi ko at ngumiti.

"Talaga? Bihira na lang ako makakita ng mga babaeng ganyan. Lahat kasi
ano..." Kinamot niya ang ulo niya na parang hindi alam ang sasabihin.
"Lahat ano..hindi na...gusto ang bahay nila." Tumawa ako sa ginamit
niyang term. Hindi na gusto ang bahay nila? Hahaha. "Ikaw, anong
pangalan mo?"

"Erina." Tapos nag-shake hands kami. Ang lambot ng kamay niya. "Ikaw,
ba't nasa labas ka?"

"Maingay kasi sa loob." May hinablot siya sa bulsa niya. "Chocolates?
Gusto mo?" Kinuha ko naman, kanina pa kaya nag-iingay yung halimaw sa
tiyan ko.

Matagal-tagal rin kaming nag-usap ni Wayne, siguro 2 oras? Kung anu-ano
lang napag-usapan namin. Nalaman ko na anak pala siya ng may-ari ng
club. Tapos sa Xavier University rin siya nag-aaral. At miyembro din
siya ng gang.... Nung una ayokong maniwala kasi ang bait bait niya
sakin, pero nung pinakita na niya lahat ng tama ng kutsilyo sa may leeg
niya, naniwala na ako. Pero ang bait bait niya sakin..wala naman siyang
ginagawa sakin. Siya lang nga pumansin sakin dito, e.

At ako namang si madaldal, kinuwento sa kanya ang kwento ng mahirap kong
buhay, except yung magpapakasal na ako sa ugok na Leux na yun. Hindi na
niya kailangang malaman yun. Baka ligawan niya pa ako. Chos.

"Sige, aalis na ako Erina." Ngumiti na naman siya saken. "Wag mong
ipagkalat na gang ako ha?" Tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
Natulala ako. Naglakad na siya palayo saken.

OHMYGOOOOOOOOOOOOD. HINALIKAN NIYA AKO SA CHEEK! UWAAAAAAAAAA. AKO NA
GOOD VIBES! KILIGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG~ AKO NA MALANDI. HAAHAHAHAHAHAHHAHA

Para akong tanga na nagpipigil ng tawa. Hinalikan niya ako sa pisngi.
Awwwww. Ang bait din niya. Ang cute pa. Sayang, siguro ngayon lang kami
pwedeng magkita. Tsk. Tsk. Tsk. Haaay...inaantok na ako. Ang tagal naman
nila..

Tuluyan na akong napapikit at nakatulog sa hood ng kotse ni Leux. Di
naman niya ako siguro papagalitan e.........diba? Aisttt, ewan...

"Hoy, okay ka lang ba?" Narinig kong may nagsalita sa tabi ko. Sino ang
nagsasalita? Si Leux? Sinubukan kong ibangon ang ulo ko mula sa
pagkakahiga nito sa kung ano man yung matigas na tinutulugan ng ulo ko,
pero may kamay na pumigil saken. "Humiga ka lang sa balikat ko. Malapit
na kami sa inyo." Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Buti naman di
ka niya nakita, nag-alala ako para sayo."

Tapos nakatulog ulit ako.

*
CHAPTER TEN*
"Maa'm? Okay lang po ba ka kayo?" May narinig akong nagsalita sa tabi
ko. Bakit may tumatawag saken na Maa'm? Milagro ata. Nanaginip ata ako,
e. Minulat ko ang mata ko at nakita ko ang isang babae na naka'uniporme
na pang'maid. T-teka?! Nasan ako?!

"Miss! Nasaan ako?!" Napabangon ako sa pagkakahiga ko at tinanong yung
babae. Ngumiti siya saken tapos hinimas ang mga braso ko para pakalmahin
ako.

"Nasa bahay po kayo ni Sir Leux, maa'm." May inabot siya sa aking mga
damit. "Nakatulog raw ho kayo sa sasakyan niya kaya inuwi niya na lang
kayo rito." Ano konek? Nakatulog tapos dinala rito? Alam niya naman
bahay ko, ah. Kinuha ko na yung damit tapos nag'decide na maligo.

Seees, ba't pa ako dinala rito? E pwede naman sa bahay ko? Asus,
pasimple pa yung ugok na yun, gusto niya talaga ako rito sa bahay nila.
Halaaaa, ano na namang kalokohan ang iniisip ko?! No way. Ni hindi nga
yun ngumingiti sa akin, tapos gusto pa?

Ano nga ba yung nangyari kagabi? Yung before ako nakatulog na parang
tanga sa hood ng sasakyan ni Leux? Oo, parang tanga. Sino ba kasi
natutulog sa hood ng kotse, diba? Parang tanga lang. Hay. Parang may
naalala ako before ako muling nakatulog pero hindi ako sigurado.

'Nag-alala ako sayo'

Mukhang imposible namang sabihin ni Leux yan saken. Hellooooooo, 2 weeks
pa po kami magkakilala, o baka si Echo? Weeeeee. At si Trina? San
napunta? Tsk. Baka naunang umuwi! Kainissss. Edi hindi sana ako
mapupunta dito!

Lumabas na ako ng banyo at tinignan ang orasan. What the....11 am?! Late
na ako... Ay, hindi. Hindi ako pumasok. Hindi na ako late, hindi naman
ako nagbihis papuntang school, e. Hahaha. Lumabas ako ng kwarto na guest
room pala at bumaba sa hagdanan. May tao kaya rito? Weekday ngayon, e.
Baka mga katulong lang. Haissstt baka akalain magnanakaw ako.

"Naku, yan na yung asawa ni Sir Leux!"

"Mukhang mahirap."

"Ano ka ba mahirap rin kaya tayo!"

"E mas obvious na mahirap siya, e."

"Ang yabang mo talaga, naging katulong ka lang 'no!"

"Akin lang si Sir Leux!"

"Edi lamunin mo!"

Ouch naman. Kung magbulungan sila, parang naka'microphone ah. Naririnig
ko na e. Sakit nila magsalita.. Huhu. Ganun na ba talaga ka'obvious na
mahirap ako? Na binabayaran ko ngayon ang 90 million na utang ng pamilya
ko? Grabe ha. Grabe.

Naglakad na lang ako papuntang salas tapos tinignan ang buong bahay.
Nakikita mo na kasi agad kahit hindi ka naglalakad. 4 floors ang bahay
na yun. Malaki. As in malaking-malaki! Tapos andami pang ilaw.
Nakakasilaw siguro dito pag gabi.

"Hija, you're awake!" Si Miss ano nga ba pangalan niya? Tsk. Oo, sikat
si Leux Alexander Luciano sa school namin dahil gwapo siya pero
nakalimutan ko naman pangalan ng nanay niya. Haist.

"Good morning po." Bati ko sa kanya...kay ano...Selosa..? Ay, Serisa
pala. Hihi. "Sorry po talaga at nandito ako ngayon! Sorryyyy po talaga!
Sorry din po at hindi ako nakapasok ngayon sa school, may bad impression
na siguro ako sa inyo, hindi talaga ako magiging mabuting asawa. Sorry
po!" Tuluy-tuloy ko na sabi sa nanay ni Leux. Nakaka'guilty kasi. Dapat
nag-iipon ako ng good impression dahil yun na lang ang mapapag-mayabang
ko dahil mahirap naman ako..

"Okay lang, hija. Ano ka ba." Tapos ngumiti siya. "Maupo ka." Sinunod ko
agad ang sabi niya. Umupo rin siya, nakaharap kami sa isa't-isa. "Alam
ko ang nangyari, nakatulog ka daw sa hood ng kotse ni Leux..." Tapos
huminto siya para magpigil ng tawa. Syet, nakakatanga kasi ang ginaw ako
e. Matulog ba naman dun?! "Sorry, natatawa ako.."

"Okay lang po. Parang...tanga lang din kasi.." Mahina kong sabi, haaaay.
Matutunaw ata ako. -,-"

"Hindi, ano ka ba." Ngumiti siya ulit. "Naranasan ko na yan. Pasensiya
ka na, dinala ka pa ni Leux sa club na kinukuhanan niya ng babae..at sa
teritoryo pa ng kalaban niya."

"Kalaban, po?" Anong kalaban? May kalaban pala yung ugok na yun? Sino naman?

"Yeah..alam mo kasi...Leux is a fraternity member." Huminto siya para
bumuntong-hininga. "He's been a member 9 months ago. Okay lang naman
sana sakin, kaso nagpapatayan na sila." Nagpapatayan?! "And 5 months
ago...Leux accidentally killed somebody on an another fraternity."
Talaga?! Grabe... "Yung frat na yun, they're planning a revenge on
him.." Tinignan ako ni Miss Serisa sa mata. "Hindi ko gustong manakot
pero baka kunin ka nila.. Lalo na't you're going to marry him." Syet,
may kakambal pa lang action ang fixed marriage na 'to. Hmph! "I'm trying
to get him to quit that fraternity pero hindi niya gusto."

"Okay lang po yun, Miss Serisa... I'll try to be safe." Syet nosebleed.
"Mag-iingat po ako palagi.. and salamat po sa pags'share ng isang piece
of information kay Leux."

"Wag ka na mag-alala sa impression mo." Nag'wink siya saken. "Magaan ang
loob ko sayo, that's good enough." Tapos nginitian niya ako. Weeeee,
magaan daw ang loob sa akin. "Bukas ka na muna umuwi, ha? Nasabihan ko
na naman si Rowena, e. Tsaka nandun daw yun isa niyang kababatang babae,
dun daw muna titira." Baka dito na ako patirahin forever! Noooo!

Umalis na si Miss Serisa at naiwan naman akong mag-isa sa salas.
Dinalhan na ako ng pagkain ng isa sa mga maid. Pagkatapos kong kumain,
tumambay na lang ako sa salas. Baka kasi pag naglibot pa ako, may
marinig na naman akong hindi kanais-nais sa mga maids. Kung alam lang
nila gaano kasama yung amo nila..



Malapit na mag'7 pm nung naramdaman ko na ang antok. Wala naman akong
ginawa kundi maglaro sa swimming pool nila gamit ang paa ko. Nag'sight
seeing na lang ako saglit, buti na lang di ako naabutang nung mga maids.
Takot kasi ako sa criticism. Alam ko namang mahirap ako, e. Hindi na
kailangan ipa'mukha sa akin, diba. Ang sakit kaya.

Narinig kong bumukas yung pinto at pumasok si Leux. Tumingin-tingin muna
siya sa taas bago umupo sa sofa at pinikit ang kanyang mga mata. Nasa
may swimming pool pa rin ako kaya nakikita ko siya. Ewan kung nakikita
niya ako. Ang gwapo pala niya lalo pag tulog. Ang cute niyang tignan.
Mukhang anghel..pero pag gising na, ang sama sama na niya saken. Hay.

Naglakad ako sa kabilang side ng pool para makita pa ang mukha niya sa
ibang anggulo nang...

*splash!*

natapilok ako at nahulog sa swimming pool. Patay, hindi ako marunong
lumangoy! Pano na 'to! Nalubog ang katawan ko sa pool at hindi ko alam
ang gagawin, hindi ko alam kung ano yung ginagawa para maka'ahon ka sa
taas at ma'balance para hindi ka malunod. Juskoooo po! Kung mamatay man
ako! Salamat at sa mamahaling swimming pool ako namatay!

Naramdaman kong may tumalon sa pool, si Leux? May kamay na humila sa
akin pataas. Hanggang sa naramdaman ko na ang sahig sa may likuran ko.
Ibig sabihin ligtas na ako. Hingal na hingal ako. Dahan-dahan kong
minulat ang mga mata ko at nakita kong nakatingin sa akin si Leux.

"Tanga ka ba?! Bakit ka ba naglalakad dito? Ang dulas dulas ng sahig!"
Sunud-sunod na sabi niya sakin na para bang bata ako na pinapagalitan.

"E ano..kasi..." Pero tuluyan na niya akong binuhat papasok sa loob.

"Magdala kayo ng damit at tuwalya! Bilis!" At mabilis namang sumunod
yung mga maid.

Mamaya-maya, tinapunan ako ni Leux ng tuwalya, pinulupot ko agad yun sa
sarili ko.

"Ah, salamat..." Sabi ko ng nanginginig ang boses. Ang lamig kasi,
naka'aircon pala yung loob ng bahay. Haaaay.

Tumayo na ako para sana umakyat sa taas pero pinigilan ako ni Leux.
Napa'atras ako hanggang naramdaman ko na ang pader sa likod ko. Aynako.
Ano na naman 'to..

"Alam mo bang pag umakyat ka, magagalit ako?" Tanong niya. Malamang hindi.

"At bakit naman? Mahihimatay ka ba pag umakyat ako?" Tinakpan ko ang
bibig ko gamit ang tuwalya baka kasi pumuntos na naman 'tong ugok na 'to
sa labi ko.

"Nagasgas ang kotse ko dahil sa sapatos mo.." Aynako. "At may bayad yun."

"At ano na naman ang bayad ha?! Hali----"

Tuluyan na akong hinila ni Leux and suddenly claimed my lips.


*CHAPTER ELEVEN*
Trina POV

"Mimi," Tawag ko sa classmate ni Erina. "where's Erina? Pumasok ba
siya?" Nagkibit balikat siya.

"Hindi, e. Pero excused daw siya sabi ni Prof." Tapos umalis na siya.
Hay. Naglakad na ako palabas ng gate ng school, akala ko may makakasabay
ako today. Wala pala. Haistttt!

Hindi pumasok si Erina ngayon. Aynaman. I thought she was okay! I was
like worried for her na because wala daw siya in her house kagabi. Where
is she na ba? Akala ko pumasok na, e. Wala akong kasama mag-commute!
That girl talaga. Pano na ako nito? Sabi ko kay Daddy na magsasabay na
lang kami ni Erina pauwi...and now it's 5:30 pm. I'm all alone. I'm so
kawawa. And I'm so conyo because I'm so gutom na.

Then suddenly, a car stopped in front of me. Napatayo ako sa gulat. Nasa
tabi pa nga ako ng kalye! Papatayin ba ako nito?! Wala pa nga akong
kain, patay na ako! Sayang naman beauty ko.

"Need a ride?" Bumaba yung window ng kotse at nakita ko ang mukha ni
Echo. Naramdaman ko ang pagkairita nung nakita ko siya. Kumunot ang noo
ko. "Hey, I said sorry already, right?"

"Wag mo nga akong ini-English! Hindi porke't nagso-sorry ka at ihahatid
mo 'ko e forgiven ka na!" I crossed my arms at tumayo na parang tanga
dun sa side ng kalye. Yup, nasa kalye kami.

"Bakit ba? Kiss on the cheek lang naman 'yon. Do you want me to kiss you
on your lips instead?" Then he smirked. I rolled my eyes. Hindi ako
madadala sa ganun.

Remember nung pumunta kami sa club? Nagsasayaw ako nun nang bigla niya
akong hinila, wala na nun si Erina, lumabas siya ng club, at si Leux may
kasama pa ring ibang babae but with a frustrated look on his face.. So
back to story, nung hinila niya ako, he just suddenly kissed my cheek
tapos inakbayan ako. Then told the other girls I was his girlfriend!
Ugh. Kahit gwapo siya, it pissed me off. Yes, I love good-looking guys
but with manners.

"Don't kid with me, Echo." Sinipa ko ang kotse niya. "Hindi tayo close
para makipag-usap ka saken, pwede ba? And why are you here anyway?"
Lumabas siya ng kotse niya at naglakad papunta saken.

Napa'atras ako sa kinatatayuan ko. Anong gagawin niya?

"'Cause you're beautiful today." He whispered on my ear nung nakalapit
siya sa akin. What?

"Bakit? Hindi ba ako maganda kahapon?" Tapos he chuckled.

"Mas maganda ka ngayon." Naramdaman kong uminit ang mukha ko. Hindi
naman ako naniniwala noon sa mga bolero ah? Bakit parang kapanipaniwala
ang sinasabi niya? "So, ano? Sasakay ka na ba? It's an honor to send you
home, Miss Trina Seves." Malapit pa rin ang mukha niya sa akin.
"Kaibigan ka ng fiancee ng cousin ko, diba?"

"Ano ngayon? We only met 2 days ago."

"Nakakabighani pala ang charm mo." Lumayo na siya sa akin tapos bumalik
ulit sa kotse niya. "Ano? Gusto mo bang mahalikan kita ulit diyan? Sakay
na."

At sumakay na nga ako sa kotse niya. Bakit ba lagi kaming napi-pick up
ng bestfriend ko ng mga lalaki sa tabi ng daan? Bakit laging sa tabi ng
kalye ang scene? Ano ba naman author.

With a swift move, the car's engine roared to life. Ang bilis niyang
magpatakbo, but it was fine with me. But I'd prefer guys with
motorcycles. Yep, mas gusto ko yung nakasakay sa motorcycle na nalilipad
ang buhok ko. It's more exciting and romantic. But hey...bakit iniisip
ko yun with Echo's presence? It's not like gusto kong siya ang gumawa
nun ah.

"You know what? I think I like you." Sabi ni Echo. Psh.

"Sinong niloko mo? Lola mo?" Tumawa siya.

"Seryoso ako." Tinignan niya ako saglit then back to the road. "Ikaw pa
lang ang sumampal sakin for calling you my girlfriend." Ang yabang.

"You're so the same with your cousin, Leux."

"Who said so? Si Erina?" He chuckled. "I'm way more different than that
Leux." He smiled. "Trust me." My heart skipped a beat. The way he said I
should trust him made my heart skip a beat. Enebeyen. Why should I even
trust this guy? 3 days pa lang kami magkakilala.

But it feels so....like years ago..


Naalala ko siya.


*CHAPTER TWELVE*
Erina POV

Bakit ganun?! Bakit ba tuwing vulnerable ako ay wala akong magawa pag
hinahalikan niya ako?! Puro lang naman siya looks, e. Puro kagwapuhan.
Bakit nakakabaliw ang kiss niya?! Bakittttt?!

Nasa bahay na ako ngayon, yung totoo kong bahay. Umuwi ako ng wala sa
oras kagabi. Hindi ko na siya nagawang masampal kagabi dahil magsasayang
lang ako ng energy. Gusto ko na nga maiyak kagabi, e. Ano bang ginawa ko
sa kanya? Wala naman diba. Bakit parang andali lang sa kanyang kunin ang
first kiss ko like it was nothing

At bakit lagi ko na siyang iniisip lately?

"Aray ko." Nasambit ko nang naramdaman kong may nagtapon ng kung ano man
sa ulo ko. Napatingin ako sa bintana, kasi nga naka-upo ako sa bintana,
anobey.

"Busy ka ba?" Si Wayne! At paano niya naman nalaman ang bahay ko? "Tara,
labas tayo."

"At paano mo naman nalaman ang bahay ko, Mr. Wayne?" Di ko alam ang
apelyido e. Sorry na.

"Hindi ko nalaman ang bahay mo, ang address mo." At pinilosopo pa ako?
"Bakit parang malungkot ka?"

"Wala."

"Anong wala? Bumaba ka na lang nga dito." Naka'lean lang siya sa kotse
niya. Hindi ko nga namalayan na nandun siya. "Bilis na, I only have 30
minutes, Erina." At dali-dali naman akong bumaba, kahit na alam kong
naka'pajamas lang ako.

"Anong gagawin natin?" May kung ano siyang kinuha mula sa kotse niya, at
pagbalik niya, may dala na siyang malaking box ng Goldilocks.

"Gusto mo?" Binuksan niya ang box. "Cake."

"Baka maumay pa tayong dalawa niyan, kawawa naman tayo."

"Ikaw lang naman kakain nito, e." Tapos ngumiti siya. Loko 'to, ako lang
ang mauumay?!

"So gusto mong ako lang ang maumay mag-isa?" Hindi na siya nagsalita at
kinuha ang isang piraso ng cake, naka'cut na yun isa-isa at naka'plastik
para mahawakan. Tinanggap ko naman. "Baka may lason to 'ha?"

"Trust me." Sabi niya sakin at hindi ko namalayan na nakatingin na ako
sa mga mata niya. "Ano, sobra pa akong gwapo?" I stuck my tongue at him
at kinain na lang yung cake.

"So pano mo nga pala nalaman ang address ko? Stalker ka ba?"

"Pinagtanong-tanong ko lang."

"So anong sinabi nila sayo? Yung mukhang binombang bahay ni Rizal?"
Tumawa siya.

"Hindi naman. Sabi nila yung pinaka odd na bahay sa lahat."

"Okay. Sige na, kami na yung puro kahoy lang ang bahay, sila na ang
de-semento!" Kumuha pa ako ng isang slice.

"That's not too bad." Ngumiti siya sakin. "Mas unique naman ang babaeng
nasa tabi ko." Okay so I iz kilig ryt naoooo.

"Korni mo." Ngumiti siya ulit. Nauulanan na ata ako ng ngiti dito dahil
sa kanya. "Banatero ka na, ganun?"

"Ikaw kasi, e. Ikaw lang ata yung babaeng nagsabing korni ako."

"Korni naman kasi talaga."

"Di mo pa nga sinasabi kung ba't ka malungkot." Tsk, kala ko pa naman
nakatakas na ako dun. Psh. "Hindi mo naman kailangan sabihin kung ayaw
mo, diba?" Tumingin siya sa relo niya at tumingin sa akin with a sad
look on his face. "Looks like kailangan ko nang umalis."

"Ah, ganun..." Yun na lang nasabi ko. Sayang, akala ko makakausap ko pa
siya ng mas matagal. Mas masarap pala siyang kausap kung nasa matinong
lugar kami. At dinalhan niya pa ako ng cake. "Salamat sa cake."

"No prob. Bigay saken yan ng isa sa mga..." Tumingala muna siya sa
langit bago tumingin saken. "admirers ko. Ayoko naman itapon...kaya
ibinigay ko na lang sayo. Na'enjoy mo naman, diba?" Siguro kung si Leux
ang nagsasalita ngayon, mayayabangan ako. Pero pag si Wayne...it feels
natural.

"Ah, oo. Thanks sa admirers mo.."

"Good mornight, Erina. Sweet dreams, sleep tight.." At pumasok na siya
sa kotse niya. He sped off after a few seconds at naiwan ulit akong
mag-isa. Hawak-hawak pa rin ang box ng Goldilocks.

"Bukas ko na lang 'to uubusin." Sabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa
loob.

--
Wayne POV

"San ka na naman ba nagpunta, ha? Alam mo bang kanina pa namin
hinahanap?!" Hero scolded me through my phone.

"I was doing something, alright." Palusot ko.

"Pumunta ka na dito."

"Palapit na ako." And I pressed the end call button. I parked my car
inside the garage. "Oh, pasensiya na talaga."

"San ka ba nagpunta?" Jace asked me. I shrugged.

"Somewhere."

"Where the fck is somewhere, Wayne?"

"Hindi naman big deal kung san ako nagpunta, nandito na ako, okay?" They
all rolled their eyes at me. "Sige na, ano bang susunod?"

"Let's kidnap his loved one." Hero spoke. "Tapos patayin natin kahit na
magpunta pa siya o hindi." I smiled. That was what I was thinking.

"At sino naman ang kikidnapin natin?" Alex asked Hero.

"May papakasalan siyang babae in less than 5 months. We'll kidnap the
girl. I'm sure importante ang babaeng yun sa kanya." Tinignan ako ni
Hero. "You will be the one who'll kidnap the girl, k?" Tumango ako.

"Then it's settled." Jace said.

"Maipaghihiganti na natin ang pagkamatay ni Rafael." Said by Alex.
Ngumiti siya sa akin. "Mararanasan na niya kung pano mawalan ng mahal sa
buhay."



"Leux Luciano better be ready."


*CHAPTER THIRTEEN*
"Erina, gumising ka na! Tanghalian na!" Minulat ko ang mga mata ko at
tinignan yung wall clock na nakasabit sa may pinto ko; 8 am. May bago na
palang oras ng tanghalian. O----KAY.
Tumayo ako at naramdaman ang oozy feeling sa tiyan ko, parang umiikot
ang tiyan ko. Uwaaaaa. Ano nga bang kinain ko kagabi?! Ah---tama. Cake.
Maraming-maraming cake. Parang wala akong gana kumain...I feel like ugh.
"Ma, may gamot ka sa umay?" Tinignan ako ni mama taas hanggang baba.
"Bakit, ano bang kinain mo?" Naniningkit niyang tanong.
"Cake."
"Sinong may birthday?" Sus, inintindi pa ang may birthday kaysa sa tiyan ko.
"Ano kasi....may dumating akong bisita kagabi tapos binigyan ako ng cake."
"Uminom ka ng mainit na tubig tapos kumain ka na." Yun lang ang sinabi
niya tapos bumalik ulit siya sa paglilinis ng cabinets. "At oo nga pala,
darating si Leux mamaya, date niyo raw."
"Ah okay." Binuhos ko ang maaligamgam na tubig sa baso at uminom.
Naglakad ako papunta kay Mama at humarap sa kanya. Teka....
....
....
....
"ANO RAW NAMIN?!" Lumabas lahat ng tubig sa bibig ko at nagsipuntahan
lahat kay Mama. Para siyang basang baboy ng madatnan ko ang itsura niya.
"Ano..sorry po."
"First date niyo para sa 100 dates......." Nakasimangot siyang umalis sa
harapan ko at pumasok sa loob ng kwarto niya. Sorry naman 'no. Gulatin
ba naman ako habang umiinom ng tubig.
At syet lang, bakit ngayon pa? Ayokong makita siya. Ni pangalan niya
ayokong marinig. Pagkatapos ng lahat ng ginawa niya saken? Tapos may
date pa. Sinuswerte ata siya. No way ever. Psh.
"Magbihis ka na Erina, darating na siya within 1 hour! Ke-payat-payat mo
na bata ang kupad kumilos!" Padabog akong pumasok ulit sa kwarto ko para
maligo at magbihis. E ano pa bang magagawa ko? Edi magbibihis na lang.
Sino bang mae'excite para makita siya? =__=
Nagsuot na lang ako ng Blue checkered na polo na may t-shirt na black sa
loob at tsaka skinny jeans. Havaianas na lang ang sinuot ko kasi di
naman ako pala'heels at ang init ng doll shoes. Hindi naman kasi
mala'porma, at sa kasamaang palad, wala akong fashion sense. Huhuhuhu.
At ang dami-dami ko pang sinabi. Blahblahblahblah~
Isang oras na din ang lumipas. Sabi ni mama within 1 hour?! Sinungaling
talaga yung mataba na yun! Tapos 30 minutes...tapos another 30
minutes...edi 2 hours na...
"Tsk, papasok na ako ng kwarto ko, wala na 'tong date na 'to." Kainis,
wala palang date! Pinaghihintay lang ata ako sa wala e. 11 am na. It's
not like gusto ko rin 'to.. pffft.
Magwa'walk out na sana ako papuntang kwarto ko nang may marinig akong
steps na papasok sa bahay. Crap, edi mas lalong kailangan kong kumaripas
papunta sa kwarto ko!
"Hoy." Nasabi niya bago ko pa natulak ang pinto ko. (Oo, de-tulak na ang
pinto ni Erina XD) "San ka pupunta?" Napatayo na lang ako sa harap ng
pinto ko. Nakatalikod ako sa kanya.
"Sa impiyerno, gusto mo sumama?"
"Nakakatawa, Erina."/ Tugdug. Tugdug./ Bakit parang bumibilis ang tibok
ng puso ko nung sinabi niya ang pangalan ko? Mamatay na ba ako? "Halika
na." Naglakad siya palabas tapos huminto, humarap ulit siya sakin. "At
bilisan mo, turtle." Grrr, kainis. Sabi na nga ba.
"Nandiyan na po, senyorito." Pagbaba ko ng hagdan palabas, nakita ko na
iba na naman ang kotseng dala niya. Isang Nissan 350z. Siguro isang
bahay ng kotse ang meron sila. Ang dami, e. Iisang makina lang naman
nagpapatakbo. Pare-parehos lang ng manibela. =___=
"Ano, sasakay ka o hindi?" Binuksan ko na yung pinto at sumakay. Ang
excited niya lang.
"San tayo pupunta?"
"Kahit saan."
"Grabe may 'kahit saan' na pala na lugar ngayon?"
"E ba't ang kulit mo?" Naiiritang tanong niya. At siya pa ang nairita?
Nanahimik na lang ako sa upuan ko, baka ano na naman gawin nito sakin.
"Gusto mo ng ice cream?" Walang sagot. "Hoy." .... "Pst." .... "Hey!"
........... "Pag di ka sumagot, hahalikan kita."
"Gusto ko ng cookies and cream!" Nabuhayan kong sagot. "Cookies and
cream...strawberry....mocha! Diba ang dami-dami pa nung flavors!" Kung
kailan kong mag-ingay para lang hindi na niya ako halikan ulit, gagawin
ko. "WAAAAAAAAAAAA, GRABE ANG INIT PALA."
"Naka'aircon."
"KAHIT NA! GRABE, ANG GANDA NG MUNDO! SABI NILA WORLD WAR END NA BUKAS---"
"End of the world."
"OO YUN, ANG ANGAS LANG NG NAGSABI. GRABE. GRABE TALAGA. HINDI PA NGA
AKO NAGKAKABOYFRIEND. HAAAAISSSST! GRABE." Nakatingin na si Leux sa akin.
"Ang ingay ingay mo, alam mo yun?" At bigla lang siyang ngumiti. "Wag ka
mag-alala, hindi na kita hahalikan." At huminto na yun sasakyan, nasa
McDo pala kami ngayon. Hihi, McFlurry..
"Oyyy! Gusto ko ng breakfast, Leux!" Inirapan niya lang ako tapos pumila
na siya. Ang insensitive. =__= Alam niya bang wala pa akong breakfast
dahil lang sa kanya? Psh.
Pumunta na lang ako dun sa pila para masigurado na bibilhan niya talaga
ako ng breakfast. Hehe
"Miss, may breakfast kayo?"
"Ay, sir. Lampas 10 am na po kasi. Wala na 'pong breakfast." Aisttt,
ba't kasi ang tagal namin?!
"Miss! May pagkain ba kayong lasang breakfast?" Tanong ko dun sa
cashier. Napatawa naman yung sumunod kay Leux, pati na rin yung cashier.
May masama ba sa sinabi ko?
Para tanga lang...
"Wag mo na siyang pansinin, isang happy meal na lang para sa babaeng
'to." HAPPY MEAL?! Ano ako, bata?!
"O-ooy! Bakit happy meal, ha?! Sandali nga---" Tinignan ako ni Leux na
parang Pag-Di-Ka-Tumigil-Lilipad-Ang-Mga-Uwak look. "O---kay. Sige na
happy meal na...." Naglakad na lang ako pabalik dun sa table namin.
May batang babae na umupo sa upuan ko.
"Bata..ano kasi..ako naka-upo diyan.." Tinignan ako ng matalim nung bata
tapos inirapan ako. Ang taray.
"E ano ngayon? Mag'de'date kami nung kasama mo! Boyfriend ko siya. Kuha
mo?" Hinga ng malalim, Erina. Inhale...exhale...bata lang yan. Tiisin mo.
"Ano kasi...ako ang ka'date niya ngayon...kaya pwede bang umupo na ako
diyan?" Wala epek pa rin. Nakatulala lang siya sa kawalan, parang ayaw
talaga ako paupuin.
"E sino ka ba? Girlfriend ka ba niya? Parang maid ka lang nga e. Tsupe!
Lumayas ka dito. Date namin 'to."
"Hoy bata ha. Hindi magandang biro yang sinasabi mo, hindi kaya ako---"
"Miss, pwede bang umupo yung kasama ko?" Si Leux. Dala-dala yung tray ng
pagkain. Ngumiti agad yung batang babae, aisttt ang bata-bata pa, ang
landi. Hmph.
"Tayo na lang mag'date Mr. Gwapo!" Tapos tinignan ako ng babae taas
hanggang baba. "She doesn't deserve to seat and eat with you." Okay syet
nosebleed.
"Sige, wag na lang. Kayo na lang kumain. Aalis na lang ako." Nag'walk
out na lang ako kahit na kumakalam na ang tiyan ko. Tinalo ba naman ako
ng batang yun?! Oo na, siya na maganda. Ako na panget. Panget. Panget.
Panget. Pange---
"Kakain ka ba o mag-iinarte?" Aba, inarte?! Excuse me?! Ako, maarte?
"Wag na lang. May kakain na nang happy meal ko. Bakit? May kumakain ba
ng happy meal na malungkot?" Tinignan ko yung batang naka-upo dun sa
table namin, nakasimangot. "At tsaka ayun ang date mo oh! Naghihintay
na sayo. Mr. Gwapo." Tumawa si Leux.
"Nagseselos ka sa isang bata..?"
"At bakit naman ako magseselos? Sino ka ba? Boyfriend ba kita?" Tumayo
na ako at akmang papara ng taxi para umuwi nang pinigilan ni Leux ang
kamay ko at hinila ako papunta sa kanya.
"Miss Erina Nievera, kung ayaw mong magka'part 3 ang first kiss mo,
kakain ka na."
"At sa tingin mo natatakot ako? Edi gawin mo!" Umatras ako palayo sa kanya.
Umatras ako ng umatras nang...
*shrieeeeeeeeeeeeeeeeek!*
may sasakyang papunta saken. Napapikit ako at naramdaman kong may
yumakap sakin.
"Magpapasagasa ka ba?!" Bumaba yung driver ng sasakyan at sinigawan ako.
Ang sungit!
"Hindeeee! Hindeeee! Magpapa'salon ako! Magpapa'sal----" Tinakpan ni
Leux ang bibig ko.
"Kahit kailan ang ingay mo talaga.." Bulong niya saka tinignan yung
driver. "Hey, will you stop shouting at my fiancee? Gusto mo ikaw ang
sagasaan ko?!" Umatras naman yung lalaki, eww chicken.
"Sorry na boss." Tapos sumakay ulit siya sa sasakyan niya at dali-daling
pinatakbo ito paalis.
"Kumain ka na, pwede ba?" Sabi ni Leux sa akin saka ako binitiwan,
nakayakap pa pala ako sa kanya... "Wag ka na mag-inarte, ako na bahala
sa bata." Tapos pumasok na ulit siya sa loob.
Pumasok na rin ako sa loob, ano namang gagawin niya dun sa bata? E kung
umasta, parang dalaga na e. =___=
Pagpasok ko, nakita kong lumuhod si Leux sa harap nung bata, naka'smile
naman yung bata. Pinag-titinginan sila ng mga tao, talagang gagawin yan
ng isang Leux Luciano? Weeeeh.
"Princess...kailangan talaga naming kumain ng fiancee ko e. Pwede bang
kumain na siya kasama ko?"
"But she doesn't deserve to eat with you! Fiancee? Hindi siya maganda.
Ako, ako ang maganda!" Okeh payn ikaw na maganda.
"I know." At kinampihan pa yung batang yun?! "Kaya nga lang, kailangan
ko na siyang pakainin, para ikaw naman ang susunod. Mag'de'date tayo
next time." Sabay wink. /Tugdug. Tugdug./ Oh no, here it goes again.
Tsssss, ano na naman 'tong puso ko? Ang bilis na naman ng tibok.
"Hindi siya kasama ha? Tayo lang!" Tapos tumayo na yung bata sa
kina-uupuan niya sabay halik sa pisngi ni Leux. "I love you, Mr. Gwapo!"
Tapos nag'wave na siya paalis.
"O sige na, Miss Hindi Daw Maganda, pwede ka ng umupo." Umupo naman ako
agad, baka bumalik ulit yung batang yun. Nakakainggit siya ha. Wait,
teka, ano?! /Nakakainggit?/ Bakit naman ako maiinggit sa kanya?
"Masamang nakasimangot pag kumakain, hindi mo ba alam yon?"
"Alam ko." Dahan-dahan ko nang kinain yung happy meal. Hindi na ako
nasarapan...nawalan ako ng gana. Diba dapat nga gutom ako.. Haaay.
"Akala ko ba gutom ka?" Tanong niya nung napansin niyang hindi masyado
nagalaw yung pagkain ko.
"Wala na akong gana." Tumingin na lang ako sa labas. May nakita akong
bata na nakaupo sa hagdan papasok ng McDo. Kinuha ko yung kutsara at
tinidor at inilagay sa loob. Tumayo ako at naglakad palabas.
Tinapik ko sa balikat yung bata at umupo sa tabi niya.
"Gusto mo?" Ngumiti naman siya bigla. Tinanggap niya agad.
"Salamat Ate! Ang bait mo." Tapos binuksan niya agad ang styro, sabay lamon.
"Hinay-hinay lang, baka mabilaukan ka." Hinagod ko yung likod niya.
"Sige, maiwan na kita."
"Salamat po ulit!" Nag'wave na ako paalis sa kanya tapos pumasok ulit sa
loob.
"Ba't mo binigay sa bata?" Nagtatakang tanong ni Leux sa akin na
nakakunot ang noo.
"Mas kailangan niya e." Hinila ako agad ni Leux palabas. Ano namang
gagawin nito? "Ho-hoooy! San mo 'ko dadalhin, ha?!"
"Diba nga date 'to?"
"May date ba na hilahan?!" Hinila niya ako hanggang dun sa may park. May
park pala dito?

"Kuya, 30 pieces nito." Turo ni Leux dun sa Siomai. Papakainin niya ako
ng Siomai?! Happy meal nga, ayaw kong kainin, tapos Siomai pa? "Kainin
mo 'to lahat." Inabot niya sa akin ang 3 plato ng Siomai. Umupo ako dun
sa bench na malapit dun sa stall at sinimulang kainin yung Siomai.
Nakatingin lang si Leux sakin.
"Ano bang tinitingin-tingin mo?" Tanong ko. Kanina pa akong tinitignan
ng masama e.
"Ang baboy mo pala lumamon." Okay, sige na, ako na baboy lumamon. =___=
"E gutom ako."
"E ba't binigay mo kasi dun sa bata?"
"E bakit ba?" Wala na siyang sinagot. "Uuuuuy, concern ka sakin 'no?"
"I don't care about you." Ouch.
"Edi kainin mo 'to, wala ka palang care e." Pinasa ko sa kanya yung
natirang 2 plato ng Siomai.
Naglakad na lang ako palayo, kainis. Siya na nga 'tong humila-hila sakin
dito, wala naman pala siyang care saken. E ba't ba kasi ako nagagalit,
diba?! Kung ayaw sakin, edi ayaw!
"Hoy!" Sigaw niya, mas binilisan ko pa ang lakad.
Naramdaman kong may tumulo sa pisngi ko, ulan? Naku naman, e ang layo ng
nilakad ko..T__T Malayo na nga ako siguro dun sa stall e. Mauulanan ata
ako ng wala sa oras. Teka, san na si Leux? Wala na rin siya dun sa
stall, san nagpunta? Iniwan ako? Ang sama.
May nakita akong puno na okay na para silungan. Tumakbo agad ako dun,
mas lumalaki kasi ang patak ng ulan habang naglalakad ako e. Gulaaaaay,
ang lamig pa ng hangin. Babagyo ba? Sumandal na lang ako dun sa puno.
Maghihintay na lang ako na lumipas yung ulan. Kahit na basang-basa na ako.
"Kainis kasi yung lalaking yun. Mang-iiwa---" May tumakip sa bibig ko na
panyo at mabilis akong nawalan ng malay.
Nasan na si Leux?!


*CHAPTER FOURTEEN*
*Leux POV*
Paker. Nasan na ba yung babaeng yun? Nagbayad lang ako saglit sa stall,
nawala bigla. Kainis. I got my car and roamed all around the park to
search for her. Pero wala. Nasan na kaya siya nagpunta?!
I don't have her number...teka---may cellphone ba yun? Mukhang wala..
I dialed Echo's number.
Sumagot siya after 4 rings. "Oh? What's up?"
"Nawawala si Erina, I need you to help me find her."
"Tss, ang frat mo? Ano yan, hanggang patayan mo na lang sila maasahan?"
"Gago, kaya nga e. Baka kung ano pa mapatay nila kaya ikaw na lang!"
"Busy ako---you know..with stuff. At pupunta pa ako sa agency at may
meeting pa ako with my endorse---"
"Do I sound like I care?"
"Whatever, Luciano. Tawagin mo na lang frat mo. K." Tapos nawala na siya
sa kabilang linya. Crap. Kahit kailang, hindi talaga maasahan ang mga
RRJ models.. psh.
Bakit ba kasi ako natataranta ng ganito?! Shit. Pano kung...dinukot siya
ng Zipers? Shit, ba't siya pa kase?! Ano na naman iniisip ng mga gagong
yun. Dahil ba pinatay ko ang head nilang si Rafael?! Aksidente lang
naman yun ah. Aksidente lang. Sila ang unang bumunot ng baril. Hindi kami.
I dialed Sean's number, ka'frat ko rin.
"Sean, kailangan mo 'kong tulungan. Nawawala ang...." Sigh..anong tawag
ko sa kanya? "kaibigan ko..baka dinukot ng kabila."
"Sige sige, sasabihan ko sila Raymond, san ba huling nakita?"
"Sa park. I need you all to find her, okay?! Kailangan niyo siyang makita."
"Okay, chillax ka lang. Parang asawa mo naman ata ang hinahanap mo e."
"E kung ikaw patayin ko?"
"Oo na, sige na. Aalis na kami. Hahanapin na namin yung friend mo kuno."
Tapos nawala na rin siya sa linya.
Kailangan rin ba 'tong malaman ni Mom? No, not now. Baka naglakad-lakad
lang yun sa kung saan. Pero dapat nakita ko na siya kanina pa! Urrrghhh,
shit! Pag may nangyaring masama sa babaeng yun...baka ubusin ko na yung
lahi nila Rafael. Kahit kailan talaga, sakit sa ulo yang Erina na yan..
Nag'ring ang phone ko. Unknown number.
"Sino 'to?" Tanong ko bago pa man nagsalita yung nasa kabilang linya.
"Luciano..." Teka, parang pamilyar ata ang boses nito.. "kilala mo ba
ako ha?!"
"Wayne Ramos." Sagot ko.
"Buti naman kilala mo pa ang kinuhaan mo ng mahal sa buhay, ha?!" Tumawa
siya. "Ano..may nawawala ba sayo ngayon, huh? May nawawala bang
importante diyan sa tabi mo?"
"Nasan na siya?!"
"Nasamin siyempre." Huminto siya. "Gusto mo pang makita ang fiancee mo?
Pwes, pumunta ka dito at magharap tayo..kung hindi, paglamayan mo na
siya bukas."
"Wag na wag mo siyang sasaktan."
"Oh bakit? Pahihirapan lang man namin ah. Masyado ka naman atang
over-protective diyan Luciano.." Nakakairita na ang boses niya. "Better
be ready, 'cause blood will flow everywhere. Everywhere. Tandaan mo yan
Luciano."
"Tek---" Anak ng shit! Binabaan na ako ng telepono! Fuck.
Tinawagan ko ulit si Sean.
"NASAN NA BA KAYO, HA?!"
"Ba't ka ba sumisigaw?"
"BASTA NASAN NA KAYO?! Umalis na kayo diyan! Dinukot ni Wayne ang
kaibigan ko, alam niyo na kung nasaan ang resthouse nila, wag na wag
kayong magpapakita sa kanila. Ako na ang bahala. Bantayan niyo lang ang
resthouse hanggang sa makarating ako."
"Okay boss."
Binilisan ko na ang sasakyan para mabilis ako maka'abot dun. O
makaka'abot pa ako...shit. Kilala ko si Wayne..kahit na pumunta ako o
hindi, may binabalak pa rin siyang masama. Shit talaga. Shit.
Tapos ang tagal pa ng highway na 'to! Tae, traffic pa.
Erina..maghintay ka lang. Basta maghintay ka, okay?! Shtttt. Pag di ka
naghintay, hahalikan kita!
--
*Erina POV*
Aray..nasan na ako? Aisst, ang sakit ng ulo ko..anong nangyari saken?
Bakit ang dilim? Oh my momay! Nakidnap ba ako? Naku po. Malas lang nila,
mahirap ako. Wahaha. Wala akong pera. Wala akong cellphone, wala akong
dalang gamit.
May sumipa sa tiyan ko.
"Hoy, gising ka na ba, huh?" Bakit parang ang pamilyar ng boses...?
"Nasan ako?! Sino kayo?!"
"Kung malalaman mo ba e makakalabas ka dito, ha?!" Sigaw nung boses.
Nakakatakot.
Naramdaman kong nakatali ang dalawang paa ko at ang dalawang kamay
ko..baka naman tinakpan lang ang mga mata ko? Ang liwanag kasi sa
corners ng panyo..
"Hindi ka na makaka-uwi sa inyo. At kung makaka-uwi ka man, bangkay ka
na." Parang napaka-seryoso nung boses. "Dahil sa frat ng asawa mo kaya
ka nandito!" Damn. Eto na yung kinakatakot ni Tita..sabi ko pa naman
mag-iingat ako. SINO BA NAMAN KASI NAG-IINGAT PAG SUMASANDAL SA PUNO.
O-KAAAAAAAAAY.
tsk, nagjo'joke pa ako, mamatay na nga ako e. Naiiyak na nga ako..
"Please..pakawalan niyo na ako... Kung ano man nagawa ni Leux, sorry
na!" Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"WHAT?! SORRY LANG?! ANO KA, BALIW?! Namatay ang Kuya ko! Buhay ang
nawala kaya buhay din ang kapalit!" Ba't buhay ko pa?! Kainis. Ayoko
pang mamatay!
"Ayoko pang mamatay! At sino ka ba para magsabi niyan?! DIYOS KA BA?!
DIYOS KA BA?!" Parang tanging ina lang. Huuu, pleaaase. Iligtas mo ko Leux!
"Ano, gising na? Pahirapan na natin." Pahirapan?
"Kayo na bahala magpahirap diyan." Sabi nung boses tapos narinig kong
nagsara yung pinto.
"Please naman..pakawalan niyo na ako----aray!" Pinalo ang tiyan ko ng
kung anong rubber. Ang sakit.
Isang latik ulit, sa braso ko naman..
Isa pa ulit, sa paa ko..
Naiiyak na ako. Ang sakit na ng katawan ko. Leux, iligtas mo naman ako..
Nasan ka na ba? Ililigtas mo kaya ako..? Wala naman akong halaga sayo.
Sino ka ba naman para iligtas ako, diba?
PERO TEKA?
Ikaw naman dahilan nito! Shet! Iligtas mo ako. :'(
"Barilin na kaya kita para matapos na?"
"Please..wag! Wag. Waaaaaaaaaag! huhuhu.. Wag.." Tumawa lang yung boses.
"Siguradong matutuwa si boss pag nabaril na kita 'no?" Oh nooo.
Narinig kong may hinahablot...tapos may nagkasa ng baril..shit..mamatay
ba talaga ako...?
"Magpaalam ka na..."


/Leux...nasan ka na?/


* CHAPTER FIFTEEN*
*Wayne POV*
Pag-alis ko galing dun sa kwarto na pinagdalhan ng kinidnap
namin...nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam kung bakit.. Bakit ba ako
na'gui'guilty? Ipaghihiganti ko lang naman ang Kuya ko ah. Bakit
kailangan ko pang ma'guilty? Di ko naman kilala yung babae..all I know
is parang familiar ang lips niya.. Hindi ko lang siya masyado mamukhaan,
kasi natakpan ng panyo ang kalahati ng mukha niya. All I see is her lips.
Nung tinakpan ko ang bibig niya ng panyo, hindi na ako tumingin kung
sino pa yun basta alam ko siya na yun. Sino ba kasi ang ibang kasama ni
Luciano..asawa lang niya. Alam kong kahit kailan, hindi pa
nakikipag'date si Luciano sa park, kaya alam kong she's the right girl..
Pero nung nakita ko ang babae kanina...she reminds me of Erina. Too bad.
Hindi ko na dapat inaalala yung babaeng yon. Masyado akong na'attach sa
kanya, lagi ko na lang siyang iniisip..
Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip ng kung anu-ano! Dapat dumating
na si Luciano. Kung gusto niya pang makitang buhay ang fiancee niya.
Hindi naman 'to mangyayari kung hindi niya pinatay ang Kuya ko e...
"Wayne, hinayaan ko munang bantayan ni Alex ang babae."
"Pinahirapan niya na ba?" Tanong ko kay Hero.
"Siyempre naman. KIlala mo si Alex. He hates girls, kinamumuhian niya
ang mga 'to."
Ayaw ni Alex ng mga babae dahil iniisip niyang ang mga babae ang dahilan
kung ba't nagkagulo ang buhay niya. His mother left him. All his past
girlfriends cheated on him. Girls made him think he was a fool. Kaya
sumali siya sa frat namin. We treated him like a real brother kaya medyo
naka'move on na siya. Pero hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkamuhi
sa mga babae.
"Alam ko..pero wag niyo masyadong pahirapan." Tumawa si Hero.
"Walang hindi masyado sa PAHIRAPAN, Wayne. Bakit ba? Akala ko ba gusto
mo 'to? Na pahirapan ang mga minamahal ng Luciano na yun..?
Wait..nagui'guilty ka ba? Ha?"
"Who said so? Nanay mo?"
"Tss. Shut up, okay? Babalik na ako. Ikaw na bahalang maghintay kay
Leux." Pumasok na siya sa loob. "Mawawalan ka na ng minamahal Leux~"
Kinanta ni Hero habang papasok.
Tin'ext ko na si Luciano kanina pa. Ano ba? Ayaw niya bang makitang
buhay pa ang asawa niya? Doesn't he care? Teka...
Pumasok ako sa loob para tignan ulit ang babae.
Pagpasok ko sa room, nakita kong kinasa ni Alex ang baril niya at
tinutok ito sa babae.
"Magpaalam ka na..." What the fuck is this guy doing?!
"Alex, itigil mo na yan!" Napahinto siya at binaba ang baril niya. "Wala
na tayong magiging dahilan para pumunta dito si Luciano.." Umiling lang
siya tapos lumabas.
Umupo ako para tignan ang mukha nung babae.
I unknot the handkerchief, dahan-dahan kong tinanggal ito sa mukha
niya..at habang ginagawa ko yun, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano
bang kinakatakot ko? O takot ba 'to...?
...
...
...
Shit.
"Erina...?" Nakapikit pa rin siya habang patuloy namang tumutulo ang
luha niya..
Anong nagawa ko...? Ibig sabihin...ang magpapakasal kay Leux ay si...Erina?
FUCK! Bakit siya pa?!
Dahang-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata. Tapos tumingin siya
sa akin. Nung una, gulat ang nakita ko sa mga mata niya..
"Wayne...? Ililigtas mo ako?" Napalunok ako. Shit. Shit. Shit.
"Erina..hindi." Tumingin-tingin siya sa paligid na parang naguguluhan.
"Ha..? Bakit hindi..? Nandito ka naman diba..? Iligtas mo ako, please..."
"Erina, ako ang kumidnap sayo. Ako ang boss ng frat na kalaban ni
Leux.." Natigilan siya at parang ina'analyze pa rin ang sinasabi ko.
"Sorry..."
"No!" Sigaw niya. "No, Wayne. Hindi ako naniniwala..! Alam 'kong mabait
ka. Diba..?" Umiling ako. Hindi ko alam ang sagot..
"Wayne? Ba't mo ba yan kinakausap? Dumating na si Luciano." Nang walang
imik, tinakpan ko ulit ang mga mata niya, hindi siya pumalag.
"Nandiyan na." Tapos tumayo na ako at lumabas.
--
*Leux POV*
Pagkapasok at pagkapasok sa rest house, kinalabit agad ako ng dalawang
lalaki. Hindi na ako pumalag. Alam ko namang wala ring magagawa kung
magpupumiglas pa ako. All I ever came here for ay si Erina.
"Oy, nandito na pala ang bayani ng kanyang fiance." Lumapit sa akin si
Wayne and punched me on my stomach. Okay, tiisin mo lang yan Leux. Si
Erina. Si Erina. "Alam mo bang wala pa yan sa sakit na dinanas ko, ha?!"
Hinatak ako ng dalawang lalaki papunta sa isang upuan, tinali nila ako dun.
"Ano bang gusto niyong gawin ko?" Tanong ko sa kanila. Tumawa lang sila.
The nerve. Chill, Leux. Nakabantay pa sila Sean sa labas...
"Mamatay ka na."
"Tss." Tumawa ako at tinignan silang mabuti. "At ba't ko naman gagawin
'yon, ha? Sino ba kayo?" Sinuntok ulit ako sa mukha. "Ano, galit pa rin
kayo sa nangyari kay Rafael? He deserves it." Isang suntok ulit. At isa
pa. At isa pa.
"Gago ka, Luciano! Kahit kailan, wala ka talagang kwenta!" Hinatak niya
ang kwelyo ko. "My brother died because of you and your pathetic frat!
Alam mo bang makikipag'negosasyon lang ang Kuya ko, huh?! But you killed
him! You fucking killed him!"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Sagot ko sa kanya. Binitawan niya ang
kwelyo ko.
"Kunin niyo yung babae." Dali-dali naman nilang nilabas si Erina.
"Nakikita mo ba siya, Leux huh? Andami na niyang pasa, diba?" Fuck. Sabi
ko wag nila siyang sasaktan! Shit.
Tinanggal niya ang panyo na nakatakip sa mga mata ni Erina.
"Tignan mo kung paano ka makitang mamatay sa harapan ng fiance mo!" At
pinagsusuntok na naman nila ako. Sabay tadyak. Sabay sipa. At isa pa
ulit. At isa pa ulit.
"WAG! Please, tama na!" Sigaw ni Erina. Shut up! Mas kaya ko 'to kaysa
sayo. "Wayne, tama na yan..sige na! Ako na lang!" Baliw na ba siya,
huh?! Hindi niya ba alam gaano ka'delikado ang sinasabi niya?!
"Teka, kilala ka niya Wayne?" Napatahimik si Wayne. Huh? Anong kilala?
"Hindi ko siya kilala, she's nothing to me." Sagot niya sa
kanila.Tumahimik si Erina.
"Ganito na lang.." Sabi nung isang lalaking naka'kunot ang noo.
"mamimili ka.. Ipapalo namin 'tong upuan sa asawa mo...o mamatay ka."
Gago ba siya?!
"Huh...wala akong pipiliin."
"Kung ayaw mo, itong babae na lang kaya, ha?"
"Ako na lang! Wag niyo lang sasaktan si Leux." Sagot naman nitong
babaeng 'to. Tanga ba siya?! O tanga na talaga?!
"Ang bayani mo naman, miss. Sige. Ikaw na nagsabi niyan." Itinaas nung
lalaki ang upuan...shit. Ba't di ako makapagsalita?! Gumalaw ka Leux!
Pigilan mo! Shitttt. Kainis! "Patulugin niyo yang Leux na yan." At bigla
na lang tinakpan ang bibig ko...
Ugh, no Leux. Hindi ka mahihimatay! Shit, unti-unti nang nawawala ang
paningin ko..
"Ahhhhhhhhhhhhhhh!" Yun na ang huli kong narinig at ang paghampas ng
kung ano man...
/Erina, ililigtas kita...../



*CHAPTER SIXTEEN*//
*Leux POV*
"Raymond, ikaw na lang mang'gising diyan, patayin pa ako bigla e." Sabi
nung boses..
"Ikaw na lang kaya Sean, ha?! Namamasa pa 'tong ugok na 'to. Nag'frat ka
pa! Bading."
"Oy gago, may girlfriend ako ah. Inggit ka lang e. Playboy! Mahiya ka nga."
"Fuck, ba't ang ingay niyo.." Ungol ko, hindi po maramdaman ang katawan
ko. "Nasan ako?"
"Nasa langit, boss. Nasa langit. Malamang nasa ospital! San ba dinadala
ang mga bayaning sugatan?" Si Raymond.
"Diba sa libingan ng mga bayani yun?" Sagot ni Sean.
"Sugatan pa nga diba?! What? What? What? Whatever Sean!"
"Highschool pa nauso yan ah." Minulat ko na ang mata ko at nakita 'kong
naka'upo si Raymond at si Sean sa tabi ng kama ko.
Ta's yung ibang ka'frat ko, nakaupo din dun sa isang sulok.
"Alam ba 'to ni Mo--"
"Hindi pa boss, pinalabas lang namin na busy ka pa. hehe." Sagot ni Sean.
"E si Erin---"
"Di pa siya okay, kritikal ang kondisyon niya ngayon, madami siyang
bali-baling buto.. Ba't di mo hinahanap agad, boss? Diba pag sa drama,
pagka'gising pa lang nung lalaking bida, hinahanap agad yung bidang
babae?" Sagot ni Raymond. Ayaw na ba ako patapusin nito?!
"Bakit, drama ba 'to, ha?!" Natahimik silang dalawa.
"Fiance mo pala yun, Leux?" Tanong ni Raymond. Napa-iling ako.
"Psh, bakit ba?"
"Parang di ka concerned ah." Tumawa ako. Yung wagas na tawa. "Naka'drugs
ka ba? Adik lang."
"Ba't ako magiging concerned sa babaeng yun?" Nagulat sila sa sagot ko.
"Baliw na 'tong si Leux, Sean. Grabe. Nung tumawag siya satin, kala ko
naman parang mamatay na yung hahanapin natin. Tapos eto! Tatawa-tawa pa
ang ugok."
"Nakabantay naman kayo sa labas." Yun lang ang sinagot ko tapos pumikit
na ulit ako.
"Ah, ganon. Sabi ko na sayo Sean, e. Dapat dumaan tayo sa NLEX para huli
tayo. Nagpaligtas-ligtas ba 'tong sana BOSS natin. Namaaan, nagpabugbog
pa ako oh! Tsk, pano na ang girls.." Binatukan ni Sean si Raymond.
"Edi wala ng magpapatakbo sa frat, duh naman Raymond 'no."
"Nandito naman ako ah."
"Umuwi na nga kayo, ang ingay-ingay niyo." Sabi ko sa kanila. Matutulog
na nga ako dapat, e. =__=
"Di mo man lang bibisitahin yung fiance mo?" Tanong ni Sean saken.
Umiling lang ako.
"Hindi na." Hindi na sila nagtanong ulit.
"Labas na Raymond, pinapalayas na tayo ni boss." Tinuro ni Sean ang mga
ka'frat ko na nasa sulok. " At kayo, tutulog-tulog lang kayo, lumayas na
tayo dito!" Nagsitayuan sila at sumunod palabas. "Sige, alis na kami
boss. Till next killing na lang." Nasara na ang pinto.
Pinikit ko na ng tuluyan ang mga mata ko..imbis makatulog ako, naalala
ko lang ang nangyari kay Erina. Kainis. Bali-baling buto? Baliw na
talaga siya. Baliw. Kung makaligtas saken parang siya ang lalaki. Shit.
Pano ko na 'to ipapaliwanag kay Mom, sigurado akong tatadtarin ako ng
mga tanong. Lalo na't kritikal pala ang kondisyon niya. Tsk.
Bisitahin ko kaya?
Tss, wag na. Sabi mo nang hindi mo na bibisitahin diba? Bakit pa? Kung
bibisita ba ako, babalik lahat ng mga nabali niyang buto? Di na ako
kailangan dun. Doktor ang kailangan, hindi ako.
She only brought me trouble since the day I met her. And I too, with her.
Dapat di ko na lang tinuloy yung date na yun. 100 dates? First date pa
lang nga, nakidnap na siya. Pano pa ang natitira? Yes, she's going to
marry me..but I can't love her. I just can't.
Hinihintay ko pa rin si Zairene. Hindi ko kayang magmahal ng iba.
Kinapa ko ang bulsa ko at kumuha ng isang stick, I found a lighter
beside me at sinindihan ang sigarilyo. Huh...eto na lang ang
makakapagwala ng mga thoughts na 'to.
I don't want to think of that Erina anymore.
--
Erina POV
Aray...ouch naman. Gumalaw-galaw pa kasi ako, e. Tsk. Kanina pa ako
gising. Dumating yung doktor kanina at sabi niya sakin, buti na lang daw
nagising ako, kritikal daw kasi ako e. Andami ko daw sugat at pasa,
isama mo ba ang bali-baling buto.. Tapos sabi nung doktor na may masama
raw siyang balita sakin, di niya naituloy kanina kasi tinawag na siya.
Ano na namang masamang balita yun?
At alam ko. Dapat kritikal ako ngayon, dapat naka'tube pa ang hingahan
ko. Ganun naman sa drama diba? Pakealam ba nila kung magising ako
ngayon. Hindi naman ako ganun kahina para ma'kritikal ng ganun katagal.
Hindi 'to drama. Story 'to. Story 'to, okay. Okay. Hehe
At bakit parang normal akong nagsasalita ngayon? Wala. Nagpapasalamat
ako na buhay pa ako. Pinalo ako ng upuan. Dahilan ng bali-bali kong buto..
Naalala ko pa rin ang mga sinabi ni Wayne sa akin. Siya yung boss ng
frat na kalaban ni Leux. At sila ang dahilan kung bakit ako nandito
ngayon.. Gusto ko mang makaramdam ng galit, wala e.. Wala akong
maramdaman. Nalulungkot lang ako.. Ni hindi man lang ako naipagtanggol
ni Wayne.
Tumakbo lang siya palabas nung pinalo ako ng upuan. Tumakas siya. Bakit?
Ayaw niya bang makita akong nakahandusay na duguan? Kaibigan ko dapat
siya, diba? Oo, 2 beses lang kami nagkausap at nagkita..pero nung mga
sandaling yun, alam kong naging kaibigan ko na siya..
Magpapakita pa kaya siya saken? Anong nangyari sa kanila?
Nawalan na ako ng malay nung pinalo ako, e. Sorry naman 'no.
Hindi ko nga alam sino nagdala sakin sa ospital e... Teka, si Leux,
anong na kayang nangyari sa kany---
"ERINA!" Bumukas ang pinto at tumakbo ang nanay ko sa loob. Alangan sa
labas. =__= Okay, stop the biro. Conyo, ganun? "ANO KA BANG BATA KA,
HA?! SAN KA BA NAGSUSUSUOT! AYAN! BALI-BALING BUTO! SAN TAYO KUKUHA NG
PERA PARA SA OSPITAL MO! MAHIRAP LANG TAYO! AFFORD KO LANG ANG SINIGANG!
JUSKO!"
"Sorry na po..." Di ko dapat sabihin ang rason kung ba't ako nandito.
Secret lang dapat.. Hehe "Nasabit lang po ako sa alambre malapit sa park
ta's gumulong-gulong ako sa kanal." Sagot ko. Sinungaling ako, e. Ngayon
lang.
"Kahit kailan talag--"
"Ako na pong bahala kay Erina. Pasensya na po, Nanay." Ha?! Pumasok
bigla si Leux sa kwarto ko, may sugat siya sa ulo.


/Tugdug. Tugdug./ Nanay raw?! Ohmegash.


*CHAPTER SEVENTEEN*
*/Recap:/*
/"ERINA!" Bumukas ang pinto at tumakbo ang nanay ko sa loob. Alangan sa
labas. =__= Okay, stop the biro. Conyo, ganun? "ANO KA BANG BATA KA,
HA?! SAN KA BA NAGSUSUSUOT! AYAN! BALI-BALING BUTO! SAN TAYO KUKUHA NG
PERA PARA SA OSPITAL MO! MAHIRAP LANG TAYO! AFFORD KO LANG ANG SINIGANG!
JUSKO!"/
/"Sorry na po..." Di ko dapat sabihin ang rason kung ba't ako nandito.
Secret lang dapat.. Hehe "Nasabit lang po ako sa alambre malapit sa park
ta's gumulong-gulong ako sa kanal." Sagot ko. Sinungaling ako, e. Ngayon
lang./
/"Kahit kailan talag--"/
/"Ako na pong bahala kay Erina. Pasensya na po, Nanay." Ha?! Pumasok
bigla si Leux sa kwarto ko, may sugat siya sa ulo./
*****
"Ay, Leux! Anong nangyari diyan sa ulo mo, hijo? Masakit ba? Okay ka
lang ba?" Kainis. Ako na may bali-baling buto, hindi man lang kinamusta..
"Okay lang po." Sabi ni Leux sabay ngiti sa nanay ko. Huh? Ngumiti si
Leux Luciano? Weh?
"Sige, maiwan ko na muna kayong dalawa--" Tinignan ako ni Mama ng
matalim. "--wag kayong mag-aaway." Tapos sinarado na yung pinto.
Awkward silence... Ano namang sasabihin ko? Okay lang ba siya? Kamusta
na siya? Nasan na sila Wayne? Sinong nagligtas sakin? Urgh. Andami kong
gustong itanong, kaso ayokong mauna ako.. Adik lang. Tsssss!
"Kamusta na ang mga buto mo?" Tanong niya sakin sabay upo sa tabi ng
kama ko.
"Eto...mula sa 12, 8 na lang." Umiling siya tapos napatingin sa ibang
direksyon. "E ikaw? Okay na ba yang ulo mo at napadalaw ka dito, huh?"
"Ewan ko kung ba't ako nandito." Sabi niya sabay tingin sakin. "Ni hindi
ko nga alam kung bakit pa kita kinakamusta e. Ikaw naman may kasalanan
kung ba't ka nandiyan." Ano?! Ako pa may kasalanan?!
"E sino bang may kaaway na frat? Ako ba, ha?!" Kainis lang. "O sige na!
Ako na may kasalanan! Sorry ha! Sana di mo na lang ako iniligtas. Edi
sana wala kang kinakamusta ngayon!" Nakatingin pa rin siya sakin.
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." Tumayo siya. "Hindi mo alam kung pano
ako nag-alala sayo!" Tapos napatigil siya na parang nagulat sa sinabi
niya. "Huh...wala."
"Anong sinabi mo...?" Tanong ko. Parang...parang may narinig akong
alala.. Siya, nag-alala? Ewan. Di ko masyado narinig ang sinabi niya.
"Walang ulitan sa mga bingi." Tumalikod na siya at naglakad palabas.
Pagkasarado niya ng pinto, dumaan ang nakakabingi na katahimikan. Si
Leux, nag-alala para sakin? Huh, kailan pa? /Tugdug. Tugdug./ Bakit
naman siya mag-aalala para sakin? Di naman kami close... O baka naman
crush niya ako? AYNAKO, ang ilusyunada mo talaga Erina.
May kumatok ulit sa pinto tapos pagkatapos ng ilang segundo, bumukas ito.
"Wayne...?" Naramdaman ko ang takot na bumalot sakin nung nakita ko
siya, pero hindi lang takot...pati pag-aalala.
"Erina." Nakatulala lang ako sa kanya dahil hindi makagalaw yung katawan
ko. Para akong nakadikit sa higaan ko. "Alam kong kahit mag'sorry ako,
hindi mo 'ko mapapatawad sa ginawa ko sayo..." Yumuko si Wayne. "Hindi
ko naman sinasadya, e..." Nakita kong tumulo ang luha ni Wayne. Hala,
umiyak... Bakit siya umiiyak? "Sorry. Ginagawa ko lang naman 'to para sa
Kuya ko, e. Pinatay ni Luciano ang Kuya ko..ni wala akong nagawa...kaya
inisip ko, pag nakaganti ako sa kanya gamit ang mahal niya sa buhay,
maybe I could feel satisfaction...pero hindi rin..dahil sinaktan ko
rin...ang mahal ko..." Ano raw...mahal? "Mahal kita." Lumapit si Wayne
saken. "Pero..kailangan ko nang lumayo sayo Erina, I'm not good for
you.. I almost..killed you. I'm so sorry.." Lumayo na siya sa akin at
naglakad palabas.. Tuluyan na siyang lumabas..at ako, tumulo na ang luha
ko sa narinig ko..
/Mahal ako ni Wayne../
Napabangon ako sa kama ko at tinanggal ang nakatusok sa akin na
dextrose. Hindi ako papayag na umalis lang siya ng ganun ganun lang.
Tumayo ako at nagsimulang maglakad kahit nararamdaman kong parang
umaapoy sa sakit ang kalamnan ko..
Binuksan ko ang pinto at tumakbo palabas. Kailangan kong mahabol si
Wayne. Kailangan. Bahala na. Walang pipigil sakin. Hindi ko pinansin ang
mga tingin ng mga tao sa akin..
Nakita ko siyang naglalakad palabas ng ospital.
"Wayne! Sandali lang! Aray.." Napahawak ako malapit dun sa ribs ko.
Parang nawawalan na ako ng lakas. "Please, Wayne! Sandali lang!" Pero
hindi man lang siya lumingon..
"Maa'm, bakit po kayo lumabas?!" Inalalayan ako ng nurse. Nawawala ng
unti-unti ang paningin ko. Hindi..hindi siya pwede umalis.. "Maa'm,
bumalik na po tayo sa ward niyo."
"Hindi..si Wayne..." Sabi ko na parang batang hinihingal. Bakit hindi
siya lumingon?
"Erina! Loka, ba't ka lumabas?!" Si Trina, tumakbo siya papasok ng
ospital at papunta sa akin. Kasama niya si Echo.
Tuluyan ng dumilim ang paningin ko..


*CHAPTER EIGHTEEN*
*Trina POV*
Tinawagan ako ni Auntie Rowena kanina lang. Sabi niya naaksidente daw si
Erina. Forever tanga na talaga kasi that girl, e. Kaya pupuntahan ko
siya ngayon. Baka kasi malala, ako lang makapag-pagaling sa kanya.
Ahaha, parang doktor lang..
"Sa'n ka pupunta, Trina?" Si Dad. In'adjust ang hearing aid niya.
"Sa friend ko po, naaksidente daw." Nag'nod si Dad tapos bumalik sa
pagbabasa ng newspaper. Okay. Ready to go na ako.
Lumabas na ako ng house at pinara yung taxi na kadadaan lang. Hindi
huminto. Urgh. May taxi ulit na dumaan, and this time, before pa siya
makadaan sa harap ko, pinara ko na. Huminto..tapos tumakbo papunta sa
harap ko. Nice.
"Maa'm, san po tayo?" Tanong ni manong nung nakasakay na ako.
"Sa Ruiz Doctors Hospital." Sabi ko tapos umandar na yung taxi.
"Maa'm, medyo ma'traffic na po kasi kung sa highway tayo dadaan. Baka po
sa--"
"Wherever, manong." Pag-eepal ko. "Basta makaabot agad tayo doon, okay?"
Kung saan-saang shortcuts dumaan yung taxi hanggang sa huminto sa isang
kanto, nawalan ng gasolina?
"Naku po. Nasira po ata ang sasakyan." Lumabas si manong tapos binuksan
yung hood. Umusok yung hood. Tsss, ngayon pa ako masisiraan kung kailan
gusto ko ng bisitahin yung loka-lokang yun. Kainis namen.
"Sige na lang po. Bababa na lang ako." Bumaba ako at naglakad papunta
malapit sa isang bar. Or a club? Wait. Dito kami sinama nila Echo at
Leux before! Ayz. Ano 'to? Sign?
Ta's may narinig akong kumakanta mula sa loob ng bar, ang aga naman
magbukas neto..
/'At yayakapin kita, ng walang hanggan/
/Bumuhos man ang ulan na walang hanggan/
/Bumuhos man ang ulan/
/Hindi na/
/Hindi na/
/Bumuhos man ang ulan'/
Teka, sa Green Rose 'to diba? Kinanta ni Jericho Rosales... Urgh, e
nickname niya, Echo diba?
"So ano 'to Lord? Sign na naman?" Ano ba meron? Wala naman akong
hinihingi ah.
"Miss, nawawala ka ba?" May huminto na lalaki sa harap ko.
"Ah, hinde.. Naghihintay lang ako ng masasakyan." Gwapo siya huh..
Ngumiti siya bigla.
"Gusto mo, ihatid kita?" Tinuro niya yung sasakyan na nakapark malapit
sa isang puno. "I have my car just right there. I can take you wherever
you want to go." Umiling ako.
"Hindi na. Okay lang." Pakipot pa Trina, para naman di ako easy to get
'no. Mamaya baka rapist pala 'to. Gwapo lang. Hehe
"Sige, maiwan na kita. May gagawin pa ako." Sabi niya tapos umalis na.
What! Ganun lang yun? Ano ba yan. Andali mag give up. Bibigay na sana
ako, e. Sus, chicken naman pala yun e.
"So, ako na lang ang maghahatid sayo?"
"Ay, palaka!" Napasigaw ako. =__=
"So, we meet again huh? Ano ba yan? Lagi ka na lang nagpapahatid saken?"
"Ang feeler mo. Lumayas ka nga, maghihintay pa ako ng taxi."
"My car looks free, you know? Hatid na kita."
"Kahit wag na. Lagi na lang ganito ang scenario pag nandiyan ka."
"Kasi nga, kung ngayon, sa ospital pa kita dadalhin, sa susunod, sa puso
ko naman." Korni talaga. Pft.
"San mo naman yan natutunan? At pano mo naman nalaman na sa ospital ako
pupunta?"
"I know you quite well." He smiled. Jusko po, wag niyo naman ako ibigay
sa lalaking 'to! Lagi na lang niya akong nahahagilap sa kalye! Urrrrgh.
"You just think you do." He shrugged. Tapos hinila niya bigla ang kamay
ko. "Hey!" Tuluyan na niya akong hinila papunta sa kotse niya.
"Yeah, I think I do." Sabi niya sabay bukas ng passenger seat. "Get in."
At para akong robot na sumunod sa sinabi niya. Hey?! At kailan pa ako
naging sunud-sunuran niya?! Oh my God. Trina Seves never obeys orders!
Pumasok na rin siya sa driver's seat at pinaandar ang kotse.
"Mabuti na lang pala, natakot ko yung lalaki na hindi ka ihatid sa kotse
niya." Tumawa siya.
"Sana pala, hindi na lang ako nagpakipot." Bulong ko. Kainis. Hindi
naman pala natakot yung guy na ihatid ako. Natakot siya kay Echo. Urrrgh.
"What? Haha! Nagpapakipot ka pala? I never knew you do that to guys,
huh." Di ko siya pinansin. "Trina Pakipot." Sabi niya sabay tawa.
"Shut up."
"You can't get guys when you're being hard to get."
"Who said I was getting guys, ha?" Tinignan niya ako.
"Hindi mo na kailangan gawin yun, nakuha mo na ako."
"Ano?!" Tanong ko. Tumawa siya.
"Walang ulitan sa mga bingi."
"Whatever, Echo." Huminto na ang sasakyan at mabilis akong bumaba.
May guy na dumaan before ako nakapasok sa door ng ospital. Pagpasok ko,
nakita ko si Erina na nagst'struggle na makatayo na parang may
hinahabol. A nurse tried to stop her. Pero parang ayaw niya magpapigil.
Bakit siya nandito sa labas?!
"Erina! Loka, ba't ka lumabas?!" Tumakbo ako papunta sa kanya at
inalalayan siya. Echo followed after me.
Tapos nahimatay siya on the nurse's arms.
"Kami na po ang bahala." Sabi nung nurse, at inalagay si Erina sa isang
stretcher. Sinundan ko yung nurse at pumasok kami sa isang room. Must be
Erina's. "Kailangan po namin maitahi ulit ang kanyang mga sugat. Babalik
po ako agad. Pakibantayan na lang po. Tatawag lang po ako ng doktor."
Lumabas na yung nurse at umupo ako sa tabi ni Erina.
"Loka-loka ka talaga. Sino bang hinahabol mo?" Sabi ko kahit alam kong
nakapikit ang mga mata niya. "San ba si Leux? He should visit her."
"Busy yun." Sagot ni Echo sa akin.
"She's his fiance, even a 5 minute visit could help."
"You don't know what you're saying." Pagsabat ni Echo sa akin.
"Bakit, ano bang ginagawa niya?" Tanong ko.
"tama na yan..." Narinig kong sabi ni Erina beside me. Mahina lang ang
boses niya. "Ang sakit ng kalamnan ko..." Ungol niya. Tapos hinawakan
niya ang kamay ko. "Si Wayne... Si Wayne..Trina." Paulit-ulit niyang sabi.
"Sino ba yan?" Tanong ko. At sino na naman yang Wayne na yan?
"Lumabas na po muna kayo.." Pumasok ulit yung nurse at kasama niya ang
isang doktor.
Tumayo na ako at naglakad palabas ng kwarto. I sat on the chairs beside
the room. Nalulungkot ako.. Para kasing behind those words na sabi ni
Auntie Rowena sakin, I smell something fishy. Parang may tinatago si
Erina saken. Kung nahulog man siya, bakit may Wayne? Sino yun? She
should at least tell me.. Right?
Naramdaman kong may humila sa akin and within 3 seconds, I felt my lips
crushed onto someone's.
Si Echo.


*CHAPTER NINETEEN*
*C H A P T E R N I N E T E E N :* /Sisterly Love/
Zairene POV
Huh, 15 days to go. I'm going back to the Philippines. Makikita ko ulit
si Leux---gusto ko na siyang makita. I left him miserable. Now, I'm
coming back to make him happy. Kamusta na ba siya? Is he still doing
okay? May nag-aalaga ba sa kanya?
I miss him.
3 years made me realize how important Leux is to me. Alam kong
hinihintay pa rin niya ako. Alam kong mahal niya pa rin ako. He never
loves somebody that easily. Walang pumapasa sa standards niya, sabi niya
sa akin noon. Well, I did. Dahil alam ko ang lahat tungkol sa kanya.
Alam ko ang mga ayaw niya at gusto. He hates dirt. He hates walking. He
hates annoying people forcing him to do something he clearly doesn't
like. He loves his sisters.He loves me..
Ugh, I just wanna see him again.
Pero kailangan ko 'pang tapusin ang ballet. Just 15 days more. I'll be free.
"Miss Zairene? Please head to the dance studio. Miss Dinsky is waiting
for you." Sabi ng isa sa mga dancers na kasama ko. I nod in response.
"I will be coming. In a minute, please." Umalis na siya. Inayos ko na
ang sarili ko.
Another practice for our last dance next week. Yun na ang final namin na
performance before we graduate. Yeah. I went here in Paris to dance
ballet. It was my dream. It's finally coming true.
I walk up to the stage and replicated the teacher's moves in front of us.
--
Erina POV
"Siya na ba yon...Ate Hera?" Narinig kong may nagsalita sa tabi ko.
Boses bata.
"Yes, Sienna. She's Kuya Leux's fiance." Sumagot ang isang boses, boses
babae.
"Why is she here, ate?" Tanong ulit nung batang boses. Nakikinig ba ako
ng role playing?
"She's injured." Sagot ulit nung boses babae.
Minulat ko ang mga mata ko at napapikit ulit ako dahil sa liwanag.
Blurry ang paligid kaya pumikit-pikit pa ako para tuluyan luminaw yung
paningin ko. Tinignan ko kung sino yung nasa tabi ko.
Isang batang babae, mataas ang buhok niya...kamukha niya si Leux. Anak
niya? Hah. Imposible. Ang sungit nun. Magkaka'anak pa? Sabagay..sa dami
ng nakuhanan niya ng v-card, why not?
Tapos sa tabi nung bata, isang babae, matangkad. Siguro mga 5'4. 5'2
lang ako, e. Nakangiti siya sakin. Tapos hinimas ang mga braso ko.
"Hello, Erina. Ako si Hera. Kapatid ni Leux." A-ano raw? Kapatid? Ba't
di ko sila nakita noon? "And kapatid ko, si Sienna." Tinignan ko yung
batang babae sa tabi niya, walang emosyon sa mukha niya pero nakatingin
lang siya sa akin na parang curious kung ano ako.
Biglang nag'wave yung bata sa akin.
"Ang ganda mo pala, Ate Erina." Sabi niya ng nakangiti. Ang cute niya!!
Sinabihan niya pa ako ng maganda. Hehe. Walang nagsisinungaling na bata!
Ngumiti rin ako kahit medyo masakit pa rin ang mga ribs ko.
"Kami muna mag-aalaga sayo. Since ayaw ni Leux and nag-aalala si Mommy,
kami na lang. Right, Sienna?" Tumango yung Sienna.
"T-thank you..nakakahiya naman.." Tinapik niya ng mahina ang braso ko.
"Ano ka ba. Sister-in-law na kita soon, kaya wag ka nang mahiya. Walang
ibang dadalaw sayo na maganda." Sabagay..maganda talaga siya. "Leux
calls me Ate Hera, pero Hera na lang para sayo." Ngumiti ako. Nag-a-ate
pala yung Leux na yun? I kent belev et!
"Thank you ulit.."
"Alam ko kung ano yung nangyari sayo." tumawa siya ng mahina. "Wala
namang nahuhulog sa kanal na ganyan ka'grabe. Tsaka isa pa, wala naman
atang latigo yung kanal para magkasugat sugat ka kung saan saan, diba?"
Tumango na lang ako, huli na e. Parang pulis pala 'tong si Hera.
"Hehe..please, wag mong sabihin sa nanay ko.." Ngumiti siya.
"Ansavvveeeeeh naman ng kanal sa sugat mo." Tapos tumawa siya. Napatawa
na rin ako.
"Uhmm, masungit ba si Kuya Leux sayo, Ate Erina?" Tanong ni Sienna sakin
habang nakaupo sa kama ko. Eeeek, hindi pwede magsinungaling.
"Ah, medyo.. Ayaw niya saken, e.." Tapos nakaramdam ako ng lungkot
bigla. Ayaw ni Leux saken..
"Hindi Ate, masungit lang yun kasi wala si Ate Zair---" Tinakpan ni Ate
Hera ang bibig ni Sienna.
"Hehe, wag mo siyang pakinggan." Tapos bumulong siya kay Sienna.
"Sienna, no. Alam mong magagalit si Kuya Leux mo pag sinabi mo yan kay
Ate Erina." Nag'nod lang si Sienna tapos sabay ngiti.
"Wala akong sinabi! Hahahaha!" Tumawa si Sienna tapos naglakad papuntang
sofa at umupo, naka'cross arms siya at nakakunot ang noo na parang may
hindi maintindihan.
"Sinong Zair?" Natanong ko bigla. Tinignan ako ni Ate Hera.
"Ah..ano..ex-girlfriend ni Leux for 2 years.." Nakikinig pa rin ako kay
Ate Hera. Umandar bigla ang curiousity ko. Alam kong laging nambabae si
Leux sa mga bar, pero may sineryoso pala siyang isa? "Uh, well, siya
lang ang sineryoso ni Leux ever."
"They met at Yancey High (A/N: Xavier University before in'edit ko
lang.) Tapos nagkamabutihan until they became a couple. Masaya naman
sila..as in minahal talaga ni Leux si Zairene. Pero isang araw, Zairene
left for Paris to pursue her dream as a ballet dancer. Naiwan si Leux na
miserable sa pagkawala niya. Ayaw niyang kumain, ayaw niyang
lumabas...and then after 1 year ng pagiging ganun niya, nag'decide
siyang hintayin si Zairene. Kahit alam naman niyang hindi na talaga siya
babalik.. He joined a fraternity and became it's boss tapos kung anu-ano
ng pinagagawa niya this past 3 years. He's really hurting inside, ramdam
ko yon. Masyado lang siyang martyr."
"And then dumating yung arranged marriage. Alam mo bang ang saya ko nung
nalaman kong may ipapakasal sa kanya? Makaka'meet na siya ng isang
babaeng mag-aalaga sa kanya at hindi siya iiwan. Alam 'kong ikaw na yung
babaeng kailangan niya.. I know you're right for him.." Ngumiti siya
sakin. "Ewan ko lang dun sa kapatid ko."
/Tugdug. Tugdug./ Oh no, here goes that crazy heartbeat again. Para
akong tumatakbo sa mabilis na tibok ng puso ko. Napansin ni Ate Hera ang
pagtaas ng tibok ng puso ko sa EKG.
"Naiinlove ka na kay Leux 'no?" Tanong niya sakin. Nag'blush naman ako.
"Crush lang. Masungit yun. Nakakainis rin." Depensa ko. Anong in love?
Yun? Sus, no way 'no.
Bumukas bigla yung pinto at pumasok ang isang lalaking ayaw ko pang
makita sa mga panahon yun. Si Leux..
Oh my gulay. Nandun kaya siya habang sinasabi ni Ate Hera yung tungkol
sa ex niya? Tumayo siya sa harap ni Ate Hera, he glared at her. Narinig
niya ba talaga?
"Ate Hera..." Bumuntong hininga siya. Narinig niya talaga siguro...
"nakalimutan kong bilhin yung Reeses ice cream mo. Maraming dust sa
baba." Wew. "Ako na magbabantay sa kanya." Sabi niya sabay tingin saken.
"Go, rest. It's 10 in the evening." Whoa. Whoa. 10 pm na?!
E kanina..hinahabol ko si Wayne... Kumirot bigla ang dibdib ko. Ouch.
"Sige sige. maiwan na namin kayo." Sabi ni Ate Hera. Tumayo na rin si
Sienna na nakatulog sa couch.
"Bye Kuya!" Sabi ni Sienna sabay kiss sa cheeks ni Leux. Ngumiti ito kay
Sienna.
Nakalabas na sila nang umupo si Leux sa tabi ko.
"So what other things did Ate Hera told you about Zairene?" Sabi niya
habang nakakunot ang noo.

*CHAPTER TWENTY*
"P-pwede bang next question na lang..?" Bulong ko tapos tinakpan ang
buong katawan ko ng kumot. Para akong nagtatago. Ayoko kasi sagutin
question niya e. Narinig kasi talaga ng loko.
"No." Mariin niyang sabi. Tinignan niya ako sa mata, cold stare. Para
akong nakuryente sa titig niya. Nakakalusaw. If looks could kill, patay
na ako at pinaglalamayan. "Bakit niyo pa siya pinag-uusapan?"
"E bakit ba kasi...past na siya diba?" Kumunot ang noo niya.
"She's never been my past, she's always have been a part of my present."
O sige na, edi present na. Di na past. Kainis. Bakit pa kasi ako dito
iniwan ni Ate Hera, kala ko ba aalagan niya ako? E monster 'tong
in'assign niya para mag-alaga saken. Di kami close.
"Oo nga e..sabi ko nga.." Bulong ko.
"Don't talk about her anymore, got it?!" Tumango ako, nakakatakot pala
siya magalit.. "And you have no right to know about her." Ouch naman.
Ganon? Harsh ah. Parang pagmamay-ari lang. =__=
"Okay." Tapos tumalikod na ako sa kanya. Nakatingin ako sa dingding.
"At oo nga pala, sa amin ka na titira."
"Okay.." Sabi ko tapos biglang napabangon, sumakit ang ribs ko sa ginawa
ko, napahawak ako dun. "A-ano?! Ayoko nga! Sa bahay lang ako! Sa bahay!"
Pagsisigaw ko.
"Ba't ba ang ingay ingay mo?! Humiga ka nga!" Natahimik ako tapos humiga
ulit. Sumasakit pa rin ang ribs ko. Ouuuch. "May choice ka pa ba, ha?!
Ayoko nga tumira ka samin e. Don't assume too much!"
"Hindi ako nag-a-assume, pwede ba?! Ayoko lang talaga sa bahay niyo!"
Depensa ko. Ang yabang niya't porke't bahay niya ang lilipatan ko?!
Assuming! Siya nga 'tong assuming! Nakakunot pa rin ang noo niya.
"Wala ka na ngang magagawa! Noisy." Tumayo siya at lumabas. Naiwan akong
mag-isa. Nakaganito pa rin ang mukha: ( "-__-) Iniwan ba naman ako. K fine.
Biglang namatay ang ilaw. Poncia pilato jusko po! Ang dilim ng kwarto
ko. Since may generator pa rin ang EKG ko, umaandar pa rin yon. Bumilis
yung tibok ko mula sa 65 papuntang 97. Kabang-kaba ako. Nakakatakot na
ang *totut totut* ng EKG.
Ang lamig ng paligid at parang may ice na dumaan sa neck ko at tumayo
bigla ang balahibo ko. May multo!!!!!
"MAMA!!!!!!!!" Napasigaw ako. "Kung sino ka mang multo ka, wag mo 'kong
idamay sa kabilang buhay! Mauna ka na! Mandadamay ka pa! Hustisya naman
tayo diyan!" Natigilan ako. "Ay oo, dapat ikaw pala magka'hustisya. Pero
teka?! Bakit ba ako nakikipag-usap sayo?! Layuan mo ko! Layo! Layo!
Alis! Salir! (french for "Leave".)"
"Biik! Hindi ka ba tatahimik, ha?" May sumagot!
"Uwaaa! Bakit ka sumagot?! Kaluluwa ka na! Lumayas ka!!" Sinuntok-suntok
ko ang hangin na parang may ka'boxing ako.
Biglang bumukas ulit ang ilaw.
"Huh?" Bulong ko..tumingin ako sa pinto at nakitang nakatayo si Leux.
"Ang ingay mo! Biik ka talaga!" Sigaw niya.
"Ikaw kaya dito, ha?! E sino ba kasing maysabing tumayo ka diyan?! Edi
umuwi ka! Walang may paki-elam!" Sigaw ko ulit sa kanya.
Nainis ata kaya sinarado ulit ang pinto. Nakakabingi na katahimikan ang
bumalot ulit sa ward ko.
So walang multo..? Imagination ko lang yun..? At ano raw?! Biik ako?!
Ang payat ko nga e! Oo,
medyo may fats na pero payat pa rin ang tawag dun!
Humiga na lang ako ulit at tumingin na lang sa kisame. Haisst, antagal
naman gumaling ng ribs
ko. Sana hindi na lang nagpa'kidnap, sana kinain ko na lang yung shomai
na binili ni Leux. Edi sana hindi umalis si Wayne, edi sana may kaibigan
pa----
Wayne.
Kumirot na naman ang dibdib ko. Whatdaheck! Bakit sumasakit ba 'to?! 4
days na 'tong kumikirot everytime naiisip ko si Wayne. Nagfa'flashback
lang ang mga nangyari samen. Hay.. gusto ko siyang makita. Gusto kong
makausap... Nami'miss ko na si Wayne.
"Waaaaaaaayne! Bakit mo 'ko iniwan?! Hindi naman ako galit sa fraternity
mo e! Okay lang! Kaya naman ng ribs ko eeeeeee! Pramis! Balik ka na
please!!! Magdudusa lang ako kay Leux! Ang sungit niya! Ayaw niya saken!
As in! Balik ka na pleaseeeee!" Sigaw ko habang nakatingin sa
kawalan..at habang sumisigaw ako, gumaan ang pakiramdam ko..
Pero may naramdaman akong basa sa pisngi ko.
Umiyak ako.. T___T
Biglang bumukas yung pinto, pumasok ang isang nurse.
"Maa'm, humihingi po daw ng katihimikan ang katabi niyong ward. Ang
ingay po daw ninyo. Sige po." Lumabas na siya ulit. Nakatanga pa rin ako
sa pinto.
Tapos yumuko ako. Naiiyak na naman ulit ako.
"Okay, sige na. Mananahimik na ako.." Kinausap ko sarili ko. "Lagi na
lang talaga nang-iiwan yung mga nagpapasaya saken.. Si Papa...si Wayne."
Tumulo lang ang luha ko ng tumulo. "Ganito na ba ako ka'miserable
forever?" Tanong ko sa pader.
Gustung-gusto kong sumagot yung pader.
"Sino bang may sabing maging miserable ka?"
Nakangiti siya.
Tinitigan niya ako.
Pamilyar ang mukha niya.
Bumalik siya...
"Hoy potpot, wag mo nga akong titigan ng ganyan. Baka mainlove ka,
delikado!"
Si..
si..
si..
ERIK.


*CHAPTER TWENTY-ONE*
"Potpot?" *poke* "Okay ka lang ba, ha?" Parang hindi ako makapaniwala.
"Waaaaaaaaa! Bakit may gwapo dito?! 14 years old pa ako nung huling
nakita ko siya! 17 na ako! Waaaa! Palabasin niy---" Tinakpan ni Erik ang
bibig ko.
"Potpot, ang ingay mo pa rin." Ngumiti. "I miss you, potpot."
"Kailan ka pa marunong magsabi ng 'I miss you' Erik? Baka mainlove ulit
sayo si Trina niyan, sige ka." Umupo siya sa tabi ko.
"Di na ako mahal nun.." Sabi niya tapos yumuko. "Wag mo nga binabanggit
name nun, nakakabitter!"
"Ikaw lang bitter! May Echo na si Trina, di ka na pwede." Ooops, sila na
ba talaga ni Echo? Baka hindi! Halahala, ang ingay ko talaga. Dakilang
chismosa. Naman. =))
"Ah, ganun.." Tapos sumandal siya sa pader malapit dun sa kama ko. "Edi
naka'move on na nga siya saken.." Tumawa siya. "Edi ikaw na lang!"
"Hindi na rin ako pwede." Sabi ko ng pabulong..
"Feel mo naman na liligawan kita?" Ugggh. =__= "Bakit hindi ka na
pwede? May boyfriend ka na? E mukha ka pa ring.." Natigilan siya. "Wala
wala. Maganda pa rin."
"Sinong niloko mo?" Sabi ko. Tumayo siya tapos naglakad-lakad dun sa
empty space sa tabi ng kama ko. May space kasi dito sa ward ko e.
*booog!*
Bumukas yung pinto tapos pumasok si Trina at si Echo. Nakatunganga ako
dun sa magkahawak na kamay nila. So sila na nga?! O__O
"Parang ang close ata ng kamay niyo mga kuya at ate, ah." Nagtinginan si
Trina at si Echo, sabay bitaw sa mga kamay nila. Di naman mukhang
obvious 'no? =__=
Napatingin si Trina sa space sa tabi ng kama ko. Nanlaki ang mga mata
niya, ganun din si Erik. Eto na po ang continuation ng naudlot na
pag-iibigan nila Trina at Erik. :">
"I-ikaw..." Sabi nilang pareho.
"Erik.." Napatingin si Erik kay Echo tapos napakunot ang noo niya.
Lumapit siya saken tapos yumuko na parang may ibubulong.
"Alis na ako POTPOT, OP ata ako dito. Nandito na mag'syota e." Akala ko
pa naman continuation na ng pag-iibigan nila. Umalis pa si Erik. -___-"
Tapos nun, naglakad na siya palabas.
"Sino yun?" Tanong ni Echo, umupo siya sa tabi ng kama ko.
"Ano, kababata ko.. tsaka.." Tumingin ako kay Trina, sinenyasan niya ako
na hindi. Ayoko nga! "EX ni Trina." Diniin ko talaga yung EX. Kasi
umeEXtra pa si Erik e.
"EX mo?" Tanong ni Echo kay Trina..
"First love niya din." Epal ko. Naka'glare sa akin si Trina. >__<
"Tsaka pers boyfriend, tsaka pers--"
"Announcer?! Announcer, Erina?!" Di naman siya galit niyan..
"Ano ba kayong dalawa, kayo na?" Tanong ko kay Echo na pabulong.
"Secret." Bulong niya. K! Sige ganyan na talaga.
"Alam mo bang liligawan ulit ni Erik si Trina? Grabe, 5 years sila noon,
alam mo ba?" Nag'flinch konti si Echo sa sinabi ko. Hehe, hindi naman
talaga 5 years, 3 years and a half lang. "Sweet sila nun tapos ayaw
magkahiwalay..."
"Hey! What are you two talking about?!" Sigaw ni Trina. Ingay neto. =__="
"Bakit? Selos ka?" Sabi ko naman. Natigilan siya tapos umupo dun sa
sofa. "O ano na Echo? Sabihin mo na kasi saken kung ano na kayo
ngayon..." Bulong ko ulit kay Echo.
"Urrgh, fine." Sabi niya. "I blackmailed her to be my girlfriend for 10
days."
"Ah, ganun. So may pa'holding hands pa kayo huh." Pang-aasar ko. Ngumiti
lang siya. "Mahal mo?"
"Secret na yun." Sabi niya tapos tumayo siya at tinabihan si Trina.
"Oy, ayoko ng live show ha." Sabi ko sa kanila. Tapos natulog na ulit.

--
*Leux POV*
"Leux? Binantayan mo ba si Erina?" Si Ate Hera.
"Iniwan ko siyang mag-isa." I said bluntly. Ang ingay ingay niya kaya
umalis ako. Nakakairita.
"Leux, you meanie! Baliw ka ba, ha?! E kung mapano yun?!"
"Kaya nga siya naka'confine sa ospital diba." Hera sighed at the other line.
"What did she do to make you hate her so much?"
"I don't hate her. I just don't like her."
"Pano kung nakilala mo siya in a different situation, what would you do?"
"That's impossible."
"Ugh! Wag mo nga ako kausapin!"
"Okay." *tooooooooooooooot* Nawala na siya sa kabilang linya.
Nandito ako ngayon sa bar. Gusto ko ng preskong hangin. Gusto kong may
mahawakan na babae. That Erina just pisses me off. Nakakarindi ang boses
niya at ayoko marinig. I don't like her so much.Paulit-ulit yung boses
niya sa tenga ko na parang nag'e'echo.
At kanina pa kasi siya nagpapakita sa paningin ko, even when I close my
eyes. All I see is her face! Is she haunting me or what?! Sht. I don't
like it. Bakit ba kasi siya nagpapakita, ayaw ko naman siya makita!
"Gimme a drink." Sabi ko sa bartender, kumuha agad siya ng baso at
binuhusan ng rhum. "Thanks."
"Hey hot guy.." May babaeng umupo sa tabi ko. "Want some body shots?"
"Not now. Please leave me alone." Hinaplos niya ang pisngi ko saka
umalis. The hell. I decline a girl. What's that supposed to mean?! Fck.
I feel really weird right now.
"Boss! Nandito ka pala, maglalasing ka ba?" Si Sean. Inakbayan niya ako.
"Get your hands off me."
"Okay, chill. Mainit ulo natin ah." Tinawag niya yung bartender. "Some
gin, please!" Tapos umupo na rin siya. "Ano ba problema natin at tinawag
mo 'ko?"
"Just drink, got it?" He shrugged and drank his drink.
"Nasaan ba yung pinsan mo?"
"I don't care where he is."
"Sungit mo naman ngayon, Leux." Si Raymond.
"I just can't get this girl off my mind." Sabi ko.
"Ooooy!" Sabi nilang pareho sabay apir. Idiots. =__= "In love si Leux!
Ang masungit na si Leux!"
"Gusto niyong mapunta sa ospital ng maaga?!" Natahimik silang dalawa
tapos umupo ulit. "And what in love are you talking about, huh? Are you
nuts or what?"
"Wag mo na nga kami ini'english boss." -- Raymond.
"In love tawag diyan boss. Bakit? Di mo ba siya matanggal sa isip mo?
Pag pumipikit ka ba, siya pa rin nakikita mo? Yung boses niya parang
nag'e'echo sa tenga mo?" Shit, these guys know what I've been going
through. -___-"
"Ano ba kasi tawag dun?" Tanong ko.
"In love, boss." Sean. "Nahuhulog ka na sa babae."
"Lagi naman siya nagdadala ng problema, maybe it's just stress."
"Bahala ka, sinasabi lang naman namin alam namin eee." Tapos uminom sila
ulit. "Tsaka pano ba kasi magiging stress yun, dba? Sus, reasons ka
naman ata boss e. Nahuhulog ka na nga kase."

Sino ba kasing mahuhulog sa babaeng yon?
/Babaeng unang sumampal sakin sa paghalik ko sa kanya./
/Babaeng walang fashion sense./
/Babaeng laging nahahagip ko sa kalye dahil walang masakyan, nawalan ng
pera. /
/Babaeng pinag-alala ako dahil akala ko nakita na siya ng gang nila Wayne./
/Babaeng hindi marunong lumangoy../
/Babaeng sinakripisyo ang sarili niya kahit na hindi naman kami magkasundo./
/Babaeng nagseselos sa isang bata../
Ugh, why am I thinking about these things?! Damn. I'm like replicating
all those other guys on gangster stories speaking in english and stuff.
Agh! I hate it.
Hindi ako in love sa babaeng yun. It's just infatuation 'cause she's
getting on my nerves.
"Si Erina ba, boss?" /Tugdug. Tugdug./
"Hinde." Sabi ko. Tumawa lang sila.
"Hinde daw. Sus, sino pa ba kasi? E puro flings lang yung nakakasama mo
for the past 3 years. Si Erina lang ang laging kasama niya. Pano niya
kaya natatagalan kasungitan ni boss?" -- Sean.
"Ah, fck. Shut up. Don't say her name." I don't like them saying her
name. Gusto ko ako lang. Wait, ano?! Ugh, lasing na ako.

Sa tatlong taon, laging flings lang ang kasama ko. Sa tatlong taon..wala
akong nararamdaman na kahit ano. Pakiramdam ko nga wala na akong puso
e.. Sa tatlong taon, all i ever cared about is when will she come back
to me..

Pero ba't ganito?!
Laging yung babaeng yun ang nasa isip ko..... Maybe I'm...
*boog*
"Sht! Pass out si Leux!"


*CHAPTER TWENTY-TWO*
Ang alam ko, single pa rin si Trina nung huli ko siyang nakita. Huling
nakita? Hehe, 1 year ago. Kala ko nga naka'move na ako e! Tsk, lakas ng
charm niya saken. Di ko pa rin siya makalimutan. Kainis nga e. Ba't pa
kasi kami nag'break?!
Ba't pa kasi kami nag'break dahil lang nakita niya akong may kahalikan
na iba.

Lasing ako nun. Sobrang lasing kasi despidida ng bestfriend ko sa
highschool. Sabi ko nga ayoko uminom e. Pinilit ako. Ta's yung time na
yun e miss na miss ko si Trina kasi busy siya sa studies niya..e ayun,
invited rin pala siya sa despidida. At yun na nga..nakita niya kami..
She saw me kissing the girl back.
Nagwala siya nung nagkita kami 3 weeks later. Nakipag'break siya tapos
di ko na siya nakita pa pagkatapos naming grumadweyt. Grabe, sakit nun.
Di ko kinaya mag'move on. Akala ko nga move na ako e! Yun pa rin pala...
asttt!
Tapos ngayon..may Echo na siya. Takte, at 'E' pa rin ang first letter ng
pangalan. Ganun na ba talaga ako madali kalimutan? Minahal ko naman siya
ah. Sobra. Di pa nga ako maka'move on e. Sakit kaya ta's ganyan lang?
Holding hands na sila ta's sa harap ko pa..
Sino ba naman kasi hindi makaka'move on and 2 years na kami hindi nagkikita!

Nasa bahay ako ngayon..nagsusulat ng isang poem sa isang papel na
ipa'publish ko sa publisher ko mamaya-maya. Oo, manunulat ako.
Part-time, kahit na kaya nila mama na buhayin ako. Wala e. Passion ko na
talaga..

/I'm so in love with this girl/
/Who had the prettiest smile/
/Girl who has the most jolly laugh/
/But now she's not mine/

/I can't convey this feelings/
/I now just can't/
/When I know she's happy with other men/
/It really makes me sad/

/Please don't be in love with him/
/I beg of you now/
/I can't let go of you/
/I love you is what I want you to know till now/
/I'm still hoping/
/I'm still looking/
/For a chance to be her man/
/I want her to give me this only chance /
/To convey what I feel for her since then./
Wala akong ibang maisip kundi 'to. Last month pa ako due para gumawa ng
poem pero ngayon lang ako nakagawa. Inspirasyon lang naman yung kulang
e. Pero hindi naman inspirasyon ang nakuha ko. Sakit lang.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ng publishing house.
Kukunin saken 'to ng nag-aala saken sa publishing house. ^__^ Matutuwa
yun kasi magkaka'pera na naman siya pag napasa na 'to at na'revise.
Pag na'revise na at lahat-lahat, it's either ilalagay nila 'to sa isang
greeting card, isasali sa isang libro na may iba't ibang poem o ihahalo
sa ibang works ko para i'compile.

Hayy. Nakakapagod maging writer. Kailangan ng inspirasyon. -___-

*2 days later...*

Tinawagan ako ni Iyan na na'publish na dw yung poem sa mga greeting
cards. Ako ang nag'a'approve kung saang greeting card ilalagay at kung
anong design. Yun yung maganda pag nagawa na. Hehe. Di na nila
na'revise, di ako pumayag e. Feeling ko yun, di pwedeng i'revise.
Simpleng black & white lang siya na card, ta's may design na ribbon na
puti sa cover.
Ang nakalagay sa front ay..
/Pag di mo 'to binuksan, hahalikan kita./ [A/N: Parang si Leux lang?!
HAHAHA]
Okay na yun. Ta's ngayon, nakita ko na sa lahat ng shops na nagbebenta
ng greeting cards.
Sana bumenta..

--
*Erin POV*
Nakauwi na ako sa bahay---este, bahay nila Leux kahapon.. Kahapon, oo.
Nagdabog pa kasi ako habang naglalagay ng damit sa maleta. Kainis. Ayoko
pa ngang lumipat e. Ngumiti lang si Mama, ewan ko kung dahil wala na
siyang magagawa o masaya na siyang pinamimigay ako.
Dala-dala ko rin si Rekams. Remember? Yung unan na lagi kong
sinisigawan. Mukhang mahirap ang unan na yun, gutay gutay dahil laging
basa sa laway ko o luha ko. Eww right? Bakit ko nga ba sinasabi? E POV
ko 'to, wag kayong pumalag. haha! ^___^V
So pagkadating ko dun, di ako grineet ni Leux. Basta dire-diretso lang
siya sa kwarto niya. Bad vibes talaga yun. =__= Masyadong siyang
welcoming, diba? Si Sienna at si Ate Hera ang bumati saken ta's hinatid
nila ako sa kwarto ko..
"Dito ka matutulog, okay? Masarap ang kama diyan, malambot, tsaka kahit
si Rekams--" Tinuro niya yung unan na hinahawakan ko. "--pwedeng-pwede
diyan. Actually, pwede mo ring gawing Rekams 2, Rekams 3, Rekams 4 ang
iba diyan. Tsaka mag'text ka lang saken kung may kailangan ka.."
"Wala akong cellphone.." Sabi ko tapos nanlaki ang mga mata niya.
"Totoo? Ah, ewan. Bahala na, sumigaw ka na lang." Niyakap niya ako
bigla. "Sorry talaga sa pang-iiwan ng kapatid ko sayo 2 days ago!
Kawawang bata!" Umiyak-iyak siya. "Wag kang mag-alala, mabait naman
talaga yung multo dun!" O___O "At wag mong bubuksan yung kaakit-akit na
pintuan sa kaliwa, ha? May monster dun." Ta's umalis na siya.
Pumasok na ako sa kwarto 'ko'.
Masyadong malaki.
Masyadong masyadong..
MALAKI.
Grabe..
Mas malaki pa ata kwartong 'to kesa sa second floor namin ah! Grabe. E
wala rin naman kaming second floor! Pero anlaki talaga.
May isang pinto sa kaliwa na kumuha sa atensyon ko..pinihit ko 'to saka
binitawan ang mga dala-dala ko. Nakalimutan ko ang sinabi ni Ate Hera
sakin, what hurts naman diba?
Pagkabukas ko, bumungad ang kwarto ng isang...lalaki?
May computer sa kaliwa, may kama sa kanan, ta's may cabinet sa gitna.
Black & white ang theme ng kwarto. Pero ang mas nakakagulat sa lahat,
nakita ko si Leux na nakatayo sa gitna.
"What the fuck did that door give you permission to?" Sinarado ko agad
ang pinto. KALERKEY! O__O Nandun na siya sa kabilang side ng kwarto ko?!
Kailan ba 'to pinagawa ang pinto?! Myghad.
"Sungit.." Bulong ko.
Magpalipat kayo ako?! Ayoko! Eeeek, kaya naman pala tadtad ng bad vibes
ang pintong yan! Ugh. Sa susunod, dapat makinig sa nakatatanda. =___="
Nakakapagtaka kasi walang lock ang pinto, knob sa akin, knob rin sa
kabila. Ano 'to?! Invasion ng space?! Kainis. Dapat may deadlock jan o
alivelock, kahit anong lock! Basta't mawala ang bad vibes dito. -____-
Biglang bumukas ang pinto.
"O, ba't ka pumasok?! What the fuck did that door give you permission
to?" Pang-gagaya ko. =))) Natulala siya sa sinabi ko tapos may tinapon
saken.
"Daming satsat." Bulong niya sabay pasok ulit dun sa pinto. Sungit
talagaaa! >__<
Hm, tinapon niya lang naman saken ang isang towel na may pangalan ko.
Ahoooy, grabe naman. Kailangan may pangalan ang tuwalya dito? Nag-abala
pa sila. Kaka'flatter naman. ;")
Inamoy ko yung tuwalya, ang bango! Amoy roses ta's hindi masakit sa
ilong. Pero may halo ding parang men's perfume na mabango, di lang ako
sigurado.. Nilagyan ba 'to ni Leux? Sus! Kailan naman niya gagawin yun?
IM-POH-SY-BLE.
Teka...may parang naka'scribble na maliit na letters sa dulo ng tuwalya.
Di ko mabasa. Ang liit. =__= Ang liit kasi talaga. Parang tuldok na sa
malayo. Letter 'L' lang tsaka 'V'. Ano ba naman yan. Baka yung gumawa
lang neto.
Nag'yawn na ako bago ko pa namalayan..gabi na nga pala.. 10 pm na nga e..
Napahiga na ako dun sa kama at tuluyan ng nakatulog..


*CHAPTER TWENTY-THREE*
*Echo POV*
Hm, where should I buy a gift for Trina? Eherm.. agh. Bakit ba kasi ako
nag-iisip ng patungkol sakanya? Di naman Valentines, it's not even her
birthday..
It's just a dare, Echo. 10 days. 10 days and you're foolishness is over.
Nasa mall rin kase ako ngayon. I don't even know why I'm here. May
sariling utak ata ang paa ko at dinala ako rito.. And now I'm on a gift
shop..
"Sir, sino 'pong reregaluhan niyo?" Tanong nung saleslady saken.
"Uh...nililigawan ko." What?! Nililigawan? Really, Echo? Shame..shame.
I've been with multiple girls already and now I'm stammering and
thinking about what I'll call that girl.
Ngumiti yung saleslady.
"Card po sir. Meron po kaming card para sa mga manliligaw.." Naglakad
siya papunta sa isang lalagyan malapit dun sa sulok. She pulled out a
black & white card. "Here, sir. It's a poem about asking for a chance to
be a girl's man." Nginitian ko na lang siya kasi di ko alam ang
sasabihin. Kinuha ko na rin yung card.
"Bibilhin ko." Binigay nung saleslady ang card dun sa cashier.
"Swerte naman nung girl, dapat sagutin na niya 'tong si pogi!" Sabi nung
cashier dun sa saleslady. Ngumiti lang ako. "Mahal mo ba, hijo?"
"Ha? Ah..opo.." Nag'apir sila sa harapan ko.
"Swerte talaga, sana ako na lang!" Sabi nung saleslady..
Di ko alam kung anong nararadaman ko ngayon. I feel weird. Bakit ko ba
'to binili in the first place? Ang bilis naman ata ng storyang 'to? Ewan
ko. Malay ko. It's really really... ugh, ewan.
Nagda'drive pa rin ako ngayon papunta kina Trina. Yeah, I know where her
house is now. Boyfriend nga diba? Dapat alam ko. Haha. Kainis. Wala pa
akong napupuntahan na bahay sa mga flings ko. 'Cause I didn't want to
commit. But why this time? This time na malapit nang mawala....
Nakaabot ako dun in less than 20 minutes.. Kumatok agad ako. Binuksan ng
maid ang pinto at pinatuloy ako. Kailangan ko nang mabigay 'to bago pa
ako mabaliw kung ano 'tong nararamdaman ko ngayon..
May narinig akong nag-uusap..
"Napatawad mo na ba ako, Rins?" Boses ng lalaki. I've heard this voice
before..
"Matagal na.. Nakakainis nga e. Di kita makalimutan. Why Erik? Bakit ka
pa bumalik? Don't tell me you're going to get me back again?"
"Trina, mahal pa rin kita."
"Alam mong may boyfriend ako."
"At sa tingin mo naniniwala ako? You're afraid to commit, Trina. You
know that." Afraid to commit? Si Trina..? No way. Pero she's too
friendly--err, charming for that matter. Nakakabihag ng puso...
"Bakit mo ba sinasabi yan? Dahil nakita mo kaming dalawa 2 days ago? No,
Erik! Ayoko na.. Sabi ko sa sarili ko, ayoko na."
"I love you." Natahimik ang buong paligid for a minute or so. Di pa rin
ako gumagalaw sa kinatatayuan ko..
"Well..I love you too.."
Parang nawala lahat ng weird feeling na naramdaman ko kanina. Di ko
naman alam kung ano yon.
Nilagay ko ang card sa cabinet na malapit sa tabi ko. Chance to be her
man? Hah, sino 'bang magbibigay ng chance sa isang katulad ko. I've been
blackmailing her anyway. Daring her to be my girlfriend..
Kahit na minsan umaasa ako na mahahagip ko ulit siya sa kalsada.
Nakakatanga.
Tahimik akong lumabas sa bahay na 'yon. Naglakad na ako papunta sa Green
na Nissan ko. Yeah, well it's green. It's her favorite color. I sped off
that place.
Naging blanko ang utak ko. Ano ba yung nangyari, Echo? May naramdaman
kang pagmamahal? But that's impossible! You're a playboy. Wag mo nga
kalimutan yan. You had multiple flings on one night! Tapos magmamahal
ka? Ano yan, milagro? No.
Ang bilis ng pagpapatakbo ko, more faster than I use to speed before.
Andaming kotseng humaharang sa harapan ko pero parang wala akong makita.
Nakakatawa ang sinabi ni Erina..ano, kami raw? No.
I don't love her.
I don't love her.
No.
I can't feel that feeling again.
Masasaktan na naman ako.
Well, nasasaktan na ako.
I remembered a few lines dun sa card na binili ko..
/I can't convey this feelings/
/I now just can't/
/When I know she's happy with other men/
/It really makes me sad/

/Please don't be in love with him/
/I beg of you now/
/I can't let go of you/
/I love you is what I want you to know till now/
/
/Ano ba? Nakaka'relate ako? Ano ba kasi 'tong inaalala ko dun sa mga
linyang yan? At Ano bang gusto niyong sabihin ko? Na---
**tooooooooogsh**
/"May banggaan! Patay ata yung driver nung berdeng kotse."/



*CHAPTER TWENTY-FOUR*//
*Erina POV*
Pagkagising ko kanina, nagulat ako nung may nakataklob nang kumot sa
katawan ko. Kelan pa ako nagkumot habang tulog? Di ko naman ginagawa yan
ah. =___=
Eee, posible kayang si...
No! Erase! Erase! Kelan niya pa yun gagawin? Duuuh, ang laki ng
pagkamuhi nun saken e. Kukumutan pa ba ako nun pag nilalamig ako?
Malamang hindi. Hindi mangyayari yun.
Hayz.
Nag-aalmusal ako ngayon kasama si Ate Hera. Ang sosyal ng pagkain nila
dito, fried chicken tsaka hotdog agad ang almusal. Sa bahay, tinapay
lang e solve na ako e. Gutom na gutom pala sila talaga sa umaga. Hehe.
Wala naman akong masyadong kinain, di pa rin naman kasi ako ganun kagutom..
10 am na rin kasi. Nalipasan na ako ng gutom. -____-"
E Sabado naman kasi ngayon, walang pasok kaya ganyan. Wala namang may
paki-elam saken kahit hanggang alas'4 ako magising e. Walang gumigising
saken sa bahay. Pero dito, gigisingin ka talaga. Ang ingay nung mga
chismosang maid kanina! Sigaw ng sigaw. Paulit-ulit! =__=
Napilitin na lang akong bumangon. Ugh.
Wala si Leux pagkagising ko. Umalis na raw. San pupunta? Di ko rin alam.
Sabi ni Ate Hera, ay pinagkaka-abalahan ata siya o may iniisip. Weh?
Ewan ano yun. Wala ako care e. Sungit niya kasi. May iniisip pa ba yun?
Wahahaha
Biglang nag'ring yung cellphone ni Ate Hera. Sinagot niya agad.
"Yes, Leux? Huh? Ngayon na? Anong nangyari?!" Parang namutla si Ate Hera
sa narinig. "Okay..I'll be there in an hour." Binaba na niya. "Erina,
get dressed. Pupunta tayong ospital."
"Ha? Bakit, anong nangyari kay Leux?" Kinakabahan ako. Anong nangyari?
"It's Echo..he had an accident.." Nabitawan ko yung tinapay na
hawak-hawak ko. "Bilisan mo, aalis tayo in 5 minutes." Wala akong imik
na umalis at nagmadaling nagbihis.
Echo. Si Echo, naaksidente.. Anong lagay niya? Malala ata. Namutla si
Ate Hera nung narinig niya..
Ayokong isipin ang iniisip ko.. No.
Si Echo, kritikal? Matibay yun..
Nakarating kami sa ospital in less than an hour. Dali-dali naming
hinanap ang room ni Echo. Nasa ICU daw siya ngayon..
Pagkarating namin dun sa ICU, nakita namin si Leux na naka-upo dun.
Nakasubsob ang mukha niya sa mga palad niya. Ngayon ko lang siya nakita
ng ganito.
"Ano nang lagay niya?" Tanong ni Ate Hera sa kanya. Umupo ako sa tabi ni
Ate Hera.
"50-50. If he doesn't survive in 24 hours, baka wala na.." Nakita ko
yung pamumula ng mga mata ni Leux. Parang tumatagos sa puso ko.. "And
the doctor discovered he has heart disease.. Pwede 'yung maka'apekto,
kapag hindi siya gumising within 24 hours, baka hindi nila magawan ng
paraan ang naipit na mga ugat dun. He can....die." Sinuntok ni Leux ang
pader. "Fuck, bakit pa bumalik-balik pa 'yang sakit niyang yan?!" Hinila
ni Ate Hera si Leux para umupo.
"Calm down, Leux.. That won't do Echo any better."
"Well, fuck! Anything I do won't do him any good either! Wala akong
magawa para sa kanya!" Naramdaman ko kung gaano kalapit si Leux at si
Echo.. Right, sila na ata ang pinaka'close na magpinsan na nakilala ko.
Minsan lang ako makakita ng mga ganyang kalapit na relasyon..
Gusto kong maawa kay Leux. Pero hindi! Nagpapakatatag yung tao kaya
dapat di ko siya kaawaan, dapat suportahan ko siya at mas palakasin pa
yung loob niya.. Pero pano ko nga ba gagawin yon? Di ko alam kung paano
papagaanin ang taong katulad ni Leux.. Ughh..
Gusto ko lang siyang maging okay. Nakakapanibago na namumula yung mata
niya sa kakaiyak. Mas nasanay akong nakikita siyang nagsusungit saken. :(
Teka, si Trina? Alam na niya kaya?
"Wag 'mong ipaalam kay Trina." Biglang nagsalita si Leux, nababasa niya
ang iniisip ko? "Echo wouldn't want her to know. So please just keep it
to yourself." Nakatingin siya saken ng seryoso.
"O-oo..sige." Pero sila na! Wait, 10 days lang yun.. Today's the 7th day...
Bakit kailangan mangyari 'to?
--
*Trina POV*
Tapos na kaming mag-usap ni Erik.. He told me he'd court me again.. Pero
parang may nararamdaman akong uneasy feeling nung sinabi niya 'yon. Pero
bakit? Dahil 'kami' ni Echo? Psh. T'was a dare and nothing at all. 7th
day na ngayon, 3 days more and we're done.
Pero ugh, para akong kinakabahan..
Hinawakan ko yung dibdib ko..anlakas ng tibok.
Para akong may ginawang kasalanan pero wala naman! Kainis. Ano ba yan! =___=
Dahil ba pumayag ako na ligawan niya ako ulit? Ano ba. Takot pa rin ba
ako sa commitment? No!
I shouldn't be.. Kay Echo nga e..
Wait, Echo..
"Maa'm?" May kumatok sa pinto ko. Tumayo ako at binuksan yung pinto.
"Naiwan po ata nung lalaking dumaan rito kanina." Kanina?
"Sinong lalaki?"
"Yung boyfriend niyo po." What?! Kanina? Oh no... "Ewan ko po kung bakit
di niya kayo nilapitan kanina, nakatago lang po siya habang kausap niyo
yung isang lalaki kanina.."
"Ba't di mo sinabi?!" Napasigaw ako. Nagulat yung maid.
"Ano po kasi..ayaw niya rin raw kayo istorbihin.." Kinuha ko yung card
na hinahawakan niya. "Sige po, aalis na ako."
Para mas lalo akong kinabahan nung nahawakan ko yung card. Hindi ko
binasa ang nakalagay sa harap ng card na 'yon. Basta't gusto ko na yung
basahin..
/
I'm so in love with this girl/
/Who had the prettiest smile/
/Girl who has the most jolly laugh/
/But now she's not mine/

/I can't convey this feelings/
/I now just can't/
/When I know she's happy with other men/
/It really makes me sad/

/Please don't be in love with him/
/I beg of you now/
/I can't let go of you/
/I love you is what I want you to know till now/
/I'm still hoping/
/I'm still looking/
/For a chance to be her man/
/I want her to give me this only chance /
/To convey what I feel for her since then./
Binasa ko ng mahina ang lahat ng nakalagay sa card na 'yon. Akala ko
tapos na..may nakalagay pang iba sa pinakababa ng poem na nabasa ko..
*Trina Seves, I think I'm in love with you. It's crazy. Really.*
/-- Echo./
*
*
*CHAPTER TWENTY-FIVE*
*Leux POV*
Nasa ospital pa rin ako ngayon...mag-isa. The silence of the hospital
halls were scary. Kaya ayoko sa mga ospital, natatakot ako pag mag-isa
na ako. Sad fact but true. Pina-uwi ko na si Ate Hera and well, Erina. I
didn't want them to lose their sleep.
Pero okay lang ata kay Erina. She's here beside me. Not really beside
me---5 chairs away from me.
Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa amin. It somehow makes me
feel uncomfy. Ayoko ng walang kausap. Para akong mabibingi pag walang
kausap.. well, wala naman kaming mapag-usapan..
There was nothing to talk about. It's just simply me and her.
I didn't dare look at her anyway. It would be like I was giving an idea
that I wanted some kind of attention. Nakakainis kasi. Bakit pa siya
nagpaiwan kung alam niya namang...magiging ganito?
Baka nandito siya para kay Echo..well, she's a friend.
Gusto kong mabasag yung katahimikan samin. But how? Ayoko namang
pag-usapan si Echo. It would make me feel uncomfy and kind of miserable.
Wala akong magawa para gumising si Echo kaya ito na lang ang kaya kong
gawin para sa kanya.
"A-ano..pasensiya ka na at nagpaiwan ako.." I heard Erina speak. Bakit
naman siya humihingi ng pasensiya? Crazy.
"Why are you apologizing for staying? Para kay Echo naman 'to diba?"
Tumango siya ng marahan pero yumuko ulit siya. Ayaw niya ba akong
tignan? Is there something wrong with my face? "May dumi ba sa mukha
ko?" Tanong ko ng di ko namamalayan. Crap. Napatingin siya saken saglit
tapos umiling siya.
"Wala..g-gwapo ka pa rin naman." Yeah right..
"E bakit ayaw mo 'kong tignan?" I see her hands moving in random directions.
"Ano..nahihiya kasi ako 'no! Maiwan ba naman dito kasama ang masungit na
katulad mo?! Tapos nag'sta'stammer pa ako ng walang dahilan!" Napuno ang
hallway ng sigaw niya. Ang ingay talaga ng biik na 'to. =___=
"Ang ingay mo pa rin, alam mo ba?! E kung umuwi ka na sana edi wala kang
problema!" Sigaw ko rin. Nagulat siya nung sumigaw ako.
"E eto lang kasi magagawa ko para kay Echo at sayo e!" Nakasarado ang
dalawang mga palad niya, galit na siya? "Hindi ko kasi alam paano kita
susuportahan! Nakakairita kasi mukha mo! Namumula ang mata mo tapos ang
tahimik mo! Ew!" EW?! Fuck. Ano raw?!
"At ako pa ang nakakairita?! And who told you to...care for me?"
Natigilan ako. Care. For. Me?
Biglang nag'echo sa utak ko ang sinabi niya..
/
Hindi ko kasi alam paano kita susuportahan!/
/Hindi ko kasi alam paano kita susuportahan!/
/Hindi ko kasi alam paano kita susuportahan!/
"Susuportahan?" I blinked for like 3 times.. "Gusto mo 'kong suportahan..?"
Then suddenly I was pissed off. Ano tingin niya saken? Weakling?! That
needed support?!
"At bakit mo naman ako susuportahan, huh?! Ano ako, mahina?! Mahina ba
ako, ha?! Ganito na ba talaga ko kahina at kailangan mo 'ko suportahan?!
I don't need any of your support, alright?! Nakakairita ka!"
Support? Wala yan sa vocabulary ko. I don't want anyone to see me as a
weak person. It pisses me off. It really does. At ngayon, ano nang
tingin niya saken? Isang mahina na tao?
Nakita kong kumunot ang noo niya.
"Anong bang pinagsasabi 'mong monster ka?! Alam mo bang gusto kitang
kaawaan kanina pa?! Pero hindi! Hindi pwede kasi nagpapakatatag ka!
Kahit ang sungit mo, alam 'kong mahal mo 'yang pinsan mo! Sorry ha?!
Sorry talaga kasi wala akong magawa para sa pinsan mo! Sorry dahil eto
lang nagagawa ko!" Tumayo siya. "Aalis na lang ako. GOOD MORNIGHT!"
Tapos naglakad na siya palayo.
Kaawaan? Kaka-aawan niya san ako kanina..? Pero pinili niyang suportahan
ako.. So it doesn't mean that I was a weakling.. She was just.. ugh, shit.
I blew it up again.
Damn.
Gusto ko siyang habulin at mag-sorry.
But no, I don't do that. Ah! Kainis! Bakit pa kasi niya kailangan
magsalita! Edi nag-away tuloy kami ngayon. Dammit, should I apologize..?
Tumayo ako at sinundan siya. Kailangan maabutan ko pa siya. If I don't,
well sorry na lang sa konsensiya ko.. Kainis, bakit ba ako nag-e-effort
para hanapin siya at mag'sorry anyway?!
"O-oy!" Sigaw ko nung nakita ko na siya sa labas ng ospital. Huh?
Tinatakpan niya ang mga mata niya gamit ang kamay niya. Shit, she's crying..
Bigla siyang pumara ng taxi at pumasok agad dun. Hahabulin ko sana kaso
nakaalis na.
E di rin naman ako lumabas ng ospital, nasa exit door pa rin ako.
Nakatayo na parang tanga. Look what you just did, Leux.. You just made
her cry.
Parang biglang sumakit yung dibdib ko. Parang kinukurot.. What the fuck
am I feeling?! Baka heart disease.. Pero hindi.. Hindi naman sumasakita
ang ulo ko. I don't feel any physical pain.
Nararamdaman ko yung..lungkot.
Shit, ba't ako nalulungkot?!
"Sir! Ang pinsan niyo po.." Lumingon ako sa nagsasalitang nurse. "Hindi
po siya humihinga."


*CHAPTER TWENTY-SIX*
*Erina POV*
Hindi pa rin tumitigil sa pagtulo yung luha ko. Nakakainis naman kasi e.
Bakit niya ba kailangan na ganunin ako? Sana nga umuwi na lang ako. Kung
hindi lang sana ako nag-iisip na maiiwan siya dun mag-isa! Paki-elam ko
nga naman diba?!
Sa susunod, di na ako mangingielam. Promise yan sa bato. Wala rin namang
patutunguhan yung bato.. So wala rin. Ugh, whatever.
"Maa'm, san po tayo?" Tanong nung driver. Oo nga pala, wala akong sinabi
kung san ako pupunta. Ang tanga lang. =__=
"Dito na lang po." Sabi ko sabay abot nung bayad sa kanya. Huminto na
siya dun sa playground.
Since wala naman akong magagawa kasi dito siya huminto, dito na lang
muna ako. Ayoko pa umuwi dun sa mansion nila. Iiyak lang ako dun. Ano
nga ba naman kasi ang kasalanan ko sa kanya, diba?
Lagi na lang siyang masungit saken. Lagi na lang niya akong sinisigawan.
Minsan nga, iniisip ko joke lang ang pinagsasabi niya. Minsan din kasi,
tumatagos na sa puso. Ta's ang sakit. </3
Pinahid ko na yung luha ko at umupo sa swing. Nag'swing ako mag-isa..
Wala naman kasing tao dito ngayon e. 3:30 am na rin kasi. Wala pa nga
rin akong tulog.. Kaso di rin naman ako makatulog.
Huminto ako sa pag'swing sa sarili ko.. Nalulungkot na naman ako.
Kailan kaya kami magkakasundo ni Leux? Siguro hindi na dapat ako umasa
pa. Diba? No expectations, no pain. Kaso...parang gusto ko rin naman
kasi.. Gusto ko pa ring mag'expect kahit na minsan nasasaktan na ako
dahil walang nangyayari.
*rinngggg*
Kinapa ko yung bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag...si Ate Hera.
"H-hello? Bakit?" Narinig kong parang umiiyak si Ate Hera. Anong
nangyayari..? "Ate Hera..?"
"Erina..si Echo.." Patuloy pa rin siya sa pag-iyak.. "Hindi siya
humihinga.. May ginagawa yung mga doctors sa kanya ngayon.. Pumunta ka
na dito ngayon.."
"Sige, darating ako agad." Sabi ko sabay end sa tawag.
Nataranta ako. Pano na?! Hindi humihinga si Echo. Lord Jesus Christ,
Saint Peter, Saint Paul. waaa! Lahat ng santo sana po gabayan niyo 'ko!
Pupunta ako sa bahay ni Trina!
Tama, si Trina. Dapat bilisan ko!
Teka, san nga ba 'to na playground? Tumingin ako dun sa karatula na
nakasabit sa may monkey bar.
"Nasa Tapat Lang Ang Bahay Nila" ang nakasulat sa karatula. Ano 'to? =___=
Teka..e parang street 'to nila Trina! Tama! Nandito lang bahay nila..
Kainis. Dapat magmadali ako.
Tumakbo ako dun sa kalsada at hinanap ang berdeng gate nila Trina. Alam
'kong nandito lang yun. San nga ba? Aissst. Dapat umabot ako!
Nakita ko na..
"TRINA SEVES! LUMABAS KA DIYAN! MAMATAY NA SI ECHO! BILISAN MO!" Sigaw
ko dun sa gate. Wala akong paki-elam kahit marinig na ng mga tao ang
boses ko, mas importante si Echo.
Walang sumagot, walang kahit ano. Anak ng tipaklong! San na ba yun?!
"Hoy, ano 'bang sinisigaw-sigaw mo diyan?" Lumingon ako tapos nakita ko
siyang nakatayo sa harapan ko.
"San ka nanggaling?!"
"Nagpa'load." Hinila ko na siya. "H-hoy! San tayo pupunta?! Naka'pajama
pa ako!"
"Di ko tinatanong! Si Echo.." Huminga ako. "Nabangga ang kotse niya
kahapon ta's malubha ang kalagayan niya tapos di siya humihinga ngayon!"
Pinara ko yung taxi na pinara ko kanina.
Di pa rin siya nakakalabas? =__=
Pumasok kami agad sa loob.
"Sa ospital! Bilisan mo! Pronto! Hayaku! Faster!" Tumango lang yung
driver at bumilis ang takbo ng sasakyan.
Walang imik pa rin si Trina sa tabi ko. Ano 'bang iniisip neto?
Nakarating naman kami kaagad dun within 5 minutes. Binuksan ko na ang
pinto at bumaba ako, hilang-hila ko pa rin si Trina sa likod ko. Parang
nawala lahat ng lungkot na naramdaman ko kanina. Napalitan ng takot.
Takot na baka mawala si Echo. Na baka magsisi si Trina kung sakaling may
gusto siyang sabihin sa kanya..
Ayokong may hindi maging masaya.
Nung nakarating kami sa room kung saan si Echo, nakita kong kinakausap
ng doktor ang mga magulang ata ni Echo. Si Leux at si Ate Hera, nakaupo
sa isang sulok. Nakayuko ang mga ulo..
"Pumasok ka sa loob at gisingin mo yung pasyente na bumababa na ang
EKG!" Tinulak ko si Trina papasok ng room ni Echo. Nagulat ang doktor
tsaka yung mga magulang ni Echo.
"A-ano..siya kasi yung gamot ni Echo!" Winagayway ko yung kamay ko para
hindi nila makita yung ginagawa ni Trina sa loob.
/Trina, alam 'kong ikaw na lang ang makakagising diyan./


*CHAPTER TWENTY-SEVEN*

*Trina POV*
Para akong sasabog pagkapasok sa room ni Echo. I felt anxiety was eating
me. Nakakapanibago dahil lagi kong nakikita si Echo na nakangiti at
iniinis ako.. It felt like it was like a year ago since I saw him..
I want to see him smile at me again.
Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya, tumutulo na ako luha
ko dahil parang mawawala na siya saken.. Marami pa akong gustong sabihin
sa kanya. Marami pa akong gustong iparamdam sa kanya.. Maraming-marami
pa.. Ayoko pa siya mawala.. It will kill me.
Unti-unting bumababa ang line sa EKG niya. Parang humihina na ang
paghinga niya.. Patay na ba siya..? No. No..ayoko.
"Echo..gumising ka na diyan! Bakit ka ba nakapikit ha?! Alam mo bang
bawal..pumikit pag kausap ako? Gumising ka na kasi.. I-explain mo yung
card na binigay mo at yung sinabi mo sa huling stanza nun.. Sabihin mo
saken, in love ka na saken 'no? Gusto ko sayo manggaling.." Huminga ako
ng malalim, parang mas sumasakit yung dibdib ko habang ginagawa ko yun.
"Gusto ko sabihin mo saken na nai-inlove ka na saken. Gumising ka na
diyan tapos magsalita ka na! Ayoko ng tutulog-tulog! Gumising ka na
please.." Hinigpitan ko ang pagkahawak ko sa kamay niya.. I wanted him
to squeeze mine so I could see he's awake..he's alive.. "Ano ba!
Gigising ka ba o hindi?! Gusto mo bang sagutin ko si Erik, huh?!
Liligawan niya ako, alam mo ba?! Akala ko ba boyfriend pa rin kita?! 9th
day pa lang oh! May isang araw pa.. Dapat gumising ka na.." I rest my
forehead on his bed. Basang-basa na ang pisngi ko sa dami ng iniluha ko..
Gumising ka na Echo..
/Marami pa akong gustong sabihin sayo../
/Gusto ko 'pang malaman mo na mahal na kita../
/Gusto ko pang iparamdam sayo na kailangan kita../
/Ikaw lang yung tumanggal sa takot ko na magmahal ulit../
/Ikaw yung gwapong hinahanap ko./
/Ikaw yung mahal ko.. /
/Kaya gumising ka na.../
Wala pa ring sagot..walang nangyari..
Pumasok yung doktor at sinubukan ako hilahin paalis kay Echo. Ano bang
ginagawa niya?!
"Maa'm, we're checking if he's still going to make it--"
"Ano bang ginagawa niyo?! Hindi pa siya mawawala! Gigising yan dahil
sabi ko! Hindi magfa'flatline ang EKG niya, okay?! Hihinga pa rin siya!"
Napatayo ako sa kinauupuan ko..
Then naramdaman kong may humawak sa kamay ko..
"Gising na ako..y'know? Ang ingay mo kasi e...." Para akong nabunutan ng
tinik..
Lumingon ako kay Echo, his eyes are wide open. Nakangiti siya ng nakakaloko.
"Check his vital signs! The patient is awake.." Pumasok sila Leux sa
loob at pinanood si Echo. "His vital signs are stable.." Ngumiti yung
doktor.. "Dahil gising na siya...in a day or two, we can finally perform
the operation para lumuwag na ang bumabarang ugat sa puso niya."
"So my heart's weak again, huh..?" Tumango yung doktor.
"Sige po, maiwan ko muna po kayo.." Lumabas na yung doktor tsaka yung
mga nurse.
"Oh? What's with the faces, guys? Gising na ako, ayaw niyo bang gising
ako huh?" Nakita 'kong ngumiti si Erina. Same with Leux. Lahat sila ngumiti.
"So this girl made you wake up huh? She must be special." Sabi nung dad
ni Echo. Nakakahiya. =___= Special raw. E ako nga yung dahilan kung ba't
siya nandito eh.
"Special? Di naman." Okay ganun? =___= "Very special, pwede pa."
Ngumiti agad siya saken. Ah, nag-iinit ata mukha ko! :")
"Hija, you saved my boy's life! Halika." Isang babaeng parang mid'30s
ang humila saken. Ngiting-ngiti siya.
Nasa labas kami ng room ni Echo.
"All my life, lagi kong nakikita ang anak ko with different girls every
night. Lagi niyang sinasabi na wala pa rin ang babaeng seseryosohin
niya.." She looked at me in the eye, para siyang maluluha. "And now he's
found you. Alam kong ikaw na ang mag-aalaga sa anak ko.." Mag-aalaga
agad? Ang bilis naman...
"Eh.. Pano niyo naman po nalaman yun..?" Nakakahiya. =___=
"I see the look on my son's eyes.. You're the one he wants to see
walking on the red carpet saying I do." Parang tumatakbo ang puso ko sa
bilis ng tibok.. Saying I do?
"Uhm..that's too soon..maa'm.."
"Mommy na ang itawag mo saken, alright?" Nag'wink siya saken.
"M-mommy.." I blushed. God, why me? =__= "Ee, medyo nakaka-ilang po.."
"Ano ka ba! Masanay ka na. You're my daughter-in-law now!" Bigla niya
akong niyakap. "Alam mo bang matagal ko nang pinapangarap magka'anak ng
babae? Laging lalaki ang lumalabas sa sinapupunan ko. Well, you're my
girl now." Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin tapos ngumiti. "Trina
Seves-Luciano should be good. Don't you think, hija?" Tumango na lang
ako dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
Pero pano naman si Erik?


*CHAPTER TWENTY-EIGHT*

*Erina POV*
Ayun naman pala e. Gigising rin si Echo, kailangan lang ng inspirasyon
para buksan ang mga mata. ^_^ At ako naman, naka-upo lang ako dun sa mga
upuan sa labas ng room ni Echo. Mag isa lang ako dun. Malayo-layo rin
kasi yung inuupuan ko e. Nararamdaman ko yung OP e. Di naman talaga ako
parte ng pamilyang yun. Dinala ko lang naman si Trina. Yun lang.
"A-ano..biik.." Nakita kong nakatayo si Leux sa harap ko pero medyo
malayo-layo. Nakakunot ang noo niya.
"Pagagalitan mo ba ako? Ang ingay ko na naman ba? Ayaw mo bang tignan
kita? Ayaw mo bang tignan ka bilang mahina na---"
"Sorry." Pagkasabi na pagkasabi niya nun, na'blanko na ang utak ko. Wala
na akong maisip na ibang sasabihin. Bakit ba siya nagso'sorry?
"Huh?" Kinagat niya ang labi niya habang nilalaro niya ang mga kamay
niya. Ano siya, bata? =__= "Ano bang pinagsasabi mo? High ka ba?" Bigla
niyang sinipa yung upuan sa tabi ko. Baliw ba 'to?! "Hoy, ano bang
ginagawa mo?! Adik ka---"
"Sorry, okay?! Ah basta sorry! Wag ka na magsalita! Ang ingay mo! Tsaka
thank you!" Tapos naglakad na siya palayo sa akin.
Process...
Process...
Process...
Ano raw nangyari? Di ko na'gets. Sorry raw? Ang brutal naman ng sorry
niya huh. Bakit kailangan pa ng mga masasakit na salita. =__= Sungit
talaga forever. Uh-oh..teka wait sandali..si Leux Luciano.../nagso'sorry
sa akin/..? Kailan nga ba yun nag'sorry? First time ah.
"H-hoy! Sandali nga!" Tumayo ako sa kinauupuan ko at sumigaw. Anong
ginagawa mo, Erina Nievera?! Ugh, baliw rin ako. Baliw kaming lahat!
Baliw din kayo! Baliiwwwww.
Lumingon siya saken pero ngayon hindi na nakakunot ang noo niya, parang
ngumiti siya pero nakatago na. Tapos na. Wala na. Ah..okay? Ano yun..?
"Sorry din!" Para lang kaming mga bata. =___= "Ah, whatever! Sorry na
nga!" Tumalikod na ako at naglakad papuntang exit. Uuwi na ako.
Parang yun lang naman ata ang hinihintay mangyari ng katawan ko e. Baliw
na katawan. Baliw na author. Baliw na characters. Baliw na POV. Baliw,
baliw. Baliw. Ba't nga ba ako nandito sa role na 'to? Kabaliwan!~
Pagkalabas ko sa exit, tinuloy-tuloy ko ang paglalakad kahit umuulan.
Kanina pa umuulan. At oo, magpapa-ulan ako. Worth it mabasa sa ulan
dahil para ka na ring nagpaparaya sa sarili mo.. Minsan na nga lang ako
nagpapa-ulan e. Nalulungkot ako bigla pag nababasa ako.
Pero ngayon, ang saya ko.
Ang saya saya ko..
"Do you want to be the next patient, pig huh?!" Nakatayo si Leux malapit
sa pinto ng exit door. Nakatingin siya saken.
"E ano ngayon?!" Sigaw ko mula sa malakas na ulan. Binehlatan ko siya at
nagpatuloy sa pagpapabasa sa sarili ko. "Kung maligo ka rin kaya sa
ulan! Ang saya kaya 'no!" He rolled his eyes at me. Nakatayo pa rin siya
sa malapit sa pinto.
"I don't like the rain." Tumigil ako sa pag ikot-ikot sa sarili ko at
tinignan siya.
"Bakit naman?" Ngumiti siya bigla.
"If I tell you..would you let me kiss you?"
--
*
Echo POV*
"You're quiet, huh?" Nakaupo lang si Trina sa harapan ko. But she's not
saying anything. It was an awful silence. Nakakabingi rin yung
katahimikan na yon. "Di ako sanay."
"Narinig mo ba yung sinabi ko kanina?" Hindi pa rin siya nakatingin sa
akin. Nakayuko lang siya. "Yung mga bagay na sinabi ko
about...how...I... Basta, narinig mo ba?"
"Pano kung oo, will you look at me now?" Tinaas niya ang ulo niya at
tumingin saken.
"Tell me about it, Echo." Nakatingin siya sa mga mata ko. Tell her about
what?
"About what I heard?" I quickly smiled. Inalala ko lahat ng sinabi niya
kanina-nina lang.
/
"Echo..gumising ka na diyan! Bakit ka ba nakapikit ha?! Alam mo bang
bawal..pumikit pag kausap ako? Gumising ka na kasi.. I-explain mo yung
card na binigay mo at yung sinabi mo sa huling stanza nun.. Sabihin mo
saken, in love ka na saken 'no? Gusto ko sayo manggaling.." I hear an
achingly familiar voice trying to wake me up. Trina..? "Gusto ko sabihin
mo saken na nai-inlove ka na saken. Gumising ka na diyan tapos magsalita
ka na! Ayoko ng tutulog-tulog! Gumising ka na please.." I felt her hand
squeeze mine. She's here.. huh, she's really here.. "Ano ba! Gigising ka
ba o hindi?! Gusto mo bang sagutin ko si Erik, huh?! Liligawan niya ako,
alam mo ba?! Akala ko ba boyfriend pa rin kita?! 9th day pa lang oh! May
isang araw pa.. Dapat gumising ka na.." Gusto ko nang imulat yung mata
ko at yakapin siya..pero pano..parang nanghihina ako.. No, Echo. You
need to wake up and tell her what you feel. Gusto mo bang maging huli
ang lahat? Ayokong mapunta siya sa Erik na yon.. /
/
No./
/
I slowly opened my eyes and saw a girl lying by my bedside../
"Wag ka ngang ngingiti-ngiti diyan, just tell me what you heard." She
bit her lip. "Sabihin mo lang saken kung ano yung---"
"Sabi mo saken mahal mo ko." It came out on my mouth without hesitation.
Ba't pa ako magsisinungaling sa sarili ko? "You told me to explain the
card I gave you, right?" Tumango siya. "Hmm, di ko na kailangan
i'explain yun Trina Seves.." I looked at her. "Ano pa bang gusto mong
sabihin ko?"
"Tell me what you feel about me, Echo." I took a deep breath and sighed.
Kailangan ko nang sabihin ang mga salitang dapat sinabi ko na noon..
Kapag hindi ko pa 'to nasabi baka mahuli pa. Baka maagaw pa siya. Baka
mawala pa siya. I wouldn't dare let her go. Baka kapag di ko pa sinabi
ngayon, di ko na masabi pa sa susunod. Ngayon lang ako nakaramdam nito,
it's really making me crazy ever since then..
I slowly reached for her hand and squeezed it.
/
"Mahal kita, Trina Seves. Mahal na mahal kita." /



*CHAPTER TWENTY-NINE*
*
*
*Leux POV*
Shit. What the fuck did I just say?! Ano na bang nangyayari saken. Would
she let me kiss her..? Nah, alam kong hindi rin yun papayag. Saying
those stupid words makes me feel weird. Bakit ko nga ba sinabi yun sa
kanya? Parang may nagtutulak na naman saken sabihin yun e.
"A-ano bang pinagsasabi mo diyan Leux, ha?! High ka na ata e!" Nagsimula
akong maglakad pababa ng hagdan. Nagsisimula na akong mabasa sa lakas ng
ulan. I felt like I don't care.
Nagtuluy-tuloy akong maglakad palapit sa kanya.
Nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya, nakatingin lang sa ginagawa
ko.. What is she thinking about? Gusto kong malaman ang iniisip niya.
Ayokong maging tanga sa gagawin ko...pero parang okay na lang..
"I'm not always gonna joke around." Isang hakbang na lang papunta sa
kanya...
Pero hinila ko na siya palapit sa akin and kissed her.
Lahat ng nararamdaman kong hindi ko ma'explain, binuhos ko sa halik na
yon. I don't know if she kissed me back or if she didn't want that kiss.
It was a plain sincer kiss. Naglapat lang ang labi namin.. But to me it
felt more than the lips touching each other. It was unexplainable.
Parang gusto kong sumabog sa ginagawa ko.
Hindi ko na alam yung nararamdaman ko..
Hinawakan ko ang mukha niya habang hinahalikan ko siya. Parang tumigil
ang buong mundo ko. It felt like time was stopping. Damn. I don't feel
this whenever I kiss those pretty girls. This kiss was...somekind of
emotional. Agh, hindi ko na ma'explain.
I pulled away and looked at her. Nakayuko siya habang hinahawakan ang
labi niya..
"T-teka...yung dream kiss ko.." Dream kiss? "Yung dream kiss ko.."
Tumingala siya sa akin tapos nakikita ko yung mukha niyang nagbu'blush.
"Alam mo ba kung anong ginawa mo..?"
"Did I stole something again?"
"Oo."
"Ano na naman yun..?" Tumawa siya ng mahina tapos tinignan ako sa mata.
"My kiss in the rain, idiot." A smiled formed on my lips.
"Edi mabuti." I leaned in and whispered in her ear. "Andami ko nang
nakukuha sayo, baka first wedding kiss mo, ako na rin. Be used to it."
Tumalikod na ako na naglakad papasok ulit ng hospital building.
/That's the first kiss I've ever done to a girl, that I've never
admitted that I love./
Naglakad-lakad pa rin ako kahit basang-basa ako. It was worth it.
/Or was it?/
--
*
Trina POV*
"Mahal kita, Trina Seves. Mahal na mahal kita." Para nang kakawala ang
puso ko sa ribcage ko nung narinig ko yun. It's here right? Mr. Right is
now telling me he loves me. Echo is my Mr. Right, diba? Siya na diba?
I blushed. Yumuko ako para itago ang mukha ko.
"Don't hide your face. I want to see it."
"No, I'm blushing. I don't want you to see it." I heard him chuckle.
"Edi mas mabuti.." Naramdaman ko ang kamay niya na hinihila ako palapit.
He got up of his bed slightly and pulled me to a hug.
Niyakap ko rin siya at mahigpit na mahigpit yon. Parang ayoko na atang
mawawala ang isang tao na mahalaga sa akin. He's too special. Siya ang
humila sa akin on the fear of being commiting again. Noon, natatakot
kasi ako na baka saktan na naman ako ng mga lalaking laging pinaparamdam
na mahal ako.
"Ako ba, mahal mo rin ba ako..?" Bulong niya sa tenga ko. I smiled.
"Hindi, Echo. Hindi kita mahal." I felt his hands loosen. "Mahal na
mahal lang." Tumawa siya.
"Wag ka nang bumalik kay Erik, ah." Mahigpit na naman ulit ang yakap
niya. "Akin ka lang. Di mo na yun love, ako na love mo, got it?"
"Wag ka na ring maghahanap ng iba, huh? If you do, hindi lang babalik
kay Erik ang gagawin ko. I'll marry him too."
"Hindi pwede. Sisirain ko lahat ng plano na gagawin niyo. 'Cause you're
my bride."
"Is that a deal now, Mr. Echo Luciano? No club. No girls. Just me."
Ngumiti siya.
"Just you." He slowly leaned in and kissed me.
Parang fairytale ang nangyayari sa akin ngayon. Yun nga lang, I don't
want it to be a fairy tale. May end lahat ng yon. You always assume the
happy end for your own story kung gusto mo 'to maging fairytale. Well,
for me... I don't want my fairytale to end. Gusto ko 'tong magtagal ng
forever.
Forever.


*CHAPTER THIRTY*


Zairene POV
"When will you come back, Zairene? The school will really miss you. You
know that, mademoiselle?" I nodded and hugged Esmee, my manager and
teacher for 3 years. I was starting to cry. "You will find him and you
two will be reunited again. I believe that, Zairene." Esmee winked at me
as I hear my name being called as the last passenger being waited to be
boarding in the plane.
Naglakad na ako papasok.
I'm finally going back.
Babalik na ako para kay Leux. Matagal ko rin 'tong hinintay. Matagal na
matagal. Even though there's many question disturbing me pag nakabalik
na ako doon.
/
Does Leux still love me? Did he move on? Am I still the one who's making
him smile? /
Gusto kong umasa na ako pa rin yon. Gusto kong umasa na pagbalik ko, ako
pa rin lahat ng yon. I will take all the risks. Alam kong iniwan ko siya
over my dreams, but that didn't mean that I don't love him anymore. I
had to do it.
I had to make my mom happy.
My mom can't dance ballet anymore since hindi na stable ang isang bone
niya sa kanang paa. Nabali kasi yon when she was dancing at nung natapos
na yung operation, she couldn't dance anymore. Masyadong masakit pag
laging na's'stretch ang bone na yun.
She was devastated. She didn't want any bone transplant either. She
hated other bones being put to her body. Nasa buto na yun ang talent
niya, it's like kinukuha na din yon at pinapalitan. She doesn't like
replacements. She wanted only the original.
Kaya I learned ballet for her. Then it became my passion. She was happy
for me and said I would make my own name. Nakita ko ang ngiti sa mga
labi niya. If she can't dance ballet anymore, then I would. For her. I
was 15 at that time.
Until I met Leux.
Nakita ko siya sa isang playground malapit sa amin. He had a bloody lip.
Naalala ko pa nga that when he stared at me, he just suddenly wiped the
blood on his lips and stood up. Pinakilala niya ang sarili niya sa akin.
He was just as naive as I was back then.
16 siya nun and I was 15. Sabi niya sa akin na nakipag'away siya because
some group of guys didn't let him enter the playground kasi nga
"teritoryo" nila yon. He thought it was ridiculous because if you want
to play, kahit anong edad ka pa, the playground will be of that use.
I invited him to the house and aided his bloody lip. He was always
smiling when I was doing it. Ngumiti rin ako sa kanya. It felt like my
heart was bouncing when he looks at me.
Then the rest is history.
/
"Attention please! All passengers boarding at the Philippines, please
buckle your seatbelt and get ready for landing."/
(A/N: Hindi ko alam kung ano yung pinagsasabi pag nasa airplane e. XD)
--
*
Leux POV*
"So kamusta na daw si Echo?" Tanong ni Dad kay Ate Hera. Ate Hera looked
at me.
"Okay daw." Sagot ko at pinagpatuloy ang pag kain ko.
"Parang wala ka sa sarili mo." Bulong ni Ate Hera sa akin. Anong wala sa
sarili ko?
"Ano bang wala sa sarili ko, huh?" She elbowed me and looked at Erina.
Tumingin rin ako sa kanya. /Tugdug. Tugdug./ "Ah! Ano ba, kumakain ako.
Stop disturbing me." Ngumiti siya bigla.
"Whatever, Leux Luciano. Is your heart stammering inside your chest?
HAHAHAHAH"
"You're crazy." Tumingin ako ulit kay Erina at nakita ko siyang
nakatingin...saken? Umiwas agad siya ng tingin sa akin at kumain ulit.
"A-ano, s-sorry." Sabi niya tapos kumain na lang ulit ako. Naiirita ako
na ewan. Bakit pa kasi siya nakaupo sa harapan ko? Pwede naman siyang
umupo sa tabi ko.
Well at least I wouldn't see her so much when I'm eating.
Simula nung nangyari sa ospital, she wouldn't even look at me. May dumi
ba sa mukha ko? Wala naman ah. It's like I was a disease or something.
Naiinis ako. It's not like I forced her on that kiss. Sinabi ko naman sa
kanya ah na hahalikan ko siya! AGHHH! Kainis.
Di ko naman alam kung ano yung ninakaw ko. Big deal ba pag sa ulan ko
ginawa?! Damn.
"Tapos na ako." Tumayo na ako at di na tinapos yung pagkain ko.
Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Something was pissing me off.
"AHHHHH! KAINIS!" Tinapon ko yung unan sa pader.
Kinuha ko and cellphone ko at tinawagan si Sean. Alam kong may alam yun.
Maraming alam yun pag ganito. E ano ba kasi 'to?! EWAN KO! Basta
tatawagan ko siya. Pshhh
"Oh, boss? Ano problema natin? May away ba?"
"Wala." Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "A-ano kasi,
bakitbagalitangisangbabaepagkinuhangisanglalakiangdreamkissniya?"
Binilisan ko ang pagsabi kasi nakakahiya. =___= Bakit ko ba nga ba 'to
tinatanong?! Ah, dammit.
"Ano yun? Di ko na'gets. Paki-ulit."
"Bakitbagalitangisangbabaepagkinuhangisanglalakiangdreamkissniya?"
"Wait ah.
BAKIT.BA.GALIT.ANG.ISANG.BABAE.PAG.KINUHA.NG.ISANG.LALAKI.ANG.DREAM.KISS.NIYA?"
=____= Kailangan ipag-isa'isa? "HAHAHAH! Teka, teka ah. Boss, in love ka
ba? High ka na ata e! Di ka naman nagtatanong ng ganito noon ah!"
"Gusto mo kunin ko girlfriend mo?" Natahimik ang kabilang linya.
"Wag naman.. Di mabiro? Oh edi ganito, dream kiss ba? E kasi nga..gusto
ng isang babae na ang kukuha lang ng dream kiss niya e yung taong mahal
niya at mahal siya. Gets na ba?"
*
"E mahal ko naman s---ahhhh." *Binaba ko na yung tawag tapos humiga ulit.
Ba't ba kasi ako nagkakaganito? There's that weird feeling again.
Bumangon ako at naglakad papunta dun sa pinto, binuksan ko yun tapos
nakita kong walang tao. Wala pa siya. Naglakad-lakad ako sa loob at
nakita yung towel na hinagis ko sa kanya nung isang araw. Nakalagay lang
yun sa cabinet na malapit sa kama niya.
Kinuha ko yun at binasa ang mga letra na naka-ukit sa may ends ng towel.
Yeah, I asked the embroider to put these words into the towel. Hindi
niya siguro 'to binasa. /I think I'm falling in love with you./ Yun ang
nakalagay. Ayoko nga sana ipalagay.
Binalik ko na yung towel dun sa pinagkuhanan ko at pumasok ulit dun sa
kwarto ko. Pero lumabas rin naman ako ng kwarto ko. =_______=
I hear the doorbell ring.
Bumaba ako para buksan ang pinto. It's still early. Ugh, nakakainis.
Nasan ba kasi yung maid?! Ba't ako magbubukas nung pinto?! Ah, whatever.
Bahala na.
I turned the knob and opened the door.
"Der. I'm back!" Bigla niyang akong niyakap.
/I felt my heart stammer again inside my chest. /
"Zairene."


*CHAPTER THIRTY-ONE*
Para siyang panaginip na nangyayari sa harap ko ngayon. Nandito siya. Sa
harapan ko mismo. Ang matagal ko nang hinihintay. Ang lagi kong iniisip
for the past 3 years. The girl who broke my heart---but also the girl
who can mend it.
"Leux Alexander, did you miss me? Bumalik na ako!" She's smiling like it
never happened. Nararamdaman ko na naman 'to..yung pagmamahal ko sa
kanya. Eto naman ang gusto ko diba?
She's here, right in front of me. Feeling ko kumpleto na ako.
"Leux, sinong dumating?" Narinig ko ang boses ni Mom na papalapit sa
aming dalawa.
Then she saw her. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Mom, parang may gusto
siyang sabihin pero bigla na lang siyang ngumiti. I know it's not real.
My mom knows how to fake smiles. Lumapit siya kay Zairene.
"Hija..are you here to win Leux back again?" Direct to the point. Oo nga
naman, gusto ko rin malaman.
"Yes, maa'm." She smiled. "Mahal ko po ang anak niyo. I never meant to
leave him miserable.." Nakayuko si Zairene. I wanted to hug her and tell
her she already won me back. Pero may pumipigil sa akin. "Leux, I love
you. You know that right? Tiniis ko lahat para sayo. I just want you
back.." Bigla siyang lumuhod. "Kung kailangan ko lumuhod hanggang bukas,
luluhod ako.. I want you back."
Lumapit ako sa kanya at inalalayan ko siyang tumayo. I hugged her. Tight.
"Mahal pa rin kita. Okay? Hindi yon nawala, Zai. I still love you."
Niyakap niya rin ako. I feel...contented once again. Parang nabalewala
lahat ng pagka'miserable ko for the past 3 years. Nandito na ang rason
kung ba't pa rin ako humihinga.
/
Si Zairene./
"I won't let you go ever..again." I felt her hug me back tighter.

"Akala ko hindi mo ko tatanggapin ulit.. I was beginning to lose hope
when I saw you just stare at me.. Akala ko hindi mo na ako mahal.."
Naramdaman kong umiyak siya sa balikat ko. "Akala ko..akala ko.."
"I love you." Nakita kong ngumiti siya. Ngumiti rin ako. Umalis na si
Mom sa kinatatayuan niya, baka sasabihin niya na kay Erina. Oo nga pala,
si Erina... "Gusto mo bang umupo?" Hinila ko si Zairene papasok ng
bahay. We both sat in the couch. Nakatingin lang kami sa isa't isa.
Gusto kong ipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko ngayon pero parang
wala akong mahanap na tamang mga salita. Gustung-gusto kong isigaw yung
nararamdaman ko ngayon pero ano nga 'bang isisigaw ko? Hindi lang kasi
ako makapaniwala e. 4 months ago she told me she would be back. Alam mo
ba yung pakiramdam ko nun?
Para akong nabunutan ng tinik.
Yun bang umaasa ka na babalik ang isang tao kahit sa likod ng isipan mo
nag-aalala ka na baka makalimutan ka niya o baka hindi ka niya mahal.
I'm trying to live my life right once again. Hindi naman talaga ako
ganito noon e. I don't drink. I don't smoke. I don't go to clubs. Pero
nung umalis siya, parang gumulo ang buhay ko, nawalan ng direksyon.
But now she's here in my arms again.
I pull Zairene and laid my lips on hers.
--
*Erina POV*
Ako na lang mag-isang kumakain sa dining area. Antagal ko kasi kumain. E
andami kaya ng pagkain dito, pano na lang kung masasayang? Tsaka isa'isa
ring natapos kumain lahat ng kasama kong kumain kanina. Nauna si Leux,
sumunod si Ate Hera, then si Siena, tapos si Tita Serisa.
"Tapos ka na ba kumain, maa'm?" Oo, maa'm tawag sa akin dito, di ako
sanay. Gusto ko Erina lang. Ah, ewan.
"Ah, oo.." Tumango ako tapos tumayo na para kunin sana yung pinakainan ko.
"Ako na po! Sige na po." Ngumiti na lang ako tapos hinayaan ko siyang
ligpitin yung pinagkainan ko.
"Ah ano..Jaymee, tama? Pwede bang ako na lang yung maghugas ng pinggan?"
Umiling si Jaymee.
"Kami na po. Mapapagalitan po kami e."
"Ganun ba.." Naglakad na siya papunta sa kusina at naiwan na naman ako
mag-isa. Nakakalungkot naman sa bahay na 'to. =___= Laging naiiwan lahat
ng taong mahina kumain. "Ay, anak ng!" Tumunog bigla yung cellphone na
nasa bulsa ko.
Oo, may cellphone na ako. Ay ewan! Binilhan ako ni Ate Hera kahapon,
kaya lang di ako sanay na may tumutunog sa bulsa ko e! Kinuha ko na yung
cellphone at sinagot yung tawag.
Habang naririnig kong nagsasalita si Trina sa tenga ko---sinasabi niya
na okay na raw si Echo at tapos na raw yung operation niya---naglalakad
ako papuntang hagdanan para umakyat sa kwarto ko. Bigla akong napahinto.
Nakita ko si Leux na nakatayo at nakayakap sa isang babae. Medyo
matangkad yung babae pero mas matangkad pa din si Leux, nakayakap rin
siya sa kanya at ngiting-ngiti siya. Bigla silang bumitaw tapos
hinalikan ni Leux yung babae sa noo.
Ouch.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at hindi na sila tinignan. Nagsasalita pa
rin si Trina pero hindi na nakatapat ang cellphone sa tenga ko. Ewan ko
kung ano nang sinasabi niya. Basta umakyat lang ako nang umakyat
hanggang umabot ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama at tinapat ulit yung cellphone sa tenga ko.
"Nandiyan ka pa ba, Erina?"
"Oo." Mahina kong sagot. Pero ewan parang sinagot ko lang. Ang labo, sorry.
"Okay ka lang ba..? May nangyari ba?" Ano, sasabihin ko ba nakita ko?
Parang ayokong sabihin sa kanya yung nakita ko. Feeling ko kasi para
akong mababasag o kung ano ba..
"Trina..bumalik na siya.." Ngumiti ako na parang masaya yung sinasabi
ko. "Bumalik na yung...ex ni Leux.." Mahina lang yung Leux pero alam
kong narinig yun ni Trina.
"H-ha..? Sinong ex?"
"Si Zairene.."
"Teka, paan---" Pinindot ko na yung end button at tinakpan ang ulo ko ng
unan.
"Ah, anak ng tipaklong palaka adobo sinigang baboy! Bakit ang sakit
sakit?!" Hinigpitan ko ang pagyakap sa unan na hawak hawak ko. Bakit nga
ba ang sakit sakit?
Paano ba yan, Erina..mapapaalis ka na ata sa trono ng pansamantalang
palasyo mo.. So ano na mangyayari..? Di na tuloy yung deal?
Huhulog-hulogan ko na lang yung 90 milyon? Kailangan na ba akong bumalik
sa bahay ko at magpatuloy sa buhay na dinistorbo ng deal na 'to?
Wala ng rason.
Wala ng rason para hawakan ko pa si Leux. Wala ng rason para ituloy yung
kasal. Nandiyan na yung hinihintay niya e.. Nandiyan na siya. Siya yung
gusto niya. Hindi ako. E simula pa lang, hindi naman talaga ako. Alam ko
naman talaga sa sarili ko na isa akong singitera sa tahimik na
paghihintay ni Leux. Ako yung harang. Ako yung bato na nakaharang sa
daan kung saan magkikita dapat sila ni Zairene.
Pero bakit parang ang sakit tanggapin?
Kasi hindi ako yung pinili niya? Kasi maiiwan na naman ulit ako? Lagi
naman e.
"Hay..panahon na ata para magbalot-balot na ako.." Bumangon ako sa
kinahihigaan ko at nilabas lahat ng damit ko na nasa cabinet. Nilapag ko
lahat sa kama.
Kailangan ko nang umalis.


*CHAPTER THIRTY-TWO*
Habang naglalakad ako sa kalsada, e wala akong maisip. Ano ba kasing
ginagawa ko rito? Ba't ba ako umalis? Yeah right. Umalis ako dahil gusto
kong lumigaya si Leux. Walang mapapala ang isang extra kung kalaban
naman niya ay ang bida. At ako yung extra na yun. At dahil extra ako,
kailangan bigyang daan ko na ang happy ending nilang dalawa.
Kahit na medyo nararamdaman ko nang unti-unting nabibiyak puso ko.
Bakit nga ba 'to nabibiyak? Hindi ko rin alam e. Gusto ko aminin sa
sarili ko ang dahilan pero parang mas masasaktan lang akosa pag-amin ko.
Kasi nga..kasi nga alam ko na..alam ko na, na kahit aminin ko sa sarili
ko na mahal ko siya, isa pa rin naman akong dakilang extra.
Biglang nag'ring ang cellphone ko sa bulsa. Dapat iniwan ko na 'to e. =___=
Tinignan ko yung caller ID at nakita kong si Trina ang tumatawag.
Pinindot ko ang end button. Baka tanungin lang ako kung nasaan ako
ngayon, edi sira na plano. Tss -____-"
Nag'ring ulit...
At ulit.
At ulit.
"Ahg, kainis. Paulit-ulit na lang. =__=" Ihahagis ko sana ang cellphone
nang biglang nawala ako sa balance at naramdaman ang sarili kong
nahuhulog. Nasa overpass ako ngayon e. At opo, malapit ako sa hagdan...
Mamatay na ata ako sa overpass..
At black out.


Ay, hindi pa! Naka'open pa mata ko. May lumapit na lalaki ta's tinignan ako.
"Sino ka?" Tanong ko.

At black out. Ayaaan, para maayos!
--

*Trina POV*
"Hindi ko siya ma'contact, where's that girl na ba kasi?" Naramdaman
kong humigpit ang yakap ni Echo sa akin.
"Baka ayaw niya munang makipag-usap." Echo tells me while he plays with
my hair.
"Hindi ko naman tatanungin kung nasan na siya e. =__=" Actually mas
nag-aalala ako sa sinabi niya sa akin kanina. Well, I didn't tell Echo
about that Zairene girl pagkatapos nung call. Ayokong mag-alala din
siya, kalalabas niya lang kasi ng ospital and lagi raw dapat siya
magpahinga.
"Give her space." Lumingon ako kay Echo tapos nag'pout. Space? I'm her
bestfriend! Walang space sa aming dalawa 'no.. "Come here." Hinila niya
ako ta's niyakap sabay halik sa akin sa noo. "She'll be fine. Akala mo
di ko alam na bumalik na si Zairene?" Tumawa ako. Right, pinsan nga pala
ng boyfriend ko si Leux Luciano.
"What if umalis lang siya bigla dun sa mansion? E lagi yun lumalayas e."
I scribbled on my phone to find Erina's number pero pinigilan ako ni Echo.
"Wag mong habulin palagi ang mga tumatakbo palayo. Baka kasi pag mas
hinabol mo, baka mas lalo silang lumayo. Kung lumayas man siya, I'm sure
she'll come back soon." He slowly intertwined my fingers with his. "Hmm,
how's Erik?"
Right..si Erik.
"Well..biglang hindi na niya ako tinawagan ulit. Ta's di na siya
nagparamdam. Then I saw him somewhere in Glorietta..he's with another
girl. Actually, lumapit ako sa kanilang dalawa. He introduced her to me
tapos tumawa siya, he changed his mind on me. He's fallen head over
heels for Yza." Yumuko ako dahil parang mahihiya ako sa sinasabi ko.
It's different when Echo asks me about Erik. Feeling ko parang matutunaw
ako, e. =__=
"That's...good." Sabi ni Echo sabay smile. He pulled me and hugged me
again..tight. "Ibig sabihin, akin ka na lang talaga." He slowly leaned
in and---
"Sir Echo, inumin niyo na po 'tong gamot ninyo!" Uggh, k. =___=
"Yeah, I will." Echo kissed my forehead. "Wait here, okay?" I pout.
"Magyayakapan na naman kayo ng nurse na yan. Psh." Echo laughs.
"Sheena and I are just friends, okay?" Naglakad na siya palabas at
naiwan na ako ulit.
Yeah, yung Sheena na yun? Laging niyayakap si Echo. =__= Basta ewan, I
don't like her. Tapos iba pa siya makatingin sa akin like it's my fault
na nagkaganun si Echo or something like that.
/
Well, it's really my fault. /
Pumasok si Sheena sa kwarto at nandun lang kaming dalawa. She's staring
at me---no, glaring at me. May kinuha siyang kung ano sa table ni Echo.
"Lagi ka na lang nandito sa bahay ni Sir Echo, hindi makakatulong yan sa
sakit niya." Tapos inirapan niya ako at lumabas ng kwarto.
The hell?
Sige, alam ko. Alam ko naman na kasalanan ko kung bakit nabangga si Echo
e. Kasalanan ko kung bakit naipit yung ugat ng puso niya. Kasalanan ko
kung bakit umiinom siya ngayon ng mga gamot. At kung bakit kailangan
niyang inumin ang mga yun for 8 months straight. Alam kong being here
beside him will not erase the fact that everything is all my fault.
I'm not perfect. And sometimes, iniisip ko na I don't deserve Echo
anymore. Ugh, bakit ba kasi ako nagpapa'apekto sa nurse na yun. =___=
Mas maganda naman ako dun. Tssss.
Binuksan ko saglit yung pinto at sumilip. No one is gonna see me kasi
maliit lang ang binuksan kong space para makita si Echo.
Nakatayo silang dalawa at nagtatawanan.
"Ano ba yan, Echo. Wag ka nga mambola! Baka maniwala ako e. Baka palitan
ko yung babae mo e." What? Babae ni Echo? The hell? So she thinks I'm
just another girl? The nerve!
Gusto ko sana siyang lapitan at sakalin e. =___= Kaso nandun pa rin ako,
nakatayo sa likod ng pintuan staring at them both. And she calls him
Echo instead of Sir. Sa harapan ko lang pala yun. Well, ilang weeks na
rin akong nandito at ngayon ko lang nalaman na Echo lang pala ang tawag
niya pag nasa likod ko.
My heart feels like it's going to break.
Kainis. Naiinis ako sa babaeng yun. After what she said to me awhile
ago? Well, she's right pero flirting with Echo? Really? At nagyakapan na
naman sila. Fine, they look like lovers than with me.
Bakit pa nga ba ako magseselos? Echo already told me that I am his. Echo
is mine too. Alam kong he's happy with me and I want it to be that way.
Forever. Kahit na magyakapan sila diyan, hindi naman hawak ng babaeng
yan ang puso niya. Pshhh =___=
"Trina?" Binuksan ko na yung pinto at lumabas. Umalis bigla si Sheena at
naiwan kaming dalawa ni Echo.
"Hm?"
"Feeling ko di na ako mabubuhay.." Bigla ko siyang nilapitan. "Ng wala
ka.." Hinampas ko siya bigla sa braso.
"K, ang korni mo na Echo. Sige na." He smile and hugs me.
"Only for you, babe." He winked at me at dahan-dahan na sinandal ako sa
pader. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa either side ng head ko.
He slowly leaned in and kissed me.
"Trina, will you marry me?"


*CHAPTER THIRTY-THREE*
Wayne POV
Erina. Hanggang ngayon hindi ko pa din siya makalimutan. Ilang buwan na
ba nung huli ko siyang nakita? Malapit na ata maging 4 na buwan. Mas
pinili ko nang hindi na siya makita pa. After all, may kasalanan pa rin
ako sa kanya. Pero pinagsisisihan ko na yon.
I resigned from the fraternity. Kusang loob naman nilang tinanggap ang
resignation na yon. They knew how I felt. Kahit na gusto kong iganti ang
Kuya ko, kung mawawala at masasaktan lang naman ang minamahal ko, di
bale na.
"Wayne, where are you? This is your mom. Umuwi ka na anak, please.
Larisse wants to see you na. Miss ka na ng kapatid mo. Call me back.
Please." I deleted the voice mail. Yeah, I went away. Lagi akong
hinahanap ng family ko pero pinili kong hindi na muna sila makita. I've
lost myself.
Kaya hinanap ko ang sarili ko. And so far, I think I'm doing a good job.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. I pass by at every street and smile sa
nakikita kong mga bata na naglalaro, sana ganun rin ako kasaya. Sana
ganun pa rin ako ka'inosente. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad nang may
makita akong babae sa overpass..
Di ko masyado ma'mukhaan pero parang may kinuha siya sa bulsa niya,
akmang ihahagis niya na sana ng biglang napa'atras siya at na'out of
balance. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong mahuhulog siya sa hagdan.
Tumakbo ako sa direksyon niya /pero huli na/.. I ran faster. Nang
malapit na ako sa kanya, bigla akong napahinto..
"Erina.." Pero tumakbo ako agad sa tabi niya at inalalayan siya.
"Sino ka..?" Tapos napapikit siya. Wala na siyang malay.
Dugo. Yun ang nakita ko nung tinignan ko ang mga kamay ko.
"Shit." I carry her at pumara ng taxi. "Ospital! Ngayon na! Bilisan mo!"
At humarurot ang sasakyan paalis ng lugar na yon. Nakakabingi ang lahat
ng mga sasakyan na prineno ng taxi. Wala na akong pakielam kahit na
magalit sila sa ginagawa ng taxi driver ngayon.
Gusto ko lang maligtas si Erina.
Eto na yung hiling ko diba? Na makita ko siya ulit. At kapag nakita ko
na siya ulit, hindi ko na siya pakakawalan. Ayokong maging selfish ulit
pero bumalik siya sa akin e. Nakita ko ulit siya. Hindi naman 'to
mangyayari kung walang dahilan, diba?
Pero hindi mangyayari lahat ng sinasabi ko kung nakapikit ang mga mata niya.
Gusto kong makita ni Erina kung anong gusto kong patunayan sa kanya
ulit. Na hindi lang pagiging
bestfriend niya ang kaya kong ibigay. Pati sarili ko.. Kaya
please...please..wag muna siyang mawawala saakin.. Pwede bang hayaan Mo
muna siyang maramdaman ang pagmamahal ko sa kanya?
Nakarating kami sa ospital agad at kinarga agad siya ng mga nurse
papunta sa isang stretcher. Kitang-kita ko pa rin ang dugo na tumutulo
mula sa ulo niya hanggang sa mga tubes at mga wires na kinokonekta sa
kanya ng mga nurse na tinutulak ang stretcher niya palayo sa akin.
Dumeretso sila sa emergency room.
May inabot sa akin ang isang nurse na isang papel, hindi ko masyado
narinig ang boses niya pero kailangan ko daw yun sulatan ng pangalan ng
pasyente. Tapos nun, wala na akong ibang narinig. Nakakabinging
katahimikan ang naririnig ko sa tenga ko. Parang ina'analyze pa ng buong
katawan ko ang lahat ng nangyari.
Biglang nag'flashback yung mga oras na kinidnap ko si Erina at di ko pa
alam na siya pala ang binihag nila Hero..
/
Dahang-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata. Tapos tumingin siya
sa akin. Nung una, gulat ang nakita ko sa mga mata niya../
/"Wayne...? Ililigtas mo ako?" Napalunok ako. Shit. Shit. Shit./
/"Erina..hindi." Tumingin-tingin siya sa paligid na parang naguguluhan./
/"Ha..? Bakit hindi..? Nandito ka naman diba..? Iligtas mo ako, please..."/
/"Erina, ako ang kumidnap sayo. Ako ang boss ng frat na kalaban ni
Leux.." Natigilan siya at parang ina'analyze pa rin ang sinasabi ko.
"Sorry..."/
/"No!" Sigaw niya. "No, Wayne. Hindi ako naniniwala..! Alam 'kong mabait
ka. Diba..?" Umiling ako. Hindi ko alam ang sagot../

Ilang buwan na ba ang nakalipas simula nang sabihin ko sa kanyang hindi
ko siya kayang iligtas? It's been so long.. At ngayon, ako na mismo ang
nagdadala sa kanya sa ospital para lang makita ko siyang nakadilat at
gising. Well, siguro mabuti yung iniwasan ko muna si Erina at hindi
nagpakita noon.
Kasi ngayon, mas gusto ko na siyang makasama ulit.
--
*
HERA POV*
Ugh, another day once more. Nakakapagod na naman na araw na 'to. I need
to finish my thesis in like 1 week para maka'graduate na ako.. I'm
really tired of all the school stuff. Buti na lang kasama ko lagi si
Sienna pag gumagawa ako ng thesis, she keeps me entertained. Di naman
siya masyado maingay, she just loves seeing me work.
Nasa dining table kaming lahat ngayon at kumakain ng breakfast. Napansin
kong wala si Erina. At napalitan ang pwesto niya ni Zairene.. Yeah,
Zairene is sitting on Erina's seat. Nasan na ba yung babaeng yun?
Kahapon pa yun di kumakain. Nagkulong sa kwarto? Well, I understand her.
Pero ang hindi kumain ng breakfast?
"Manang, can you call Erina?" Tawag ko sa maid namin. Tumango siya at
naglakad papunta sa taas.
"Hmm, who's Erina ate Hera?" Ugh. =___= Busted. Di pa nga alam ng
babaeng 'to na may fiance si Leux. Anong sasabihin ko? Pinsan? No! I
cannot deny Erina in front of this girl who ruined my brother's life.
Ta's babalik-balik pa dito..
Well, gusto niya lang naman balikan si Leux. But! It's already too late.
Huh. :P
"Uhm, she's..." Tumingin ako kay Leux na patuloy na kumakain. "Leux's
fiance."
Huminto si Zairene sa pag kain. Napatigil rin si Zairene. Napatigil si
Mom. Si Sienna. Si Dad.
At ako.
"Maa'm! Wala na po ang mga gamit doon ni Erina!" Napatayo kaming lahat
except Sienna.
"What?" Parang bulong na lumabas sa bibig ko ang tanong. "Did you check
all the cabinets?" Ano pang silbi sa pagche'check ng cabinets kung wala
na dun ang gamit. =___=
"Wait! F-fiance..? Leux?" Napatingin si Zairene kay Leux at parang
ina'analyze niya pa ang sinabi ko. "Since when..?"
"This is not the time to talk about this you guys." Sabat ni Mom. Wow,
english. Tskk. "Tawagan niyo yung cellphone ni Erina, now!" Napayakap si
Mom kay Dad. "Kanina pa masama kutob ko.." Parang anak niya lang, ganon?
=___=
"Bakit ba kayo atat na atat na hanapin ang babaeng yun?" We all stopped
dead on our tracks. Omg. "Nandito naman ako diba? I want to be Leux's
fiance. Why are you letting him marry that flirt?!"
"Hoy babae ha--" Pinigilan ako ni Leux. At hindi niya man lang
poprotektahan ang fiance niya?! "Yang flirt na pinagsasabi mo, siya yung
kasama ni Leux nung wala ka. Kaya wag kang umastang parang nandito ka
para sa kanya through all this years." Di ko na napigilan ang sarili ko
e. Flirt? Anong akala niya kay Erina? Pipitsugin? Baliw ba 'tong
ballerina na 'to?!
Biglang tumayo si Leux at akmang aalis ng dining table nang pigilan siya
ni Zairene.
"You're going to find that girl? No, Leux. I don't want you to."
Hinigpitan niya ang paghawak niya sa braso ni Leux. "Nandito ako.
Nandito na yung hinihintay mo, ba't mo pa hahanapin yung babaeng yun?"
Parang natigilan si Leux. He sat down. And Zairene.
"Bahala kayo, hahanapin ko ang sister-in-law ko." I say as I push my
chair back to the dining table. "Alam kong wala akong karapatan sabihin
'to but.." Tinignan ko si Zairene. "Erina's better than you."
"Ate, pwede ba tama na?!" Tumayo si Leux. "How dare you say that to
Zairene! Walang-wala yang Erina na yan kay Zairene! Who fucking cares
about her anyway?!"Natigilan ako.
"Hoy lalake, kung ayaw mo hanapin ang fiance mo, edi wag! But this is
the first time na sinigawan mo 'ko. And for that girl?!" Tinuro ko si
Zairene. "Ewan ko sa inyo! Psh. Palibhasa puro Zairene! Zairene! Zairene!"

I walk out of the dining table.

Wala na akong pakielam sa kapatid ko. Nararamdaman kong may hindi
magandang nangyari kay Zairene. At kung ayaw niyang sumama? Fine.
Whatever. Gusto ko lang magkatuluyan si Erina at si Leux ta's gaganyanin
lang ako ni Leux? Ang sama niya. =_____=
I'll definitely erase Zairene out of Leux & Erina's path.


*CHAPTER THIRTY-FOUR*
Ang liwanag naman ng lugar na 'to. Oo, ako 'to si Erina. Duh. Di ko na
kasi maalala kung ano nangyari sa akin e. =___= Ang natatandaan ko lang
e ihahagis ko na sana yung maingay ko na cellphone, kaso na'out of
balance ako at nahulog sa hagdan, pero bago ako nawalan ng malay,
nakakita ako ng lalaki.
At ngayon, nandito ako sa maliwanag na lugar. Puti ata lahat ng nandito
e. Puro puti lang. Parang clouds kumbaga. Ta's naglalakad ako mag-isa.
Naka'puti rin nga ako e. Nasa cosplay ba ako? Kanina pa kasi ako
naglalakad dito ng mag-isa. Wala naman atang dulo ang puti na 'to.
"Rinrin?" Natigilan ako. O--m---g. "Rinrin! Ikaw ba yan, ha?" Lumingon
ako sa nagsalita.
"Paps?" Parang bulong kong sabi pero alam kong narinig niya.
"Kilala mo naman pala ako, tatanong-tanong ka pa! Wala kang baon niyan
e." =____=
"Paps? Ba't ka nandito?"
"Duh, natural. Sa heaven ako napunta e. Batang 'to.." Heaven? Teka...as
in heaven?!
"T-teka..anong heaven pinagsasabi mo?" Kinamot niya papa ang ulo niya.
"Ang slow. Nasa langit ka. Nasa heaven ka. Now. Ngayon." Parang di ako
makagalaw.. Ibig sabihin..
"Patay na ako?!" Sigaw ko. Ngumiti naman si papa.
"Oo." Hinde..diba di naman grabe yung pagkakahulog ko? Diba buhay pa rin
ako? Diba..? "JOKEE! Ano ka ba, nandito ka lang para makita ako. Di kasi
ako makapasok sa panaginip mo e. Laging Leux ang laman."
"PAPS NAMAN EH!" Tumawa kaming dalawa. "Tigilan niyo nga ako! Pati ba
naman panaginip ko, ini-invade niyo? Ang sama.." Lumapit si papa at
niyakap ako.
"Rinrin..kamusta ka na ba ha?" Natahimik kaming dalawa.
"Okay lang.."
"Anong okay lang? Yung totoo." Sasabihin ko na nga. Pshh =___=
"Hindi ako okay.. Ang sakit sakit, paps.." Aistt! Maiiyak na naman ako
nito. Ugh. "Yun bang minamahal mo na yung tao, tapos yung taong yun,
ikaw na sana ang papansinin pero biglang tumalikod.. Para bang naiwan
akong umasa kung mamahalin niya ako kahit alam ko naman na ang totoo ay
hindi niya ako mamahalin dahil di niya kaya at may mahal siyang iba.."
Naiyak na ako.. "Gusto ko nang makawala sa nararamdaman ko pero di ko
alam paano. Gusto ko nang iwanan siya at paniwalain ang sarili kong
masaya ako.. Pero..parang ayaw ko pa rin e. Gusto ko pa rin na nandiyan
ako para sa kanya. Gusto ko pa ring lumigaya siya---kahit hindi na sa
piling ko. Gusto ko gawin ang lahat para makita yung ngiti niya sa
kabila ng pagsusungit niya saakin. Siguro lahat ng katangahan ginawa ko
na.. Pero bakit ganun Paps?" Niyakap ako ulit ni papa. "Bakit parang
wala pa rin sa kanya..bakit parang di niya pa rin maramdaman na mahal ko
siya?"
"Rinrin..kaya ka nagkakaganyan dahil mahal mo yung taong yun. At dahil
mahal mo siya, nasasaktan ka. Dahil hindi naman lahat ng tao, kapag
pinakitaan mo ng pagmamahal e binabalik agad sayo.. Pero alam mo ba..?
Sa una lang yang mga ganyan..darating rin yung araw na mapapansin ng
taong yun ang halaga mo. Pero yun ay /kung...mapapansin pa niya/."
Pinahid ni papa ang luha ko. "Wag ka nga umiyak! Dalaga ka na nga e.
Noon nandun pa ako, 13 ka pa lang nga e!" Tumawa ako kahit na tumutulo
pa rin ang luha ko.
"I miss you, Paps. Kainis ka, nagpasagasa ka pa kasi e! Tsk. Ayan tuloy.."
"Wag ka nga manisi diyan! Ibabalik na kita sa lupa, dami mo satsat."
Ginulo niya ang buhok ko. "Miss na rin kita Rinrin, mag-iingat ka na dun
sa baba ah? Ngayon lang kasi ako pwede magpakita sayo e. Pakisabi na rin
sa nanay mo na miss ko na ang sinigang niya. Wala niyan dito e."
Hinawakan ni Paps ang kamay ko. "Pagkabilang ko ng tatlo, magigising ka na."
"Paps, ingat ka dito ah!"
"Isa..dalawa...." Pinikit ko na mga mata ko. "tatlo.."

--
*Leux POV*
Gustung-gusto kong sundan si Ate Hera kanina pero di ko magawa. Hinihila
ako ni Zairene at parang ayaw ng mga paa 'kong kumawala. Bakit pa nga ba
ako mag-aalala sa babaeng hindi ko naman kailangan? O hindi nga ba..
Oo, masama rin ang kutob ko sa kung anong nangyari sa kanya pero bakit?!
Bakit nararamdaman ko 'tong pakiramdam na 'to? Diba wala na 'to? Diba
wala lang yun? Bakit parang bumabalik at mas lalong gumagrabe. Mas
lalong sumagi siya sa isipan ko. Mas lalong di ko siya matanggal sa
isipan ko.
Kahit na ipinagtanggol ko si Zairene, pakiramdam ko mali. Parang dapat
hindi ko ginawa yun. Parang dapat sumunod ako kay Ate Hera. Dapat
hinahanap ko din siya.
Dapat ako yung naghahanap sa kanya. Shit.
"What are you thinking about, Leux? Is it about that Erina girl again?"
Niyakap ako ni Zairene. "I'm here Leux. Please stop thinking about her..
Bakit mo ba siya iniisip ha? She's just another girl, diba? Just another
girl who was just lucky to marry you."
"Zairene..wag na muna natin pag-usapan yan."
"Why not? Sabi mo mahal mo 'ko, na tatanggapin mo ako, na hindi nawala
pagmamahal mo sa akin pero ano 'to? Lokohan, Leux?" Lokohan. Hah..siguro
nga lokohan lang lahat ng nangyayari sa akin.
"Wala akong sinabing ganyan."
"Then what?! Sabihin mo nga sa akin ng diretso?! Mahal mo pa ba ako?"
Blanko. Walang pumapasok sa isip ko. Mahal ko pa ba si Zairene?
"Zairene..I.." Biglang tumunog ang cellphone ko. "Hello?"
"Luciano.." Parang pamilyar ang boses. I know I've heard this voice
before. "Alam mo bang ayokong gawin 'to? Alam kong mahal mo siya. Wag ka
nang magkaila. Sawa na akong makita siyang nalulungkot..."
"Sino ka ba?"
"24 oras. Pag nahanap mo siya, ibibigay ko na siya sayo. Pero pag di mo
siya nahanap, di ko na siya ibabalik.."
"W-wait! Fck, sino ka ba?! Ano bang pinagsasabi mo?!"
Dead line.


*LAST CHAPTER*

Leux POV
24 oras. San ako maghahanap? Paano ko siya hahanapin..? AGH. Natataranta
ako. Parang gusto ko takbuhin lahat ng lugar. Pero san ako magsisimula?
Kung mag'drive kaya ako? Wag na. Baka mabangga pa ako. Pag naglakad ako?
Baka masagasaan ako. Ay! Tsk. Nakakabading. Shit. Dami ko sinabi. Last
chapter na kasi. Di na ako pwede mag'inarte. Di na ako pwede lumandi.
AHHHG! Ano ba pinagsasabi ko?! Dammit.
"Leux, where are you going?!" Lumingon ako kay Zairene.
"Zairene..." Bahala na. "hindi muna tayo magkikita for 24 hours." Tapos
tinakbo ko na ang pintuan at lumabas. Wala na akong pakielam. Basta
dapat mahanap ko siya. Di ko man alam kung ba't ako nagkakaganito. Di ko
man alam kung ano 'tong nararamdaman ko. Di ko man siya pinahalagahan
noon, basta kailangan mahanap ko siya. Yun lang yon.
Nag'drive ako papuntang park, wala sila dun. Nilibot ko ang buong park,
wala talaga. Nag'drive ako papuntang McDo na pinagkainan namin ni Erina
noon, baka kumain sila ng cookies & cream, wala sila. Nag'drive ako
papuntang carpark ng ospital na pinagdalhan kay Echo, wala siya dun.
Nilibot ko na ata ang buong Maynila. Wala akong makitang Erina.
Manila Bay..lahat ng dagat, lawa, park, McDo, ospital, eskwelahan, bahay
ni Erina, bahay ni Trina (di rin alam ni Trina kung saan), bahay ni
Echo, bahay ng boyfriend ni Ate Hera, bahay ng pinsan ko sa father side,
sa mother side, sa enchanted kingdom, sa perya, sa mga village at
subdivision na alam ko, police station... SAN PA BA?!
Wala pa akong kain.. 5 PM na. Ilang oras na ba nung tumawag si Wayne? 8
hours. I still have 16 hours left.. Tsk. Pumarada ako sa isang fast food
chain at um'order ng take out. Kumain ako sa loob ng sasakyan at patuloy
na nagmaneho. Sa mga sidewalk at overpass na naman ako tumingin. Wala
talaga..
Wala.
Pinarada ko ang sasakyan ko sa isang park. Pinatong ko ang ulo ko sa
manibela. Nasan na ba sila..? Gusto ko pa maghanap..pero parang wala na
akong alam na lugar. Wala na talaga..
At nakatulog ako..


Nakaramdam ako ng sakit sa likod ng mag'umaga. Ughh, di ko pa 'to nagawa
sa buong buhay ko. Matulog sa sasakyan?! Tinignan ko ang cellphone ko,
maraming tawag at texts kay Mom, kay Ate Hera at kay Zairene.
Pinagtatanong kung nasan ako, hinahanap ko ba raw si Erina, nakita ko na
ba raw si Erina (si Ate Hera ang nagtatanong). Diba hinahanap niya rin?
=___= Don't tell me tinamad siya? >__<
Anong oras na ba..?
*tingin sa orasan*
SHIT. 7 am na.
Ilan oras na ba ang lumipas? Wait.. *bumilang* 23 hours. 23 fucking
hours na ang lumipas at nandito pa rin ako sa sasakyan ko! FCK?! Ano pa
'bang pinaggagawa ko?! Damnit!
Pina'andar ko na ang kotse. Wait..ayaw mag'start. Inulit ko. Wala. Ulit.
Wala.
Don't fucking tell me na wala ng gas ang sasakyan na 'to?! Tinignan ko
yung stats. Shit. Wala ng gas. Ubos na. Last na yung kagabi. Wala na
lahat. Empty. Walang laman.
And how the hell ako maghahanap?! COMMUTE?! ANO AKO, BALIW?! >__<
"AHHHHHHHH! SHIT!" Bumaba ako ng sasakyan at pinagmasdan yung paligid.
Nasan na nga ba ako?! Kainis. Teka, sa park nga pala.
SAN NA PARK BA 'TO?! Park na playground pala. =___=
"Nasa Tapat Lang Siya" yun ang nakasulat sa karatula na tinignan ko
malapit sa isang monkeybar. Ano 'to? Nasa tapat lang siya? Ah, whatever.
Ano ba kasi yang sign na yan. =___=
Tinignan ko ulit ang paligid. May nahagilap ako at bigla akong
napangiti. Bakit di ko nga ba naisip 'to na lugar? Agh. Ang tanga mo
talaga Leux! Poreber tanga. Kahit sa pag-ibig, tanga ka! Kahit sa
direksyon tanga ka! =___=
Nagsimula akong maglakad at di ininda ang oras. 7:45 na. 15 minutes na
lang ang 24 hours na.
Yung club na pinuntahan namin nila Echo noon. Ito yung teritoryo ni
Wayne. Club niya 'to. Pero pinupuntahan namin ni Echo, basta wala kaming
dalang pwedeng kunin nila samin. Gaya ng pamilya. Basta kami lang, safe
sila. Ganun yun.
Pumasok ako sa loob.
Alam na alam ko kung san siya ngayon. Pinagpatuloy ko ang paglalakad.
7:55 na. 5 minutes na lang ang natitira. Inakyat ko ang hagdan ng 2
tapak. 4 floors ang club na 'to. Nasa pinakataas ang nagmamay-ari nito.
7:57 na nang makarating ako sa fourth floor. Sinimulan kong buksan lahat
ng pinto na nandun. Wala. Wala. Wala. Wala.
7:58 na.
4 pinto na lang ang natitira. San dito? Kapag binuksan ko lahat,
maaabutan ako ng siyam-siyam dito. Binuksan ko ang pinaka-dulo na pinto.
7:59.



Tama.


Pumasok ako at sinara ang pinto. Nakita ko na siya. Andito na ang
hinahanap ko. Teka. Kakausapin niya kaya ako? Ano namang sasabihin ko?
Di ko alam. Pwede bang mamaya na muna..? Pwede bang umatras..? BAKIT PA
BA AKO AATRAS? Agh, nandito ka na Leux. Wag ka nang matakot...
Humakbang ako papalapit sa kanya.
8:00. Sakto.
"Leux..?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Eto na ba yun..? "Bakit
ka nandito?" /Siyempre para kunin ang akin./ Gusto kong sabihin. "Huy."
Nakabenda ang ulo niya. Teka. Anong nangyari sa kanya..? "Bakit ka ba
nandito? Nasan si Wayne? Aalis na ako."
"Aalis..?" Bigla siyang ngumiti.
"Susundan ko na ate ko sa Amerika. Mamaya-maya, magpa'paalam na ako kay
nanay." /Bakit ka aalis? Diba akin ka?/ Parang sinasabi ng puso ko.
"Wag kang umalis." Bigla siyang napatingin sa akin mula sa sahig. "Wag
ka munang umalis.." Humakbang ako ulit. "Wag mo muna akong iwan."
Patuloy na tumibok ng mabilis ang puso ko. Hinawakan ko ang mga kamay niya.
"Ano 'bang sinasabi mo? Bumalik na si Zairene. Diba siya naman ang
hinihintay mo? Nandiyan na siya diba?" /Pero ikaw ang kailangan ko./
"Erina.." Lumunok ako ng ilang beses. Parang matutuyuan na ako ng
lalamunan. Kapag hindi ko siya pinigilan, baka hindi ko na kayanin.
"Erina mahal kita." Tinignan ko ang mga mata niya. "Mahal kita.
Naririnig mo ba?" Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay niya. "Hindi pa
tapos ang 100 dates. Hindi ka pwede umalis. Hindi pwede. Kasi akin ka
lang." Ngumiti ako. "Wag mo naman akong iwan ulit, pwede ba? Pwede ba,
kung aalis ka, wag muna ngayon? Kasi ako kailangan pa kita."
"Leux, hindi na kita mahal.." Parang binagsakan ako ng langit at lupa..
Ganito na lang ba ang mangyayari? Dahil ba hindi ko siya
pinahalagahan..? Parang mabibiyak ata ang loob ko...
Binitiwan ko na ang mga kamay niya. "Sorry, Leux." Pinilit kong ngumiti.
"Okay lang. Kasalanan ko naman e. Alam kong nasaktan na kita ng ilang
beses. Ano pa bang karapatan kong pigilan ka..? Masyado na akong naging
makasarili. Wag ka mag-alala. Sasabihan ko sila mom na hindi na ituloy
yung----"
Naramdaman kong may dumampi na labi sa labi ko.
"Hindi na kita mahal kasi....."





"Mas mahal na kita ngayon."
Napalitan ng tamis ang pait na naramdaman ko kanina.. Totoo ba 'to?
Parang sasabog na lahat ng pwedeng sumabog sa loob ko. Niyakap ko siya
bigla. Niyakap niya rin ako.
"Sino ka ba talaga ha? Ba't mo ba pinararamdam sakin 'to.." Mas
hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya.
"Sino ako?" Tumawa siya ng marahan. /"I'm yours." /




*THE END.*


*EPILOGUE*
*After one and a half year..*
"Ito, isukat mo din 'to. Gusto ko kasi kulay green yung suot mo." Kinuha
ni Trina yung gown na binigay ko, medyo may pagka'ikli, pero abot
hanggang tuhod. Parang ballerina. Trina smiled.
"Ikaw na maganda pumili, sige eto na yung isusuot ko. Sasabihan ko yung
wedding planner."
"Siyempre 'no, importante ka kaya." Niyakap ako ni Trina.
"Hay nako, nang kailan lang, naghahanap pa tayo ng keks diyan sa
tabi-tabi, ngayon may boyfriend ka nang so gwapo and love na love ka."
"Ano ka ba, ano si Echo? Peke, Trin? Peke siya?" Tumawa kaming dalawa.
"Eh siyempre akin lang yun. Masaya lang talaga ako para sayo." Binitawan
niya ako. "Tapos ako na naman ang susunod."
At ano nga bang pinag-uusapan namin ni Trina? Of course, yung gown niya
para sa wedding. Bridesmaid kasi siya eh. Kaya todo plan kami sa kasal
at para sa mga isusuot. Medyo malapit na kaming matapos dahil ilang
buwan na rin ang bibilangin.
/
E kanino bang kasal 'to?/ Edi siyempre sa akin. Ano ba. Sino pa ba? At
sino nga pala yung groom?
Biglang nag'ring cellphone ko.
"Hello?"
"Ah, wait a sec. I just need to talk to my girlfriend." Narinig ko ang
boses ni Leux sa background---yung groom ko. HAHAHAHA. Sino pa ba
inaasahan niyong groom ko? "Hey."
"Hello? Leux Luciano's girlfriend, speaking. Sino 'to?" Narinig kong
tumawa siya sa kabilang linya.
"Kakausapin ko lang po yung pagmamay-ari ko." Nakakainis. Kinikilig na
naman ako. :""> "Nasan ka ba? Di ka pa daw umuuwi. It's past 7 pm already."
"Kasama ko si Trina, may pinagpipilian lang kami."
"Umuwi ka ng maaga, got it?" Narinig kong huminga ng malalim si Leux.
"Baka di ako makapunta bukas." Graduation ko na bukas.. "Sorry..." Bigla
akong nalungkot. "Gusto kong tumakas, alam mo ba 'yon? I wish I could
be there..ayokong si Wayne na naman ang hahayaan mong magsabit ng medal
mo.. Well, next to your mom. Ugh, sht. Naiinis ako..teka." Ngumiti ako
bigla.
"Seloso alert." Bulong ko.
"Hindi ah." Katahimikan.. "Alam ko kasi anong sa akin e. Sorry naman."
:""""") Ayan na naman yang mga banat niya e. Nagiging tsokolate na ata
'tong boyfriend ko e. :"""> "Kinilig ka naman..psh."
"Ah, ewan ko sayo! Tigilan mo na nga ako. Sige na, ibababa ko na 'to.
Ano pa 'bang gusto mong sabihin?"
"Ayoko ng green na suit." Natawa ako. "Oh, bakit?"
"Gusto ko ng Green, hindi pwede. Ikaw lang ba ikakasal, Mr. Luciano?"
Tumawa din siya.
"Sige na, Green na kung Green, Mrs. Luciano." To-be. HAHAHA. KINIKILIG
AKO. :"""""""> "Ingat ka ah, pakakasalan pa kita."
"Ikaw din. Baka makahanap ka pa ng iba. Mahirap na." Tumawa siya.
"Hindi na nga po. Loyal po ako sa asawa ko."
"Ibaba ko na Leux, nilalanggam na po ako eh."
"Good night, Rinrin. I love you. Ako lang dapat nasa panaginip mo,
walang epal ah?" Ngiting-ngiti naman 'tong si Trina sa tabi ko. Ngumiti
na rin ako.
"Opooo. Good night, Leux. Ingat ka. Nami'miss na kita. Bye." Tapos
binaba ko na yung tawag. "Wag ka nga ngumiti, kinikilig ako eh!" Tumawa
kaming dalawa.
"Nilalanggam na ako! Tsk. I miss Echo na tuloy." Nagpa'sad face siya
tapos nag'pout. "3 days na niya akong hindi tinatawagan. Buti pa
boyfriend mo inaalala ka, Echo sucks." Trina crossed her arms. Hinila ko
na siya palabas ng bridal store.
"Halika na, uwi na tayo. Hatid na kita una." Pumara na kami ng taxi at
sumakay.

Hayy. Parang kahapon lang nung nakita ko si Leux sa club ni Wayne. Alam
mo ba yung naramdaman ko nun? Para akong lilipad sa saya! Hindi ko pa
nga alam anong gagawin ko eh. Basta and na'realize ko na lang, nandiyan
na yung hinihintay ko buong buhay ko. Siya na yung hinihintay kong
mahalin ako at ngayon ang taong gusto kong makasama habang buhay.
Bukas na nga pala ako gaga'graduate sa course ko. Nauna si Leux sa akin.
At ngayon, nagtatrabaho na siya. At oo nga pala, nakilala ko na ang lolo
ni Leux, ang bait naman pala na tao, medyo masungit lang ng konti kapag
nagbiro siya tapos di ka tumawa. =___=
Ewan, parang nagustuhan ko na rin na ganito yung nangyari sa buhay ko.
Oo, nung una ayaw na ayaw ko nito kasi parang kinuha na sakin yung
kalayaan na pumili ng mamahalin ko sa buhay. NBSB ako noon at ngayon,
nakita ko na ang first and last boyfriend ko. :")
Ah, si Wayne? Ayun, biglang umalis tapos di ko siya nakita for about 3
months, pagbalik niya, may hawak-hawak na siyang kamay ng
babae---girlfriend niya. Si 'CampusLeaf'. Masaya siya at kung
makatingin, para bang diamante na pinakaka'ingatan. Well, bagay na bagay
sila. Cute nga ng girlfriend niya eh. Bestfriends pa rin kami ni Wayne
ngayon, pero minsan nagseselos girlfriend niya. Sweet daw kami eh.
Excuse me, may boyfriend na ako 'no!
At si Trina at Echo? Magpapakasal na din sila. Kaya lang binasted ni
Trina nung unang nag'propose si Echo eh. Parang nasaktan si Echo kasi
nga pinaghandaan niya yun, may selosan pang nangyari sa maid at mga
misunderstanding bago nag'propose ulit si Echo just last last month.
Pagka'graduate namin ni Trina, magpa'plano na sila. Kahit na medyo may
babae pa ring umaaligid-aligid sa tabi ni Echo, chill pa rin naman si Trina.
At si Zairene, medyo na'frustrate nung nalaman niyang hindi pala talaga
siya mahal ni Leux. Matagal pang explanasyon at selosan at awayan
nangyari sa amin eh. Pwede ba raw na magsama daw sila ni Leux kahit
isang buwan lang para maalala nilang dalawa ang pinagsamahan nila. Yung
malanding ballerina na yon. =____= 1 week and 2 days lang pinayagan ko.
Di ako baliw. Pero di rin natuloy ang 1 week and 2 days, dahil ikalawang
araw pa lang, umuwi na si Leux. Ayun nag'quit na si Zairene at naiiyak
na bumalik pabalik ng London. Di na raw siya babalik! ^___^
"Andito na po tayo maa'm." Huminto ang taxi sa bahay nila Trina.
"Bye, Erina. Kitakits na lang bukas sa graduation! Yeee!" Nag'wave na
siya paalis at pumasok sa loob ng bahay nila. Nagpatuloy sa pag'andar
ang taxi.

Mamaya-maya, dumating na rin kami sa mansion. Oo, sa mansion pa rin ako
nakatira, si nanay bumibisita dito paminsan-minsan para tignan ako.
Kahit wala na siyang kasama sa bahay, okay lang daw siya, kasi may
manliligaw raw siya. Ernesto pangalan. Medyo pumayat na rin si nanay.
Gusto ko nga samahan si nanay ulit sa bahay eh. Nakaka'miss ang sinigang. :(
Nagbayad na ako at pumasok sa loob. Naka'off na ang ilaw sa sala kaya
nagtuluy-tuloy na ako sa loob at sa taas. Umakyat ako sa kwarto
ko---este, kwarto ni Leux. Oo, sa kwarto ni Leux na ako natutulog. Ayaw
niya raw kasi na sa ibang kwarto ako natutulog, kahit na sa sarili kong
kwarto---ayaw niya ng space. Medyo kinilig ako---ahhh! Ang landi ko na
talaga. =____=
Naligo ako at nagbihis. Tapos humiga na sa kama.. Ganun pa rin..walang
pinagbago ang kwarto ni Leux.. Black & white stripes pa rin kaya lang
wala siya dito. Nasa ibang bansa siya okay.. Nasa Amerika po. Dun kasi
siya napunta dahil sa work niya eh.. Sad pa nga ako at ayaw ko siyang
papuntahin sa airport, dinahilan ko na lahat---buntis ako, mamatay na
ako, may cancer ako, mawawalan ako ng paa, nakunan ako, nagka'anak ako,
makakalbo na ako--lahat-lahat. Pero na'realize kong pinagdadamot ko siya
sa pangarap at trabaho niya kaya pinaalis ko na lang siya kahit umiyak
ako ng umiyak nun. Tatawag naman daw siya eh. Halos gabi-gabi kami
nag-uusap..

Bukas, ga'graduate na ako..kaso wala naman si Leux sa tabi ko. </3

Makatulog na nga.

--
Next day.
Tapos na yung ceremony. Masayang-masaya si nanay, kasama din niya yung
manliligaw niyang si Ernesto, binati din ako. Binati din ako ni Tita
Serisa, este Mommy na pala. Sabi niya sa akin Mommy na daw itawag ko sa
kanya. Medyo naiilang ako konti. Nandun din si Ate Hera, graduate na
siya at isa nang business tycoon. Si Sienna, binati rin ako at may
kasamang halik sa pisngi. Ate Mommy na tawag niya sakin. Nakakataba ng puso!
Proud na proud din ang parents ni Trina sa kanya. Mangiyak-ngiyak nga
ang daddy ni Trina eh. Nandun din si Echo, at ayun, napapaligiran pa rin
ng mga babae, kaso di pinapansin ni Echo. Nahuli ko pa nga silang
magkayakap. Gusto ko magselos.
At ngayon, ako naman, naka-upo lang ako sa upuan ko. Si nanay nga pala
ang nagsabit ng medal ko. At oo nga palaa~ Nandito din si Wayne kasama
ang girlfriend niya. Kanina ko pa sila nakitang sweet na sweet..
Masaya na sana lahat eh.. Kung nandito lang si Leux. Yumuko ako. Gusto
ko na maiyak. Di kasi ako sanay ng di siya nakikita eh. :(
"Ano ba yan, akala ko ba graduation 'tong pinuntahan ko? Eh bakit yung
taong gusto ko makita, malungkot?" Napaangat ako ng ulo tapos napatayo ako.
"L-leux...?" Bigla niya akong hinila at niyakap.
"Ah, nakakainis naman oh. Na'miss kita agad. Talo ako." Hinalikan niya
ako sa noo. "Happy graduation, Rinrin. Oh, wag ka na malungkot, Mrs.
Luciano." Ngumiti naman ako agad.
"Kailan ka pa nakabalik?"
"Kahapon."
"Diba kausap kita kagabi?!" Hinawakan ni Leux ang kamay ko.
"Oo nga."
"Ba't di mo sinabing dumating ka na?"
"Na'miss kasi kita."
"Ano konek nun?"
"Mahal kita."
"Eh ba't ang korni mo?"
"Kasi I love you."
"May tama ka na, halika ka na nga, uwi na tayo." Bigla niyang hinigit
ang kamay ko.
"Sandali lang. Pumikit ka muna."
"Eh bakit naman?"
"Just close your eyes, babe." Sinunod ko siya at pinikit ang mga mata
ko. "Diba nagpa'plano na tayo ng alam mo na.." Tumango ako dahil hindi
ko masyado maintindihan. "At kahit arranged marriage pa rin ang tawag sa
pina'plano natin..may gusto pa rin akong sabihin sayo.." Tumibok ng
mabilis ang puso ko, ano na naman 'to? "Open your eyes now."
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko sa stage namin
ang isang malaking tarpaulin na may nakalagay na..




/"WILL YOU MARRY ME?"/
"Leux, of course----"
"ITIGIL ANG PROPOSAL!" Lumingon ako sa direksyon ng isang babaeng
nakatayo sa harapan namin ni Leux. Mataas ang buhok niya at maputi...at
may kapansin-pansin sa pangangatawan niya...malaki ang tiyan niya.


/ 57 Next Page <?p=2>
+
sponsor
Comments & Reviews (4)
Login to post your comment
Login to post your comment
Login
<user_login?nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F2215728-i%2527m-yours-complet
e-compilation%23comments>
or Facebook <#> Sign in with Twitter
<http://www.wattpad.com/user_twlogin.php?nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2F
2215728-i%2527m-yours-complete-compilation%23comments>
Show More
No more comments.
library.png Add to Reading List
</user_login?msg=Please+login+to+continue&nexturl=http%3A%2F%2Fwww.wattpad.com%2
F2215728-i%2527m-yours-complete-compilation%3Flibrary%3D1>
I'm Yours (Complete Compilation) <#>
by thelovablesunshine </user/thelovablesunshine>
Sep 18, 2011 - 57 pages
[PG-13] Parents Strongly Cautioned
Copyright - All Rights Reserved
Humor <stories/humor> Romance <stories/romance>
------------------------------------------------------------------------
Complete Compilation of I'm Yours.
[+][-] <javascript:show_synopsis()>
848
reads
4
comments
tags.png tags
compilation </stories/search/compilation> echo
</stories/search/echo> erik </stories/search/erik> erina
</stories/search/erina> leux </stories/search/leux> romance
</stories/search/romance> trina </stories/search/trina> wayne
</stories/search/wayne> yours </stories/search/yours>
------------------------------------------------------------------------
mobile.png mobile 2215728 <#>
------------------------------------------------------------------------
abuse.png report
<user_login?msg=Please+login+to+continue&nexturl=feedback%3Fsubject%3Dspam%26mes
sage%3DI%2Bam%2Breporting%2Bthe%2Bfollowing%2Bcontent%253A%250Ahttp%253A%252F%25
2Fwww.wattpad.com%252F2215728-i%252527m-yours-complete-compilation>
Who's Reading
aishiteruhachi </user/aishiteruhachi>khim_prinxexa04
</user/khim_prinxexa04>esiuolnoirem </user/esiuolnoirem>marj_arian
</user/marj_arian>leilavillanueva </user/leilavillanueva>KimSantisteban
</user/KimSantisteban>haruchan28 </user/haruchan28>nymph_28
</user/nymph_28>thelovablesunshine
</user/thelovablesunshine>xenon_warriors
</user/xenon_warriors>thisisJhasK15 </user/thisisJhasK15>TheBestDamnGirl
</user/TheBestDamnGirl>nheii29 </user/nheii29>dnangel21
</user/dnangel21>saunako_megs </user/saunako_megs>143redmaica
</user/143redmaica>
sponsor
Recommended
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
Stuck in a Photograph by Mawi Cataran
</794436-stuck-in-a-photograph-by-mawi-cataran-siap-00>
fragile333
votes 981 comments 430
------------------------------------------------------------------------
Through his Stomach.
Through his Stomach. </2242126-through-his-stomach>
ZianneSan
votes 25 comments 17
------------------------------------------------------------------------
He's Mine --Chapter 10 na pala. :))
He's Mine --Chapter 10 na pala. :))
</1972525-he%27s-mine-chapter-10-na-pala-1-he-met-her>
imsoCupid
votes 67 comments 91
------------------------------------------------------------------------
votepanel_top.png
4
vote
<javascript:voteClick(2215728,'','');>
email <#>
votepanel_bottom.png
To Top <#> <http://support.wattpad.com>
sponsor
facebook.png <http://www.facebook.com/wattpad> twitter.png
<http://twitter.com/wattpad> youtube.png
<http://www.youtube.com/user/wattpad>
MADE IN CANADA canada.png
2011 WP Technology Inc.
User-submitted content subject to its own terms.
r.7263 .S3
WATTPAD
ABOUT US </about>
BLOG </blog>
JOBS </jobs>
GIFT SHOP <http://www.cafepress.com/wattpad>
HELP
QUESTIONS? <http://support.wattpad.com>
MARKET YOUR BOOK </marketyourbook>
CONTACT US </feedback>
MORE INFO
CONTENT GUIDELINES </guidelines>
TERMS OF SERVICE </terms>
PRIVACY POLICY </privacy>
To Top <#>
<PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>1</PIXTEL_MMI_EBOOK_2005>

You might also like