You are on page 1of 9

Ang Pinaka-masakit na Laban

Sinulat ni: Sandra Baares



Napakalakas nang buhos ng ulan nang gabing iyon. Papauwi na si Zion mula sa kanyang pinapasukan
na paaralan papunta sa kanilang bahay. Habang naglalakad ay nadaanan niya ang isang madilim at
masikip na eskinita na madalas ay hindi pinapansin ng mga tao. Dito niya nakita ang isang dalaga na
pinalilibutan ng tatlong masasamang loob. Nakasuot pa ito ng uniporme halintulad sa mga babaeng
estyudante sa kanyang paaralan. Marahil ay doon din ito pumapasok. Ipagpapatuloy na sana ni Zion ang
paglalakad sapagkat siya ang klase ng tao na walang pakielam sa kapwa ngunit sumagi sa kanyang
isipan ang nangyari noon sa nakababata niyang kapatid na babae, na namatay dahil sa pananaksak. At
tsaka, mayroon siyang napansin na hawak ng isa sa mga masasamang loob na nakatutok sa leeg ng
dalaga, isang kutsilyo.

Binibini kung ako sa'yo ibigay mo na lang ang pera mo kung ayaw mong masaktan! bulyaw ng lalaking
may hawak ng kutsilyo. Ngunit hindi umimik ang dalaga, sa halip nanatili lamang siyang nakatungo at
para bang walang narinig.

Bingi ka ba?! Kanina ka pa namin kinakausap! Gusto mo bang patayin ka namin, ha?! naiiritang bulyaw
ng isa sa mga lalaki sa dalaga. Nang marinig ng dalaga ang sinabing ito nang lalaki ay dahan dahan
siyang tumingala at tiningnan ito sa mata, punong-puno nang galit at kalungkutan.

Akala niyo ba natatakot akong mamatay ha?! Eh 'di sige, patayin niyo ko! Mas mabuti pa nga iyon,
matatapos na ang paghihirap ko at hindi ko na kailangan pang mabuhay! Oh, ano? Hindi niyo kaya? Mga
duwag naman pala kayo eh! sa wakas ay nakapagsalita na ang dalaga. Punong-puno nang tapang at
paghahamon ang kanyang boses na siyang ikina-inis ng mga masasamang loob.

Ah duwag pala ha! sasampalin muli ng pangalawa ang dalaga ngunit may pumigil sa kanyang kamay.
Lumingon siya sa kanyang likuran at doon niya nakita ang isang binata na walang iba kundi si Zion, na
mayroong matatalim na titig. Sinuntok ng binata ang lalaki sa mukha at tsaka sinipa ang ibabang parte
nito. Sumugod kay Zion ang isa pa ngunit nasuntok niya kaagad ito sa panga. Sinundan niya ito nang
paghampas sa pagitan ng leeg at balikat ng lalaki gamit ang isang kamay na dahilan upang mawalan ito
nang malay. Huling sumugod sa kanya ang lalaking may hawak ng kutsilyo. Tinangka ng lalaki na
saksakin si Zion ngunit nakaiwas siya sa pamamagitan ng pagtabi nang kanyang katawan mula sa
atake. Agad hinawakan ng binata ang braso ng lalaki na may hawak ng patalim at pinilipit ito hanggang
sa mabitawan nito ang hawak. Habang namimilipit ito sa sakit ay sinipa niya ito sa sikmura, dahilan para
tumalbog ang katawan ng lalaki sa dingding. Hindi niya pinalampas ang pagkakataon kaya naman ay
kinuwelyuhan niya ito at pinagsusuntok nang ilang beses.

Nang napatumba niya ang tatlo ay pumunta siya sa harapan ng dalaga na kanyang tinulungan, na
hanggang ngayon ay wala pa rin sa sarili. napansin nang dalaga na may nakatayo sa kanyang harapan
kaya naman ay dahan-dahan siyang tumingala at doon niya nakita ang isang pares ng mata, malamig at
walang emosyon, ang nakatitig sa kanya.

Hindi solusyon ang kamatayan para makatakas ka sa paghihirap na nararamdaman mo. Huwag mong
hayaan lamunin ka nang dilim. Mabuhay ka hanggang sa huli. natulala naman ang dalaga nang dahil sa
mga narinig niya. Parang binuhusan siya ng isang napakalamig na balde ng tubig, sapat para matauhan
siya at bumalik sa sarili. Pagkatapos sabihin sakanya ng binata ang mga iyon ay umalis na ito at iniwan
siyang mag-isa. Dahil sa mga binitawang salita ng binata ay isang bagay ang ipinangako ni Makel sa
sarili, isang bagay na gagawin niya hangga't kaya niya, ang mabuhay hanggang sa huli.

Kahit alam niyang wala nang rason upang ipagpatuloy pa ang kanyang buhay.

Siya si Miracle Dayondon o mas kilala bilang si Makel. Nasa ika-labindalawang baitang sa sekondarya at
labing-pitong taong gulang. Isang taong malapit nang maglaho dahil sa karamdaman niyang hindi na
kayang lunasan pa.

Lumipas ang isang linggo matapos ang pagligtas sa kanya ni Zion. Hindi niya ito kilala, ganun pa man,
ay sinubukan niyang alamin ang pagkatao nito. Natandaan niyang nakasuot ito ng uniporme halintulad
sa mga estyudanteng lalaki sa kanyang paaralan kaya naman mas madali niyang nakilala kung sino ito.
Napag-alaman niyang ang binatang nagligtas sa kanya ay nagngangalang Zion Lafuerte, nasa
labindalawang baitang din ngunit taga-ibang seksyon. Si Zion ang klase ng taong walang emosyon ang
mukha, malamig ang tono ng boses, walang pakialam sa mundo at mahilig makipag-basag ulo. Noong
una, ay hindi niya alam sa kanyang sarili kung bakit gusto niyang malaman ang katauhan ng binata,
siguro marahil ay sa kadahilanang may kakaiba siyang naramdaman nang gabing iyon. Isang
pakiramdam na kung saan, bumibilis ang pagtibok nang puso mo.

Isang umaga, habang nakikipag-usap si Zion sa mga kaklase nito sa kantin, ay may itinuro ang isa sa
mga kaklase niya sa kanyang likuran at sinabing may isang wirdong babae ang kanina pa nakatingin sa
gawi nila. Lumingon naman si Zion sa itinuro nang kanyang kaklase at nakita ang isang pamilyar na
mukha ng isang babae sa 'di kalayuan, ang nakatingin sa kanya. Napakunot ng noo si Zion at umiwas
nang tingin dahil paniguradong isa lamang ang bababeng ito sa mga nagkakandarapa sa kanya. Ngunit
habang kumakain, ay hindi siya mapakali. Pakiramdam niya, ay may mga pares ng mata ang nakamasid
sa kanya. Kaya naman muli siyang lumingon sa kanyang likuran, at nahuling nakatitig pa rin sa kanya
ang wirdong babaeng tinukoy kanina nang kanyang kaklase. Dahil sa inis, pumunta siya sa tapat nito at
binigyan ng malalamig na tingin ang dalaga, na walang iba kundi si Makel.

Sa kabilang dako naman, ay halos hindi makapaniwala ang dalaga na nasa harapan niyang muli ang
binata at pumunta pa ito sa kanyang harapan. Halos hindi na nakahinga ang dalaga habang papunta sa
kanya ang binata. Nag-init din ang kanyang mga pisngi. Parang kanina lang ay napansin niya ito sa 'di
kalayuan habang gumagawa siya nang kanyang takdang-aralin sa kantin at ngayon, nasa harapan na
niya ito.

May kailangan ka ba? Kanina mo pa kasi ako tinititigan.

Hindi talaga makapaniwala si Makel kaya naman kumurap kurap pa siya ng ilang beses dahil hindi
lamang ito pumunta sa kanyang harapan kundi kinausap pa siya nito nang hindi siya nagpapapansin sa
binata.

Tinatanong kita.

Pinilit na magsalita ni Makel ngunit wala ni isang salita ang lumalabas sa kanyang bibig. Dahil sa hindi
pagsasalita ng dalaga, ay mas lalo lamang nainis si Zion kaya naman napagpasyahan niyang tumalikod
na upang bumalik sa kanyang puwesto. Nabigla ang dalaga sa ginawa ng binata at kaya naman, dahil
takot siyang umalis ito sa kanyang harapan, ay mula sa pagkaka-upo, ay awtomatiko siyang napatayo at
hinatak ang pulso ng binata. Kunot-noong napalingon ang binata sa dalaga. Sa mga oras lang na iyon
nabawi ni Makel ang kanyang boses at lakas ng loob kaya naman awtomatiko rin niyang naibulalas ang
kanyang damdamin.

GUSTO KITA ZION!

Halos lahat nang nasa kantin ng mga oras na iyon ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa at napatingin
sa pinagmulan nang sigaw na iyon na nakakuha nang kanilang atensyon. Sa una ay hindi maipinta ang
reaksyon ni Makel nang mapagtanto niya kung ano ang kanyang ginawa. Inaasahan ni Zion na tatakbo
paalis si Makel dahil sa kahihiyan ngunit taliwas ito sa kanyang iniisip.

Hehehe. Pasensya po! Pasensya. pagpapaumanhin ni Makel habang nakangiti at magkadaop ang
kanyang mga palad sa mga taong nakatingin sa kanila. Sa ginawang ito ng dalaga ay mas lalong
napakunot ang noo ni Zion hindi dahil sa inis kundi, dahil sa pagtataka. Kahiya-hiya ang ginawa ng
dalaga ngunit bakit nakangiti pa rin ito? Habang nakatitig si Zion sa mga ngiti ni Makel ay doon niya lang
naalala kung sino ito at ang mga nangyari kahapon. Kaya pala pamilyar ang mga ngiti at boses nito.
Natandaan niya kung gaano ito kakulit, kung gaano kasakit ang matamaan ng sapatos sa ulo, at ang
pag-iinarte ng dalaga para lamang mapilitan siyang tanggapin ang sulat na gustong ibigay sa kanya ng
dalaga kahapon. Natandaan niya rin na ang dalagang kaharap niya ngayon ay ang babaeng niligtas niya
isang linggo na ang nakakaraan.

Aha! Ikaw 'yung wika ni Zion habang may halong pagka-inis habang inaalala lahat nang nangyari
kahapon ngunit ito'y naputol dahil nagsalita si Makel.

Kamusta ka! Kilala mo pa ba ako? Ako 'to, si Miracle! Ako 'yung niligtas mo noong isang linggo mula sa
mga masasamang loob! Yiee~ Naaalala mo na ako no? maligayang-maligayang wika ni Makel na may
halong pang-aasar sa binata habang tinutusok-tinusok niya ang tagiliran nito. Sa hindi malamang
kadahilanan, ay biglang namula ang binata sa ginawang ito ni Makel.

Tsk! E-ewan ko s-sa'yo! inis na bulyaw ng binata.

Hahaha! Nakakatuwa ka talaga! Ay, siya nga pala! Kumain ka na ba? Samahan mo ako dali!
nakangiting wika ni Makel habang mabilis na inaayos ang mga gamit.

Ha? Anong pinagsasasabi mo?

Halika! Hihi! kinikilig na wika ni Makel sabay hatak sa pulso ni Zion.

T-teka! Saan mo ko dadalhin?! O-oy! ngunit bago pa man makapiglas ang binata sa pagkakahawak sa
kanya ng dalaga ay nakaladkad na siya nito paalis.

O-oy! B-bitiwan mo nga ako! Ano ba! Saan mo ba ako dadalhin ha?! pilit na nagpupumiglas ang binata
ngunit masyadong mabilis maglakad ang dalaga kaya hindi niya magawang makawala.

Sa halip na sagutin ang katanungan niya ay lumingon sa kanya si Makel nang nakangiti at sinabing,
Basta! Akong bahala sa'yo! pagkatapos noon ay bumalik na ulit sa harapan ang paningin ng dalaga.
Napatigil panandalian ang binata nang nakita niya ang mga ngiti ng dalaga. Napaka-dalisay at napaka-
puro. Isang kakaibang pakiramdam, kung saan bumibilis ang tibok nang puso mo pag nakikita mo ang
isang tao, ang naramdaman ni Zion nang mga oras na iyon. Huminto sila sa paglalakad at nakita niyang
nasa rooftop silang dalawa nang kanilang paaralan.

Oh tapos? Anong gagawin natin dito? naiinis na wika ni Zion habang nakatingin sa napaka-lawak at
walang katao-tang rooftop. Wala kasing mga estyudanteng tumatambay dito dahil karamihan sa kanila
ang kumakain sa kantin na nasa pinaka-unang palapag nang kanilang paaralan. Sa parteng ito ng
paaralan palaging kumakain nang dala niyang baon si Makel dahil presko at sariwa ang simoy ng hangin
dito. At dahil natiyempuhan niya si Zion ay napagpasyahan niyang isama ito sa kanyang pag-kain sa
pamamagitan nang paghatak at pagkaladkad, kahit alam niyang napaka-kapal ng mukha niya upang
gawin ang ganoong bagay.

Eh 'di kakain! Halika, dali! Sa banda doon tayo umupo. hinatak ni Makel ang binata sa pulso nito
upang pumunta sa puwestong itinuro niya. Umupo siya sa semento at nang mapansin niyang hindi
sumunod si Zion sa kanyang ginawa ay hinatak niyang muli ang binata pababa upang mapaupo ito sa
kanyang tapat.

Kinuha ng dalaga ang dala niyang baon, binuksan ang isang lalagyanan ng pagkain at ngiting-ngiting
inalok kay Zion. Napataas naman ang kilay ng binata dahil sa pagtataka nang kanyang mapansin kung
ano ang pagkaing na sa harapan niya.

Oh, kumain ka. Masarap 'yan! Paborito ko pati iyan!

Pakielam ko ba kung paborito mo iyan ha?! habang nakaturo sa dalawang bibingkang nababalutan ang
ilalim na parte ng dahon ng saging.

Ehh! Sige na oh, kumain ka na! pag-abot sa kanya ng isa sa mga bibingka. Sige ka, sayang din iyan
kung hindi mo kakainin! Marami pa namang tao ang nagugutom sa mundo. Biyaya din iyan!

Aish, oo na! Kakainin ko na! Tss.

Pagkatapos nang pag-uusap nilang iyon ay kumain sila nang tahimik at payapa. Ngunit kahit hindi pa
nauubos ni Zion ang kinakain niya ay umalis siya kaagad dahil sa hindi malamang kadahilanan. Ang
alam lang niya ay nag-iinit ang kanyang mga pisngi at napaka-bilis ng tibok nang kanyang puso habang
inaalala ang mga ngiti ni Makel kanina.

Makalipas ang ilang araw, isang maulan na hapon, ay uwian na ang mga estyudante. Mabuti na lang ay
may dalang payong si Zion kaya naman hindi siya mababasa kung saka-sakali. Nasa gate siya nang
kanilang eskwelahan at papauwi na sana nang mayroong magsalita sa kanyang tabi.

Pasabay!

Anak ng! Halos mapatalon sa gulat si Zion dahil sa babaeng sumulpot na lang bigla sa kanyang tabi,
na walang iba kung hindi si Makel. Ikaw nanamang babae ka?! Sinusundan mo siguro ako, ano?!

Hihihi! Naaalala mo pa pala ako! Pwedeng sumabay sa iyo pauwi? Wala kasi akong dalang payong.
Sige na nanaman oh. Malapit lang naman ang bahay namin. Sige na? dahil napaka-kulit ni Makel, ay
napasang-ayon niya si Zion. Habang naglalakad nang sabay ang dalawa ay binalot sila ng matinding
katahimikan. Tanging ang pagbuhos ng ulan at kanilang mga yapak ang tanging maririnig sa mga oras
na iyon. Napagpasyahan ni Makel na basagin ang katahimikan na pagitan nilang dalawa ng binata.

Zion, bakit mo pala ako niligtas noong gabing nanganganib ang buhay ko?

Pakielam mo ba ha? Tss.

Ehh! Naman eh! Bakit nga? Yiee~ Sasabihin na iyan. pangungulit ni Makel sa binata. Hindi naman
nakatiis si Zion dahil dito at pakiramdam niya ay ang gaan-gaan ng kalooban niya sa dalaga kaya naman
nasabi niya ang kanyang dahilan.

Aish! Oo na, sasabihin ko na. Naalala ko kasi 'yung nakababata kong kapatid na babae noong nakita
kita. Namatay siya isang gabi dahil sa pananaksak ng isang masamang loob. 'Yun ang dahilan kung
bakit kita inilgtas. Eh ikaw, bakit nasa eskinita ka noong gabing iyon? At tsaka, bakit mo sinabi na, mas
mabuti pa kung mamamatay ka na lang para matapos na 'yung paghihirap mo? Anong ibig sabihin mo
doon?

Napadpad lang ako sa eskinitang iyon habang naglalakad ako. Noong gabing iyon kasi, nalaman ko
na...

Nalaman mo na ano?

Ah basta, saka ko na lang sasabihin sa iyo. Yiee~ bakit mo gustong malaman ha? ngiting-ngiting wika
ni Makel. Halos tumigil panandalian ang mundo ni Zion dahil sa ngiting iyon ng dalaga. Mistulang
nakikipag-karera ang kanyang puso dahil sa bilis ng tibok nito.

Aish! B-bahala ka nga diyan! binilisan ni Zion ang kanyang paglalakad para maunahan ang dalaga.
Nararamdaman niya kasing nag-iinit ang kanyang mga pisngi sa hindi malamang dahilan. Ngunit
ganumpaman, ay naabutan pa rin siya ng dalaga. Ilang saglit pa ay huminto sila sa paglalakad sa tapat
ng isang bahay.

Paano ba 'yan, dito na ako. sabay turo ni Zion sa bahay na nasa kanilang tapat.

Ganun ba. Paano 'yan, medyo may kalayuan pa ang bahay ko. Wala akong dalang payong.

Oh ito. Gamitin mo ang payong ko. Ibalik mo din iyan bukas ha?

Talaga? Hihihi! Masusunod po ginoo! sa unang pagkakataon, ay tumawa si Zion dahil sa mga
pambatang-asal ng dalaga.

Anak!

Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses ng isang lalaki. Doon nakita ni Zion ang kanyang
Ina sa may balkonahe nang kanilang tahanan, kasama ang isang lalaking may katandaan na ang itsura.
Ang lalaking kinasusuklaman niya dahil sa pag-iwan nito sa kanilang mag-ina para sumama sa ibang
babae, ang kanyang Ama. Matagal na nilang hindi ito kasama sa kanilang tahanan dahil mayroon na
itong ibang pamilya.

Anong ginagawa mo sa pamamahay namin, ha?! Anong karapatan mong makipagkita kay Inay?!
Huwag mong sabihing nakalimutan mo na ang ginawa mong pag-iwan sa amin! galit na galit na sabi ni
Zion sa kanyang Ama.

A-anak

Huwag mo akong matawag-tawag na anak! Dahil kahit kailan, hindi kita tinuring na ama! kasabay nito
ay ang paglalakad paalis ni Zion.

Zion! paghabol ni Makel kay Zion. Nang maabutan ni Makel si Zion ay buong tapang niyang kinausap
ang binata.

Zion hindi tama ang sinabi mo sa Tatay mo kanina. Wala man akong alam sa problema ng pamilya niyo
pero ang alam ko lang, ay Ama mo pa rin siya at hindi mo siya dapat sinabihan ng masasakit na salita.
Dapat binigyan mo pa rin siya ng respeto.

Pwede ba, tumahimik ka na lang! Hindi ko kailangan ng opinyon mo! At isa pa, kung makapagsalita ka,
akala mo alam mo na ang nararamdaman ko! Ito ang tatandaan mo, huwag na huwag mo akong
sasabihan kung ano ang dapat kong gawin! Mas mabuti pang lubayan mo na lang ako dahil hindi kita
kailangan, naiintindihan mo ba?!

Natigilan si Makel dahil sa sinabi ng binata. Mistulang tinusok ng isang libong espada nag kanyang puso
dahil sa narinig. Kahit pa pinipigilan niya ang kanyang mga luha na nagabadyang tumulo ay hindi niya pa
rin nagawa. Dahil sa pag-iyak na ito ni Makel ay nawala lahat ng galit na nararamdaman ni Zion. Kagaya
ng dalaga, nakaramdam siya ng kirot sa kanyang puso.

Pero ako, kailangan kita. Alam mo ba kung bakit napadpad ako sa eskinita noong gabing iniligtas mo
ako? Noong gabi kasing iyon, nalaman ko na mayroon na lamang akong isang buwan upang mabuhay.
Kasi Zion, may sakit ako. Kanser at sabi ng doktor, hindi na ito kayang lunasan pa. Magpapakamatay
sana ako ng gabing iyon pero dumating ka at inilgtas mo ako. Binigyan mo ako ng pag-asa at
nagpapasalamat ako dahil doon. Alam mo, dahil sa pagligtas mong iyon sakin, nagustuhan na kita.
Pasensya na kung palagi na lang kitang kinukulit. Zion, palagi mo sanang tandaan na ikaw ang
nagsilbing liwanag sa buhay ko. Paalam.

Tumakbo na palayo ang dalaga. Halos hindi naman makapaniwala si Zion sa narinig. Tumutulo na rin
ang kanyang mga luha kagaya ng dalaga. Lumuluha siya hindi dahil sa awa, kundi dahil sa kanyang
nararamdaman. Dahil sa totoo lamang, natutunan na ring magustuhan ni Zion si Makel sa maikling
panahon. Hinabol niya ang dalaga ngunit hindi na niya ito naabutan.

Lumipas ang siyam na taon. Matagumpay na nakapagtapos si Zion sa hayskul at kolehiyo. Tungkol sa
kanyang Ama, ay napatawad na niya ito. Sa mga nagdaang taon, wala siyang naging balita tungkol sa
dalaga. Ni hindi nga ito pumunta sa kanilang pagtatapos. Ngunit sa mga nagdaang mga taon na ito ay
nananatili pa rin nag pagmamahal niya sa dalaga. Kahit hindi siya sigurado kung buhay pa ito o naglaho
na nang tuluyan.

Isang araw, habang bumibili si Zion ng bibingka mula sa trabaho niya bilang isang doktor, dahil naging
paborito na niya rin ito dahil kay Makel, Manang pabili ngang bibingka!/Ate pabiling bibingka! ay may
nakasabayan siyang magsalita. Lumingon siya at nakita niya nag isang pamilyar na mukha. Gulat na
gulat ang binata ganon din ang dalagang katabi niya.

Makel

Zion





















Proyekto
sa Filipino:
Maikling Kuwento




Ipinasa ni: Sandra R. Baares
IV - Aquamarine

Ipinasa kay: Ginoong Alejandro Ducay

You might also like