You are on page 1of 2

Theresa Marie M.

De Claro
FIL002 B96
15 Salitang Karaniwan mong Marinig sa mga Pilipino
1. arbor: paghingi sa nagustuhang gamit o bagay.
Ang ganda naman ng bag, pa-arbor naman oh!
2. atat: nagmamadali.
Huwag kang masyadong atat. Makakarating din tayo sa ating pupuntahan
3. atchay: Isa pang pagtawag sa katulong na babae; pareho lang ng tsimay
Simula ngayon si Stella na ang ating bagong atchay ditto sa bahay.
4. bad-trip: inis, asar. wala sa mood.
Bad trip! Kinulang pa ako ng 1 puntos sa ating pagsususlit kanina!
5. baduy: di naa-ayon ang damit o kasuotan sa lugar o kasama. Di terno at bagayang
mga kasuotan. Tulad ng rubber shoes at barong.
Palitan mo naman yang damit mo! Ang baduy kasi eh, hindi nararapat sa okasyong ito.
6. barkada: grupo ng magkakaibigan
Parang barkada lamang ang turingan naming mag-ina.
7. boking: Na huli, nalaman; na bulgar
Huwag ka ng magsinungaling, dahil nabuking na kita.
8. bulgar: bistado o na huling may itinatagong sikreto
Huwag ka ng magkunwari saming lahat, dahil nabulgar ko na iyong pinakaiingatang
sikreto.

9. burloloy: maraming dekorasyon na ma-arte, mga ornamentos at palamuti na baduy o
jologs tignan
Napakarami mo namang burloloy sa katawan!
10. dekwat: nakaw, kinupit, inangkin
Saan mo nadekwat ang sutsuot mong mga palamuti?
11. echosera: mapagbiro
Asus! Echosera kang talaga.
12. hanep: galing, maganda.
Hanep ang iyong talento sa pag-pinta.

Theresa Marie M. De Claro
FIL002 B96
13. hinayupak: hayop. walang hiya
Isang hinayupak na ama si Pedro, dahil sa pang-aabuso na ginagawa niya sa kanyang
mga anak.
14. jokla: Its another form for the word "bakla".
Ang landi-landi mo talagang jokla ka!
15. kita-kits: kita-kita. magkita sa isang lugar.
Bukas ng tanghali ay kita-kits tayo sa SM.
16. Pake: nanggaling talaga ang salitang ito mula sa pakialam
Ano ba ang pake mo sa mga ginagawa ko?

You might also like