You are on page 1of 1

Technical Committees Rules inside the Court

Mga regulasyon na ipinapatupad sa loob ng court habang naglalaro ang inyong kupunan.
Panatiliphing maisakatuparan ang mga sumusunod na mga regulasyon ng mga nagpapalaro.
Maraming Salamat po.

1. Ang mga line up na orihinal na naipasa na ay hindi na po pwedeng baguhin pa
2. Ang mga player na hinahabol sa isang team na gustong makapaglaro ngunit wala sa
naipasang line up ay hindi na po pwedeng makapaglaro kahit na residente sya ng
barangay
3. Ang pinapayagan lang pos a bench ay ang mga players, coach, assistant coach at manager
para po mapanatili natin ang kaayusan at kagandahan ng ating palaro.
4. Ano man po ang inyong mga reklamo o katanungan tungkol sa loob ng court habang
naglalaro ang ating mga players ay makipag-ugnayan sa ating committee
5. Kapag ang isang player ng isang team ay naka-inom ng alak, agarang ididiklara ang
pakatalo ng kinabibilangan nyang team
6. Panatilihin ang pakikiisa sa anumang desisyon ng committee at referees
7. kapag ang isang team ay nag-walk out during the game, sila ay bibigyan lamang ng
limang minuto upang bumalik sa kanilang bench at kapag sila ay hindi nakabalik sa loob
ng itinakdang oras, agarang idideklara ang kanilang pagkatalo at hindi na papalaruin sa
mga natitirang game.
8. Madiin po naming pinapaalala sa mga players na panatilihin ang kagandahang asal sa
loob ng court hanbang naglalaro. Kapag siya o sila ay nakipag-away or nag-intentional
foul, hindi na makakapaglaro o din a pwedeng maglaro.
9. Ang mga qualified na manlalaro ay mga residente lamang ng Barangay Santiago

You might also like