You are on page 1of 13

Ang mga bata at estudyante ay hindi dapat

magsuot ng mga mamahaling alahas o


magdala ng maraming pera. Ang mga ito
ang tumatawag sa pansin ng mga criminal.
Kapag inabot ng gabi sa daan, huwag
maglakad sa mga lugar na madilim o hinid
naiilawan.
Iwasan ang mga masisikip na daan o
shortcut. Madalas ang mga ito ay hindi
matao at siyang pinaglalagian ng mga
masasamang elemento.
Mag-ingat sa mga taong hindi kilala. Laging
dumistansya at kung maaari, huwag
makipag-usap sa kanila.
Kabisaduhin ang paligid ng mga lugar na
malimit mong dinadaanan ng sa ganoon ay
alam mo ang pupuntahan kung may
panganib.
Huwag basta tumanggap ng anumang
pagmamagandang loob ng mga taong hindi
mo kilala lalung-lalo na kapag kayo ay
pinasakay sa kanilang sasakyan.
Kung maari, huwag maglakad ng
nag-iisa.
Kapag may dalang sasakyan,
siguraduhing naka-lock ang mga
pintot bintana upang makaiwas
sa mga salisi gang.
Bago sumakay sa pampasaherong taxi o jeepney,
maari lamang na isulat o isaulo ang body number at
plate number nito at i-text ang mga ito sa mga
magulang o kasambahay. At i-text din ang linya ng
jeepney kung nakasakay dito o kung nasa taxi ka
naman, ang pangalan nito.
At kung nakasakay na sa taxi, ipa-rinig sa driver
nito, sa pamamagitan ng celfone, na ipinagbibigay-
alam mo sa mga magulang mo o kasambahay ang
mga detalyeng nabanggit sa naunang talata (no.1).
isama rin ang pangalan ng driver. Itoy maaring
Makita san aka-display na ID. Ipagbigay alam din
kung saan ka sumakay ng taxi/jeepney at kung saan
ka papunta.
Kung ang bus, jeepney o pampasaherong
tren na sinasakayan ay punung-puno,
huwagmagtiwala sa iyong katabi o sa taong
nasa likod.
Huwag ilabas sa bintana ng sasakyan ang
iyong kamay lalo na kung may suot na
lahas.
Kung may nangyayaring hold-up sa loob
ng sasakyan, huwag lumaban sa
armadong kalaban o kriminal. Sundin ang
kanyang gusto para hindi ka masaktan.
Huwag subukang tumalon.
Bago sumakay sa jeepney, o ibang
pampublikong sasakyan, maging
makilatis. Ang mga kriminal ay hindi
nakikipagtinginan sa kanilang
bibiktimahin.
Ang mga magulang ay dapat laging makipag-
ugnayan sa mga titser o guwardiya ng eskwelahan.
Dapat ipaalam sa kanila kung sino ang tagasundo
ng inyong mga anak.
Kung ang bata o estudyante ay hindi sumasakay sa
school bus, mas mabuting kumuha ng suki mong
magma-maneho sa paghahatid-sundo sa
eskwelahan ng inyong anak.
Palaging ipagbigay-alam ng mga estudyante o
mag-aaral sa kani-kanilang magulang kung may
ibang pupuntahan maliban sa eskwela at kung
sino-sino ang mga kasama, pati na ang paraan
kung paano sila makokontak.
Hanggat maaari at kung kaya ng bulsa ng
mga magulang, bigyan ang mga anak na
estudyante ng pang-depensa sa sarili.
Payuhan ang mga anak na manatili sa loob
ng eskwelahan kung wala pa ang kanilang
sundo at huwag makikipag-usap sa mga
taong hindi nila kilala.
Payuhan din ang mga anak na maging
alerto sa mga nanggigitgit na mga
motorsiklo o kotse habang silay naglalakad
sa daan para iwas-hablot.
Kung kailangang sumakay sa jeepney, mas
makabubuti na huwag sumabay kung lahat ng
pasahero ay mga lalaki.
Sa mga estudyante, hanggat maaari, pumili ng
pang-umagang subjects. Kung ito ay hindi posible,
tiyakin laging may kasamang kilala sa pag-uwi sa
gabi.
Ang madalas na pangho-holdap at iba pang krimen
ay nangyayari sa madidilim na parte ng daan.
Huwag basta tumanggap ng offer na
pagsakay sa mga taong hindi mo kilala.
Huwag tumanggap ng anumang bagay mula
sa mga di kilala, kahit na kendi, inumin o
pagkain.
Kung laging naglalakbay na mag-isa, mas
mabuting magdala na rin ng gumaganang
tear gas cannister.
Magsisigaw at humingi ng tulong kapag
nasa panganib.
WOMEN & CHILDREN PROTECTION CENTER: 0919-7777377
PNP TEXT ANTI-KOTONG: 0927-5151515
POLICE COMMUNITY RELATIONS GROUP 724-9863

KUNG EMERGENCY TUMAWAG SA
MAARI RIN GAMITIN ANG PNP TXT 2920

You might also like