You are on page 1of 2

Boy: Nagsasayang lang tayo ng oras

Girl: at ngayon iniisip ko na tanga ako?


B: alam mong hindi yun aking sinasabi, Marissa
G: hindi mo nga sinasabi pero alam kong yan ang iniisip mo.
B:malamang yan ang iniisip ko ngayon. Katangahan lng ang lahat ng ito!
G: tignan mo?
B: ano? Totoo naman eh. Sino bang may pake kung gusto kong umalis ng maaga?
Ikaw nga hindi mo nga sha mashadong kilala tapos galit ka sakin?
G: oo! Kasi iniisip mo na iniinis lang kita
B: oh my god! Hindi na toh tungkol satin eh! Tungkol na toh sa kasamahan mo sa
trabaho at ang kanyang walang kwentang kainan na kailangan mong puntahan dahil
feeling mo walang shang kaibigan. Hindi naman natin kailangang manatili ng buong
apat na oras!
G: pero tungkol sa atin ito! Tungkol ito sa pag-unawa mo kung ano ang mahalaga
para sa akin!
B: mahalaga sa iyo ang pagkain ng potato salad at maglaro ng scrabble?
G: katangahan lng ang lahat ng ito.
B: yun nga ang sinabe ko!!
G: ikaw ang tanga
B: alam mo, pagbibigyan na kita, pwede bang sabihin mo nalang sakin kung
makakaalis tayo ng maaga o hindi, please?
G:Josh, sabihin mo sakin
B: ano? (whisper)
B: okay, sorry nagtanong pa ako. Pwede bang ikaw nalang magpasya at gagawin ko
nalang ang kahit na ano?
G: hindi, Josh, hindi na ngayon, dahil gagamitin mo lng iyan panlaban sakin at
sasabihin mong lagi mong sinusunod ang gusto ko. Hindi pa pwede ngayon.
B: uy! Hindi ko ito kasalanan. Walang rason para dito.
G: tama ka. Wala ngang rason para dito.

B: Hindi kami laging ganito. Hindi ko na matandaan kung kailangan pero sigurado
akong hindi kami ganito. Dati, siya ang aking.. unicorn. Yun bang mahirap na
paniwalaan kasi sobrang special. Yung babaeng akala kong sa panaginip lng. Pero,
pagkalipas ng oras, mula sa unang yugto ng aming relasyon hanggang sa sumunod,
ang daan na nagsimula sa pagiging inosente at masaya, naging ganito na. Subalit,
katulad ng karamihan, nagsimula kami nang hindi magkakilala.

Unang ugto: ang pagkikita. Salamat sa sintas.
B: excuse me! Excuse me, hindi nakatali ang sintas mo
G:oh..oh.. salamat!
B: walang ano man.. gusto mo bang.. whooaap!

B: hindi ko kayang iplano ng mas mabuti pa kahit sinubukan ko. Pero salamat sa diyos
limang taon na at hindi pa din inayos ang mga lubak sa daan. Hindi ko sinabe sa
kanya na..unang beses ko tumakbo nun sa loob ng siyam na buan at umabot kami ng
limang milya noong araw na yun. Nakakaawa tignan na gagawin ng lalaki ang kahit
ano basta para sa tamang babae. Sa huli, sulit ang lahat dahil nakuha ko ang kanyang
number. Naging ok ang samahan namin noong araw na iyon...para sa akin siguro.
Nahimatay ako ng ilang minuto, pero nung nagising ako naalala ko na nakagawa ako
ng isang magandang impresyon.

At mula doon, pumasok na kami sa pangalawang yugto. Ang paghahabol. May
nagsasabi na ito ang pinakamasyang bahagi. Gusto ko lang na mas makilala ko pa
siya ng lubos. Gusto ko lang siya makasama.
G: Handa ka na ba?
B: *sigh* ugh..
siya lang ang gusto kong makausap. Siya ang aking prioridad.
*Cell phone rings*
Extra: pare ano ba?
At tuwing nakikita ko siya.. paro-paro... nasa kanya na ang lahat ng iniisip kong
perpektong bababe.... at sa tamang oras...
B:gusto mo ba maging aking nobya?
G: oo

At ng dahil sa simpleng salita na ito...nagsimula na ang aming relasyon... na
nagdadala sa amin sa pangatlong yugto. Ang honeymoon. Ito ang tawag ng lahat
dito..at mabuting rason ito. Iyon ang oras kung saan maari na naming ipakita ang
pagmamahal sa isat isa at gawin ang lahat ng gusto naming gawin bilang
magkasintahan. Natupad ang aking mga pangarap. Na sa aking na ang babaeng
gustong-gusto kong makasama. Subalit, unting-unti nawala ang apoy at naging
normal na ang aming pagsasama. Sa huli, nagkaroon kami ng napakaraming letrato
ng isatisa at alam na namin ang bawat detalya ng aming pangaraw-araw na buhay..
at kagaya ng mga normal magkasintahan, pumasok kami sa pang-apat na yugto.
Pagiging Komportable.

B: anong gusto mong gawin ngayon gabi?
G:hindi ko alam. Kahit ano.
B: hindi naman sa masama ang pagiging komportable. Ito ang panahon kung saan
pwede na kaming maging ang aming tunay na sarili. Pero depende kung ano ang
gagawin mo sa komportableng iyon. Ang iba sa atin, ginagamit ito sa tama, patuloy
pa ding pinapatakbo at pinapabuti ang relasyon. Subalit ang iba naman, pinapayagan
itong gumawa ng agwat. At para sakin at kay Marissa, dahil dito hindi na namin
pinapahalahan ang isat-isa.

B: uy anong ginagawa mo? Martes ngayon ah bat hindi ka nakabihis?
G: ay oo nga pala..pwede bang wag nalang tayo tumuloy? Hindi ko mashadong gusto
tumakbo ngayon e.
B:ikaw ang nagplano ng araw na ito ah
G: alam ko pero may kailangan pa kasi akong gawing ibang bagay..uhm.. sa susunod
sa linggo nalang ulit?
B: sige

You might also like