You are on page 1of 7

KABANATA III: PANUNURI

BUOD NG PAGLALAHAD NG SULIRANIN(migs and val)


Ang hilot ay ang katutubong paraan ng panggagamot dito sa Pilipinas. Samakatuwid,
ang pangunahing nagagawa o benepisyo na makukuha sa Hilot ay ang panunumbalik ng
kalusugan, hindi lang ng katawan, kundi maging ng damdamin, at isipan. (Fajardo & Pansacola,
n.d.).
Hango sa aklat ni Fajardo at Pansacola (n.d.), ang tradisyonal na hilot ay nakaugat sa
malalim na paniniwala sa Diyos, na siyang pagmumulan ng buhay. Ang hilot na madalas gawin
noon at hanggang ngayon ay isang paraan ng panggagamot na tumatanaw sa kabuuan ng tao,
kaya ang konsepto ng kalusugan ng hilot ay sumasaklaw hindi lamang sa pisikal na
pangangatawan, kundi pati sa isip at damdamin.
Ayon sa Pinoy Culture (2012), ang hilot ay isang sinaunang sining ng paggamot gamit
ang mga kamay at mga halaman. Ito ay parte ng tradisyonal at sinaunang kultura ng mga
Pilipino. Tinuturing ng mga Pilipino noon ang hilot bilang isang miracle art of therapy. Ang Hilot
ay matagal ng ginagamit sa Pilipnas at mayroong kaugnayan sa mga matatandang
manggagamot. Ang salitang hilot ay iba-iba sa bawat rehiyon. Sa Tagalog region mayroong,
"Hilot," "Manghihilot," "Hagod," "Manghahagod," "Haplos," "Albolary," at "Magagamot."; "Aplos"
naman sa Bontoc region; "Unar" sa Kalinga Apayao region; "Aptus" sa Ibatan region; "Ilot" o
"Ilut" sa Ibanag, Isneg, Ilocano, Itawis, Zambal and Pampango region. Sa Hilagang Ilocano
region naman ay Ablon; "Kemkem" sa Pangasinan region; "Elot" sa Ilonggo region; "Agud" o
"Agod" sa Mindanao at Maranao region; at "Hagod" sa Bukidnon region.
Mayroon higit 100 uri ng hilot, massage modalities, massage therapies, at paghagod
ayon sa Pinoy Culture (2012). Ang ilan sa mga tradisyonal na uri ng hilot ay ang pagbalanse sa
apat na elemento ng katawan- lupa, tubig hangin, at apoy; ang paggamit ng mainit na bato para
mapahinga ang mga kalamnan; ang paggamit ng may sinding kandila at baso, ito ay mas kilala
sa tawag na Bentosa Cup Hilot Massage; ang pagmasahe sa mga paa gamit ang rattan sticks,
ito ay tinatawag na Dagdagay; at ang pagmasahe sa anit para mawala ang sakit ng ulo, kilala
ito sa tawag na tiris.
Madalas na walang pormal na edukasyon at pagsasanay ang mga nagsasagawa ng
Hilot. Marami sa mga manghihilot sa rural na lugar ay nakuha ang kanilang kasanayan sa
ipinasang edukasyon sa kanila ng mga naunang manghihilot ayon kay Dr. Godofredo Stewart
(n.d.). Ang proseso ng hilot ay isinasagawa ng albularyo, medico, manghihila, at magpapaanak.
Ang tradisyonal na paghihilot ay ginagawa upang malunasan ang maga musculoligamentous
at muskeloskeletal ailments.
Mahalaga ang hilot sa mga Pilipino mula pa noon dahil para sa mga Pilipino, ang hilot ay
higit pa sa isang payak na masahe. Ito ay isang repleksyon ng paraan ng pamumuhay ng mga
Pilipino. (Maraa at Tan, 2013) Pinapanatili nito ang tradisyonal na mga konsepto at
pamamaraan ng panggagamot na napatunayan ng ligtas, mabisa at may naidudulot na
benepisyo sa kalusugan. Hanggang ngayon, naniniwala ang tao na sa pamamagitan ng hilot ay
makukuha ng tao ang pangunahing pangangailangan ng isip, katawan at emosyonal na
konsepto na kailangan para sa pagpapanatili ng kalusugan. (Purto, 2010) Ito ang mga dahilan
kung bakit hanggang ngayon ay marami pa rin ang naniniwala at tumatangkilik sa hilot.
Ayon kina Tan at Maraa, ang hilot ay pangunahing bumubuo sa sistema ng tradisyonal
na medisinang Pilipino. Ito ay nagsilbing tradisyon na binuo at hinubog ng kasaysayan.
Nagkaroon ito ng implikasyon sa ating bansa sa pamanang kultural, turismo ng bansa at
sistema ng kalusugan. Ayon sa isang isa pang nagaaral ng alternatibong medisina, ito rin ang
naguudyok sa mga pagaaral ng mga halamang gamot na napagalamang mabisa at ligtas at sa
mga nakakasama sa katawan. Bukas ito sa pagbabago ng panahon ngunit nananatili itong
tapat sa paggamit ng simpleng paghagod at sa mga paraan na ginagamit na noon pa ng ating
mga ninuno. (Purto, 2010) Ilan sa mga uri ng hilot na umusbong sa modernong panahon ay ang
acupressure, aromatheraphy, Ayurveda, Bowen technique, craniosacral theraphy, effleurage,
hot stone massage at trigger point. (Massage Theraphy Trends, n.d).
Ang mga manghihilot ay nagsasanay at nagaaral ng mga konsepto at pilosopiya ng hilot
ang siya pa ring nagsasagawa nito. Sila ay may sapat na kaalaman pagdating sa bayolohikal,
sosyal, paguugali at pisiyolohikal na aspeto ng pamumuhay na kanilang ginagamit sa
panghihilot. (Pinoy Culture, 2012). Maraming dahilan kung bakit nagpapahilot ang tao.
Ayon pa rin kay Purto, ang hilot ay isinasagawa upang linisin ang dumi sa loob ng
katawan sa tulong ng pinakuluang katas ng Sambong at pagdagdag ng ampalaya sa diet. Ito ay
tinatawag na Bio-chemical process. Inaayos din ng hilot ang daloy ng enerhiya sa ating katawan
sa pamamagitan ng ibat ibang diin at paghagod sa mga parte ng katawan. Ito ang sanhi upang
magpakawala ang katawan ng mga neurotransmitters tulad ng dopamine at serotonin. Ang
proseso na ito ay tinatawag naming Neuro-electrical process. Muscoskeletal process ay
tumutukoy naman sa pagsasagawa ng hilot sa kalamanan at kasukasuan upang matanggal ang
dumi sa katawan na sanhi ng pagsakit ng unang nabanggit. Panghuli, ang hilot ay may maaari
ding makatulong sa daloy ng dugo. Tumutulong ito sa pagpapabuti ng sirkulasyon ng lahat ng
sustansya at hangin sa lahat ng bahagi ng katawan. Tinatawag itong Vascular-Lymphatic
process. (2010)
Batay sa mga datos na nakalap sa http://www.montalbomassage.com/ (2012), ang Mont
Albo Massage Hut ay isang massage center na nakapokus sa abot-kayang tradisyonal na hilot,
paghihilod ng katawa, at iba pang spa treatments. Nagsimula ang Mont Albo Massage Hut
bilang isang maliit na massage clinic sa isang lumang apartment sa Washington Street, Makati
City noong March 2007. Ang Mont Albo ay nanggaling sa apelyido ng may-ari na si Dr.
Montalbo na ang ibig sabihin ay White Mountain sa Espanyol.
Sa artikulo na matatagpuan sa http://ph.news.yahoo.com/discover-the-wonders-of-hilot--
the-filipino-healing-art-100651229.html (2013), ang Mont Albo Massage Hut ay itinayo ni Dr. Nol
Montalbo na lumaki sa probinsya ng Batangas, na madalas bisitahin dahil sa mga manghihilot o
albularyo. Sa kasalukuyan, isa ng medical doctor si Dr. Montalbo pero naniniwala pa rin siya sa
bisa ng hilot bilang lunas sa sakit ng kalamnan at buto, kaya naman nagdesisyon siya na
maging isang tagapagbunsod ng Filipino hilot.
Ayon pa rin sa http://www.montalbomassage.com/ (2012), ang layunin ng Mont Albo ay
ang ipakilala at itaguyod ang abot-kayang spa wellness treatment sa lahat hindi lamang para
sa pagpapaganda at pagpapahinga kundi para rin mapigilan ang ilang karaniwang karamdaman
ng katawan, isip, at kaluluwa. Ang is pa nilang layunin ay ang makapagbigay ng pinakamataas
na kalidad ng serbisyo sa kanilang mga kliyente. Layunin din nilang pangalagaan ang
tradisyonal na paghihilot at ilagay ito sa global wellness industry.
Malawak ang sakop ng Mont Albo Massage Hut. Mula sa isang maliit na apartment noon,
ito ngayon ay meron ng labing- walo na branches sa buong Pilipinas. Ang Mont Albo Massage
Hut ay matatagpuan sa: Makatic City, Buendia Avenue, MASA, Malate, Park Square, Sm
Hypermarket Cubao, Taguig City, UP Diliman, Fairview, Ortigas, Vito Cruz Exit, United Nations,
SM Pasig, La Salle, Tomas Morato, Timog, Batangas, at SM Lucena.
Nagagamit ng maayos ng Mont Albo ang mga tradisyonal na hilot at gumagamit din sila
ng mga kasalukuyang konsepto ng hilot. Ang mga uri ng hilot na ginagamit nila ay ang Express
Massage, Mont Albo Massage, Hilot (Filipino Traditional Massage), Eastern Foot Massage,
Swedish Massage, Thai-shiatsu Massage, Tui Na Massage. Anhg Express Massage ay
tumatagal lamang ng labing-limang minuto at nagkakahalaga ng 55 pesos. Ang Mont Albo
Massage ay ang kanilang signature therapy at nagkakahalaga ng 330 pesos. Ang kanilang
Hilot naman ay nagkakahalaga ng 380 pesos at inaalis ang lamig sa katawan sa pamamagitan
ng dahon ng saging at langis. Ang kanilang Eastern foot massage ay ka-presyo ng hilot nila at
ang ginagamit nila ditto ay ang tradisyonal na dagdagay na hinaluan ng chines reflexology at
Shiatsu. Ang Swedish Massage ay nagmula kay Per Henrik Ling and Johan Georg Mezger at
isa itong sorpresa sa mga mahilig magpahilot dahil gumagamit ito ng limang uri ng hagod. Ang
Thai-shiatsu Massage ay hindi gumagamit ng langis at ito ay kombinasyon ng Thai massage,
Ayurveda, Yoga, Acupressure, and Japanese Shiatsu; nagkakahalaga rin ito ng 380 pesos. Ang
ibig sabihin naman ng tui na massage ay push-pinch. Ang hagod nito ay maaring madiin or
hindi masyado at ginagamit dito ng manghihilot ang kanyang daliri, siko, kamay, tuhod, at paa.
Ayon Kay Dr. Montalbo (2012), ang proseso ng kanilang paghihilot dahil sa kapaligiran
ng Mont Albo Massage Hut. Ang disenyo ng kanilang spa ay parang lokal na nipa hut kaya
naman talagang ito ay kaaya aya at nagbibigay ng kapayapaan sa mga kliyente. Binibigyan kasi
nila ng parangal ang nipa hut kaya ito ang napili nilang disenyo. Ayon pa sa kanya, ang
nagpapaiba sa Mont Albo ay kanilang serbisyo bukod sa mga massage therapies dahil
ginagawa iyon gamit ang mabagal na pag hagod at mabilis na paghagod para maalis ang lamig.
Mayroon ding antas ng kabanalan at ang mga manghihilot ay may intensyon na magpagaling.
Ang Mont Albo rin ay mayroong tinatawag na Match-A-Massage kung saan hinahanapan nila
ang kliyente ng hilot na akma sa kanyang nararamdaman o gustong kalabasan.
Sa Mont Albo, ang hilot ay isinasagawa ng mga specially trained therapists at
ginagamitan ng apoy, banana leaves, benttosa, at marami pang iba ayon sa artikulo sa
http://ph.news.yahoo.com/discover-the-wonders-of-hilot--the-filipino-healing-art-100651229.html
(2013).
Ayon sa artikulo sa The Philippine Star na Salamat Dok:Hilot Tips (Ong, 2010), kapag
nanghihilot, dapat maging maingat sa sa paghilot ng leeg at batok dahil maseselang parte ito at
maaaring malihis ang buto. Ang hilot ay nagagamit sa pagpapalambot ng tumigas na litid,
paggaling ng sakit ng ulo, katawan, at mga taong stressed.
Batay sa http://www.montalbomassage.com/ (2012), maraming benepisyo sa ating
kalusugan ang hilot. Ang mga medikal na benepisyo o epekto ng hilot ay ang mga sumusunod:
epekto ng hilot sa Cardiovascular System, epekto ng hilot sa Lymphatic and Immune System,
epekto ng hilot sa Skin and Related Structures, epekto ng hilot sa Nervous and Endocrine
Glands, epekto ng hilot sa Muscles, epekto ng hilot sa Connective Tissues, epekto ng hilot sa
Respiratory System, epekto ng hilot sa Digestive System, at epekto ng hilot sa Urinary System.
Ang hilot ay nakakatulong din sa pagbabawas ng sobrang pagod at stress, nakakapagpabuti ng
sleep patterns, kumpiyansa sa sarili, lagay ng loob, at mental alertness.
Binanggit sa website na http://www.montalbomassage.com/ (2012), ang benepisyong
ekonomikal ng Mont Albo. Marami din ang mga nabibigay nitong benepisyo sa ating ekonomiya.
Nakatutulong sila sa mga therapists at accountants dahil sila ang mga pangunahing
manggagawa ng Mont Albo Massage Hut. Mayroon din silang franchising kung saan
tinutulungan nila ang mga gustong mag-tayo ng ganitong hanapbuhay na maging matagumpay
sa kanilang tatahakin na landas. Sa pamamagitan ng franchising, mas maraming tao ang
nabibigyan ng oportunidad na magkatrabaho. Batay sa mga datos na nakalap, masasabing ang
Mont Albo ay nagbibgay ng maraming benepsiyong ekonomikal.
Ang hilot ay mayroon din namang sosyal o panlipunan na epekto. Ang Benepisyo ng
hilot sa sosyal na aspeto ng tao ay nagkakaroon ito ng ugnayan sa labas dahil nagkakaroon
siya ng dahilan upang lumabas. (Flanagan, 2012) Ito ay nakakabuti para sa mga taong laging
hiwalay sa karamihan. Nagkakaroon din siya ng oportunidad upang makatanggap ng pagalaga
at pagkalinga mula sa iba.
Nakasaad din sa aklat na Massage Therapy, Integrating Research and Practice ni
Moyer ( n.d.), na nakatutulong ang hilot upang maibsan ang matinding kalungkutan o kalituhan,
ngaunit hindi ito epektibo sa lahat ng tao sapagkat iba-iba ang pagtingin o pananaw ng tao sa
konsepto ng hilot.
Sa website ng Mont Albo Massage Hut na http://www.montalbomassage.com/ (2012),
makikita na nagakakaroon ng koneksyon at interaksyon ang mga therapists ng Mont Albo at
ang kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng kanilang Match-A-Massage na serbisyo. Dito,
kinakausap nila ang mga kliyente tungkol sa kanilang pisikal, ispiritwal, at emosyonal na
nararamdaman at pagkatapos ay pipili sila ng hilot base sa mga nakalap na impormasyon mula
sa kliyente.

You might also like