dahil tinataktak mo lang naman, ang sariling sayo hindi ka nila pinipilit na gawin ang dapat ipilit bagkus ay pinipilit mo ang pilit, na magpapalit sa kanila walang tunay na dito, at wala rin doon kahit ang basurahang walang katapusan ay pagtatawanan ang agos ng iyong prisensya sobrang dami nila na lumalangoy, sa nakakatawang lawa maingay at animo'y nakakairitang mga boses na susuntok sa tenga mong nanahimik na lang sa sulok alam kong meron kang prinsesang tinatago kinadena mo siya sa palasyo ng iyong ilusyon pero siya rin ay may ilusyong, wala siya sa iyong palasyo hindi ka kailanman iisipin hindi ka kailanman hahagkanin dahil wala talaga tunay na ikaw at wala ring tunay na ako kaya sumakay na lang sasakyan ng mga anino