kanina ay nakaupo ka lang sa tahimik na upuang yari sa bakal ngayon sumasayaw na ang mga mata mo, sa sayang nadarama mo Oo, ikaw nga yung babae na iyon Siya nga pala, may itatanong ako paano mo nalusutan ang butas ng turnilyo mo? ang alam ko'y nakalawang na ito dati pa siguro'y may lalaki na naglinis nito Oo, ikaw nga yung babae na iyon Minsan iba iba, minsan pauli ulit hihigupin ko sana ang butsi mong naglulumpasay ngunit hindi maari, dahil ayaw mo Oo, ikaw nga yung babae na iyon Hindi mo pa rin kasi alam na naka baon ang ginto ko sa nalilitong lupa walang makakahukay, kahit sino pa Oo, ikaw nga yung babae na iyon Ang mga kamay ng orasan ay pasmado na at kapag nabagot na siya ay titigil na ito hindi na rin nila matatanggal ang busal sa bibig ko hindi ko na matataktak ang latang kumakalembang sa tagal Oo, ikaw nga yung babae na iyon