You are on page 1of 3

F.

PARAAN UPANG MAS MADALI ANG PAGTANGGAP NG MGA BATANG MAY


KANSER SA KANILANG SITWASYON

Nahahati sa ibat ibang salik ang mga paraan upang mapadali ang pagtanggap ng
mga batang may kanser sa kanilang sitwasyon. Ito ay ang proseso ng dayagnosis o
pagsusuri sa kanser. Ang pagsusuri sa kanser ay may mahalagang epekto sa
pamilya, at mga kaibigan. Mahalaga ang pakikibagay sa mga limitasyon ng bawat
kasapi ng pamilya. Ang may kanser, mga magulang, mga anak at mga kaibigan ay
nangangailangan ng mga pamamaraan sa pagharap sa sitwasyon. Kinakailangan
ang malawak na pananalig sa Diyos na gagaling sa mahabang panahon na
tatahakin at may dahilan kung bakit ibinigay ang ganoong sitwasyon sa pamilya at
sa batang may kanser. Ang pasyente/ batang may kanser, sa pagdaan ng
panahon ang mga bata ay umuunlad at tumatanda at may mga pangangailangang
pangkalusugan tulad ng mga kaedad niya, para sa pananaw ng mga batang may
kanser iniisip nila na sagabal ang kanilang sakit sa kanila mismo, sa pamilya,
paaralan at sa kanilang buhay. Tumatanim sa isip nila na dulot ng kanilang sakit
ang maging pabigat sa pamilya at maging sa pera na gagastusin sa pagpapagamot.
Karaniwang nawawala ang matagal ng pakikipagkaibigan ng pasyente. Ang mga
reaksiyon ng mga nagmamahal sa batang may kanser ay makakaapekto sa mga
reaksiyon ng bata o ang impormasyon tungkol sa sakit na kanser ay makatutulong
sa bata upang madama na may partisipasyon siya sa proseso ng gamutan.
Nakakaapekto rin ang pisikal na hitsura, pisikal at intelektwal na maaaring
matamo, pagkontrol sa sariling buhay, paghangad na mahalin at maunawaan.
Karaniwan sa may sakit na kanser ang lumayo 0 umiwas sa mga tao. Ang pag-iwas
na ito ay hindi dapat na ipakahulugan sa nagbibigay ng suporta sa pasyente, na
isang pagtanggi. Maaaring magrebelde ang kabataan may kanser sanhi ng
kanilang pakiramdam na walang kalayaan, mga takot at pagnanais na maging
katulad ng iba. Ang pagtanggap sa sakit ay lubhang naaapektuhan ng uri ng
pakikisama ng pasyente sa mga magulang, pamilya at mga kaibigan.

Ang mga magulang o tagapag-alaga, ang emosyong mararamdaman pagkatapos
na masuri na may kanser ang pasyente ay madarama sa panahon ng pagkakasakit
- pagsusuri, paggamot, pagpapaospital, mga epekto ng sakit, binat, impeksiyon at
kamatayan. Pangkaraniwan sa mga magulang o tagapag-alaga na tumanggi sa
katotohanang may sakit na kanser ang anak; magkaroon ng kalungkutan,
panghihinang pisikal, pagkagalit, pagiging marahas at pagsisi sa
sarili. Napakalaking pangangailangan ang nakapataw sa pamilya at bata sa
pagpapaospital, gastos, madalas na pagkunsulta sa doktor, pagkabalam ng
pamumuhay ng pamilya. Ang mga kapatid, ang ibang kamag-anak at kaibigan ng
pamilya, Dapat na ipaalam sa mga kapatid ang tungkol sa sakit na kanser kung
sila ay nakakaunawa na ang damdamin nila tungkol sa pasyenteng may kanser ay
tulad din ng nararamdaman ng mga magulang. Dapat ipadama sa ibang malulusog
na kapatid na mahalaga pa rin sila at hindi nakakalimutan upang maiwasan ang
pangingimbulo dahil sa lubusang pag-aasikaso sa pasyente. Dapat na payagan ang
mga kapatid na bumisita sa ospital. Ang suportang maibibigay ng mga kapatid ay
hindi kasing-laki ng ibinibigay ng magulang. Ang pangingimbulo ng mga kapatid ay
karaniwan lamang. Lahat na kasapi ng pamilya at mga malalapit na kaibigan ay
naaapektuhan kapag natuklasan na ang isang kamag-anak ay may kanser. Sila ay
maaaring makatulong sa pamamagitan ng pag-aalaga, pagbabantay sa batang
may kanser habang ang mga magulang ay wala sa piling ng may sakit.
Maaaring maging malaking suliranin sa magulang ng batang may kanser
Ang mga kamag-anak at kaibigan kung ang mga ito ay hindi mauunawaan
at matatanggap ang pagkakaroon ng kanser ng bata o maaaring ang labis
na pagkaawa ng mga.kamag-anak at kaibigan ay tumungo sa pagbibigay ng
labis na proteksiyon sa may sakit. Pag-aaral ng batang may sakit na kanser sa
panahon ng gamutan at pagbabalik sa paaralan, Ang mga batang may kanser na
hindi makakapasok sa paaralan ay dapat na hikayating mag-aral sa bahay. May
mga pasyenteng patuloy na nag-aaral habang nasa ospital.
Ang patuloy na pag-aaral ng may sakit na nasa bahay/ospital na nagagawa sa
pamamagitan ng pagtawag sa telepono, pagbibisita, pagpapadala ng kard na
nagsasaad ng maagang paggaling o ng mga gawaing pampaaralan ay
makapagbibigay pag-asa sa may sakit. Ang mga ospital na may mga gawaing pang-
paaralan para sa mga may kanser ay nagbibigay ng pagkakataong maibahagi sa
iba ang ganitong karanasan para sa may sakit na kanser. Ang mga batang may
kanser ay kailangang bumalik din agad sa paaralan. Makapagbibigay ito ng
pagkakataong makasama muli ang mga kaibigan. Makatutulong din ito sa may
sakit na hangarin pang lumakas at mabuhay. Dapat makipag-ugnayan ang
paaralan sa mga magulang upang malaman kung gaano ang kalagayan ng sakit na
kanser ng bata. Dapat na makipag-ugnayan ang mga magulang sa mga guro upang
masiguro ang seguridad at maipaliwanag maigi ng guro ang kaso ng sakit na
kanser sa ibang normal na bata upang maiwasan ang pang-aalaska sa batang may
kanser.

You might also like