You are on page 1of 34

ANG PAMUMUHAY NG MGA

PILIPINO SA PANAHON NG MGA


ESPANYOL

Pangkabuhayan

1. MONOPOLYO NG TABAKO

itinatag ito ni Jose Basco y
Vargas noong ika- 1 ng
Nobyembre 1782

Layunin: upang madagdagan
ang kita ng pamahalaan at ng
di na umaasa pa sa Mexico


may multa ang mga
magsasakang hindi makatupad sa
itinakdang aanihin.

sa Maynila, dinadala ang mga
dahon ng tabako

nakilala ang Pilipinas na
pangunahing tagagawa ng tabako
sa alin mang bansa sa Silangan.

mabuting epekto:
-ang pamahalan ay nakapagpagawa
ng kalsada, gusali, tulay at
nakapagpalagay ng karagdagang ilaw sa
mga bayan

di mabuting epekto:
-bumaba ang produksyon ng pagkain

umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng
monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang
nahinto sa panahon ni Gobernador
Primo de Rivera taong 1882.

2. ANG KALAKALANG GALYON

nakilalang Kalakalang Maynila-
Acapulco

malaki ang halagang kinikita sa
kalakalan subalit hindi lahat ay
nabigyan ng pagkakataon para
lumahok.


Mga kasali sa Kalakalang Galyon:
1. gobernador-heneral
2. mga prayle
3. miyembro ng Royal
Audencia
4. mga inulila ng mga Kastila
5. mga kaibigan ng mga
opisyal

upang sila ay makalahok sa
kalakalang Galyon, kailangan nilang
bumili ng boleta

boleta- tawag sa tiket para makakuha
ng puwesto sa loob ng galyon para sa
kanilang mga kalakal.

magandang epekto:
-dahil sa kalakalang Galyon
umunlad ang Maynila

-malaking kita ng pamahalaan ay
nakadagdag sa pananalapi ng bansa


hindi gaanong mabuting epekto ng
Kalakalang Galyon:

-napabayaan ang pamamahala sa
mga lalawigan at pagpapaunlad ng
pagsasaka at ang iba pang industriya

-nakaranas ang mga tao ng
kakulangan sa pagkain
Dahil sa katiwalian at pang-aabusong
naganap sa kalakalang galyon, kaya
binuwag ito ni Haring Ferdinand VII
noong 1813.



3. ANG POLO
pinairal ng sapilitan ang patakarang
polo y servicio sa Pilipinas

pinilit ang lahat ng mga kalalakihang
may gulang na 16 hanggang 60 na
maglingkod sa pamahalaan sa loob na
40 araw sa isang taon

polista- tawag sa mga kalahok sa polo

kailangan silang gumawa ng mga
daan, gusali, simbahan at tulay

nagtratrabaho ng walang tigil at
walang pahinga

ang mga maykaya ay hinahayaang
magbayad ng falla o multa sa halip na
magtrabaho.

Noong una, ang mga polista ay
inaabot ng 40 araw sa paggawa
subalit binabaan at ginawang 15 araw
noong 1884.

hindi magandang epekto:

-napabayaan ang mga pananim
sapagkat
-ipinadadala sila sa malalayong lugar
para magtrabaho

-napalayo sila sa kanilang mga mahal
sa
buhay na umaasa sa kanila upang
mabuhay

-naging sanhi ng pag-aalsa ng mga
Pilipino
laban sa mga Espanyol

4. ANG BANDALA

sapilitang pagbibili sa pamahalaan ng
mga produkto pansakahan

upang madagdagan at lumaki ang kita
ng pamahalaan nagtakda ito ng kota
ng produktong kailangang ipagbili ng
mamamayan


hindi magandang epekto:

-binibili ng pamahalaan ang mga
ani ng
mga magsasaka sa murang
halaga

-inuutang pa ng pamahalaan ang
produkto na madalas ay hindi na
rin
nababayaran
5. ANG TRIBUTO
ang mga mamamayan ay kailangang
magbigay ng buwis

sa simula ,walong reales o isang piso
ang hinihingi sa bawat pamilya at
kalahating real naman sa walang
asawa ngunit nasa hustong edad
itinaas ito at naging sampung reales
noong at labindalawang reales.

pinalitan ang tributo ng sedula noong
1885 at pinagbayad ang mga may edad
18 pataas.

mga taong maaaring di magbayad ng
tributo:
1. Kastilang dito nakatira sa Pilipinas
2. mga prayle
3. mga inulila ng mga opisyales na Kastila
4. mga cabeza de barangay
5. Principalia
6. mga tapat na katutubong sundalo
7. mga matatandang may edad na animnapu
(60).
ang nakukolektang pera ay ginagamit sa
mga proyekto ng pamahalaan tulad ng
pagtatayo ng simbahan, paaralan, gusali
at iba pa

maaaring mabayaran ang tributo sa
pamamagitan ng salapi o produkto

ngunit kapag marami ang ani,
binababaan ng presyo at pinipilit ang
mga tao na magbayad ng salapi. Dahil
sa di makatarungang paniningil ng
buwis, nag-alsa ang mga Pilipino laban
sa mga Kastila

6. OBRAS PIAS
pondong kaloob ng mga mayayamang
tao sa mga relihiyosong orden

inilalaan para sa gawaing
pagkakawanggawa sa mga
sumusunod:
1. ospital
2. edukasyon
3. pangangalaga sa mga may
kapansanan, mahihirap at
kapuspalad


nagsilbing bangko komersyal ng mga
negosyante

ipinautang ng mga prayle ang mga
salapi at kumita ng malaking interes

dumating ang panahon at naubos ang
pondo. Di- nakabayad ng
pagkakautang ang mga negosyante
dahil sa pagkalugi sa mga lumulubog
at nawawalang galyon.


7. Ang Real Compania de Felipinas
Ika-10 ng Marso 1785 nang itatag ang
Real Compania de Felipinas.

lumabas ito sa panunungkulan ni
Gobernador-Heneral Basco.

Layunin ng Espanya na maitaguyod
ang kalakalan nito sa Pilipinas at
malinang ang likas na yaman ng
kolonya.

Ang Kompanya ay naging
kakumpetensya ng Kalakalang Galyon
na nang nagtagal ay nabuwag din
dahil sa di- mabuting pamamalakal sa
kompanya.

Pampulitika
Ang Pamahalaang Sentralisado

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
nagmumula sa pamahalaang
pambansa.

Sakop nito ang buong kapuluan at
nasa pangangasiwa nito ang
lalawigan, lungsod, munisipyo at
barangay at lahat ng may kaugnayan
sa kapakanan at ng buong kapuluan.
Ang Gobernador heneral:

pinakamataas na pinuno na hinirang ng
hari ng Espanya upang mamuno sa
kolonya

pangulo ng Real Audencia o ang kataas-
taasang Hukuman ng Pilipinas

maaari niyang ipagpaliban ang
pagpapatupad ng batas kung sa akala
niya ay di napapanahon para sa
Pilipinas. Tinatawag itong cumplase
Vice Real Patron-titulo din ng
gobernador heneral bilang
pinakamataas na kinatawan ng hari ng
Espanya na may titulong Real Patron

upang maiwasan ang pagmamalabis
ng gbernador heneral, isinasagawa
ang imbestigasyong tinatawag na
residencia


visitador-isang opisyal ng pamahalaan
ng Espanya na ipinadadala sa kolonya
upang siyasatin ang paraan ng
pamamahala nito.

Pamahalaang Lokal

Barangay-pinakamaliit na
pamahalaang lokal

pinamumunuan ng cabeza de
barangay
Cabeza de barangay- dating datu o galing
sa hanay ng mga cacique

Tungkulin ng cabeza de barangay:
-nangungolekta ng buwis
-naghahanap ng polista
-tagapamayapa

-walang sahod, ngunit kapalit ng
kanyang paglilingkod ay hindi siya
pinagbabayad ng buwis at hindi
kailangang magtrabaho


Bayan o pueblo- ang pinuno ay ang
gobernadorcillo

-galing sa hanay ng cacique

-hinahalal siya mula sa mga
principales

-maliit ang sahod ngunit ang
katungkulan ay simbolo ng mataas
na antas sa lipunan


Tungkulin ng gobernadorcillo:
-naghahanda para sa rehistro ng
mamamayan
-pagkalap ng kalalakihan para sa
polo
-nagsisilbing hukom sa kasong sibil
-tagapamahala ng koreo ng bayan

Ang Sistema ng Pamahalaang
Panlalawigan
Encomienda- simula ng lalawigan sa
kapuluan
-galing sa salitang Espanyol na
encomendar ibig sabihin ay
ipagkatiwala

-ipinagkatiwala ng hari sa isang
opisyal na tinatawag na
encomiendero ang lupaing nasakop
at ang mga katutubong nakatira
roon.



Tungkulin ng encomiendero:

-ituro ang kulturang Espanyol
-ipaunawa at ituro ang Katolisismo
-mangulekta ng buwis

naging mapang-abuso ang
encomiendero kaya binuwag ito at
pinalitan ng alcaldia

Alcaldia o pook na payapa

-pinamumunuan ng alcalde mayor


hinihirang ng gobernador heneral

Tungkulin:
-mangolekta ng buwis
-magpasya tungkol sa mga kaso
-nagpapagawa ng tulay o kalsada

Corregimiento o lalawigang may
nagaganap na kaguluhan o labanan
-pinamumunuan ng corregidor
Ayuntamiento- pamahalaang itinatag
para sa mga lungsod
-pinamumunuan ng cabildo (binubuo ng
alcalde, regidores at iba pa)

You might also like