You are on page 1of 2

Scratch Script #1

By Renz Rubillar
- natanaw ni kaloy mula sa malayo, ang kanyang asawa na si Lily na nakatitig sa
maalon na malamlam
na dagat ng dapithapon, nilapitan nya ito.*
Kaloy : Mahal ko! halika na at kakain na tayo! malapit nang lumubog ang araw!
- hindi man lang siya narinig nito, animo'y estatwang inaalikabok na ng panahon
si Lily
- nilapitan siya ni kaloy na dali daling tumatakbo papunta sa kanya.
Kaloy : Ano ba mahal? hindi mo ba ako naririnig? halika na at kakain na tayo
*at sa pagkaka taon na nga na iyon ay bumigkas ang labi nang kanyang asawa*
Lily : Ang ganda ng dagat ano? (malamlam na pagkakabigkas)*
*Ang sarap pagmasdan ng dagat lalo na kung papalubog na ang araw ano?
minsan kinakausap ko rin ang karagatan lalo na kung nalulubog ako sa kalungkutan
,siguro pareho lang kami ng iniisip,
siguro nalulungkot din ang dagat, hindi lang natin nakikita dahil abala din tayo
sa sarili nating kalungkutan sa buhay.
Kaloy : Hahaha! ano bang sinasabi mo Lily? mukhang nababaliw ka na ata?
Lily : marahil nga'y nababaliw na ako, pasensya na at hindi rin tayo minsan nag
uusap, sa tagal na pagsasama natin
hindi ko man lang nalabas sayo ang problema at hinanakit ko sa mundo, marahil ab
ala ka sa pangingisda at bihira ka lang umuwi
dito sa atin, pero wag kang mag ala ala hindi ako kailanman nagalit sayo, naiint
indihan kita dahil kailangan ito para mabuhay tayo.
- agad na natulala si kaloy sa mga sinabi ni lily pakiramdam nya ay nabagsakan s
ya tala sa kalangitan dahil sa pagkukulang nya dito.
Kaloy : Patawad lily ah, hindi man lang kita nabigyan ng anak at minsan lang din
akong umuwi dito sa atin, pero dito sa
puso at utak ko ay ikaw lang babae nilalaman nito, minsan naiisip ko na rin ang
kawalan ng pag asa pero kapag naalala kita ay
bigla akong sumisigla na para bang wala na akong problema.
- Ngumiti si Lily at sinabing
Lily: Mananatili ako sa iyong puso at isipan kaloy....
- at biglang nagising si Kaloy, malapit na pa lang dumaong sa pampang ang kanila
ng bangka galing sa pangingisda.
at naririnig nya na ang sigaw ni Lily na binibigkas ang kanyang pangalan.

You might also like