Ang Tugmang Bayan ay isang anyo ng pampanitikan na pamana ng ating mga
ninuno kung saan malalaman natin ang damdamin o salaobin ng isang tao. Ito ay may dalawang uri. Ang Bugtong, at ang Salawikain. Mga Halimbawa: Akoy may Kwintas Ito'y gawa sa perlas Binili ko sa Pilipinas Bayad ay isang dosenang mansanas.
Akoy nagluluto , ng Pansit Guisado . Ipinunta ko sa baryo, nawala na ito.
Bugtong: Ang bugtong o patuturan ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan. May dalawang uri ang bugtong. Mga talinghaga, at mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay- nilay para sa kalutasan. Mga Halimbawa: Baboy ko sa pulo, ang balahibo'y pako.
Sagot: Langka
Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: Ampalaya Salawikain: Ang mga salawikaing Pilipino ay mga tradisyonal na kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas. Katumbas din ng salitang salawikain ang sawikain (bagaman maaari ring tumukoy ang sawikain sa mga moto o idyoma), at ng Ilokanong sarsarita. Nilalarawan ang salawikain nagmumula sa Pilipinas bilang makapangyarihan at makatang pagpapadama at payak na anyo ng mga pahiwatig. Kapag ginamit sa pang-araw-araw na pag-uusap, gumaganap ang mga salawikain bilang mga pagbibigay - diin sa isang punto o isang kaisipan ng paliwanag o dahilan: ang Pilisopiyang Pilipino.
Mga Halimbawa: Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. Masakit ang katotohanan.