Professional Documents
Culture Documents
DOH Medicinal Plants
DOH Medicinal Plants
(Momordica charantia)
PARA SA:
diabetes mellitus
(mild non-insulin
dependent)
PAGHAHANDA:
hugasang mabuti ang
mga dahon at tadtarin
magsukat ng 1 basong
dahon at 2 basong tubig
pakuluan sa loob ng 15
minuto sa mahinang
apoy
huwag takpan ang
palayok
palamigin at salain
PAGGAMIT:
uminom ng 1/3 baso 3
beses maghapon 30
minuto bago kumain
ang murang dahon ay
maaaring pasingawan at
kainin (1/2 baso 2 beses
maghapon)
AKAPULKO
(Cassia alata L.)
PARA SA:
an-an, buni, alipunga,
galis-aso
PAGHAHANDA:
magdikdik ng sapat na
dami ng sariwang
dahon
PAALALA:
Para sa mga taong may
allergy sa sariwang
dahon ng akapulko,
gawin itong dekoksyon:
magpakulo ng 1
basong tinadtad na
dahon sa 2 basong
tubig sa loob ng 15
minuto o hanggang
maging 1 baso na
lamang
ihugas ito sa
apektadong balat 1-2
beses maghapon
BAWANG
(Allium sativum)
PARA SA:
Pampababa ng
kolesterol at Presyon
ng dugo
PAGHAHANDA:
igisa (konti o walang
mantika)
iihaw
ibabad sa suka sa loob
ng 30 minuto o kayas
banlian ng pinakulong
tubig hanggang 5
minuto
PAGGAMIT:
kumain ng 2 butil 3
beses isang araw
pagkatapos kumain
PAALALA:
Tiyaking may laman ang
tiyan bago kumain upang
hindi makasugat ng tiyan
at bituka
BAYABAS
(Psidium guajava L.)
PARA SA:
Panlinis ng sugat,
impeksyon sa bibig, magang
gilagid, bulok na ngipin
PAGHAHANDA:
hugasang mabuti ang
mga dahon at tadtarin
magpakulo ng 2 basong
dahon sa 4 na basong
tubig sa loob ng 15 minuto
sa mahinang apoy
huwag takpan ang
palayok
palamigin at salain
PAGGAMIT:
para sa sugat:
ipanghugas ang
pinaglagaang tubig 2
beses maghapon
pangmumog:
gamitin ang maligamgam
na pinaglagaan
PAALALA:
Piliin lamang ang native na puno
dahil ito lamang ang dumaan sa
pananaliksik
LAGUNDI
(Vitex negundo L.)
PARA SA:
Hika at Ubo
PAGHAHANDA:
hugasang mabuti ang
mga dahon at tadtarin
magtakal ng 2 basong
tubig at dahon (ang dami
ng dahon ay depende sa
edad)
pakuluan sa mahinang
apoy sa loob ng 15 minuto
huwag takpan ang
palayok
palamigin at salain
PAGGAMIT:
hatiin sa 3 bahagi ang
pinaglagaan
inumin ang bawat bahagi
sa umaga, tanghali, at
gabi
maaaring dikdikin ang
sariwang dahon at itapal
sa bahaging nananakit
EDAD
KAILANGANG DAHON
Sariwa Tuyo
Matanda 6 kutsara 4 kutsara
7 12 taon Kalahati ng
sa matanda
(3)
Kalahati ng
sa matanda
(2)
NIYUG-NIYOGAN
PARA SA:
bulateng askaris
PAGHAHANDA:
gumamit lamang ng mga
butong magulang, tuyo at
kabubukas pa lamang na
bunga
PAGGAMIT:
kainin ang mga buto 2 oras
pagkatapos ng hapunan
kung hindi magkabisa sa
unang gamit, ulitin ang
parehong dosis pagkaraan
ng 1 linggo
EDAD
KAILANGANG BUTO
Matanda 8 10
7 12 taon 6 7
6 8 taon 5 6
4 5 taon 4 5
PAALALA:
mga hindi kanais-nais na epekto:
sinok, sakit sa tiyan, pagtatae
ULASIMANG BATO
(Peperomia pellucida)
PARA SA:
Pampababa ng uric acid
sa dugo (rayuma, gout)
PAGHAHANDA / PAGGAMIT:
SALAD
hugasang mabuti ang mga
dahon
maghanda ng 1 baso ng
sariwang dahon (hindi siksik)
hatiin sa 3 bahagi at kainin
ang bawat bahagi sa
umaga, tanghali at gabi
DEKOKSYON
hugasang mabuti ang mga
dahon
maghanda ng 1 ng
sariwang dahon at 2 basong
tubig
pakuluan sa mahinang apoy
sa loob ng 15 minuto
huwag takpan ang palayok
palamigin at salain
hatiin sa 3 bahagi at inumin
ang bawat bahagi sa
umaga, tanghali at gabi
pagkatapos kumain
SAMBONG
PARA SA:
Sakit sa bato,
pampaihi at sakit ng
tiyan.
PAGHAHANDA:
kumuha ng 6 na
murang dahon ng
sambong
pakuluan sa 2
tasang tubig sa loob
ng 15 minuto
hanggang maging 1
tasa
PAGGAMIT:
hatiin sa 3 bahagi
ang pinaglagaan
inumin ang bawat
bahagi sa umaga,
tanghali, at gabi
TSAANG GUBAT
PARA SA:
Sakit ng tiyan at
pagtatae
PAGHAHANDA:
kumuha ng 15 na
murang dahon
pakuluan ito sa 3
tasang tubig sa loob
ng 15 minuto
hanggang maging 1
tasa
PAGGAMIT:
hatiin sa 3 bahagi
ang pinaglagaan
inumin ang bawat
bahagi sa umaga,
tanghali, at gabi
YIERBA BUENA
PARA SA:
Rayuma
PAGHAHANDA:
patuyuin ang 5
dahon
pakuluan sa 1
basong tubig
hanggang umabot
ang natira sa
kalahating baso
PAGGAMIT:
hatiin sa 4 bahagi
ang pinaglagaan
inumin sa 4 na beses
sa isang araw