You are on page 1of 2

Ma. Chrislyn B.

Aberin September 22, 2014


PH 101 HH Doc Guss Rodriguez
Ito yung feeling ko eh
Sa bawat kilos ng mga tao sa mundo kaakibat na rito ang desisyon. May mga
desisyon na hindi masyado napag-iisipan ng matagal, mayroon naman na
napakaraming isinasaalang-alang bago humantong sa isang desisyon. Sa lahat ng
desisyon na ginagawa ng mga tao, masasabing kaya nitong mapaliwanag at
makatuwiran ang ginawang iyon dahil ito ay pinag-isipan sa ibat ibang lebel.
Ang pangangatwiran ay isang prosesong dinadaanan bago makagawa ng
desisyon. Simula sa pagtanggap sa ideya gamit ang mga datos ng pandama, sa
pagsusuri nito at pagbibigay kahulugan gamit ang sistema ng pag-unawa, hanggang
sa paglikha ng desisyon gamit ang sistema ng pagpapahalaga, lahat ito ay
pangangatwiran. Isang halimbawa ng pangangatwiran ay ang pagpapalipat ng mga
palugit o pagsusulit dahil kaniya-kaniyang dahilan. Maaaring ituloy pa rin ng guro
ang pagsusulit kahit na hindi pa nito natapos lahat ng kailangang ituro at sasabihin
na aralin na lang ito sa sarili dahil sa tingin niyay makatwiran ito. Katulad sa
nabanggit na halimbawa, para sa mga mag-aaral, makatwiran ang dahilan kung
bakit nais nilang ipagpaliban muna ang palugit o pagsusulit, marahil dahil sa kulang
talaga sa oras, ngunit hindi talaga ito maaari dahil ipinapaalam naman ang mga
palugit at araw na itinakda para sa pagsusulit ilang linggo bago ito. Ibat iba ang
katwiran na nabubuo ng bawat tao ngunit dapat nating tandaan na ang mga ito ay
may kakayahang magbago at magpaintindi sa pamamagitan ng pagbubukas ng
sarili rito.
Kasama na ng pangangatwiran ng tao ang nakatakda at dinamiko. May mga
bagay na masasabing nakasanayan na kaya ito nasa pangangatwiran ng isang tao.
Ang paggamit ng mga salitang po at opo, sinanay na ng mga nakakatanda na turuan
ang mga kabataan na gumamit nito. Kung sa pangangatwiran ng isang tao na hindi
naman kailangan ng mga salitang po at opo para makapagpakita ng respeto ay
nasasakanya na lamang ito. Ipagpalagay na natin ang isang mag-aaral na kumukuha
ng isang pagsusulit, kung sa pangangatwiran niya ay tama na mangopya para lang
hindi bumagsak sa pagsusulit na iyon, mangongopya na lamang ito sa kanyang
katabi. Sa pangangatwiran ng ibang tao ay panlalamang ito sa kapwa ngunit hindi
para sa kanya. Mali ito ngunit dahil sa kagustuhan niyang pumasa, nagiging
kapalaran na ng mag-aaral na iyon na mangopya na lamang at dahil dito ay
nabubuo ang isang katwiran na makatwiran para sa kaniya. Dahil sa pagtatakdang
ito, nalalaktawan na ang puspusang pag-iisip at pagbibigay kahulugan dito na
nagdudulot ng paghadlang sa pagkamit ng kanilang buong potensiya.
Nasabi na kasabay ng pagkatakda ang pagiging dinamiko ng
pangangatwiran. Ang tingin natin sa tama o mali ay nakatakda na. Ngunit may mga
bagay na nakapagpapabago rito. Ang kapalaran ay isang laro, may mga kilos na
nakakapagpabago nito at ito ay makakaimpluwensiya sa pangangatwiran. Kung
makasalamuha ang isang tao ng taong mayroong pangangatwiran na lihis sa kanya,
mapapaisip ito at isasaalang-alang ang mga katwiran para makabuo ng isang
bagong pagpapaliwanag. Maaaring mabago nito ang unang pagtingin sa mga bagay
bagay o kaya namang wala lamang itong epekto.
Hindi pare-parehas ang pangangatwiran ng mga tao. Nakadepende ito sa
kaniyang sistema ng pangangatwiran, pagpapahalaga, at tingin sa mundo.
Makakaapekto ko rin kung saan nagmula ang tao. Magagamit na halimbawa ang
pagpapaaral ng mga anak sa kolehiyo. Sa Amerika, nagtratrabaho na ang karamihan
habang nag-aaral maliban na lamang kung talagang nakakaginhawa sa buhay ang
pamilyang kinabibilangan. Sa Pilipinas, bihira ang mag-aaral sa kolehiyo na nasa
poder pa ng mga magulang ang nagtratrabaho habang nag-aaral. Ang dalawang
magkaibang pananaw na ito ay maaaring magtalaban hanggang sa makabuo ng
panibagong pananaw na maaaring maging susi sa unti-unting pagharap sa
katalahagan.
uhm, okay. Makatwiran kaya talaga ang mga katwiran ko?

You might also like