You are on page 1of 3

Sa dinami-dami ng bayarin at gastusin, laging maririnig

na dumadaing ang mga Pilipino kapag tumaas ang presyo


ng mga bilihin at pamasahe pero ang sahod hindi naman
tumataas. kung babawasan ang buwis sa mga produkto at
serbisyo, makakatulong kaya sa pagbaba ng presyo? Kung
wala namang buwis saan kukuha ng pondo ang pamahalaan
para sa gastusin sa bansa? Kung ikaw ang papipiliin ano
ang mas karapatdapat at gusto mong mangyari, bawasan,
palitan o alisin?

Ano ang mangyayari kung aalisin ang buwis sa sahod?
kung iisipin, mas makakatulong ito dahil pandagdag din
ito sa pamasahe at pang araw araw na gastos kapag
pumapasok sa trabaho.

Ang SSS, PhilHealth, HDMF, ay depende sa "civil status"
ang ibinabawas. Noong hayskul kame ay nagkaroon kame ng
pagkakalkula ng bilang ng buwis na ibabawas sa sahod ng
aming mga magulang. Dito ay kasama sa bawas sa total na
buwis ng sahod ang may asawa at anak at marami pang
iba.
kung sa negosyo naman? Ang mga may-ari ng mga negosyo
o ang tinatawag nating "employer", saan ba sila
nagkakakuha ng buwis na ipambabayad? Ibinabawas ba nila
ang buwanang bayarin sa renta sa "unit," kuryente,
tubig, at telepono, at sahod at benepisyo ng mga
empleyado? Kung ganyan, malaki-laki din ang natitipid
nila sa buwis, habang kumikita pa rin sila ng

Madami namang klase ng buwis ang binabayaran sa
gobyerno. Hindi man ako experto sa buwis, pero alam ko
na dito kumukuha ang pamahalaan para sa pambansang
gastusin. At alam ko din na marami ang pinagkukunan
nito. Bukod sa buwis, mayroon din tayong binabayaran
kapag kailangan kumuha ng NBI o Police Clearance,
lisensya, kopya ng Birth Certificate, at kung anu-ano
pang dokumento na kailangan ng mamamayan sa pamahalaan.

Bakit sa dinami-dami nitong buwis, hindi pa rin sapat
ang lahat? Kung talagang mahirap ang Pilipinas, bakit
mayroong mayayaman? Makabalik nga sa usapin ng buwis.
Ngayon, nanawagan ang pamahalaan sa mga manggagawa
tulad ng doktor, abogado, o yung mga "independent
workers" o "freelance" na tinatawag na magbayad ng
tamang buwis.
Dapat na ang "income" o "withholding" tax ang bawasan o
alisin dahil sa sahod lamang ng manggagawa kumukuha
nang panggastos sa pagkain, tahanan, damit, pamasahe,
pambayad sa kuryente at tubig, edukasyon, at kung anu-
ano pang gastusin sa pang-araw araw na pangangailangan.



Sa kuryente at tubig, maraming kung anu-ano'ng kasali
sa binabayaran ng bawa't tahanan na gumagamit nito.
Di'ba kapag nagsasabi na tataas ang singil sa kuryente,
nand'yan yung sinasabing kasi may utang na dapat
bayaran kaya kailangan nila magtaas.
Kung minsan, nakakapanlumong isipin na ang matitinong
Pilipino na sumusunod sa batas, nagbabayad ng buwis,
sila pa yung naaagrabyado. Hindi naman kasi nila
nararamdaman ang mga kontribusyon nila sa pondo ng
bansa. Hindi naman sila ang natutulungan at kung minsan
makikita pa nila na ang napupuntahan ng buwis na
pinabayaran nila, hindi napapakinabangan ng tama at
maayos.

Kayo, ano ang opinyon ninyo ukol sa buwis at gobyerno
natin?

You might also like