You are on page 1of 1

Aking Diary,

Rudzma A. Asmawil
Sa ika apat ng hapon ,Mayo 3 araw ng sabado mula sa Isabela City,Basilan
sumakay ako ng bangka papuntang Zamboanga City dahil ang oras na iyon ay
hindi naglayag ang barko patungung Zamboanga. Naisipan ko nang hindi
magpatuloy sa zamboanga dahil sa takot ko sa malakas na alon ngunit wala ng oras
pa kung kinabukasan pa ako aalis ng Basilan, sapagkat kinabukasan ay magkikita
na kami para sama-sama sa pagpunta sa Bumbaran Lanao Del Sur para sa aming
barangay emersion.
Mayo 4, alas -6 ng umaga dumating ako sa Cagayan de Oro City, habang
hinihintay ko ang mga kasama ko nag-almusal muna sa Jolibee kasama ko si mam
Janet na mamasyal muna siya ayon sa kanya mabigat na raw ang ulo niya sa
kababasa ng aming mga requirements, alas 10 ng umaga ang oras na usapan
naming magkikita ng grupo , ika 11 na ng umaga ng dumating ang grupo mula
sa Iligan City nakasakay sa van na napagsunduan naming na bayaran ang
kanyang tatlong araw na paghihintay sa Bumbaran Lanao Del Sur, sa halagang
labing limang libong piso (15).
Sa daan nag alok pa ako na kumain kami ng durian at sumang-ayon naman
lahat , bumaba muna kami at masayang kumain sa tabi ng daanan. Ilang sandali
tumuloy na kami sa aming pag biyahe, alas 7 ng gabi ng dumating kami sa bahay
ng mayor .at tinanggap kami nang maayos ng taga bantay ng kanyang bahay
pinatulog ng maayos sa kanilang guest house. Dalawang araw na ako sa biyahe at
hindi ko naramdaman ang pagod sa kulitan at saya ng grupo.
Mayo 5 ika 9 ng umaga nagsimula na kami ng pagtitipon-tipon para
makipanayam sa mga Ivatan,. Sa Auditorium ng Bumbaran nakilala ko si Sir
Efren Vaso isang Ivatan na napakasayang kausap. May kanya- kanya kaming
mga paksa na itatanong para sa grupo ang nabigay sa akin tungkol sa
pamamahay at pagpapaganda ng mga Ivatan. Natuklasan ko rin na ang mga
ivatan ay may matatangos ang ilong at magaganda ang mga babae.
Mayo 6, ng umaga madaling araw kaming nagising sa araw na ito ang
aming pagbalik sa Iligan City. Muli dinaanan namin ang isa sa mga ivatan na
babae ang aming nakapanayam upang linawin ang mga salitang ivatan na aming
nakalap mula sa kanila. Ilang sandali lamang natapos na ang aming kuro-kuro
at nagpatuloy na sa aming paglalakbay.

You might also like