You are on page 1of 7

Madugong digmaan sa Maktan

ni Arlyn Floro
real.gif (626 bytes)
NOONG dumating si Ferdinand Magellan sa Sugbu na ngayo'y kilala sa tawag na Cebu
, hayagang sinabi ni Lapu-Lapu na hindi niya kinikilala ang kapangyarihan ng mga
Kastila. Ito ay ikinapuyos ng galit ni Magellan.
Hatinggabi ng Abril 26, 1521, 60 sandatahang Kastila sa pamumuno ni Magellan, ka
sama ang 1,000 kapanalig na mga Cebuano sa pangunguna ni Raha Humabon, ang sumal
akay sa isla ng Maktan. At naganap ang madugong digmaan sa Maktan. Ang mga sanda
tang pumuputok ng mga Kastila ay hindi natinag sa mga nagtatanggol na mga kayuma
nggi. Dito nakita ang mabangis na galit ni Lapu-Lapu para madepensehan ang lugar
na kanyang nasasakupan laban sa mapanakop na Kastila. Nagpatuloy ang paghahamok
ng espada ng mga Kastila kontra sa matalim na tabak ng mga Pilipino. Tumagal an
g kanilang paglalaban sa loob ng mahigit sa isang oras. Namatay man ang maraming
kawal sa magkabilang panig, hindi pa rin natinag si Lapu-Lapu kaya dito ay nata
maan niya si Magellan sa bisig sa pamamagitan ng sibat.
Subalit hindi rin natinag ang pinuno ng mga Kastila. Bagama't sugatan ay nanatil
ing nakatayo at ipinagpatuloy ang pakikipaglaban. Nagpalitan ng taga ang magkala
bang panig at dito na natamaan si Magellan sa kaliwang hita ng matalim na tabak
ni Lapu-Lapu na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Matapos ang madugong labanan, hiniling ni Raha Humabon kay Lapu-Lapu na kunin na
lamang nila ang bangkay ni Magellan kapalit ng salapi ng mga Kastila, subalit a
ng kahilingan ng raha ay hindi pinaunlakan ni Lapu-Lapu. Sa halip ay ginawa pa n
iyang tropeyo ang bangkay ni Magellan.
next
Isneg ng Apayao, puwedeng maraming asawa
Source: KabayanOnline
Part I
real.gif (626 bytes)
Higit sa isa ang asawa ng mga grupo ng Isneg sa hilagang bahagi ng Cordillera, n
gunit hindi sila mga Muslim.
Sa kultura ng tribo ng mga Isneg sa probinsya ng Apayao, pinapayagan ang pag-aas
awa ng higit sa isa hangga't kayang buhayin ng lalaki ang kanyang mga pamilya. M
ay isa pang kondisyon: kailangang tang-gapin ng unang asawa ang ikalawang asawa
at kailangan ding tanggapin ng una at ika-lawang asawa sa pamilya ang ikatlong a
sawa. Subalit sa panahon ngayon, lalo na sa mga edukadong Isneg, sinasanay na ni
la ang sarili na maging monogamous o mag-asawa na lamang ng iisa.
Sa nakasanayang tradisyon, ang lalaki ay maninirahan sa iisang bubong kasama ang
mga asawa nito at ang mga babae ay maki-kisama sa pagpapanatili ng isang malaki
ng pamilya. Binabago ang kaayusan ng bahay bilang tanda ng pagtanggap sa karagda
gang asawa at pamilya. Ang unang asawa ay tinatawag na "atawa," ang ikalawang as
awa ay "mangadua" at ang ikatlo ay tinatawag na "mangatlo."
Part II
real.gif (626 bytes)
Kung ang muslim ay may "dowry" o "tadug" na ibibigay sa magulang o kamag-anak ng
magiging asawa, sa Isneg naman ay chinese jars o "gusi" ang ibinibigay bilang d
owry at ang pinakamahal na dowry ay ang "durduri," ang pinakamalaking chinese an
tik jar. Kasama ng jars ang heirloom beads. Ang iba pang klase ng dowry ay ang p
agbibigay ng ricefield, orchard at bahay.
Ang proseso ng pag-aasawa o "manga-tawa" ay kabilang ang pagha-handog ng ari-ari
an, lugar at araw ng kasal at ang pagkakatay ng hayop. Ito ay hahantong sa tinat
awag na "tugot" kung saan ang kamag-anak ng babae ay tatanggapin ang mga dowry.
Habang ang mga lalaki ay pinapayagang mag-asawa nang higit sa isa, ang babae ay
kailangang single o kaya ay balo. Hindi pinapayagan sa kulturang Isneg ang pag-a
asawa sa babaeng iniwan ng dating asawa.
Walang limitasyon ang pag-aasawa hanggat kayang bumuhay ng lalaki.
Ayon kay attorney Richard Zarate, kung ang miyembro ng Isneg ay ang pagkakaroon
ng higit isang asawa sila ay pahihintulutan dahil ito ay nakasad sa Indigeneous
People's Right Act na kinikilala bilang cultural marriage practices.
next
Ika-20 ng Pebrero
Araw ng rebolusyonaryo at ng makata
ni Princess O. Canlas
Part I
real.gif (626 bytes)
DALAWA sa ating mga bayani ang pumanaw sa araw na ito, ika-20 ng Pebrero. Sila a
y sina Melchora Aquino na mas kilala sa tawag na "Tandang Sora" at si Francisco
Baltazar na kilala sa tawag na "Balagtas." Si Tandang Sora ay pumanaw noong taon
g 1919 habang si Balagtas naman ay noong taong 1862. Kilala si Tandang Sora bila
ng "Ina ng Rebolusyonaryong Pilipino" at si Balagtas naman bilang "Prinsipe ng M
akatang Tagalog."
Part II
real.gif (626 bytes)
Melchora Aquino
(Tandang Sora)
Dahil sa kanyang angking kagandahan, madalas gumanap si Tandang Sora bilang Reyn
a Elena ng Santacruzan tuwing sasapit ang buwan ng Mayo. Madalas din siyang maim
bitahan upang bumasa ng pasyon tuwing sasapit ang Mahal na Araw dahil sa husay n
g kanyang tinig sa pag-awit.
Si Tandang Sora ay ikinasal kay Fulgencio Ramos na siyang cabeza de barangay ng
Banlat, Caloocan, Rizal noong panahong iyon. Nagkaroon sila ng anim na supling n
gunit maaga siyang naulila ng asawa. Sa pagpanaw ng kabiyak, siya ang tumayo bil
ang ina at ama ng kanilang mga anak.
Tumulong si Tandang Sora sa pagpuno ng pangangailangan ng mga katipunero noong p
anahon ng rebolusyon.
Binibigyan niya ang mga ito ng bigas, kalabaw, at iba pang gamit na kinakailanga
n. Tinulungan din niya ang mga may karamdaman at may kapansanan. Dahil sa kanyan
g pagtulong sa mga rebolusyonaryo, siya ay dinakip at ipinabilanggo.
Si Tandang Sora ay pilit na pinaamin kung saan nagtatago si Bonifacio at ang mga
kasama nito, ngunit hindi siya napilit ng mga mananakop. Dahil dito, ipinatapon
siya sa Guam ngunit nang lumaon ay nakabalik din siya sa Pilipinas.
Si Tandang Sora ay nabuhay ng may 107 taon.
Part III
real.gif (626 bytes)
Francisco Baltazar
(Balagtas)
Nagmula si Francisco Baltazar sa Panginay, Bigaa, Bulacan. Ang Bigaa ay kilala n
a ngayon sa tawag na Balagtas.
Si Balagtas ay nagpunta sa Tondo at nanilbihan kapalit ng libreng pag-aaral. Nag
-aral siya sa Colegio de San Jose at San Juan de Letran kung saan ay nakilala si
ya bilang magaling na manunulat ng mga liham ng pag-ibig (love letters) para sa
kanyang mga kaibigan.
Isa sa kanyang mga guro si Mariano Pilapil na siyang may akda ng "Pasyon." Si Ma
riano Pilapil ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob upang sumulat ng mga tula.
Naging kaibigan ni Balagtas ang manunulat ng tula na si Jose de la Cruz (Huseng
Sisiw), na siyang tumulong sa kanya upang isaayos ang kanyang mga unang likha. M
ula sa Tondo ay lumipat siya sa Pandacan noong taong 1835. Doon ay gumaan ang ka
nyang pamumuhay sa pamamagitan ng kanyang pagsulat ng mga awit, corridos, at mor
o-moro.
Si Balagtas ay umibig kay Maria Asuncion Rivera. Ang kanya namang karibal dito a
ng nagpabilanggo sa kanya. Sa loob ng bilangguan ay naisulat niya ang kanyang pi
nakadakilang likha, ang Florante at Laura na siyang inialay niya kay Maria Asunc
ion na tinawag niya bilang "Celia."
Nang siya ay makalaya noong 1840, nagpunta si Balagtas sa Bataan at doon ay naki
lala at pinakasalan niya si Juana Tiambeng ng Orion. Doon, si Balagtas ay naging
tenyente, naging hukom ng sinasakang lupain, at hukom-tagapagsalin.
Noong taong 1856, si Balagtas ay muling nahatulan sa isang pagkakamaling matagal
na niyang nagawa - ang pag-aahit ng buhok sa ulo ng tagapaglingkod ng isang may
aman. Dahil lamang dito ay naatasan siyang mabilanggo ng apat na taon sa Bataan
provincial jail at Bilibid.
Matapos ang kanyang muling pagkabilanggo, ginugol niya ang kanyang mga huling ta
on sa pagsulat pa ng mga tula at pagsasalin ng mga dokumentong Kastila sa wikang
Filipino upang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Sa kanyang mga huling sandali, ibinilin niya sa kanyang mahal na asawa na huwag
hayaan ang isa man sa kanilang mga anak na maging tulad niyang manunulat ng tula
. Sa kabila nito, dalawa sa kanyang mga anak na lalaki ang nagmana ng kanyang ta
lino sa pagsulat.
next
Mga Unang Aklat sa Pilipinas
ni PRINCESS ONCIANO-CANLAS
KabayanOnLine
Part I
real.gif (626 bytes)
Ang ating kamalayan ay hindi tumitigil sa pagtuklas ng iba't ibang kaalaman. At
natural lamang na ating isipin at piliting alamin ang pinagmulan ng mga bagay na
ating nakikita sa kapaligiran. Ngayon ay dumako tayo sa mga unang aklat na nail
imbag sa ating bansa.
Noong ika-labing limang siglo, upang maikalap ng mabilis at maunawaan ng mga Pil
ipino ang relihiyong dala ng mga Kastila sa ating bansa, ang kanilang mga misyon
aryo ay nag-aral ng ating wika. Ang unang nakaunawa ng wikang Filipino ang siya
ring kauna-unahang bumuo ng vokabularyo at aklat balarila, at nagsalin ng mga ak
lat sa dasal at panrelihiyon sa wikang Filipino. Ang mga ito ay inilathala upang
magamit ng iba pang misyonaryo at mga pari sa kanilang banal na gawain. Ang pag
papalaganap ng kristiyanismo ang siyang itinuturing na isa sa pinakamahalagang p
amana sa atin ng mga Kastila.
Part II
real.gif (626 bytes)
Ang kauna-unahang nailathala ay ang isang aklat na kinasusulatan ng mga dasal na
ngayon ay kinikilala bilang Doctrina Christiana. Ito ay inilimbag noong 1593 at
isinulat naman ni Juan de Plasencia, isang Franciscan friar. Ang panimula nito
ay naglalaman ng alfabetong Filipino, mga dasal gaya ng Pater Noster, Ave Maria,
Credo, at Salve Regina, at iba pang aralin sa relihiyon. Ang libro ay ginamitan
ng dalawang uri ng lingguwahe (bilingual), Espanyol at Filipino.
Sa katunayan, may dalawang salin ang Doctrina Christiana noong 1593. Ang una ay
ang libro na ginamitan ng wikang Espanyol at Filipino at ang ikalawa naman ay an
g libro ng katesismo sa wikang Chinese na isinulat naman ng Dominican friar na s
i Juan Cobo. Ang libro na ito ay may pamagat na Apologia de la Verdadera Religio
n, na ngayon ay kilala bilang Shih-lu. Isinulat nila ito sapagkat nabatid ng mga
Dominikano ang mahigpit na pangangailangang imulat sa katesismo ang libu-libong
Chinese na naninirahan sa labas ng Intramuros.
Part III
real.gif (626 bytes)
Tulad ng Doctrina Christiana, ang Shih-lu ay hindi lamang libro sa katesismo. Ma
yroon itong pilosopikal na pakikipagtalakayan tungkol sa Diyos at sa sandaigdiga
n, at iba pang impormasyon tungkol sa mga hayop at halaman, geograpiya at astron
omiya. Naniniwala ang mga dalubhasa sa kasaysayan na ang aklat na ito ang naunan
g isinulat kaysa Doctrina Christiana.
Ang mga aklat na ito ay inilimbag sa pamamagitan ng kahoy o kung tawagin ay wood
en blocks. Wala pang limbagan noon na gaya ng panahon natin ngayon. Ang pamamara
an ng paglilimbag na ito ay tinatawag na xylography ng mga Chino. May kabagalan
man at hindi maganda ang pagkakalimbag sa mga aklat, higit pa rin itong mabilis
kaysa isaling muli o isulat kamay ang bawat pahina ng katesismo upang maipamahag
i sa mga kristiyano.
Part IV
real.gif (626 bytes)
Ang ibang munting aklat sa katesismo ay inilimbag bago matapos ang ika-16 na sig
lo. Sa panahong iyon, ang typographic method ang ginamit sa paglilimbag, isang b
agong paraan ng paglilimbag na ipinasok sa ating bansa ng mga dayuhan. Ang kauna
-unahang aklat na inilimbag sa pamamagitan ng typographic method ay ang Libro de
Nuestra Senora del Rosario na isinulat sa Filipino ng Dominican friar na si Fra
ncisco Blancas de San Jose at inilathala noong 1602.
Si Francisco Blancas de San Jose ang kinikilala bilang kauna-unahang misyonaryon
g makata at manunulat sa wikang Filipino. Napag-aralan niyang mabuti ang ating w
ika at ang wikang Chinese noong siya ay nakatalaga sa Bataan. Isinulat din niya
ang Memorial de la Vida Cristianaen Lengua Tagala na inilathala noong 1605 sa Ma
ynila, at ang kauna-unahang balarilang Filipino o Filipino grammar book na Arte
y Reglas de la Lengua Tagala na inilathala noong 1610 sa Bataan.
Part V
real.gif (626 bytes)
Sa kabilang dako, ang mga Chino naman ang kinilala bilang unang tagapaglimbag ng
mga aklat. Halimbawa nito ay ng kauna-unahang aklat ni friar Francisco Blancas
de San Jose, na inilimbag ni Juan de Vera, isang Chino na naninirahan sa Binondo
c na kung tawagin ngayon ay Binondo na nasa lungsod ng Maynila. Noong 1610, isan
g bagong aklat naman ang inilimbag ni Diego Talaghay ng Bataan. Ang aklat na Lib
rong Pagaaralan nang manga tagalog nang Uicang Castila ay isinulat at inilimbag
ng isang
Pilipino na nagngangalang Tomas Pinpin.
next
Iba ang Pinoy
ni Princess O. Canlas
Source: Kabayan On Line
sari sari
Source: Papelmeroti
Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang lalawigan, at bawat lalawigan ay may
kanya-kanyang bernakular. Ngunit iba-iba man ang salita, iba-iba mang lugar
ang kinalakihan, iisa lang ang ugat na pinagmulan. Tayo ay Pilipino. Mahirap
malaman kung ang isang tao ay Pilipino nga o hindi sa kasalukuyang
panahon. Sapagkat ang iba sa atin ay mas nananalantay ang dugong
banyaga. At kung minsan pa'y mahirap ding alamin sa kanilang gamit na
wika.
May maitim at mayroon namang maputi. May matangos ang ilong at
mayroon namang sarat. May matangkad at mayroon din namang pandak.
Ngunit isang katangian ang nagbubuklod sa mga Pilipino upang sila'y
makilala mo at masabing: "IBA ANG PIN'Y!" Ang pagkakawanggawa ay may
taglay na iba't ibang katangian. Sapagkat ang taong mapagkawanggawa ay
masasabi ring matulungin sa kapwa, magalang, mabait, mapagbigay,
mapagpaumanhin, mapagtimpi, o mapang-unawa. At ang
pagkakawanggawang ito ang makikita sa mga Pilipino. Isang katangiang higit
sa kayamanan.
Mapapansin hanggang sa kasalukuyan na ang Pinoy ay may kusang loob na
pagtulong sa mga taong nasa kanyang paligid, kilala man niya ang mga ito o
hindi. Sa lansangan, ang mga bata ay tinutulungang makatawid nang
matiwasay. Ang matatanda ay inaalalayan sa kanilang paglalakad. Ang
maraming dala-dalahan ay tinutulungan sa pagbibitbit. Ang mga hindi
sinasadyang mahulog na bagay ay pinupulot upang iabot. Ang mga upuan sa
pampublikong sasakyan ay ipinagkakaloob ng mga kalalakihan sa matatanda
o sa kababaihan. Pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Pagbabahagi
sa mga nangangailangan. Pagtanggap sa mga bisita nang may sigla,
paghahain ng pagkain kahit kung minsan ay wala ng matira para sa kanila. At
minsan nama'y pag-ako sa mga gawaing naiwan ng iba. At ang lahat ng mga
ito ay ginawa ng kusang-loob at hindi napilitan lamang. Iyan ang Pinoy.
Likas sa mga Pilipino ang pagkakawanggawa. At ang kalikasang ito ay dapat
ingatan at pagyamanin pa. Nababatid ba natin na ang katangiang ito ay
nakapagkukubli ng mga pagkukulang na ating nagawa sa mata ng Diyos? Sa
iyong paggawa ng kabutihan, maaring may mga pagkakataon na ika'y hindi
napasalamatan o nginitian man lamang ng iyong tinulungan. At ang iyong
ginawa akala mo'y walang saysay o walang kabuluhan. Ngunit may Isang
higit sa lahat ay nakakaalam. At Siya ang tanging makapagsusukli sa iyong
kabutihan. Ang paggawa ng kabutihan sa kapwa ay may katumbas na
gantimpala sa Panginoon. Ngunit hindi man natin makamit ang biyayang iyon
dito sa lupa, makasisiguro tayong sa langit ay ipagkakaloob ng Diyos ang
gantimpala.
Tayo'y mga Pilipino, at nananalantay rin sa ating ugat ang dugong Kristiyano.
Ang pagkakawanggawa ay patuloy nating ihandog o ibahagi sa ating kapwa.
At hayaang ang ibang bansa ang magsabing, Pinoy ay dakila!
next
Tatak-Pinoy
ni RONALD YABUT
Source: Kabayan On Line
SAAN mang larangan ay nakikilala ang Pinoy.
Sa kulay ng kanyang balat, taas, hugis ng mukha, tangos ng ilong,
paglalakad, pananalita o anumang aspeto ay madaling malaman kung ang
isang tao ay Pinoy.
Maraming bansa ang humahanga sa Pilipino dahil sa taglay na
kabutihang-loob at malasakit sa trabaho. Nagugustuhan ng mga dayuhan ang
Pilipino dahil sa kanilang talino at sa mabilis na pang-unawa sa gagawin.
Likas kasi sa ating mga Pinoy ang mga mabubuting kaugalian na hindi
makikita sa ibang lahi.
"Kabayan" ang tawag natin sa ating mga kalugar o kababayan. Sa pagiging
magkababayan, naipapakita natin ang ating samahan o suporta sa bawat isa.
Nandiyan din ang damayan at pagtutulungan.
Subok na ngang matatag ang pagkatao ng bawat Pilipino. Narito ang ilang
katangiang tunay nating maipagmamalaki sa lahat.
Malikhain
Likas sa ating mga Pinoy ang pagiging malikhain -- sa sining,
gawaing-bahay, trabaho, pagsasaya at teknolohiya. Hindi tayo nagpapahuli,
ika nga. Sa katunayan, napabantog ang ating national artist na si Ka Levi
Celerio, buong mundo dahil sa pagtugtog niya sa pamamagitan ng dahon.
Aba'y tatak-Pinoy talaga 'yun!
Makapamilya
Pamilya muna bago ang iba. Mas prayoridad nating mga Pilipino ang ating
kapamilya o ang ating mga mahal sa buhay. Hangga't maaari ay ayaw nating
magkahiwa-hiwalay. Close ang bawat isa -- mula sa lolo hanggang sa
magiging apo. Sa hirap at ginhawa, magkakamag-anak.
Maka-Diyos
Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. "Bahala na ang Diyos" ang
karaniwan nating naririnig sa ating mga kababayan. Malalim ang ating
pananampalataya at pananalig na hindi tayo pababayaan ng Panginoon.
Malapit tayo sa mga sakramento at simbahan. Di nga ba't ito ang dahilan
kung bakit mahilig din tayong magdiwang ng mga kapistahan.
Nagpapasalamat tayo sa mga grasyang tinatanggap!
Tumatanaw ng utang na loob
Ang pagtanaw ng utang na loob ay likas sa atin. Hindi natin ito mawaglit sa
ating puso at isipan. Palagi tayong nagpapasalamat sa mga taong tumulong
sa atin sa oras ng ating pangangailangan. Handa naman tayong ipagkaloob
ang tulong na ating makakayanan kung ang pinagkakautangan ng loob ay
siya naman ang nangangailangan.
Makabayan
Sa pagsunod sa batas, masasabi nating tayo ay tunay na makabayan. Hindi
lang sa digmaan, sa krisis o sa anumang sakuna nasusukat ang malasakit
natin sa bayan. Nasasalamin natin ito sa paglilingkod ng tapat at sa
pagtatrabaho ng maayos. Ang bawat araw ay pinahahalagahan at ang bawat
problema ay sinosolusyunan.
Matiyaga
Kapag may tiyaga, may nilaga. Aba'y ilang beses na itong inulit-ulit sa atin
ng mga matatanda. Kailangan daw nating magpakasakit upang makamit ang
pangako ng magandang bukas. Ganito rin daw sa pag-ibig. Kailangang hindi
tayo manghinawa sa pagpapadama ng ating pagmamahal. Sa pamumuhay
naman, marami na rin sa ating tanyag na kababayan ang naging
matagumpay dahil sa kanilang pagsusumikap at pagtityaga.
Bayanihan
Sama-samang pagtulong sa mga nangangailangan na walang hinihintay na
kabayaran o kapalit. Dito tayo sikat! Hangad nating makita na masaya ang
ang ating mga tinutulungan. Bukal sa ating kalooban ang pagbibigay ng
tulong at paggawa ng kabutihan. Sa paggawa o paglipat ng bahay,
pagtatanim o pag-aani, paglilinis at kahit na sa pagluluto kapag may
handaan, nangingibabaw ang bayanihan sa karamihan.
Pakikisama
Wala na sigurong hihigit pa sa ating mga Pinoy pagdating sa pagkakaibigan.
Sa trabaho, paaralan o saan mang dako, siguradong tayo ay may mga
kakilala at kaibigan. Hindi nga ba't mahilig tayong gumimik at magdamayan
sa hirap at ginhawa, may pera o wala. Ang sarap talaga maging Pinoy!

You might also like