You are on page 1of 2

Tunay nga namang napakabilis ng panahon at hindi ko namalayang nandito ako

muli sa aking sintang paaralan. Hindi na bilang isang estudyante kundi isang
magsasakang nais magsilbing inspirasyon sa inyong mga estudyanteng nakikinig.
Maiintindihan ko kung kayoy magtaka, magulat at maaaring ang ilan pa sa inyoy
matawa. Sino ba naman ang isang magsasakang tulad ko para sa inyo na ang
pangarap ay maging isang doktor, abugado, inhinyero, piloto o kahit anupamang
trabaho. Ngunit sa kabila nito, sanay hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang mga
kakaiba, kamangha-mangha, at makabuluhang pangyayaring nagpaunawa sa akin sa
kahalagahan ng agrikultura. Oo, isa akong magsasaka at ipinagmamalaki kong akoy
isang full-fledged farmer.
Dalawang taon na ang nagdaan bago ako nagtapos ng Agricultural and
Biosystems Engineering sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Banos bilang Cum Laude.
Lubos na kasiyahan ang aking naramdaman sapagkat lahat ng paghihirap ko at
nasuklian ng tagumpay. Limang taon ang iginugol ko sa pag-aaral ng Agrikultura at
masasabi kong hindi ito basta-basta. Lingid sa kaalaman ng nakararamin na ang
larangang tinahak ko ay hindi lamang nakasentro sa pagtatanim sa ilalim ng tirik na
araw, ito ay may mas malalim at mahalagang papel sa ating lipunan.
Sa limang taon ko sa UP, napagtanto kong tulad ng isang doktor, ang mga
agrikultor ay nangangalaga ng mga may-sakit na pananim, naghahanap kami ng lunas
upang mapangalagaan ang mga prutas at gulay na tanim laban sa sakit at impeksyon.
Tulad ng inhinyero, ang mga magsasakang tulad naming ay isinasaayos ang mga
pananim sa ibat ibang paraan upang episyenteng magamit ang limitadong lupa ng
ating bayan. Ako bilang nagtapos ng Agricultural and Biosystems Engineerig ay isa ring
geologist na nagsusuri ng angkop na lupa para sa matayog na paglaki ng ibat ibang
halaman. Kahalintulad ng isang chemist, nagtitimpla rin kami hindi ng mga gamot kundi
mga pataba na magpapalago sa mga pananim na walang masamang epekto sa
katawan ng tao at maging sa kalikasan. Ang mga ka-propesyon ko ay isa ring siyentista
at geneticist na nageeksperimento ng posibleng kombinasyon ng ibat ibang genes
mula sa magkaibang tanim upang makalikha ng hybrid na mas matatag laban sa mga
virus at bacteria, mas malago at mas masustansya.
Ang agrikultura ay isang napakalwak na sektor na nagaalok ng walang hanggang
posibilidad. Patunay dito ang pagturing ng DOLE sa mga trabahong may kinalaman sa
agrikultura bilang pinakakailangan trabaho sa loob ng bansa. Dalawang taon pa lamang
ang nagdaan bago ako nagtapos ngunit nayon, isa na akong parte nd DAR na may
mataas na posisyon at sumasahod ng limampung libong piso kada buwan.
Bago ko lisanin ang entabladong ito, nais ko munang alisin ang pangit na
impresyon ng nakararami sa salitang agrikultura at magsasaka. Lilinawin ko lamang po
sa inyong lahat na ang pagsasaka ay hindi humahanggan sa pagtatanim, ito ay may
maka-agham na salik na kinkailangang pag-aralan at dito nakasentro ang agrikultura.
Ang lahat ng produktong inyong nilalasap ay nagmula sa mga masigasig at malikhaing
magsasakang tulad namin. At sanay kayo na ang sumunod. Maraming salamt po at
magandang hapon sa inyong lahat.

You might also like