Denisse: Jared! Jared! (sinusundan si Jarred) Jarred: (hindi pinapansin si Denisse) Denisse: Jarred ano ba! Hindi mob a ako papansinin? Gusto mo bang ipagsigawan ko ang nangyari sa---- Jarred: (biglang haharap at pipigilang magsalita si Denisse) (kakaladkarin palayo) Jarred: ano bas a tingin mo ang ginagawa mo ? Denisse: (sa malumanay na tono) ayaw mo kasi akong kausapin eh. Jarred: (hindi iimik) Denisse: Ano bang problema Jarred? Okay naman tayo ah? Bakit bigla-bigla eh iniiwasan mo na ako? Jarred: Dahil kaibigan mo si Samantha. Dennise: Ano naman ngayon. Isa pa hindi mob a natatandaan na hindi na kami magkaibigan? At tapos na ang lahat sa inyo ni Sam di ba? Tapos na! Tayo na ngayon! Jarred: Teka teka, anong tayo na? Wala tayong pinag-usapang ganyan. Denisse: Pero may nangyari satin nun party. Isa pa nitong mga nakaraang buwan parati tayong magkasama. Jarred: Dennise, gusto ko lang ulitin at linawin sayo na lasing tayo ng gabing yon kaya wala tayong control sa sitwasyon. At hindi porket may nangyari sa atin eh ibig sabihin eh magiging tayo na. Denisse: Ano!? Ganon na lang ba yun Jarred? Eh yung parati tayong magkasama? (hopeful pa) Jarred: Denisse, mukhang namisinterpret mo lahat ng mga ginagawa ko. Kaya ako sumasama sayo dahil kaibigan kita at naiintindihan mo ang sitwasyon ko bilang boyfriend ni Sam. Denisse: WHAT!? (galit na) ibig sabihin lahat ng mga nangyari at ginawa mo nitong mga nakaraang buwan eh wala lang sayo? Na dahil KAIBIGAN MO LANG AKO? Jarred: OO Denisse. Dahil kaibigan kita. Im sorry to say this pero mukhang wala akong choice kundi ang sabuhin sayo na kaibigan lang ang turing ko sayo dahil hanggang ngayon mahal ko pa rin si Sam. Mahal na mahal. Denisse: Eh gago ka pala eh!! Pinaasa mo lang ako! Bakit k aba ganyan Jarred? Ako ang una mong nakilala kaysa kay Sam. Ako ang mas unang nagmahal sayo! Ako ang mas higit na magmamahal sayo kahit maging sino ka pa! Ano pa bang kulang? Ano pa!!?? Jarred: Denisse (nagulat sa revelations) Hindi ko al---- Denisse: (Pasigaw na) Hindi mo alam!? Hindi moa lm kasi kay Sam ka parating nakatingin! Hindi moa lam na may isang Denisse na nagmamahal sayo. Jarred: Im sorry Denisse. Denisse: Hindi ko kelangan ng sorry mo!! Jarred please Ang kailangan ko ay ang mahalin mo rin ako. Kahit konti lang. Jarred: Hindi ko kaya ang hinihingi mo. Denisse: Bakit? Dahil desperada ako? Dahil hinahabol-habol kita? Dahil tinalikuran ko ang mga kaibigan ko para sayo? Dahil tanga ako!? Bakit? Anong dahilan? Jarred: Dahil hindi ikaw si Sam. (walks away) TAPOS DITO NA UNG MOMENT NI DENISSE A.K.A FLASHBACK SCENE NANG PAGKAKAKILALA NILA NI JARRED.