You are on page 1of 2

Bulacan State University

Malolos City, Bulacan


College of Engineering

Kristelle Joyce M. Enriquez BSECE 1A


1. Tungkol saan ang dula? Paan sinimulan at pinaunlad ang kwento hanggang sa matapos?
---Ang dulang kakarong de sili ay tungkol sa kabayanihan at pagkamakabayan ni
Eusebio Roque. Sinimulan ang dula sa pag-awit ng Lupang Hinirang sinundan ng
pagkukumpol-kumpulan ng mga kabataan na kinalaunan ay waring nagtime travel,
napaunlad ang kwento hanggang sa matapos sa pamamagitan ng saliw ng musika at
kanilang pagkanta na naangkop sa pinapaksa ng kanilang dula.

2. Makatuwiran ba o lohikal ang takbo ng mga pangyayari? Kapani-paniwala ba ang
ikinilos ng mga tauhan?
---Para sa akin ay makatwiran naman ang takbo ng mga pangyayari at kapani-paniwala
naman ang mga ikinilos ng mga tagaganap.

3. Kung kayo ang sumulat ng dula, anu-ano ang babaguhin ninyo sa mga tauhan, sa mga
tagpo, pangyayari, sa mga ideya at pananaw?
---Kung ako ang sumulat ng dula, ang babaguhin ko ang mga pangyayari nito. Gagawin
ko sa mas makulay pang paraan upang mas malibang at hindi mainip o antukin ang mga
manood. Gagawin ko itong mas modern para mas lalo pang makarelate ang mga
manonood.

4. Katulad ba o kaiba sa pangyayari sa tunay na buhay ang mga tagpo? Paano nakakatulad o
naiiba? Kung naiiba, tukuyin kung anong pamamaraan, tauhan o pangyayari ang ginamit
ng awtor sa dula para maiba ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay.
---Kaiba sa mga pangyayari sa tunay na buhay ang mga tagpo, sa aking palagay ay mas
nilagya ito ng emosyon ng awtor upang mas maging kapani-paniwala sa mga manood.

5. Katulad ba o kaiba sa pangyayari sa tunay na buhay ang pagsasalita at usapan ng tauhan?
Paano nakakatulad o nakakaiba? Kung ang pagsasalita at usapan ay hindi tulad sa
karaniwang salita at usapan sa kasalukuyanng panahon, ano kaya ang dahilan? Sinadya
kaya ng mandudula ang naiibang salita at usapan sa dula? Ano kaya ang dahilan para
gawin ang gayon?
---Kaiba sa pangyayari sa tunay na buhay ang pagsasalita at usapan ng mga tauhan,
sinadya ito ng mga mandudula sa kadahilanang upang mas maunawaan sila ng kanilang
mga manonood, hindi sila masyadong gumamit ng malalalim na salita upang mas madali
silang maunawaan ng mga tagapanood.

6. Anu-anong tagpuan, kasangkapan, kasuotan at iba pang bagay ang ginamit sa dula na
nakatutulong para maging matingkad sa isip ninyo ang tauhan, pangyayari o ideya?
---Gumamit silan ng mga tradisyunal na kasuotan gayun din naman ng mga makabayang
simbolo gaya ng flag, ang kanilang entablado ang mas lalong nagpakinang ng dula.

7. May mga tagpo bang dahil sa katahimikan ay lalong nagpatingkad sa tauhan, pangyayari
o ideya? Kung kayo ang sumulat ng dula, aling tagpo ang gagawin ninyong tahimik para
mas lalong tumingkad ang pangyayari, tauhan o ideya?
---Mayroon naman, ang tagpong aking gagawing tahimik ay noong pinatay si Eusebio
Roque upang mas lalo pang maramdaman ang emosyon ng tagpong iyon.

8. Anu-anong tunog at musika ang ginamit sa dula na nakatulong para maging matingkad sa
mga manonood ang dula, tauhan, pangyayari at ideya?
---Gumamit sila ng mga kantang makabayan, gayun din naman gumamit sila ng mga
kantang modern para mas lalong maging kaaya aya ang dula sa mga manonood.

9. Anu-anong pangyayari o isyu ang namamayani sa panahon o lipunan ng sulatin ng awtor
ang dula? May kauganayan ba sa panahon o lipunan ng awtor ang akda? Ipakita ang
ugnayang ito sa pamamagitan ng pagsusuri sa paksa, tauhan, tema, usapan, anyo at
paraan ng pagsasadula.
---Sa akiing palagay ang mga isyung namamayani sa lipunan nang sulatin ng awtor ang
dula ay ang isyu ng pagiging malaya sa isang pwersang nagdodomina sa panahon niya,
may kaugnayan ito sa akda sapagkat ang pinapaksa ng akda ang ay pagiging
rebolusonaryo ng mga Pilipino laban sa mga Kastila, sa mga tauhan naman. Marahil ang
kumakatawan sa mga Pilipino sa akda an gang mga Pilipino sa panahon na isinulat nig
awtor ang akda at ang iba pang mga tauhan ay kumakatawa din sa ibat ibang mga tao
noong panahon na isinulat ng awtor ang akda, sa aking palagay ay gumamit ng mga
alegorya ang awtor sa pagsulat ng akdang iyon.

10. Anong uri ng akdang patula ang inyong napanuod. Ipaliwanag.
---Tulang pandulaan o pangtanghalan dahil isinagawa ito sa entablado na may saliw o
himig na ayon sa tema o diwang pinapaksa nito.

You might also like