maging malimit na paksa ng usapan. A t sa mga usapan tungkol sa kanya na narinig ko narinig ko mula kay Ina, mula sa mga kapatid ni A ma, mula sa mga kapitbahay, mula kung kani-kanino ay para ko na ring nasaksihan ang buhay niya na hindi ko nasaksihan. Si Ama Edgardo M.Reyes Nalaman ko halimbawa, na si A ma ay nakatapos ng pitong grado, i^ang katangiang maipagmamalaki na kung i i si pi ng si ya'y nag-aral sa panahong bihirang-bihira ang may hi l i g mag-aral. (Ipinanganak siya nang taong si Ri zal ay barilin sa Luneta.) A l am ko pati ang pagkakapangasawahan nila ni Ina. Labindalawang taon ang katandaan ni A ma kay Ina. A y wan ko kung bakit sa kabila ng malaking katandaan niya kay Ina ay nagustuhan siya ni Ina, ngunit alam ko kung bakit lumagpas siya sa akmang gulang ng pag-aasawa; panga- nay siya sa pitong magkakapatid, maaga silang naulila sa ama, at natural, mangyari pa, na siya ang magdala ng pamilya. Nang may kumikita na sa mga kapatid niya ay saka pa lamang siya nakaisip mag-asawa. Bago mamanhi kan si A ma ay nagpundar muna siya ng bakuran at bahay. Ngunit nang si ya'y mamanhikan na (kasama ang malalapit na kamag- anak) ay hinihingan siya ng dote ng mga magulang ni Ina, bukod pa ang mga kondisyon sa kasal. Pasudlungan daw niya ng dalawang sibi ang bahay ng kanyangbibiyenanin.atipakumpuniang bulok na batalan. Sa kasal, pinapag- bubuwal siya ng dalawang kalabaw. Nagpaalam sina Ama at ang sabi'y i i si pi n ang kanilang hinihingi, ngunit hindi na nagbalik si A ma. Sabi raw ni A ma kay Ina nang si la'y makanakaw hg pagkakataong magkau- sap, "Di ko kaya ang hi ni hi ngi ni la, at 186 ; kaya ko ma'y di ako lokong magpapa- Ijaklak nang gayon sa mga taong may [ malalaklak nainan sa kanilang bahay. iDalawang manok, kayakong magbuwal; 1 kung lalagpas pa roon ang gusto ni la'y Isabihin mong kanila ka na at akin na ang Rdalawang manok ko." Nasakyan naman ni Ina ang punto | ini Ama; katunavan, para i paki l al ani Ina I na hindi mahala ga sa kanyaang magar- i | bong kasal, ay aiyakag ni ya si A ma na | | magtsnan sila. K ayai sa kaxdlang pagkakapan- : gasawahan, ni <ng dalawang manok ay hindi nabuwal. Nagalit si Ingkong (ang ! ama ni Ina), ang pamalita'y hi ndi si la makapapanhik mask! kai lan: itaga raw ! iyon sa bato. Sinubok nilang pumanhik- itinaboy sila ng mura. Sinubok ul i ni la I nang may apo na (si Ate Mati ng) sa kanila si In gkong-minura sila nang kaunti ngunit murang mura-murahan; nakapag- mano si la. Latero si A ma Tumatanggap siya ng anb mang gawaing may kaugnayan sa lata: paatip ng bahay, alulod. A ng silong ng aming bahay ay talyer na gawaan niya ng batya, palanggana, sandok, rigadera, imbudo, kung anu-ano pa. Apat kaming anak (Si Ate Mari ng, si K uya Selmo, si Di kong Ige, at ako), at kami 'y katu- katulong niya sa talyer. May oras kami para sa laro, may oras para sa iskuwela, may oras na ukol sa pagtatrabaho. Sa kanya'y walang bata-bataris. Mapa- pahiya sa kanya ang sinu mang maki- kihinang ng balde. Dapat siyang bayaran ng bayad na sa palagay ni ya'y katumbas ng kanyang ipinagtrabaho. H i ndi siya napababataris at hindi naman namba- bataris. * Mi nsan, noo'y maliliit pa kami, si A ma ay nagkaroon ng trabaho sa malayo at may isang linggong hindi umuwi. Sa ikatlong araw ng kanyang di pag-uwi ay lumakas ang hangin, walang lubay ang ulan; ang balita'y may bagyo. Sa takot my Ina na baka ibuwal ng bagyo ang aming bahay ay tumawag siya ng isang kapit- bahay at pinadagdagan ang serga ng aming bahay. Nang umuwi si A ma ay napansin agad ni ya ang bagong serga. "Mabwn, sabi ni A ma.' I E> si no'ng ptnagkabtt mo nireT* "Si Omeng " sabi ni I na. "O, e, magkano'ng ibinigay mo?" A tubi l i ang sagot ni I na "Nalimutan ko, e." Nagalit si A ma. "Naghirap 'yong tao'y di mo binayaran? H al a, padalhan mo ng sampiseta" K ung ang ugali ni A ma ay hi ndi kabisado ng aming kapitbahay, walang pagsalang marami siyang makakasuma- ngan. Si A ma ay hindi nangungutang at hindi mauutang'an. Noong panahon ng H apon, natatandaan ko, ay nagkahira- pan sa bigas. Mapera kami (perang H apon), ngunit ang mabibili ang wala. Naghanda ng isang bayong na pera si A ma. "Ti ti ngi n ako sa San Rafael," sabi ni A ma. Umaga nang umalis si A ma at nang bumalik ay gabi na; ang bayong ay may lamang apat na salop na bigas. "Gutomna'ng mga bata kaya nang- hiram muna 'ko ng sanggatang kina Iska at siya kong i ni lugaw," balita ni Ina kay A ma. Nagalit si A ma. Masakit din ang salitang sinabi niya kay Ina. 187 "Ul i -ul i , ke mamatay kayo sa gutom, huwag kayong mangungutang. A ng problema nati'y problema natin, huwag n'yong idamay ang mga kapitbahay. H al a, palitan mo.'ng kinuha mo ke Iska; patubuan mo ng sandakot" Si A ma ay hindi nagsisimba, ngunit kami ay hindi niya pinagbabawalang magsimba. Kapag pista sa aming baryo, kahit paano'y tumutulong siya sa abu- luyan, ngunit hindi siya pumapayag na kami 'y maghanda. ? "Paanopokungmagkabisitatayo?" minsa'y nasabi ni Ate Mari ng kay A ma. "Baka po magdatingan dito ang mga kaklase ko." "H arapi n mo, tapos!" sabi ni A ma. "Di baleng magpakain tayo ng iba kung hindi makagigipit sa 'ti n, pero sa 'ti n lang e di magkahusto'ng kabuhayan natin, paanong gagawin mo?" S a pag-aasawa ng mga anak ay liberal si A ma.. "Di ko kayo pakikialaman," sabi niya sa amin, "K e H udas at H udesa ang mapi li n'yo, bahala kayo. Me mga isip naman kayo. Isang bagay lang: pag- aasawa n'yo'y magsasarili kayo. A t sa kasal, ayoko nang mangungutang kayo, o hihingi ng pangkasal sa 'ki n. Pagkaraan ng giyera ay sumigabo ang nagpapagawa ng bahay at si A ma ay tumanggap ng marami ng trabaho. Maestro latere siya at kaming tatlo nina K uya Selmo at Di kong Ige ang pi yon. Si nusuwel duhan ni ya kami nang arawan. A ng sahod namin ay aming- amin; hindi bumabahagi si Ina, at iyon ay sa kagustuhan na rin ni A ma. \ "Gastahi n n'yo para sa i nyong sari l i ," sabi ni A ma. "Ipag-aral n'yo." Kayatsatulongngpaglalatero,lahat - kami 'y nakakarera. Naging sikat kami sa aming baryo. Sino ang maniniwalang sa baryo namin na ang halos lahat ay nabubuhay sa pagsasaka ay may isang pamilyang lahat ng anak ay titulado? Sa naging kapalaran namin, nindi lahat ay pumupuri kay A ma; nariyan din ang mga pumupula. "K uri pot kasi , e." "Walang kapwa tao." . j "A ni mo'y kung si nong Ponci o Pi l ato." Sunud-sunod arig taon ng aming pag-aasawa kayat sa loob lamang ng apat na taon ay nawalan sina A ma ng anak na wal ang asawa. A t bi l ang pagsunod sa kagustuhan ni A ma, bawat mag-aasawa sa ami 'y nagsasarili. Sa mga may pinagtapusan ay hindi mahirap ang pagsulong. H ang taon lamang at si K uya Selmo, empleyado sa bangko, ay nakapagtayo ng magandang bahay sa Makati . Si Di kong Ige, ki mi ko sa habihan ng tela, ay nagkakotse at nagkabahay sa Pasig. Si Ate Mari ng, maestra sa haiskul, ay may bahay na rin sa Caloocan. A ko'y nangungupahan ng "apartment" sa Quezon Ci ty ngunit may hinuhu lugan na akong lote at nagbabalak na ring magpatayo ng bahay. Samantala'y matanda narin si A ma; sila ni Ina ay naroroon pa ri n sa luma naming bahay, na gayong latere siya ay pawid ang bubong. Sa buhay nila ni Ina, ang pinakamalaking pagbabagong mapa- pansin ay ang patuloy na pagdami ng puti sa kanilang mga buhok. K ung lilingunin ang pinagmulan naming magkakapatid ay masasabing malalayo na rin ang aming nararating. 188 A ng bagay na ito ay nauugnay sa bali - balitang nahihigingan namin: umano, learning magkakapatid ay walang turing na mga anak. Pagkatapos daw namaiangat kami"ni A ma ay pinabayaan na namin sila sa ibaba. Sa aming kawalang-utang na l oob, marahi l ay kami lamang ang makauunawa. A ng kalagayan nina A ma ay na pag-usapan na naming magkakapatid. K ukuni n namin sila. Nagkaroon pa nga kami ng pagtatalo, pag-aagawan, pagkat dalawa lamang silang kukunin namin at kami 'y apat na kukuha. Napagkayarian na lamang namin na kung sino ang gus- tong samahan ni na A ma ay siyang mananalo. Umuwi kami at ang aming napag- usapan ay sinabi namin kirta A ma. Inaasahan naming matutuwa si A ma, ngunit nagkamali kami . "Magti gi l nga kayo," sabi sa amin ni A ma. "H anda kami sa pagtanda namin ng ina ninyo, anong 'kala n'yo? At kayo ba'y papagsasarilinin ko ng ano?" A t ang pagpupumilit namin at ang pagpapaliwanag ay hindi pinakinggan ni A ma. Ibang balak naman ang sumaisip namin. "Ipagiba natin ang bahay na pawid at ipagpagawa natin si l a ng bago," mungkahi ni K uya Selmo, at iyon ay sinang-ayunan namin. Ngunit muli ng binigo ni A ma ang aming pagmamagandang-loob. "Tama ne'tong bahay ne'to sa 'mi n ng ina n 'yo," sabi ni AmaTTama na sa tao yaongpagtulog ay hindi nahahamugan." Basta't may pagkakataon di n lamang ay umuuwi kami sa lalawigan at dinadalaw namin sina A ma. Nagpa- pasalubong kami ng damit, pagkain, kagamitan sa bahay, ngunit hindi kami nagbibigay ng pera pagkat tiyak namang hindi tatanggapin ni A ma. "H i ndi pa naman kayo kayamanan, a," sasabihin ni A ma. f Mahi na na si A ma. Malabo na ang kanyang mata at makupad na siyang kumilos. Wala na ang dating bi li s niya sa pagsisinsil ng lata, ang dating bilis niya sa paghihinang. Maluwag na ang balat sa maugat niyang bisig at parang mabigat na para sa kanya ang soldador, ang istanyo. Paggawa naman ng lababo ang inaatupag niya, at iyon ay ipinagbibili ni Ina sa palengke. Mi nsan, sa awa ko, ay ni l i hi m ko. si Ina. Inaabutan ko ng pera si Ina, ngunit iyon ay ayaw niyang kunin. "Magagalit ang ama mo," sabi ni Ina. "D i huwag pc n'yong sabihing binigyan ko kayo," sabi ko. "H i ndi ko magagawa, anak," sabi ni Ina. "H i ndi nga niya malalaman, pero ang kaso'y di ko kayang maglihim sa kanya. Di ko kayang magtago ng anu- man sa kanya. Saka di naman namin masyadong kailangan ang pera. Pagkain lang naman ang pinagkakagastahan nami n." Nahuhukot si A ma ay gumigiray naman ang luma naming bahay. "Sa edad n'yong 'yan e di na kayo dapat magtrabaho," sinasabi namin sa kanya. "A t anong gusto n'yo, mamatay ako nang nakatunganga?" Bunga ng katandaan ay malimit nang dapuan ng sakit si A ma. Kayat nang isang araw ay lumuwas ang isa 189 naming pinsan at ibinalitang patay na si A ma, naiyak kami ngunit ang balita'y hindi naging kagulat-gulat sa amin. Gumayak kami sa madaliang pag- uwi , kasama ang pami-pamilya. A t bago kami nagkanya-kanyang uwi , si K uya Selmo ay nakasama ko sa pagbili ng korona. "Pi hong aasahan sa atin ang ma- lakihang l i bi ng at isang malakihang lamayan," sabi ni K uya Selmo. "K ahi ya- hiya sa baryo natin at sa mga kamag- anak natin kung sa ating kalagayang i to'y hindi natin maibigay iyon sa A ma." "A no'ng mainam na gawin natin?" tanong ko. "Gastahan natin nang todo ang Ama. A ntal ahi n nati n ang l i bi ng para maipagpagawa natin siya ng libingang marmol. I bi li natin siya ng maganda at mahal na ataul. Kumasundo tayo ng musiko. Umarkila tayo ng mga dala- wampung karitela para walang maglakad sa mga makikipaglibing. Sa lamayan, ibigay natin ang kaya nilang kai ni n." "Tama," sabi ko. "Tutal , ngayon lamang naman natin pagkakagastahan ang A ma " Sa J.uma nami ng bahay nang dumating kami , ang mga nakikiramay ay nagpapayok ng galyetas na ipinaa- anod sa matabang na kape. Wal a ni isang manok na pinapatay sa kusina. Sa du- luhan ng bakuran ay tadong karpintero ang gumagawa ng ataul. (Sa aming bayan ang mayayaman lamang ang kapag namatayan ay bumi bi li ng yari nang ataul). Si A ma ay nakaunat sa papag. A l am kong siya'y patay na ngunit aywan ko kung bakit pi li t kong isinasaisip na siya'y natutulog lamang. I big kong huwag umiyak pagkat lalaki ako, ngunit sa gayong pagkakataon pala ang l al aki 'y nawawala sa kanyang pagkalalaki. A ng napag-usapan namin ni K uya Selmo ay sinang-ayunan nina Djkong Ige at Ate Mari ng. Malakihang lamayan. Kontri-kontribusyon kami ng tig-sasan- daang piso kay Ate Mari ng na sasama- han niya ng sandaan din bago ibigay kay Ina. "Para sa'n 'to?" tanong ni Ina nang ibigay na sa kanya ni Ate Mari ng ang pera. A t ang aming napagkayarian ay inilahad namin kay Ina. "Magpabi l i na 'gad kayo ng baboy, saka maraming manok," sabi ni Di kong Ige. "Pati gi li n na n'yo ang gumagawa ng ataul at bumi li na lang tayo ng yari ," sabi ni K uya Selmo. * Ngunit hindi nasunod ang aming nais pagkat tumutol si Ina. "H i ndi ko magagawa 'yon sa ama n'yo," sabi ni Ina. "Lal o na ngayong nanahimik na si ya." A t sa paliwanag ni Ina ay lumitaw na si A ma pala ay nag-ipon ng perang pampalibing sa sarili nito. Kaunti la- mang ang natipon ni A ma, ngunit sasa- pat na sa isang aba, payak na li bi ng, na umano'y siyang i bi g ni A ma. Nais ko sanang sabihin kay Ina na anuman ang gawin namin sa libing ni A ma ay maaari pagkat wala na si A ma upang tumutol. Ngunit naisip ko na isang malaking kala- pastanganan kung rnagsasamantalakami sa sandaling si A ma ay hindi na makapag- tanggol. 190 Puntod lamang ang pinaglibingan kay A ma, ngunit damang-dama ko ang dangal at katapatan ng li bi ng na i yon. H anggang sa huling hantungan ay dala ni A ma ang kawalan ng pagkukunwari. PA G SUK A T SA PAIVG-UIMAWA )mmmmmm T A L A SA L I T A A N Bi gyan ng dalawa o tatlong kahulugan ang mga salitang may salungguhit at gamitin sa pangungusap. 1. malimit na paksa ng usanan 2. hinihingan ng dote 3. ipinagbubuwal ng dalawang baka 4. walang bata-bataris 5. sumigabo ang nagpapagawa ng bahay 6. walang lubay ang ulan 7. maraming makasusumangan 8. gumigiray ang bahay BAL I K-DI WA Ilarawan ang amang binabanggit sa kuwento. Sang-ayon ba kayo sa kanyang prinsipyo sa buhay? Bakit? A no ang masasabi ninyo tungkol sa larangan ng mga sumusunod: a. pag-aasawa b. hanapbuhay c. paghahanda kung pista d. pami mi li ng mapapangasawa ng anak e. pangungutang f. pagpapalaki sa anak K ung ikaw ang ama, papayag ka ba sa mga iminumungkahi ng mga anak huwag nang magtrabaho at pagpapatayo ng bahay para sa kanilang mag- asawa? Bakit? A l i n sa mga prinsipyo ng ama ang iyong naibigan? di-naibigan? IpaJiwanag. 191 1. 2. 3. 4.