You are on page 1of 5

Maikling Kwentong Romantisismo

Ang Nawawalang Prinsesa


Nawawala ang prinsesa gabi-gabi ngunit, walang makapagsabi kung saan siya
pumupunta.
Nagpabalita na ang hari na ang sinumang makapagtuturo kung saan tumitigil ang
anak tuwing hating-gabi ay bibigyan ng kalahati ng kaharian at, kung binata, ay
ipakakasal sa prinsesa. Ngunit, kapag nabigo ang nagprisintang magbantay,
pupugutan siya ng ulo.
Marami ang nagtangkang makipagsapalaran hindi lamang dahil sa kayamanang
matatamo kundi dahil sa napakaganda raw ng prinsesa. Anglahat ng mga ito ay
nabigo. Wala pa ring makapagsabi kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating-
gabi.
Sa kalagitnaan ng gubat na malapit sa palasyo, may isang dampang tinitirhan ng
isang matandang mangkukulam. Isang araw ay dinalaw ang matanda ng binatang
napamahal sa kanya dahil madalas siyang tulungan nito.
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. Maganda po
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.
inigyan siya ng matanda ng isang balabal na kapag kanyang isinampay sa mga
balikat niya ay hindi siya makikita ninuman. inindisyunan siya ng matanda at
pinagbilinang magpakaingat bago siya nagpaalam.
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbant. iglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.
May iniabot sa kanyang isang basong inumin na noong makatalikod ang prinsesa
ay kanyang itinapon sa isang masitera ng halaman. Naluoy agad ang mga dahon
ng halaman.
Nagkunwaring natutulog, ang binata sanhi ng tinunggang inumin. Nang
maramdaman niyang lumabas sa silid ang prinsesa, isinoot niya ang mahikang
balabal at sinundan niya ito. May dinaraanan pala tagong pintuan ito na palabas
sa palasyo.
Sumakay sa isang naghihintay na karwahe ang prinsesa. !i nito alam ay kasama
ang binata dahil hindi niya nakikita ito.
Nagtuloy sa isang malayong gubat ang karwahe. Sa gitna ng mga kahuyan
huminto ito at bumaba ang prinsesa. Nakipagsayaw siya sa mga gitanong
nagkakaipon doon at nagsasaya.
Sa likod ng isang puno, tinggal ng binata ang kanyang balabal at naglagay ng
maskara.
Nilapitan niya ang prinsesa at silay"y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila"y bumalik
sa palasyo.
Masasabi mo ba kung bakit nawawala ang prinsesa sa hating- gabi# tanong ng
hari nang humarap sa kanya ang binata kinaumagahan.
$po, Mahal na %ari& Nakikipagsayaw po siya sa mga gitano sa gubat gabi- gabi.
Ito po ang katunayan- itong halos warak nang sapatos na kinuha ko sa kanyang
pinagtapunan matapos na makasayaw siya.
Ipinatawag ng hari ang prinsesa at hindi naman ito makatanggi sa amang
nagpakita ng katunayan. alak pa sana ng prinsesa na umayaw na maging asawa
ang binata, ngunit nang ilagay nito ang maskara, nakilala niya ang kasayaw na
kinagiliwanan nang nagdaang gabi.
'umugtog ang banda at masuyong niyaya ng binata na magsayaw sila ng
prinsesa na masaya namang yumakap sa kanya.
Mga Tauhan:
%ari
(rinsesa
inata
Matandang Mangkukulam
Tagpuan:
)ubat.
Suliranin:
*aging nawawala ang prinsesa gabi + gabi.
Saglit na Kasiglahan:
Nang masundan ng binata ang prinsesa sa gubat.
Tunggalian:
Nagsuot ng maskara ang binata upang hindi siya makilala ng prinsesa sa pag-
sayaw.
Kasukdulan:
(inakita ng binata ang sapatos sa hari upang patunay na nasa gubat ang
prinsesa.
Kakalasan:
Nakilala ng prinsesa ang kanyang kasayawan noong lumipas na gabi.
Katapusan:
Sila ay muling nagsayaw pagkatapos makilala ng prinsesa ang binata.
Aral:
Wag magtago ng mga lihim sa ibang tao dahil ito ay malalaman din sa tamang
panahon.
Maikling Kuwento Realismo:
Ang Batang Masunurin at Matulungin
Si (aul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. (aggagalitan siya ng ina
kapag mahuli siya sa pag-uwi.
%abang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang
tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. 'umayo ang mga
ito sa tabi niya upang umabang din ng sasakyan maya-maya may humintong sasakyan
sa harapan ni (aul.
Sasakay na sana siya subalit nakita niya na namimilipit sa sakit ng tiyan ang bata.
Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil sa pagagalitan siya ng ina kapag nahuli sa pag-uwi
subalit naawa siya sa bata.
Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad, kaya ipina-ubaya nalang
niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si (aul
ng susunod na sasakyan na masaya dahil nakatulong siya sa kapwa kahit sa munting
paraan lang.
Mga Tauhan:
(aul
Ina ni (aul
Mag - Ina
Tagpuan:
Sa *abas ng (aaralan ni (aul
Suliranin:
!apat makauwi ng maaga si (aul para hindi siya mapagalitan ng kanyang ina
Saglit na Kasiglahan:
Siya ay nakalabas na ng paaralan para makauwi.
Tunggalian:
'umabi ang Mag + ina kay (aul upang maghintay din ng masasakyan
Kasukdulan:
Nakatulong si (aul sa kanyang kapwa nang makita niya na masama ang
pakiramdam ng bata.
Kakalasan:
(inauna ni (aul ang mag + ina sa pagsakay ng sasakyan.
Katapusan:
Natuwa si (aul dahil nakatulong sya sa kanyang kapwa sa munting paraan.
Aral: !apat 'ulungan ang mga kapwa kapag sila ay nangangailangan ng tulong.
Maikling Kuwento Sosyolohikal
Araw, Buwan, At Kuliglig
Noong unang mga panahon, laganap pa sa kapaligiran ang mga punong siyang
maaaring panirahan ng mga kuliglig. ,akaunti pa ang tao sa mundo, masagana
ang kabukiran.
Isang araw, ang uwan at ang Araw ay naglalakbay sa alapaap. Masaya ang mag
+ asawang ito. )wapo ang Araw at Maganda ang uwan. May anak silang lalaki.
Mahal na mahal nila ang anak nilang ito. Masaya silang namumuhay na mag-
anak.
Ang kasayahan nilang mag- anak ay ginulo ng isang alitan. Nagsimula lamang
iyon sa isang munting pagtatalo, hanggang sa magpalitan na sila ng mabibigat na
mga salita. Nagalit si uwan. Inihampas ang walis sa pingi ni Araw. -malis si Araw
dahil sa malaking galit sa asawa.
Isang araw, habang pinaliliguan ni uwan ang kanilang anak biglang dumating si
Araw. Isinaboy niya sa mukha ni uwan ang dalang mainit na tubig. Napasigaw si
uwan. Nasira ang magandang mukha nito. !ahil sa kabiglaan ni uwan sa
nangyari sa kanya, nabitawan niya ang kanyang anak at nahulog ito sa lupa.
Sinasabing ang anak na ito ang naging kuliglig. -miiyak ito tuwing lumulubog na
ang araw sa kanluran. Nais niyang makita ang kanyang mga magulang na
matagal nang nawalay sa kanya. !ahil naman sa pagkakagalit ng mag- asawa
hindi na sila nagsama muli. ,ung araw lamang makikita si Araw, kung gabi naman
makikita si uwan.
Mga Tauhan:
Tagpuan:
Suliranin:
Saglit na Kasiglahan:
Tunggalian:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Katapusan:
Aral:

You might also like