You are on page 1of 5

Puso laban sa mata

-faith
nilikha ang tao na perpekto kumpara sa kahit anong uri ng nilalang. Ang utak, ang kamay, ang kaluluwa at siyempre
ang mata na sinasalamin ang lahat ng bagay. Ang mata ang siyang pinaka mahalaga sabi nila, paniniwalaan ko rin ito
noon. Ngunit akoy nagkamali.
Isang malamig na umaga ang gumising sa akin. Si itay ay nagkakape na at handa nang maghasik. dan, tingkapin mo
na ang pinagtulugan at mag kape ka na nang ma alis yang antok mo dali dali naman akong bumangon at sumunod.
Nang matapos na kami ay agad na kaming pumaroon sa bukid bitbit ang tig isang karit. Humahalimuyak ang
mabangong umaga na humahalo sa amoy ng mga damo at bulaklak. Handa na ang lahat, inumpisahan na naming ang
pag ani.
Pasikat na ang araw at malapit na kaming matapos. Tumingala ako ng bahagya at di ko mawari kung bakit tila iba ang
ganda ng araw ngayon. Maliwanag ngunit di sya ganoon katalim sa paningin. Napangiti lang ako at bumalik uli sa pag
tatrabaho. At ayon na nga. Natapos na kami ni itay. Itay, aantayin po ba natin yung makina na maghihiwalay sa
palay?, oo anak, darating na yoon kasama ng may ari nitong sakahan.
At iyon ngay dumating na ang may ari. Kasama nya ang anak nyang si elisa. Walang paris ang ganda ni elisa. Higit sya
sa maaabot ng pangarap o masisisid ng tula. Ngunit iyon nga, langit at lupa ang pagitan naming kayat hanggang
pangarap na lang ito, hanggang tingin na lamang ang magagawa upang maibsan ang hapdi ng katotohanang hindi kami
pwede sa isat isa.
ka danilo, mukhang handa na ang lahat, halikat mag miryenda muna tayo habang pinoproseso pa ang palay. Ay
maraming salamat po. Dan halika sumunod ka samin.
Kamiy bahagyang tumabi at pinagsaluhan ang isang balot ng tinapay. abay napaka sarap naman po nito! Tama ka
diyan ka danilo, si elisa ang gumawa niyan kanina. aba eh ang gandang dalaga na ay kaysarap pang gumawa ng
tinapay!, dan tikman mo oh. dan masarap ba ang ginawa ko? nahiya ako dahil kinausap nya ako, sumulyap ako
upang maka nakaw ng tingin sa maamo nyang mukha, sabay sagot oo elisa ngumiti siya sa akin na syang kinalusaw
ng aking damdamin dahil sa pinaghalong galak at pighati. Marahan akong lumayo sa umpukan naming apat at
pinanuod ko ang paghihiwalay ng palay gamit ang makina. Hindi ko batid bakit parang di ma alis ang tingin ko sa
makina na para bang may mangyayaring kaylangan kong matunghayan at
Umusok,
Kumalabog,
Bumagal ang lahat ngunit hindi ako maka galaw ng mabilis, para akong nasa ilalim ng dagat
At mula sa makina ay kitang kita ko ang mga gintong bagay na unti unting papalapit sa akin. Pinilit ko itong iwasan
ngunit,
Unti unting dumilim ang paligid. Ang bughaw na langit ay nagkulay abo na unti unting nangitim. Nawala ang lahat at sa
gulat ko ay nawalan ako ng malay.

Narinig kong may naguusap sa tabi ko, si itay yon,ang may ari at may isang diko kilala.
ngunit lubhang napaka bata pa ho ng aking anak upang magka ganito duktor!, wala napo ba tayong magagawa!?
ang nangyariy di kagustuhan ninuman, ipagpatawad niyo pero, ginawa ko na ang aking magagawa
Di ako naka tiis at sumabat ako sa usapan.
itay ano po ang nangyari?
Yabag at malakas na bagsak ng pinto ang aking narinig kasabay ng pagtawag ng may ari sa aking ama.
ano bang nangyari at ganon?, teka bat may takip ako sa mata?.
Kinalas ko ang tila telang naka pulupot sa aking mga mata.
Ngunit, sa aking pagdilat
Walang pinagkaiba ang nakikita ko tuwing nakapikit ako
Madilim, at sumagi sa aking gunita ang nangyari sa palayan. Akoy bulag na! akoy wala nang silbi!, ano pa ang saysay
ng aking pagiging tao kung di ko rin naman magagampanan ang aking tungkulin bilang anak!, sino pang aasahan ni itay!,
wala na si nanay habang akoy inbalido na! napa sukob akot naiyak. Ngunit isang boses ang humaplos sa aking tenga,
dan hindi ka inbalido, paningin lang ang nawala sa iyo
elisa?, bat andito ka?
dan nagmamalasakit lang ako, kahit papaanoy itinuring narin kitang kaibigan kahit iwas ka ng iwas sa akin
ginagawa na nyo ba akong tanga? Bat di ninyo sinabing andito kayo! O sadyang gusto mo lang matunghayan paano
ako unti unting mamatayan ng pagasa!?
dan hindi naman sa ganoon. Nag,.
UMALIS KA NA!!
Kasabay ng kaluskos ng mabilis na pagtayo na sinundan ng mga iyak.
Umalis si elisa.
Iyon ang huling tagpo naming dalawa, di na sya muli pang bumalik o bumisita,makaraan ang ilang araw nabanggit ni
itay na pinauwi sya sa lungsod upang mag aral.
Mula doon sa aking nalaman, napaisip ako. Tama bang ito na ang katapusan ng lahat, tama bang ito na ang hangganan
ng aking silbi, wala naba talaga akong magagawa pagkat akoy bulag na?
Ang mga tanong na ito ay paulit ulit kong pilit na sinagot sa loob ng isang taon
Hanggang,
dan anak may bisita ka
sino po itay?
ako
Gumaan ang aking pakiramdam nang margining ko ang boses na iyon.
elisa, salamat at bumalik ka
oo dan,sige sapat nang nakita kitang maayos, aalis na a
teka elisa, maari ba akong humingi ng pabor.
ano iyon dan?
maaari mo ba akong dalhin sa palayan niyo
sige
Hawak niya ang kamay ko, ramdam ko ang bawat pintig ngkanyang puso mula sa kanyang malambot na palad. Hindi
ko mapigilang maluha pagkat sa tinagal tagal ng panahong pag ibig ko sakaniyay ngayon lang nahagkan ng aking mga
kalyadong palad ang kamay niya.
andito na tayo dan bat ka naluluha, di mo parin ba matanggap ang nagyari?
tanggap elisa buhat pa nung simula, ngunit ang di ko matangap ay ako, ang kalagayan kong lugmok na mas lalo pang
nilugmok ng pagkakataon, ang aking nagiisang pangarap na dating bato, dahil akoy nabulag ay ngayon nang bakal.
dan, ang bato ay makakayang mabali ng kahoy, ang bakal ay kinakalawang ngunit ang puso ng tao ay hindi, tumitibok
man ito sa bawat segundo ay di napapagod. Ang puso ay siyang buhay ng tao dan. Kung wala ito wala nang buhay ang
tao at hindi ka na ring maituturing na tao ang isang nilalang na buhay kung wala itong puso
ikaw ang dugo ng akin elisa, ano ang silbi ng puso kung wala itong dugo. Wala elisa, wala nang silbi ang aking sarili
sapagkat alam kong hindi mo maitutuon kahit yaring mata man lang sa isang taong di nakakakita
dan, wag mo akong kahunin, hindi ako bulag na gaya mo. Binulag ka ng isipan mo sa pag aakalang wala ka nang silbi.
Tandaan mo dan ang mga bagay na kaibig-ibig ay di nakikita ng mata.
syang tunay kaya hinding hindi mo ako magagawang ibigin dahil nakikita mo ako elisa
dan, hindi kita tinignan kalian man dahil hindi ako bulag. Magmamahal kay diba dapat puso ang gamit? Ang matay
para makakita ang puso ay para umibig. Pag umibig gamit ang matay huwad dahil itoy pag nanasa. Ang pag ibig na
may dinedependehan ay huwad dahil walang bagay na nananatili,lahat nagbabago ngunit ang pag ibig ng puso ay
hindi. Hindi napapagod hindi nagsasawa at di nawawala liban sa pagdating ng kamatayan
dito nagtapos ang lahat sa lugar na ito, dito ko utang ang ngiting iniwasiwas mo sa akin noon na syang nag papaalala
sa aking misan akong nakakita. Elisa ikaw ang gunita, ang panaginip ang pangarap. Minahal kita lingid sa kaalaman mo,
ng ama ko, at sa lahat ng tao. Oo minaliit ko ang sarili ko elisa kahit liit na liit na talaga ako dahil alam kong imposible
dan, naniniwala ako sa iyo. Alam kong di ka nag sisinungaling
paano?
dahil nararamdaman ko ito dan, ang pusoy bulag ngunit nakakaramdam. Ang lamang lang ng bulag sa nakakakita ay
di alam ng nakakakita kung kelan sya bulag.
Mula doon unti unting naging maayos ang lahat. Napalitan ang aking mata dahil sa tulong ng ilang mabubuting loob.
At
Akoy nagising sa ingay at init ng aking kanang palad
Narinig kong may naguusap sa tabi ko, si itay yon,ang may ari at may isang diko kilala.

hindi pa ho ba pwede duktor?
maari na, pero aantayin lang natin syang magising
itay gising napo o ako
ah ayun! Maaari napo ba nating tanggalin yung takip ng mata niya?
ako na itay
At nang aking tinanggal, nakita ko nang muli ang maliwanag na araw,
si itay
ang may ari ng sakahan.
At sa aking kanan,
Ang babaeng aking minamahal,
Si elisa
*wakas*

You might also like