You are on page 1of 1

Mula noon hanggang ngayon marami ang nagiging biktima ng bulaang akusasyon ngunit maraming halimbawa ang

nagpapakita na nakahihigit ang mga batas ni Jehovah kasya sa mga batas ng tao. Noong 1993 may mga guro at
estudyanteng mga saksi ang inakusahan at tinanggal sa paaralan dahil sa hindi pagsaludo sa bandila ngunit ng idinulog
ito sa Korte Sumprema ay pinayagan silang makabalik sa paaralan kahit hindi sila sumaludo sa bandila.
Noong panahon ni haring Nabucodonosor may tatlong hebreo ang inakusahan dahil sa hindi nila pagsamba sa gintong
imahen at sila ay inihagis sa hurno. Bagaman totoo ang akusyasyong ito, ito ay nakabase sa isang masamang batas. At
nang umapela sila sa katas-taasang hukuman sa langit, ano ang ginawa ni Jehovah? Ating basahin ang nakaulat sa
DANIEL 3:21 ,22
21 Nang magkagayon ay iginapos ang matitipunong lalaking ito na suot ang kanilang mga balabal, ang kanilang mga
kasuutan at ang kanilang mga gora at ang iba pa nilang pananamit at inihagis sa nagniningas na maapoy na hurno. 22 Sa
dahilang ang salita ng hari ay mabagsik at ang hurno ay pinainit nang labis-labis, ang matitipunong lalaking ito na
bumuhat kina Sadrac, Mesac at Abednego ang siyang napatay ng maapoy na liyab.
Iniulat dito na ang mga bumuhat sa kanila ang namatay pero ano ang nangyari sa tatlong hebreo? Tignan naman natin
ang Daniel 3:25
25 Sumagot siya at nagsabi: Narito! Ako ay nakakakita ng apat na matitipunong lalaki na naglalakad nang malaya sa
gitna ng apoy, at walang pinsala sa kanila, at ang anyo ng ikaapat ay nakakahalintulad ng isang anak ng mga diyos.
Ipinakikita nito na ipinawalang sala sila ni Jehovah at talagang nakahihigit ang batas ni Jehovah kaysa sa batas ng tao.
Isa pang halimbawa ay ng iligtas ni Jehovah si Daniel mula sa kamatayan noong gumawa ng pakana ang mga
nagakusa sa kanya. Muli nating tignan ang ating bibliya sa DANIEL 6:24. 24 At nag-utos ang hari, at dinala nila ang
matitipunong lalaking ito na nag-akusa kay Daniel,+ at inihagis nila sa yungib ng mga leon ang mga ito,+ ang kanilang
mga anak at ang kanilang mga asawa;+ at hindi pa sila nakararating sa sahig ng yungib nang mapanaigan sila ng mga
leon, at ang lahat ng kanilang mga buto ay dinurog nila. Tulad ng nangyari sa mga naghagis sa tatlong hebreo, Sinabi dito
na ang mga nagakusa kay Daniel ang namatay. Base sa mga halimbawang ito. Makikita din natin na hinahatulan ni
Jehovah ang mga gumagawa ng bulaang akusyasyon.
Ang panginoong Jesus din mismo ay inakusahan bilang isang manlalabag ng batas ayon sa Lucas 6:7 kung saan
inabangan ng mga pariseo kung magpapagaling siya sa araw ng Sabbath. Ipinakikita ng mga halimbawang ito na maling
mali ang gumawa ng bulaang akusyasyon.
Kaya ano ang hinihiling sa atin ni Jehovah? Ayon sa 1Timoteo 5:19 Kung tayo ay magaakusa sa isang matandang
lalaki ay dapat na mayroon tayong dalawa or tatlong saksi. At tignan natin ang nakaulat sa 1 Corinto 1:8.
Patatatagin+ din niya kayo hanggang sa wakas, upang maging malaya kayo sa anumang akusasyon+ sa araw+ng
ating Panginoong Jesu-Kristo.+
Sinasabi dito na na dapat maging malaya ang kongregasyon mula sa akusyasyon. Kahit na hindi tayo tuluyang
magiging ligtas sa akusasyon dahil sinasabi sa Apocalipsis 12:10 na andyan si Satanas na Diyablo na siyang umaakusa
sa atin araw at gabi sa harap ng ating Diyos. Kitang kita natin na talagang nakahihigit ang batas ni Jehovah kaysa sa
batas ng tao. Kaya ano ang dapat natin laging tandaan? Huwag dapat tayo gumawa ng anumang bulaang akusasyon at
sikapin din natin na maging Malaya sa mga akusasyon.

You might also like