You are on page 1of 1

buhay bilang kapalit sa buhay ng isang padre de

familia. Ano ka? Hibang? Magpapakamatay para


sa isang hindi mo kaano-ano?
Pero uulitin ko hindi lahat ng talo ay
kawawa. Hindi lahat ng naglaho ay para lamang
isang bula. Mayroong mga nahulog namatay,
nag-alay ng buhay para sa iba na naging binhi ng
higit pang masaganang buhay.
Nais kong isipin na ito ang mahalagang
turo ng mga pagbasa ngayon na minsan
kailangang madapa minsan kailangang
mahulog minsan kailangang masayang upang
maging sanhi ng pananagana ng iba.
Alam natin ito kung ang binhi o
buto ay nanatiling binhi, hindi ito magbubunga.
Kailangang ang binhi ay itapon sa lupa, at
mamatay upang ito ay maging buhay ng marami
at higit pa.
May kahulugan ang pagdurusa may
kahulugan ang pag-aalay ng sarili may
katuturan ang pagiging binhing dapat maglaho at
mamatay upang mamunga nang higit pa.
Tayo ba ay binhing tulad ng mga
martir, ng mga banal? Tayo ay handa ring
maglaho pansamantala upang sa muling
pagbabalik ay maghatid ng bunga?
Kung mahulog kat magbunga! Ito
ang programa o teleserye ng ating buhay. Walang
taong laging panalo sa laro. Walang sinumang
hindi kailanman nadapa. Walang taong laging
nasa tuktok ng lipunan. Minsan ang manlalaro,
tulad ng mga Olandes (Netherlands) ay dapat ring
matalo, mahulog, o manatili sa likuran.
Pero hindi ito nangangahulugang tunay
kang talo o laos o walang silbi. May buhay pa sa
kabila ng pagkatalo! May katuturan pa rin ang
buhay sa kabila ng mga pagsubok: ang mga
pagtitiis sa kasalukuyan ay hindi maihahambing
sa ihahayag na kaluwalhatiang sasaatin.
Hala! Maghanda tayot huwag matakot sa










15
th
Sunday in Ordinary Time July 13, 2014
COLLECTIONS:
Weekdays (June 29-July 5) ----- PhP 831.00
Sunday (June 29) ------------- PhP 2, 477.00
Pananabangan --------------- PhP 4, 745.00

DONORS:
Mrs. Lorna Centeno --- monthly LPG supply
Mr. Rodolfo Quinto - monthly water supply
Anonymous---monthly janitorial services
P1500
Mr. & Mrs. Tito Olegario-monthly pledge
for seminarians P500
Engr. Richmond Estrada --- dog meat
Sis. Jovita Amparo cleaning &
maintenance of comfort room
Bro. Beejay Peralta 1 Kl dog meat
Sis. Violy Palola 1 native chicken

SPONSORS
Bini na Bilay
--- Mr. & Mrs. Rolando Mayrina
Flower
--- Anonymous
Mass
--- Songkoy Pastoral Council
Adorers of Holy Trinity
Holy Namers Society

Ebat a Salmo:
- Mambungay amayamay so
bokel ya ondadapod mabonan
dalin
- The seed that falls on good
groundwill yield a fruitful harvest

Prayers of the Faithful:
- Katawan, awat Mo kami pa
ed Bangketem
- Lord, accept us in Your
banquet
KUNG MAHULOG KAT MAGBUNGA
Karanasan ito nating lahat ang
madapa, ang mahulog, at ang matalo (kung
minsan!) Gusto man nating manalo ang
Netherlands sa football, sila ay tila nadapa nang
makaharap ang mga kababayan ng Santo Papa,
ang Argentina. Naranasan ko nang muntik
malunod. Naranasan ko na ring mahulog sa puno
at bumagsak sa lupa at hindi ako makakilos nang
parang napakahabang panahon. Naranasan ko na
ring masagasaan ng kotse sa Makati Avenue,
noong ako ay 8 taong gulang! (nagtataka pa ba
kayo kung bakit buhay pa ako?)
May mga batang kung madapa ay
kagyat bumabangon. Tuloy ang ligaya, na
parang walang nangyari. May mga batang kapag
nadapa ay umiiyak, nagagalit, o nawawalan ng
gana sa laro. May mga batang kapag nadapa ay
lalung nagpupunyagi, lalong hinahamon ang
sarili, at bumabangon upang manalo.
Hindi lahat ng panalo ay nanalo nang
walang galos. Hindi lahat ng talo ay kawawa.
Hindi komo talo ay walang karangalan. Manalo
man o matalo, ang tunay na atleta ay may
angking karangalang hindi matutumbasan lamang
ng tropeo. At hindi lahat ng namamatay ay hindi
na nagbubunga ng kabutihan. Tulad nang hindi
lahat ng pagwawagi ay naghahatid sa ibayo pang
pagpupunyagi.
Ang ulan ay nahuhulog mula sa itaas.
Sabi ni Isaias, hindi ito bumabalik sa kalawakan
nang hindi nagbubunga. Ang mahulog sa lupa ay
hindi kawalan, kundi naghahatid ng kasaganaan.
Si San Maximiliano Kolbe ay parang
ulan na nahulog. Para rin siyang isang buto na
itinapon sa lupa parang binhi na namatay
ngunit nagbunga nang masagana. Sa tingin ng
mundo, siya ay talo. Inialay niya ang kanyang
buhay bilang kapalit sa buhay ng isang padre de
BEC MASS SCHEDULE:
July 16 @ 4pm
1. Lady of Fatiima- Lourdes Quinto
2. St. Lorenzo Ruiz- Glory Mejia
3. St. Roque - Erlinda Mejia
4. Sacred Heart - Lina Quilaton
5. Guadalupe - Elpidia Mayrina

July 17 @4pm
1 St. Veronica - Francisca Nota
2 St. Matthew - Raymunda Padilla
3 St Anne - Anita Barongan
4 St. John - Violy Mamaradlo
5 St. Juliana - Melinda Barongan

July 18 @4pm
1 Lady of Fatima - Glory Villanueva
2 Lady of Manaoag - Andrea Uson
3 Sto. Nino - Salvacion Cenieto
4 L. of the Lourdes- Hilda Baldueza

July 19 @ 4pm
1. Immaculate Heart of Mary -
Carmelita Cabrera

You might also like