You are on page 1of 10

KRISTAL NA TUBIG

ni Antonio B. L. Rosales
anarule.gif (1534 bytes)
wpe29.jpg (43563 bytes)
Mayon Volcano
Daraga, Albay
by Roland R. Roldan
Kristal Na Tubig Glossary
I.
Sa malinaw na tubig ng ilog ay nasisinag niya ang isang larawan ng kamusmusa
n. Kinalawkaw niya ang tubig at nagsingsing-singsing ang mumunting alon...na na
gpalabo sa larawan. Makailang saglit ay nanumbalik ang katiningan, ang nabulabo
g na tubig ay luminaw at muli niyang nasalamin ang kaayaayang larawan ng kamusmu
san.
"Bakit, Itay?" anang isang tinig-angel na nagmumula sa musmos na mukhang nak
akatang sa kaniyang balikat at nakatanaw sa tubig. "Bakit, Itay, ang ating baso
ng kristal, hinampas ko lang kahapon e nabasag na? Bakit ang tubig e hindi naba
sag, ha, Itay?"
Ang musmos na mukha ay pinupog niya ng halik.
"Talagang ganoon, Anak."
At si Tasio ay napangiti.
II.
Dinampot niya ang sagwan, ang kristal na tubig ay umalimbukay sa hampas nito
, at ang bangka ay itinabi niya sa pampang. Kinalong niya si Nene, marahang ini
lunsad at tinunton na nila ang landas na pauwi sa kanilang dampa'.
Ang mga kasinungalingan ni Nene, ang sutsot ng hanging naglalagos sa kakapal
an ng mga dahon, at ang awit ng mga ibon ay hindi na mapukaw sa diwa ni Tasiong
nawala sa pagmumunimuni. Napakintal sa kanyang isipan ang kristal na tubig sa i
log, na kinasinagan niya sa isang larawan ng kamusmusan: sa mukha ni Nene. Napa
limbag sa kanyang diwa ang musmos na katanungan ni Nene. A, ang kristal na tubi
g nga naman ay di nababasag, ni di nagkakalamat!
Isang makahulugang ngiti ang namilaylay sa mga labi ni Tasio, na wari'y pina
gitaw ng pagbubukang-liwayway ng isang katotohanan. Hamakin nga nila nang hamak
in, dustain na nga nila nang dustain si Nene...ngunit ang dangal nito, ang kawal
ang-malay nito, ay kristal na tubig!
III.
Nakalapat na sa unang baytang ng kanilang hagdan ang kaniyang paa nang ang k
ristal na tubig ay lumabo at maparam sa kanyang dilidili. Pagkapanhik ng bahay
ay hinubdan niya ng maruruming damit si Nene at sinuutan niya ng malinis. Sinuk
layan niya, binigyan niya ng laruan, pinupog ng halik at tinungo niya ang batala
n na dala ang maruruming damit. Ang malalaki't magagaspang niyang kamay ay kaka
twang malasin kung nagkukusot sa mumunting kasuutan ni Nene. Kung sabagay ay ma
limit na hinihingi sa kaniya ng mabait niyang kapitbahay na si Tandang Berta ang
maruruming damit ni Nene upang siya na ang maglaba, ngunit si Tasio ay tumatang
gi.
"Kung buhay si Ninay ay ganito ang kaniyang gagawin," ang naibubulalas ni Ta
sio kung pinapangatwiranan niya sa kaniyang sarili ang pagtanggi niya kay Tandan
g Berta.
IV.
Pagkatapos niyang maglaba ay inatupag naman niya ang mga gawaing kinagawian
na niyang gampanan, ang mga bagay na"kung buhay lamang si Ninay ay siya rin nito
ng gagawin." Sinulsihan niya ang mumunting damit ni Nene, pati na ang dati'y ma
rikit na kasuutan ng manyikang ipinamasko ng isang nars kay Nene nang nakaraang
Pasko.
Kinagabihan, matapos niyang iligpit at hugasan ang kinanan nilang "mag-ama,"
ay naupo siya sa sahig, gaya nang kanyang kinagawian, sumandal sa dingding at s
i Nene ay iniupo niya sa kanyang kandungan. Sinakit niyang sariwain sa gunita a
ng mga kuwentong malimit na ipinang-aliw nina Impong Teray at Apo Siano sa mga b
ata, mga kuwentong nauukol sa mga hari, mga prinsipe't prinsesa, mga hayop na na
gsasalita, mga duwende, at sarisari pang di matarok na mabuti ng kaniyang isipan
...dangan at "kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin..."
V.
Dumalang-dalang ang pag-uusisa ni Nene, at ang kanyang musmos na mukha ay na
papayukayok na sa pagaantok. Si Tasio ay tumayo at si Nene ay ipinagduyan niya
sa kaniyang bisig. Ang mga kuwento ay nahalinhan ng mga awit na kagaya ng narir
inig ni Tasio kay Tiya Sela kung ito'y may ipinagheheleng sanggol. Gumagaralgal
ang kanyang tinig, kung saan-saang himig napapatungo ang kanyang kanta, dangan
at "kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin."
Nang si Nene ay nahihimbing na ay inihiga niya sa banig na nakalatag sa kani
lang sahig na kawayan. Mataman niyang minasdan ang musmos na mukha. Parang pini
las kay Ninay...
May ilang taon na ang nakalilipas mula nang ang mukhang pinaghuwaran ng kaay
aayang larawan ni Nene ay lagi na lamang niyang pinupupog ng halik. Sariwang-s
ariwa pa sa kaniyang gunita...Si Ninay ay ipinagkait sa kaniya hanggang sa napil
it-pakasal sa iba. Nakararaan lamang ang isang buwan, ang mukhang yaon, kung di
man uliran sa dilag ay lubha namang kaayaaya, lubhang kaibig-ibig sa kaniyang m
ga paningin, ay sumungaw sa pintuan ng kaniyang dampa.
Si Ninay ay di na umalis pa sa dukhang tahanan ng maralita niyang talisuyo.
Naisumpa na niyang matapos niyang isanla sa iba ang kaniyang katawan, ang puso
niya ay siya naman niyang tatalimahin.
VI.
Si Tasio ay di nagpinid ng dibdib. Kinupkop niya si Ninay, sapagkat ang pag
-ibig naman niya ay di nabibilanggo sa makitid na pagnanasa. Ay ano kung ang bu
ngangkahoy ay naukit ng ibon nang mahulog sa kaniya? Nasa kay Ninay pa naman an
g puso, nasa kay Ninay pa naman ang kaluluwa.
Nang sumilang si Nene ay una siyang naratay sa piling ng isang bangkay, ng b
angkay ni Ninay! Natuto siyang ngumiti, natuto siyang magsinungaling sa gitna n
g pag-ismid ng isang buong nayon. Sibol sa katawan ng isang babaeng talipandas!
Supling ng inaaruga ng makasalanang pag-ibig!
Sa ulilang "mag-ama" ay lagi na lamang nakatudla ang mga mapang-uyam na pani
ngin ng kanilang mga kanayon. Kung namamasid nila si Nene, sila ay napapaumis s
aka napapasulyap kay Tasio, nang may halong pagkutya.
Sa harap ng ganitong paglibak at paghamak ng isang nayon ay ikinulong ni Tas
io ang kaniyang sarili sa sarili niyang daigdig, upang doon ay mapagpala niya an
g "pamana ng isang pag-ibig," ang walang malay na si Nene. Kung buhay si Ninay
ay ganito rin ang kaniyang gagawin!
VII.
Kinabukasan, namimitak pa lamang ang araw ay nagbangon na siya, gaya nang ka
niyang kinagawian. Sinimulan niyang tungkulin ang kaniyang "pagka-ama," ang pag
babanat ng buto alang-alang sa ikabubuhay ni Nene, upang pagkatapos ay dulutan n
g pagkakandili ng isang ina ang kulang-palang ulila.
Ang pagsasabalikat ng mabibigat na tungkulin ng isang ama at ng isang ina, n
a pinalulubha pa ng malulungkot na alalahanin at ng pagtatakwil ng isang nayon,
ay nahahalata sa namamayat nang pangangatawan ni Tasio. Kung gabi'y pinagpupus
an siya. Kung sinasasal niya ang ubo ay napapatawag na siya kay Bathala, alang-
alang sa walang malay na "pamana" ni Ninay.
Nang mapauwi siya ng bayan, isang araw, may nakita siyang isang malaking tra
k na pinagkakalipumpunan ng mga tao. Samantalang nanonood siya'y nilapitan siya
ni Kakang Terio.
"Tasio, mabuti'y patingin ka riyan," ang wika ni Kakang Terio.
"Aba, ano ang patitingnan ko riyan?" ang patakang sagot ni Tasio. Ngunit na
hila na siya ni Terio. Sinalubong siya ng ilang suot-nars at doktor. Nag-uulik
-ulik man siya'y di na siya nakatutol. Hinubdan siya ng baro at sinilip sa isan
g parang pangkuha ng larawan, na ayon sa pagkarinig niya ay tinatawag na x-ray.
Pagkaraan ng ilang sandali, siya'y kinausap ng doktor bago pinauwi.
VIII.
Pagkarating niya ng bahay, ang mga pisngi ni Nene ay walang nasalubong na ma
tatamis na halik. Ang umuwi ng bahay ay isang bagong Tasiong wari'y nagmula sa
isang mapanglaw na kabilang-buhay. Ibinagsak niya ang kanyang katawan sa isang
bangko' at doon ay napapako siyang kawangis ang isang bantayog. Nakatitig sa ma
layo ang kaniyang mga paninging tila di man lamang kumukurap. Maging ang krista
l na tubig na lagi nang nakapupukaw sa kaniyang isipan ay nanlalabo na tila noon
kung malasin niya sa kanyang gunamgunam.
Si Nene, na naghahanap ng init ng kaniyang mga labi, ay lumapit at kumandong
sa kaniya. Ngunit ang murang katawan ng ulila ay hinawakan niya at inilayo.
"Malaki ka na Nene," ang nawika niya sa isang tinig na siya man halos ay di
makarinig.
"Di ka na dapat pang halikan," ang kaniya pang wika, na sinundan ng sunod-su
nod na ubo. Sa kaniyang namamarak ng pisngi ay namalisbis ang luha. Si Nene ay
napatingin kay Tasio, at tila ba dinadalumat ng kaniyang pahat na isipan kung
ano ang nangyayari sa kaniyang "ama".
IX.
Nang mapuna ni Tasio na siya ay pinagmamasdan ni Nene ay pinahid niya ang ka
nyang luha. Dinampot niya ang isang tagpi-tagpi ng damit nito at sinimulan niya
ng sulsihan. Ngunit ang kaniyang mga daliri ay lagi na lamang naduduro ng karay
om. Kaya binitiwan niya ang damit at nanumbalik siya sa pagkatigalgal.
"Maliit ka pa, Nene," ang namulas sa kaniyang mga labi, ngunit siya lamang n
akakarinig. Maliit nga at bata pa si Nene: tatatlong taon pa lamang. Ngunit m
usmos pa'y dinudusta na. Siya, siya lamang, si Tasio, sa kabila ng paglibak ng
isang nayon ang tanging tagapagkandili ni Nene sa daigdig na ito, siyang tanging
ama't siyang tanging ina. At anang doktor...iilang buwan na lamang ang kaniyan
g buhay!
X.
Bigla niyang sinaklot si Nene at dinalang papanaog. Maglalakad siya, maglal
akad ng maglalakad hanggang makatagpo siya ng mapapagkatiwalaan kay Nene. Naro
on si Tiya Nena, na iisa ang anak. A, ngunit si Tiya Nena ay namumuhi sa kaniya
. Sa bayan ay may isang mapagkawanggawa. Si Don Bartolo; maaandukha niyang mab
uti si Nene, mapagbibihis ng maganda, mabibigyan niya ang marikit na laruan...Ng
unit si Don Bartolo ay mayaman; si Nene ay hindi masisiyahan sa isang kakaibang
daigdig. At si Nana Upeng? A, si Nana Upeng pa kayang maselan ang makakawatas ka
y Nene?
Hindi maaari, hindi maaaring mawalan ng isa man lamang sa buong daigdig na i
to na makakapagkalinga nang wasto kay Nene! Ngunit lahat na'y tila nagtatakwil
kay Nene, at kung may tumatanggap man ay upang ipasok lamang siya sa isang daigd
ig na di niya nawawatasan at di nakakawatas sa kaniya.
XI.
Lumalatag na ang dilim nang ang "mag-ama'y" magbalik ng bahay. Si Tasio ay
patang-pata. Si Nene naman ay natatalinghagaan sa mga kakaibang kilos ng kaniya
ng ama, na di maabot-abot ng kaniyang murang isipan.
Nalalagas ang mga araw ay nauupos nang nauupos ang buhay ni Tasio. Ngunit
di pa niya natatagpuan ang karapat-dapat na kamay na makakapag-kupkop sa kaniyan
g si Nene. Sa gitna ng kaniyang kasiraang-loob ay naisipan na niya tuloy ang du
mulog sa mga magulang ni Ninay o dili kaya'y sa tinakasan nitong kaisang-puso, n
a siyang tunay na ama ni Nene...ngunit nangalisag ang kaniyang balahibo...hindi
niya magagawa!
"Iilang buwan na lamang!" anang doktor. At ngayo'y nakalilipas na ang ilang
buwan. Nababanaagan na ni Tasio ang mapanglaw na wakas. Ngunit si Nene!
XII.
Si Nene ay itinakwil pa rin ng di nakawawatas na daigdig. Si Tasio ay natab
unan na ng kasiraang-loob. Ang kaniyang puso'y nginangatngat na ng poot sa sang
katauhan. Kay lawak ng sangnilikha ay walang isa mang kaluluwang nakawawatas ka
y Nene, maliban sa kanya!
Magdadapithapon na nang magunita niyang muli na naman niyang nakaligtaang da
lhin si Nene sa ilog upang doon ay magtampisaw, mamangka at humanga sa kristal n
a tubig. Kaagad niyang binuhat si Nene at mabilis nyang tinungo ang ilog.
Mabining umaagos ang tubig sa ilog. Ang lagaslas, ang mga ibon, ang hanging
naglalaro sa mga dahon ng kahoy, ay nagsasaliw sa isang kaayaayang tugtugin ng
kalikasan. Ang malamlam nang sinag ng araw ay tila ba nalulunoy sa tubig.
XIII.
Si Tasio ay napatigalgal. Ngayon lamang siya napuspos ng panggigilalas sa k
alikasan. Napapako ang kaniyang paningin sa kristal na tubig. Biglang nagliwa
nag ang kaniyang mukha. May isa nang inang makapagkukupkop kay Nene!
Kapagdaka'y dinampot niya ang batang nawiwili pa noon sa paglalaro sa buhang
inan. Tinungo niya ang bangka at mabilis siyang sumagwan.
"Natagpuan ko rin ang kaligtasan!" ang kaniyang bulalas.
Pagdating sa gitna ay itinigil niya ang bangka. Hinawakan niya si Nene, iti
naas ... ilang iglap pa'y nalagak na ito sa sinapupunan ng Inang Kalikasan....Ng
unit napatitig siya sa kristal na tubig. Nasinag niya ang larawan ng kamusmusan
. Nagunita niya ang musmos na katanungan ni Nene. Batuhin man nang batuhin, yu
rakan man nang yurakan, ang kristal na tubig ay di nababasag. Bakit niya katata
kutang maiwan sa isang mapanlibak at di nakawawatas na daigdig ang isang walang
malay na si Nene kung ang puri't dangal nito'y kristal na tubig?
XIV.
Siya namang paghihip ng hanging may inihahatid na isang awit, ang awit ng is
ang inang may ipinagheheleng sanggol. Napatitig siyang muli sa kristal na tubig
. Nasinag niya ang isang matamis ngunit malungkot na gunita: si Ninay. Ang la
gaslas ng tubig, ang awit ng mga ibon, ang sutsot ng hangin ay naitaboy sa kaniy
ang pandinig ng awit ng inang may ipinagheheleng sanggol.
Ibinaba niya si Nene at hinawakan niya ang sagwan. Ang kaniyang mga tikhim,
na nabubunot sa isang maysakit na dibdib, ay sumasalit sa mga hampas ng sagwan
at sa sagitsit ng bangka sa kristal na tubig, samantalang sa hangin ay patuloy n
a nagduruyan ang awit ng ina. Sumadsad ang sasakyan sa pampang, kinalong niya si
Nene, ipinagduyan niya sa kaniyang mga bisig, saka ang gumagaralgal niyang tini
g, na halos naiimpit ng nangangapos niyang hininga, ay sumaliw sa awit ng inang
may ipinagheheleng sanggol.
"Kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kanyang gagawin..."
Si Antonio B. L. Rosales ay ipinanganak noong 13 Hunyo 1913 sa Intamuros, Ma
ynila; naging pangulo ng Ilaw ng Bayan; kasapi sa Manila Press Club at Ilaw ng P
anitik; nag-aral sa Mapa High School at Far Eastern University; inihayag na 11 k
uwentista ng 1937.
Back to Top
TALASALITAAN (Glossary)
I.
nasisinag - can be seen from, can be read from
kamusmusan - innocence, immaturity
Kinalawkaw- to waddle or play with water
nagsingsing-singsing- to ripple or cause to ripple (water)
alon - wave
nanumbalik- to return, to come back
katiningan- clarity, stillness
nabulabog- disturbed
nasalamin- to see as a reflection, like in a mirror
kaayaayang- pleasant, nice, pleasing
anang (ana + ng)- said, has said
nakakatang- holding on to
nakatanaw- to look at something or somewhere, to gaze
pinupog- to fill with (a kiss), to continuously fill with (a kiss)
"Talagang ganoon" (expression)- "it is really like that", "it is so"
napangiti- to just smile at (something said or done)
Back to Top
II.
sagwan- boat paddle
umalimbukay- to roar, to make a noise
pampang- beachfront, seashore
Kinalong- to put on one's lap
inilunsad- to commence, to start
tinunton- to go into (a place), to reach a destination
dampa' (with glottal stop)- a small house or hut made of light materials
sutsot- whistle, blowing or hissing sound of the wind
naglalagos- passing through
mapukaw- to pass away, to be gone
pagmumunimuni- to think deeply, to take a hard look
Napakintal- to arouse curiosity, to cause one to be curious
kinasinagan- to see clearly, to realize from
Napalimbag- to be imprinted, to get the impression
nagkakalamat- to have some crack or scratch
makahulugang (with linker -ng) - meaningful
namilaylay- appeared, seen, came out
pinagitaw- caused to appear or be seen
pagbubukang-liwayway- sunrise, break of dawn
Hamakin- to ridicule
dustain- to mock
dangal- honor, esteem
kawalang-malay- innocence, purity of thoughts or mind
Back to Top
III.
Nakalapat- flat on surface
baytang- level, step
maparam- to go vanish
dilidili- string of thoughts, or thinking mood
Pagkapanhik (from panik)- after going up the stairs
hinubdan (v., from hubad)- remove the clothes of someone
tinungo- went to
batalan- washing area
kakatwang (from tuwa)- funny
malasin- to watch, to observe, to see
nagkukusot- to rub or handwash clothes
Kung sabagay (expression)- in this context, this means "even though",
"while"; in other contexts, it could mean "You are right", "however", o
r
"maybe".
naibubulalas- to express immediately, instant thought or expression
pinapangatwiranan (from katwiran)- to reason out, to justify
IV.
inatupag (from atupag)- to pay attention to, to focus on doing
kinagawian (from gawi)- habit, used to doing, chore, routine
gampanan- to take as a role
Sinulsihan- to sew, to mend
mumunting damit- little dress
marikit- pretty, nice, beautiful
manyikang (var. manika)- doll
ipinamasko (v., from pasko)- to give as a Christmas gift
nars- nurse
sumandal- to rest one's back against a flat surface vertically
kandungan-lap
Sinakit- painfully
gunita- memory
nauukol- about, concerning (something)
matarok- to understand
dangan at (expression)- if only, or only if
Back to Top
V.
Dumalang-dalang-went slow, slowed-down
pag-uusisa-investigating, questioning, wanting to know
napapayukayok-growing drowsy
pagaantok-sleepy
ipinagduyan-craddle
bisig-arm
nahalinhan-changed, altered, transformed
ipinagheheleng-being put into sleep
Gumagaralgal-getting hoarse (voice)
nahihimbing-in deep slumber
inihiga-laid flat
banig-straw mat
nakalatag- rolled out
sahig-floor
Mataman-intensely
pinilas-torn out of (metaphorically)
pinaghuwaran-based on, modeled on
kaayaayang-pleasing
ipinagkait-deprived of
uliran-outstanding
sumungaw-looked out of the window
dukhang-lowly
maralita-poor
talisuyo-lover, beloved
isanla-to pawn
tatalimahin-to give attention to
Back to Top
VI.
nagpinid- to close
Kinupkop-to adopt
nabibilanggo-being imprisoned
makitid-narrow
pagnanasa-desire
bungangkahoy-fruit-tree
naukit-had been bitten
kaluluwa-soul
naratay-bedridden
bangkay-corpse, cadaver
pag-ismid-snobbery
nayon-village
Sibol-sprout
talipandas-whore, immoral woman
Supling-infant, child
inaaruga-taken care of
nakatudla-focused on, the object of attention
mapang-uyam-condescending, contempting
kanayon-village-mates
namamasid- to see, to observe, to look
napapaumis-to pity
napapasulyap-to glance
pagkutya-mockery
paglibak-sneer
mapagpala-to bless
pamana-inheritance, what is left by a person who died
Back to Top
VII.
namimitak-slowly rising or about to show up
nagbangon-got up from bed
pagbabanat-stretching
alang-alang-for the sake of
dulutan-to give
pagkakandili-care, love, belongingness
pagsasabalikat-responsibility
pagtatakwil-betrayal
nahahalata-being obvious
namamayat-growing thin, skinny
pangangatawan-body, figure
pinagpupusan-perspiring
sinasasal-to take seriously
napapatawag-to call for help
patingin-to submit to a physical examination (medical)
patakang-wondering, surprised attitude
nahila-brought involuntarily, forced to go along
suot-nars-in nurse uniform
Nag-uulik-ulik-reluctant, hesitant
nakatutol-oppose, go against
Hinubdan-remove
sinilip-take a peek, take a look
parang-something like, similar to
Back to Top
VIII.
mapanglaw-sad, depressed
kabilang-buhay (idiom) - after-life, life in the other world
bangko'- stool or bench used for sitting
kawangis- looks like
bantayog- monument
tila- it seems, it appears, somewhat
kumukurap- blinking
nakapupukaw- takes the mind away or distracts the mind
malasin- to see, to observe
gunamgunam- mind, consciousness, memory
namamarak-
namalisbis- ran down speedily
dinadalumat- processing, wondering
pahat- simple
Back to Top
IX.
tagpi-tagpi- patchy, in patches
sulsihan- to mend (something)
naduduro- gets pricked
pagkatigalgal- state of being spaced out, oblivious
namulas- came out of (one's mouth)
tatatlong (from tatlo) - barely three
tagapagkandili- someone who takes care of another person
siyang tanging ama't siyang tanging ina - your one and only mother and fathe
r
Back to Top
X.
sinaklot- to pick up immediately
papanaog- going down the stairs
mapapagkatiwalaan- someone who can be trusted
namumuhi- disgusted with someone
mapagkawanggawa- someone who is charitable
maaandukha- to look after someone
maselan- sensitive, choosy
makakawatas- one who could understand, emphatize
makakapagkalinga- one who could take of another
nagtatakwil- someone who disowns another
Back to Top
XI.
Lumalatag (from latag) - spreading out
patang-pata- extremely exhausted
natatalinghagaan- intrigued, puzzled
Nalalagas-withering, falling away as leaves from a tree
nauupos nang nauupos- burning away like a wick of a candle
karapat-dapat- deserving, most appopriate
makakapag-kupkop- one who can adopt and take care of someone
kasiraang-loob- discouragement
dumulog- to plead
tinakasan- to ran away from someone
kaisang-puso (idiom) - spouse, husband/wife
nangalisag- rose up
balahibo- body hair
Nababanaagan- to see or anticipate the inevitable
mapanglaw- sad, depressed
Back to Top
XII.
natabunan - buried, covered
nginangatngat - eaten slowly (like a termite eats wood), munching
poot - hatred
sangkatauhan - humankind, humanity
sangnilikha - all creation
Magdadapithapon - nearing sunset
magtampisaw - to play in the water
Mabining (mabini + -ng) - gently, slowly
lagaslas - splashing sound of wind or water
nagsasaliw - joining ( as in music or song)
kaayaayang (kaayaaya + -ng) - pleasant
malamlam - faint, diminishing brightness
nalulunoy - fading, sinking
Back to Top
XIII
napatigalgal - speechless
napuspos - to be filled
panggigilalas - wonder, power
kalikasan - nature
Kapagdaka'y (kapagdaka + ay) - immediately
nawiwili - enjoying
iglap - a moment, a second
puri't dangal (puri at dangal) - dignity and honor
XIV
paghihip - blow (as in wind)
Napatitig - to stare at
lagaslas ng tubig - splashing sound of the water or waves
sutsot - whistle or hissing call (of the wind)
naitaboy - thrown away or thrown out
tikhim - pain
nabubunot - being pulled from
sumasalit - goes to the beat of
sagitsit - sound of friction between a vehicle and surface of road or water
Sumadsad - hit or impact a surface due to immediate or sudden stop
gumagaralgal - hoarse sound of a voice
naiimpit - choking
nangangapos niyang hininga - his gasping breath
sumaliw - to join as in song or music
Back to Top

You might also like