You are on page 1of 1

EL FILIBUSTERISMO

Ang nobelang El Filibusterismo ay isinulat ng ating magiting na bayaning si Dr. Jos Rizal na buong
pusong inalay sa tatlong paring martir, na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Mariano Gmez,
Jos Apolonio Burgos, and Jacinto Zamora.
Tulad ng Noli Me Tangere, ang may-akda ay dumanas ng hirap habang isinusulat ito. Sinimulan niyang
isulat ito sa London, Inglatera noong 1890 at ang malaking bahagi nito ay naisulat niya sa Bruselas,
Belgica. Natapos ang kanyang akda noong Marso 29, 1891. Isang nagngangalang Valentin Ventura na
isa niyang kaibigan ang nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag ang aklat noong Setyembre 22,
1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa
maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.
Sa kasalukuyan, ang El Filibusterismo ay isa sa mahahalagang akda ng Panitikang Filipino na pinag-
aaralan ngayon sa mataas na paaralan (sa ikaapat na taon), alinsunod sa kurikulum na itinakda ng
Kagawaran ng Edukasyon.
Ang nobela ay nagsisimula sa isang paglalakbay ng isang bapor, ang Bapor Tabo. Doon ipinakilala ang ilang
tauhan ng nobela na si Simoun, Isagani, at Basilio. Si Crisostomo Ibarra, ang bida sa Noli Me Tangere, ay
nagbalik sa Pilipinas at nagbalatkayo bilang isang mayamang alahero na nagngangalang Simoun. Taglay ang
poot at layong makapaghiganti at iligtas si Maria Clara sa kumbento, naglunsad si Simoun ng mga plano
upang bulukin at pahinain ang pamahalaan upang maging sanhi ng himagsikan.
Lihim at masinop siyang nagbalak at nakipagkuntsaba sa iba't ibang tauhan sa nobela, kabilang na si Basilio.
Una, binalak niyang manghimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento
ng Santa Clara upang agawin si Maria Clara. Ngunit hindi natuloy ang planong ito sapagkat namatay nang
hapong iyon si Maria Clara. Pangalawa, nagkaroon ng pagkakataon si Simoun sa kasal ni Paulita Gomez at
Juanito Pelaez kung saan dadalo ang lahat ng makapangyarihan sa pamahalaan. Niregaluhan ni Simoun ang
ikinasal ng isang magarang lamparang may hugis granada na kasinlaki ng ulo ng tao.Lingid sa kaalaman ng
lahat, ang ilawang ito ay nagtataglay ng granada na kapag itataas ang mitsa upang paliwanagin ay sasabog
ito. Sa kasawiang palad at sa pangalawang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na ito ni Simoun sapagkat
nalaman ni Isagani ang maitim na balak na ito at mabilis na inihagis ang ilawan sa ilog.
Matapos ang pangyayari, namundok si Simoun dala ang kaniyang mga alahas at nakipagkita kay Padre
Florentino. Nangumpisal si Simoun at pinatawad naman ng pari. Uminom si Simoun ng lason upang hindi
mahuli ng mga guardia sibil na buhay. Nagwakas ang nobela nang ihagis ng pari ang kayamanan ni Simoun
sa dagat at umasang matatagpuan iyon at magagamit para sa kabutihan ng taumbayan.

You might also like