You are on page 1of 18

>>><<<

SHE'S MY NO. 1 FAN


written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta
Copyright
All Rights Reserved 2012
>>><<<


Naniniwala ba kayo sa kasabihang All is fair in love and war?


Ako kasi hindi eh pero dati yun


Dati, ang akala ko, imposibleng magkagusto ang elepante sa daga. Imposibleng magkagusto ang balyena sa tilapia.
Imposibleng magkagusto ang agila sa maya. Pero mali pala ako, dahil pagdating sa pag-ibig, pantay-pantay lang
lahat. Walang malaki, walang maliit. Walang maganda, walang pangit. Walang mayaman, walang mahirap. At higit sa
lahat, walang celebrity, walang ordinaryong tao.


Akala ko kasi dati, mahirap abutin ang isang artista. Tingin ko sa kanila dati ay kagaya ng mga prinsipe na
napapanood ko sa mga Disney movies. Pero mali pala ako, dahil sa likod ng camera, para rin lang silang ordinaryong
tao na kagaya natin. Sumasaya, nalulungkot, nasasaktan, at higit sa lahat, nagmamahal.


Siguro, nagtataka kayo kung bakit ko nasasabi lahat ng to nuh? Oh well sige, ishe-share ko sa inyo ang love story
ko


***


My name is Nimfah Grace Cortizano. Nice for short. 16 years old. A 4th year high school student. Nakatira ako
ngayon dito sa apartment ng pinsan ko. Nasa States kasi ang parents ko at nagtatrabaho. Andun na sila simula
pagka-graduate ko ng elementary. Yung bahay namin, pinabili na nila, at iniwan nila ako sa pinsan kong si Ate Pen.
30 years old na sya ngayon, pero wala pang asawa.


Hobby? Well isa lang naman actually ang hobby ko at yun ay ang ipag-luto ang HUBBY ko ng ibat-ibang uri ng
ulam dito sa Pilipinas. Minsan, pinagbe-bake ko rin sya ng ibat-ibang flavor ng cake.


Hmmm honestly, hindi ko naman talaga sigurado kung kinakain nya lahat ng binibigay ko eh. :( Siguro, nagiging
misteryoso na sa inyo ang identity nya nuh? Alright sige, ipapakilala ko sya sainyo.


Meet Ryan James Salvador, ang isa sa pinaka-sikat na artista ngayon. Marami syang commercial sa TV, meron din
syang soap opera ngayon, at hindi lang yan Marami rin syang naka-line up na pelikula.


Habang ako naman ay isang ordinaryong estudyante lang na patay na patay sa kanya. Hay naku! Kung binigyan lang
sana ako ng Diyos ng kaunti pang kapal ng mukha, siguro kami na ngayon ng Papa RJ ko. Hahaha Syempre joke
lang. Alam ko naman kung saan ako lulugar eh. Alam kong kahit kelan, hindi magkakagusto ang isang artista sa
isang tulad ko na ordinaryong mamamayan lang ng Pilipinas. *buntong hininga*


Yung mga niluluto at bini-bake ko para sa kanya, iniiwan ko lang dun sa guard sa entrance ng ABS-CBN. Sya na
lang ang pinapa-abot ko kay Papa RJ. Kilala na nga ako ni Manong Guard eh. Syempre, ikaw ba naman, halos isang
taon na akong araw-araw pumupunta dun sa ABS at nag-papaabot ng pagkain para sa hubby ko, imposibleng hindi
pa nya ako makilala, diba?


Mag-iisang taon pa lang kasi ang Papa RJ ko sa showbiz industry. Nagsimula sya sa commercial ng Royal. Pero
tignan nyo naman. Mag-iisang taon pa lang sya, pero nakiki-pagsabayan na sya kina Jericho Rosales at John Lloyd
Cruz. Astig diba? Kaya nga lab na lab ko yun eh. Hindi lang sya gwapo at magaling umarte. Mabait pa. Ni minsan
kasi, wala pa akong nababalitaang isyu tungkol sa kanya. Unless, meron syang naging issue na lingid sa kaalaman
ko, pero imposible naman yun mangyari, kasi pagdating sa hubby ko, super updated ako. Ako kaya ang No. 1 fan
nya. Haha.


Naalala ko tuloy nung una akong pumunta sa ABS-CBN at nag-iwan ng pagkain kay Manong Guard para kay Papa
RJ Kare-kare pa yung niluto ko nun. Alam ko kasing favorite nya yun, kasi sinabi nya yun nung una syang
ininterview sa TV.



-FLASHBACK-


Hello po Kuya. Pwede po humingi ng favor? Paki-abot naman po nito kay RJ Salvador o sabay abot sa
kanya nung Kare-Kare na nakalagay sa tupperware ng AVON.

Bakit? Ano ba to? tanong naman nya.

Kare-Kare po yan Kuya

Bakit sino ka ba?


Napakamot naman ako sa ulo.


Ah eh ano po fan nya po kasi ako

Ayoko ayoko Ikaw na lang. Mamaya may lason yan eh, ako pa mapagbintangan tama bang pagkamalan
akong killer? Si Manong Guard talaga.

Ehh! Kuya naman eh! Mukha po ba akong masamang tao? Sa ganda kong to?! Sige na naman Kuya
please? *sabay puppy eyes* Nahihiya kasi ako eh

Hay naku! O sige na nga! Basta siguraduhin mong walang lason to ah?! parang masama sa loob nyang sabi
sabay abot nung tupperware na pinaglalagyan ng Kare-Kare.

Yehey! Thank you po Kuya ah?! Sa susunod po uli! Bye! pagkatapos ay umalis na ako para pumasok sa
school.


-END OF FLASHBACK-



Simula nun, walang araw na hindi ako nag-iwan ng pagkain or cake kay Manong Guard. Mukha na nga akong timang
eh. Actually, pinagtatawan na ako ng bestfriend kong si Angie. Naalala ko pa nga, yung isang conversation namin.
Tinanong nya ako kung hanggang kelan ko daw ba gagawin to? Sabi ko naman, hanggat wala pa akong boyfriend.
Pagkasabi ko nun, sukat ba naman na batukan ako?! Para daw akong engot. Pano naman daw ako magkaka-
boyfriend kung lahat ng nanliligaw sakin ay binabasted ko? Hahaha Eh wala eh Sasagutin ko lang sila kung
kasing gwapo sila ng Papa RJ ko.


Andito ako ngayon sa sala at nanonood ng TV. Iniinterview kasi ni Kris Aquino ang hubby ko.


So tell us RJ May mahal ka ba ngayon? nagulat naman ako sa tanong ni Kris.



Oh please RJ, sabihin mo wala Pleeeeaaassseee Sabihin mo *cross fingers*



Ahh actually po Ate Kris, meron Pero secret muna sa ngayon kung sino sya sabi nya with matching
killer smile.


Parang bigla naman gumuho yung mundo ko pagkasabi nya nun. Yun bang parang nahulog ako mula sa 100th floor
ng isang building. Oh my! Wala na talaga akong pag-asa sayo Papa RJ ;(


Habang kasalukuyan akong nag-e-emote, bigla naman may kumatok sa pintuan.



Argh!



Sino naman kayang istorbo to?! Imbes na nag-e-emote ako eh!



Inis na tumayo ako at binuksan yung pintuan, only to see a human size teddy bear. Hay naku! Yung stalker ko na
naman. Kelan kaya balak magpakilala nun? Yeah right. Youve read it clear. I have a stalker O sige na nga, hindi
na stalker, admirer na lang. Buwan-buwan nag-iiwan yun ng teddy bear sa labas ng apartment ng pinsan ko with
matching love note. Siguro mga, dalawang taon na rin nyang ginagawa to.


Kinuha ko yung teddy bear at sinara uli yung pinto, pagkatapos ay kinuha yung note na nakadikit sa teddy bear at
binasa ito.



No one can change what I feel for you,
I dont know what you did to make me love you;
My love for you is clear as the water, and bright as the sun,
Funny how my heart beats whenever youre around;
All the time, Ive been thinking of you,
Hoping that you feel the same way too.



Napangiti naman ako. How sweet of him. Sa lahat ng notes na binigay nya, eto ang pinaka-nagustuhan ko. Bakit
kaya talaga hindi pa yun magpakilala? Malay mo naman, sya na yung magiging boyfriend ko, diba? Haha Pero
syempre, kay Papa RJ pa rin ako. Kahit may mahal na syang iba, lab ko pa rin sya. :)


***


Its Monday today, and as usual, pupunta muna ako ng ABS-CBN bago pumasok sa school. Sa ngayon, adobo ang
niluto ko para sa kanya.


Nakangiti akong tumatawid sa kalsada palapit kay Manong Guard ng biglang



*Screeeeecccchhh*



Shit lungs! Muntikan na akong masagasaan! Buti na lang, naka-preno yung driver. Pero ng dahil sa gulat ko,
nabitawan ko yung tupperware na dala ko, at nagsikalat sa kalsada yung adobo na laman nito.


Argh! Kainis! Anong gagawin ko?! Wala na kong oras para magluto uli!


Sa inis ko, sinigawan ko yung driver ng tinted na Honda Civic na muntik ng makasagasa sa akin at naging dahilan
kung bakit natapon yung adobo na niluto ko para sa hubby ko.


Hoy ano ba?! Tignan mong naging resulta ng pagiging kaskasero mo?! Natapon tuloy yung niluto kong
pagkain para sa Papa RJ ko! Hoy! Manong Driver na kaskasero! Ano?! Bakit hindi ka lumabas dyan ah?!
Labas! sigaw ko habang pinapalo yung harapan ng sasakyan.


Nalaglag naman yung panga ko paglabas nung driver. As in! Literal na nalaglag yung panga ko!



Shit! Nakakahiya! Teka Ano nga uli yung mga sinabi ko?



Rewind


Rewind



OMG! Shit! Nakakahiya talaga!



Malamang ngayon alam nyo na kung sino yung driver ng sasakyan na muntik ng makasagasa sa akin at naging
dahilan kung bakit natapon yung adobo na niluto ko.


Yeah right. Walang iba kundi si Ryan James Salvador himself.



Argh! Ang engot-engot mo talaga Nimfah Grace!



I-ikaw?! I-ikaw yung nagpapadala ng pagkain or cake sa akin araw-araw? narinig kong sabi nya.



Sobra ng kahihiyan to! Hindi ko na kaya!



A-aa e-ee O-oo Sensya na, nahulog Bukas na lang ulit pagkatapos ay tumakbo na agad ako palayo sa
kanya.



Grabe ka Nice! What did you just do?!


***


Its been a month since nangyari yung incident na yun. Simula nun, hindi na ulit ako bumalik pa ng ABS-CBN. Ibig
sabihin, one month ko na rin syang hindi napapadalhan ng pagkain. Ewan! Nahihiya na kasi talaga ako. Kahit naman
siguro ikaw nasa posisyon ko, diba? Mahihiya ka rin.


Hays *buntong hininga* Sa totoo lang, nami-miss ko na ring gumising sa umaga na ang unang iniisip ay kung
anong pagkain ang lulutuin o di kayay anong flavor ng cake ang ibi-bake ko para sa kanya. Kaso wala eh Kinakain
talaga ako ng hiya ko.


Nakasakay na ako ngayon sa jeep. After 10 minutes, nakarating na rin naman ako agad sa school. Pagpasok ko pa
lang sa gate, ang dami ng estudyante ang nagtatakbuhan papunta sa quadrangle. Halos lahat sila kinikilig.



Okay. Ano kayang meron?



Bigla naman sumulpot si Angie.


Beeeesssttt!!! Daliiii! Halika! pagkatapos ay hinila ako papunta sa quadrangle.


Pagdating namin doon, nakita ko naman agad yung pinagkakaguluhan ng mga estudyante. May isang lalaking
nakasakay sa hot air balloon. Medyo mataas na yung nalilipad nung balloon kaya hindi ko na rin makilala kung sino
yung lalaki.


Okay. Yun lang pala. Kala ko naman kung ano. Papaalis na ako ng biglang pigilan naman ako ni Angie.


Beeessst, wait! Tignan mo oh! sabi nya habang hawak yung braso ko.

Yeah best, I know Isang lalaking nakasakay sa hot air balloon. Whats the big de--- hindi ko na
naipagpatuloy yung sasabihin ko dahil nagulat ako sa nakita ko pagharap ko.


Biglang may nilaglag na pink banner yung lalaking nakasakay sa hot air balloon. Banner na lengthwise sya actually.
At eto ang nakalagay



I

L
O
V
E

U

N
I
C
E

<3



Speechless ako. Di ko talaga alam kung anong sasabihin. Pero sino yung lalaking yun?


Namalayan ko na lang na tumalon yung lalaki mula dun sa hot air balloon gamit ang isang parachute.


Bakit ganun? Bakit sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko? Halos hindi ko na nga marinig yung sigawan ng mga
estudyante dahil sa lakas ng tibok nito eh. Feeling ko, mukha na akong kamatis sa kinatatayuan ko.


Sa gitna ng quadrangle nahulog yung lalaki. Inalis nya muna yung pagkakakabit sa kanya nung parachute bago
iniangat yung mukha. Dun ko lang na-realize kung sino sya.


Yung lalaking halos isang taon kong pinadalhan ng pagkain araw-araw. Yung lalaking patay na patay ako. Yung
lalaking sikat at feeling ko imposibleng magkagusto sakin.


Malamang alam nyo na!



Ang hubby ko! Ang Papa RJ ko!



Hindi ko alam kung anong ma-fi-feel ko or should I say, hindi ko alam kung paano ako mag-re-react. Dun ko lang na-
realize na may mga press pala na andito din sa quadrangle.


Biglang nagsalita si RJ sa megaphone.


No one can change what I feel for you, I dont know what you did to make me love you; My love for you is
clear as the water, and bright as the sun, funny how my heart beats whenever youre around; All the time,
Ive been thinking of you, hoping that you feel the same way too.



Teka!!!



Parang alam ko yun ah?!



Isip


Isip



Shit lungs! Ibig sabihin, sya yung stalker ko? Ay mali, admirer pala?!



Nimfah Grace Cortizano, una pa lang na nakita kita, alam ko na sa sarili kong ikaw lang ang babaeng
mamahalin ko You may not remember me anymore, pero ikaw, hinding-hindi kita makakalimutan



Anong sinasabi nya?



When I was still 6 years old, iyak ako ng iyak kasi inaway ako ng isang bata sa park, pagkatapos dumating
ka at inaway mo yung batang nang-away sakin. Considering na halos kasing edad lang kita, tapos yung
nang-away sakin eh mukhang 9 years old na at lalaki pa, napabilib ako sayo nun. Sinuntok mo kasi sya nun
eh Pagkatapos mo syang suntukin, bigla kang tumakbo After that, I never thought na makikita pa kita

One day, sinama ako ng Mommy ko papunta sa office nila, hindi sinasadyang, napadaan kami sa bahay
nyo Well nalaman kong bahay ninyo, kasi nakita kitang lumabas dun. Simula nun, araw-araw na akong
sumasama kay Mommy

To cut the story short, I admit, naging stalker mo nga ako. Nahiya kasi akong lapitan ka kasi feeling ko ang
hina-hina ko. It took me some time to gather my confidence...

2nd year high school na tayo nung nag-decide akong magparamdam sayo. Buwan-buwan kitang
pinadalhan ng teddy bear with matching love note. Nung medyo matagal na, gusto ko na sanang
magpakilala, kaso dinaga na naman ako. Baka kasi bastedin mo lang din ako katulad ng ibang lalaki. After
a year, may naka-discover sakin at kinuha ako para sa commercial ng Royal Ang totoo, kaya ko tinanggap
yung offer na yun, is para sayo. Alam ko naman kasing makakatulong yun sa pag-boost ng confidence ko.
At pag medyo malakas na yung loob, pwede na kitang lapitan But I was wrong Nagkaron nga ako ng
confidence, pero yung pagiging torpe ko, hindi pa rin naalis

One month ago, an unexpected thing happen Hindi mo alam kung gano ako kasaya nung nalaman kong
ikaw pala yung No. 1 fan ko na nagpapadala sa akin araw-araw ng pagkain o di kayay cake Kung alam ko
lang sana, matagal na sana akong umamin sayo pagkatapos ay binigay nya yung megaphone sa isang lalaki
at lumapit sakin.

Now, Ms. Cortizano Will you be my girlfriend?


Hindi ko napansin na kanina pa pala tulo ng tulo yung luha ko. Speechless talaga ako. Sobra! Deep inside, ang saya-
saya ko.


Yes Id like to be your girlfriend then he put his arms around my waist while I put mine around his neck.
Pinagdikit nya yung noo namin, pagkatapos ay pinunasan yung luha ko.

I love you halos pabulong na lang nyang sabi habang magkadikit yung noo namin.

I love you too


***


Simula nung naging kami, inaamin ko, paminsan-minsan nag-aaway din kami. Umabot pa nga sa point na muntikan
na kaming maghiwalay eh. Pero, natural lang naman yun sa isang relasyon. What important is, how we handled
them.


Who would thought na ang isang gwapo at sikat na artistang kagaya nya, ay inlove pala sakin? I can't imagine
myself 50 years from now living without him.

You might also like