You are on page 1of 4

Ma. Chrislyn B.

Aberin Ika-8 ng Oktubre, 2014


PH 101 HH Doc Guss Rodriguez
Kontraktwalisasyon: Gawaing Mapangwasak
Masasaktan ka ba kapag hindi naappreciate ang lahat ng iyong ginawa?
Karamihan sa mga manggagawa sa mga supermarket chains at malalaking
malls ay contractual workers. Sila ay mayroon lamang na maliit na sweldo at wala
namang mga working benefits. Dahil sa pakalimitado ng mga pagpipilian nila sa
buhay, pinipili na lamang nila itong trabaho na ito para sa kanilang ikakabuhay.
Maaaring kontento na sila na nakakakain sila dahil sa kinikita nila mula sa
trabahong iyon. O kaya naman ay tinitiis na lamang ng ibang manggagawa na
matapos ang kontrata na iyon at makakalipat na silang muli sa paghahangad na mas
maayos ang susunod na kompanya kung saan sila magtatrabaho.
Nararanasan ng mga manggagawa na ito ang reduction of workdays, kung
saan ay pinapahaba ang oras ng mga ito para mabawasan ang araw ng kanilang
trabaho. Kung tutuusin ay mabuti ito mula sa panglabas na opinion, ngunit hindi ito
nakakabuti sa mga manggagawa dahil magtatrabaho sila ng mas mahabang oras na
mas magdudulot sa kanila ng kawalan ng pahinga. Nagkakaroon din ng rotation of
workers dahil sa iniisip ng mga may-ari ng kompanya na mas mababawasan ang
pagkaproduktibo ng mga manggagawa kung sila ay malalapit na isat isa. Iniiwasan
ng mga may-ari ng kompanya na maging magkakaibigan ang mga manggagawa
dahil maaari itong maging dahilan sa kanilang pagkatamad sa trabaho. Isa sa
pinakamalaking isyu na kinakaharap ng mga contractual workers ay ang kawalan
ng mga benepisyo. Required ng ating batas na dapat bayaran ng mga kompanya ang
mga work benefits ng kanilang manggagawa kapag ito ay higit na sa anim na buwan
nagseserbisyo sa kanila. Kaya naman bago pa man umabot sa ika-anim na buwan ng
pagtatrabaho ang mga manggawa ay pinagfoforce leave na ito o kaya naman ay
ililipat ito ng departamento kung saan ay ipapahire sila sa subcontractor ng
malalaking kompanya na ito.
Sa kontraktwalisasyon, ang tao ay itinuturing o ginagawang kasangkapan.
At ito ay isang mapangwasak na gawain.
Kapitalismo ang sistema ng pang-ekonomiya na nagpapahalaga at kumikilos
batay sa pagpapayaman (maximization of profit). Bunga nito ang sitwasyong
kinalalagyan ng mga contractual workers. Dahil sa maximization of profit, nagiging
dehumanisado (o reduksyon) ang mga manggagawa. Ang namamayaning negosyo
o trabaho ay gumagalaw sa mundong kinabibilangan ng mga komunidad ng tao, at
sa mga lipunang ito nagbibigay serbisyo. Pinapanatili ang praktikal at etikal na
pamamaraan at mga prinsipyo sa trabaho o pag-eemploy upang maabot ang
pinakamataas na posible na kita. Nakapaloob dito ang tama at makataong paggamit
ng resources, lalong lalo na ang human capital. May mga kompanya naman na
nagpapahalaga talaga sa mga manggagawa dahil naituturing itong investment nila.
Laging kumikilos ang tao nang ayon sa kanyang katwiran. Mula sa katwiran
ng employer nagmumula ang paggamit sa tao bilang kasangkapan upang makamit
ang mga pansariling kagustuhan o inaasam (utilitarian). Isinasantabi nila ang
kapakanan ng mga manggagawa para sa kanilang ikabubuti. Masasabing
panglalamang ito dahil sa hindi man lamang nabibigyan ng mga posibilidad ang
mga manggagawa na umunlad
Dapat nagtatalaban ang mga nagpepresensiya. Hindi nila natutugunan nang
makatao ang pagpepresensiya ng mga contractual workers. Hindi sapat ang
natatanggap ng mga contractual workers sa pagtatrabaho. Hindi lamang dapat
isipin ng mga malalaking kompanyang ito na sila ang kailangan ng mga
mangagawang ito. Hindi naman natin maiaalis sa kanila na isipin nila iyon dahil
nangangailangan nga naman ang mga manggagawa ng trabaho para sa kanilang
ikabubuhay. Sana na lamang ay isinasaisip ng mga kompanyang ito na kung wala
ang mga manggagawa ay wala rin naman sila. Kung sino pa ang
pinakanagtatrabaho ay siya pang pinakaunti ang nakukuhang benepisyo mula sa
trabaho.
Nalilimitahan ng mapangwasak na kontraktwalisasyon ang posibilidad ng
tao, na sana ay walang-hanggan. Makikita sa kahirapan ang capability deprivation.
Dahil sa nakulong na ang mga manggagawang ito sa kanilang mga trabaho, hindi
na nila maexplore ang ibang pagkakataon nila sa buhay. Maaaring hindi na sila
makaalis sa kanilang mga trabaho kahit na nakikita nila ang sarili nila sa ibang lugar
dahil sa hindi sigurado ang kita kung saan nila nakikita ang mga sarili nila.
Maaaring hindi pa nila lubusang pinagkakatiwalaan ang kanilang sarili na kaya nila
o kayay tatanggapin sila sa ang ibang trabaho na mas maayos sa kasalukuyang
trabaho nila. Tunay na nalilimitahan ang mga posibilidad ngunit mayroon pa ring
posibilidad. Maari pa ring makapagkamit ang tao ng kaganapan kahit sa
makamundong kalagayan o sitwasyong ito.
Binabalangkas ng kapalaran ang bawat sandali ng pagpapasya ng tadhana.
Hinuhubog ng bawat pasya ang bagong mga posibilidad ng kapalaran. Kung
pipiliin ng mga manggagawa na manatili sa kanilang kasalukuyan na mga trabaho,
masasabing hindi natin sila masisisi dahil biktima lamang sila ng pagsasatabi. Kung
magpupursige naman sila para umunlad sa buhay ay makikita na hindi lamang
tadhana ang nagdidikta sa kapalaran ng tao kundi pati ang mga mga pasya nito sa
buhay. Ano man ang kapalaran ng tao, nasa kanya ang kalayaang makilala ang
potensiya nito sa bawat pagkakataon ng laro ng presensiya.
May mga abot-tanaw ng pag-unawa na natatanggap bilang paunang-hatol.
Ang mga karanasan ng mga tao ay ang mga bagay na maaaring makahubog o
makapagpalawak ng abot-tanaw ng katwiran ng tao. Mula sa pagkamultiberso ng
katwiran nagiging tiyak na hindi nakukulong ang tao sa mga makitid na sistema ng
katwiran.
Kapag inisip lamang niya ang kagustuhan niya at binalewala ka, masasakatan ka
ba?

You might also like