You are on page 1of 2

Carissa Santos

III-St.Thomas

Talambuhay ni Alexander the Great

Si Alexander III o mas kilala sa tawag na Alexander
the great ay isang hari ng sinaunang griyego ng
Macedonia. Ipinanganak siya noong 356 B.C. sa
Pella, na siyang punong lungsod ng Macedonia.
Sinundan niya ang yapak ng kanyang ama na si
haring Philip II pagkatapos ng asasinasyon nito
noong 336 B.C. Siya ay namatay sa Babylonia
noong 323 B.C. sa edad na 32 anyos.

Sinasabing namatay si Alexander sa dahilan ng
pagkakasakit ng malaria, typhoid fever at
encephalitis. Ang iba naman ay nagsasabing nilason
sa Alak si Alexander ng mga kumakalaban sa
kanya. Nakapag asawa siya ng dalawang prinsesa sa magkaibang bayan; Si
prinsesa Roxana ng Bactria, at si prinsesa Stateira ng Persia (anak ni haring
Darius III).

Bagaman wala siyang anak na tagapagmana noong siya ay mamatay, kinuha ng
mga heneral ni Alexander ang isang marangal na lalaki na kapangalan ni
Alexander, Alexander IV ang pangngalan niya. Walang relasyon si Alexander III
kay Alexander IV, kinuha lang ng mga heneral si Alexander IV bilang pag alala
sa dakilang si Alexander III.

Ang pangngalan ni Alexander ay tumatak sa Kasaysayan ng Pandirigma, una
dahil sa malawakang pagsakop nito sa iba't ibang mga lugar sa daigdig, at
pangalawa na hindi siya natalo sa kahit anong digmaang kinaharap niya. Siya
ay ginawang isang makasaysayang bayani ng buong Macedonia noong mamatay
siya sa pamamaraan na tradisyon ni Achilles.

You might also like