Pagnilayan ay magbigay ng pilosopikal na komento sa pilosopiya ni Platon tungkol
sa kahalagahan ng pagiging isang mabuting tao.
Ang pagiging isang totoong tao o ang pagpapakatao ay isa ng mahirap na tungkulin. Karamihan sa atin ay nahihirapan isagawa ito. Isang patunay dito ay ang masabihan ka ng Hayop ka! at ang palagi nating naririnig Madaling maging isang tao pero mahirap magpakatao Paano pa kaya ang pagiging isang mabuting tao? Paano pa natin mauunawaan ang pagiging isang mabuting tao kung hindi natin ito ginagawa? Bakit ba natin kailangan magpakamabuti? Ano ba ang kahalagahan nito? Maging si Platon ay inabot ng isang buong libro upang ang mga tanong na ito ay masagot. Marami sa atin ang nagsasabing nagpapakita ng kabutihan ngunit ito ba ay totoo? Kung iisipin, ang pagiging isang mabuting tao sa panahon natin ngayon ay naaayon sa magiging tingin ng ibang tao. Una nating iniisip kung ano ang masasabi ng ibang tao sa iyo. Patunay ng ganitong gawain ay ang mga gawain ng ilang mga pulitiko sa ating bansa. Nais nilang ipakita na sila ay mabuti at maari silang pagkatiwalaan ng mga tao upang maging mga lider at mapagkakatiwalaan na maglingkod sa bayan. Isa na rin sa mga naging batayan natin ngayon ay kung may matatanggap kang kapalit, kapag ikaw ay gumawa ng kabutihan. Upang gawin ang isang bagay, unang iniisip ang kanilang magiging gantimpala. Karamihan sa atin ang nagsasabi na Wala ng libre sa panahon ngayon Ang katagang ito ay hindi na lang maaring gamitin sa mga produkto o bagay. Ito ay maari na rin nating gamitin sa pagtutukoy sa paggawa ng mabuti. Maari na rin maisama sa sinasabing gantimpala ang pagkakaroon ng lugar sa langit. Ito ang mga dahilan ng mga tao sa ating panahon ngayon. Base sa mga ito hindi talaga natin alam ang pagiging isang mabuting tao. Ngunit bakit ba natin kailangan maging mabuti? Kung ang ang mga mababait ay unang kinukuha ng Panginoon? Kung ang kapalit ng pagiging mabuti ay ang maghirap o mamatay? Ayon kay Platon Pati na rin ito ay maari nating masabi na nagiging bahagi ng pagkakamabuti ng mga tao. Malaking bagay na ang ginagampanan ng pera sa paggawa ng kabutihan. Gayunpaman, ayon kay Aristotle ang kaligayahan na ating nadadama dahil sa mga ilang mga bagay tulad ng pera at laman, masasabing ang iyong mga kilos ay nakakulong dito at hindi ka malaya kung kumilos. Nagiging mailap ang tunay na pagkakamabuti sa panahon natin ngayon. Pati na rin kasi ang relihiyon ay kanilang nagiging dahilan kung gagawa sila ng kabutihan. Pilit nilang iniisip ang kanilang magiging lugar sa langit sa oras na sila ay mamatay. At dahil na rin sa ang pagiging mabuti