You are on page 1of 2

Sa isang taon, ang isang positibo sa TB ay maaring

makahawa ng 10-20 katao.


Ano ba ang Tuberculosis o TB?
Ang Tuberculosis (TB) ay isang sakit na sanhi
ng mga mikrobyo na tinatawag na bakterya na
kadalasang naaapektuhan ang baga. Maaari kang
mahawahan ng TB kapag nakalanghap ka ng mga
mikrobyo. Mas mataas ang iyong peligro na
makakuha ng TB kung mayroon kang mahinang
immune system (resistensya). Ang inyong
resistensya ay maaaring mapahina ng hindi
mabuting lifestyle, sakit, mga gamot o ibang
sanhi.

MGA SENYALES
May dalawang uri ng pagkahawa ng TB,nakatago
o aktibo. Ang nakatagong pagkahawa ay kapag
wala ka ng mga senyales ng TB. Ang bakterya ay
nasa iyong dugo, ngunit hindi sila aktibo. Ang
aktibong TB ay kapag may mga senyales ng
bakterya ang mga tao, tulad ng:

PAGSUSURI
Maaaring gumamit ang iyong doktor ng pagsusuri
ng dugo, chest x-ray at mga pagsusuri ng plema
para malaman kung mayroon kang TB.

ANG IYONG PANGANGALAGA
Kung mayroon kang positibong TB, makipag-
ugnayan sa mga pampublikong health center at
clinic na mayroong Direct Observatiob Treatment
Short Course o DOTS facility, upang pasimulan ka
sa mga gamot.
Inumin ang iyong mga gamot tulad ng inutos.
Maaaring kailanganin mo nang higit sa isang uri ng
gamot para sa TB. Ang ilang bakterya ay
lumalaban sa ilang antibiotic. Kailangan mong
inumin lahat ng iyong gamot at huwag ititigil ang
pag-inom sa mga iyon, kahit na gumanda ang
iyong pakiramdam. Maaaring kailangan mong
inumin ang iyong mga gamot nang 6 hanggang 24
na buwan. Ang maagang pagtigil sa mga gamot ay
maaaring magsanhi ng pagkalat ng TB sa ibang
bahagi ng katawan.
Para panatilihing malakas ang iyong katawan,
kumain ng 3 beses at uminom nang 6 hanggang 8
baso ng likido araw-araw.
Pumunta sa lahat ng appointment sa doktor.



TAMA BA ANG ALAM MO SA TB?
1. Mahahawa ka ba ng TB kapag ginamit mo ang
kubyertos ng taong may TB?
HINDI. Sabi ng DOH, HINDI ito paraan para
mahawa ka ng TB.
2. Kung umubo ang taong may TB malapit sa iyo
mahahawa ka ba agad?
HINDI. Ayon sa DOH, ang bacteria ng TB ay
kumakalat sa hangin. Kung malakas ang
resistensiya mo at malusog ka, hindi ka basta-
basta mahahawa.
3. Dapat bang ihiwalay ang taong may TB pati na
ang mga gamit niya?
HINDI. Umiwas sa sakit, hindisa may sakit!
Mas importante ang iyong pang-unawa at
malasakit. Mas madaling gumaling ang may
sakit kung may suporta siya ng pamilya at
bayan! Pag-iingat, hindi diskriminasyon ang
kailangan ayon sa mga Doc ng DOH!
4. Namamana ba ang sakit?
HINDI. Kung nagka-TB ang isang pamilya, ito
ay dahil nagkahawaan sila. Kaya kung
suspetsa mong may TB ka, pa-check agad sa
health center para maumpisahan na ang anim
(6) na buwang gamutan. Sabing DOH,
pagkalipas ng dalawang linggong tuloy-tuloy
na gamutan, hindi na nakakahawa ang TB.
Pero dapat ituloy pa rin ang anim na buwang
gamutan para hindi lumala ang TB at lubusang
gumaling.
5. Libre ba ang konsulta at gamot sa
pampublikong DOTS Facilty?
OO. Maaring magpakonsulta sa malapit na
pampublikong health center o ospital.













Para maprotektahan ang iba:
UBOKALORYO GUIDE

Umubo at bumahin
gamit ang panyo o
tissue.
Manggas ang gamitin
kung walang panyo o
tissue.
Ugaliing ang pagdahak
ay sa tamang lugar at
paraan.
Buksan ang gripo at
maghugas ng kamay.
Ok lang magtakip ng
ilong at bibig kung
may umuubo.

References:
https://www.healthinfotranslations.org/pdfDocs/
Tuberculosis_tg.pdf
http://www.doh.gov.ph/tb.html
http://coughmanners.wordpress.com/2008/08/

You might also like