You are on page 1of 1

Kunwariy mayroong isang lalaking pinagsasaksak nang paulit-ulit ang katabi hanggang sa ito ay

tuluyang mamatay. Nang imbestigahan at tanaungin ang rason, ang tanging sinabi niyay dahil may
kutsilyong bagong hasa na nakapatong sa mesa kung kayat hindi niya napigilan at ipinangsaksak ito.
Kailangan na ba nating itigil ang paggamit ng kutsilyo upang mabawasan at mapawi ang pagpatay tulad
nito?
Masasabi ninyong ang kwentong ito ay walang kwenta at tila hindi pinagisipan. Kung
prangkahan lang ay amsasabi mong isa itong napakabobong palusot. Marami siguro ang nagtataka kung
bakit ito ang panimula ng isang pormal na editorial tungkol sa Pilipinas. Sa maniwala kayo o sa hindi, ang
kwentong ito ang naglalarawan sa kaisipan ng mga tao sa isyu ng Pork Barrel o PDAF Scam.
Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ams kialla bilang Pork Barrel ay ang
pagbibigay ng pondo ng gobyerno sa mga opisyales tulad ng congressman, na gagamitin sa mga
proyekto na kanilang ipapatupad. Ito ang pera na nakukuha ng mga iskolars ng gobyerno,
pinanggagastos sa paggawa ng mga tulay at gusali, at iba pang proyekto ng mga opisyales. Makikita sa
pagpapakahulugang ito na ginawa ang PDAF para sa ikabubuti ng Pilipinas.
Iniisip ng maraming Pilipino ngayon na kung ang Pork Barrel ay mawawala sa Sistema ay
magiging malinis na ang gobyerno at magiging mapayapa ang pamumuhay ng bayan. Masakit man
marinig ngunit kailangan nating magising sa katotohanan na hindi ito totoo at hindi magkakatotoo
kailanpaman. Dahil hindi PDAF ang nanghahalina sa mga opisyales upang amgpanakaw, kung hindi ang
mga opisyales mismo ang nagpapahalina sa kayamanan ng PDAF. Kasalanan ba ng Pork Barrel na ang
kanyang kayamanan ay sobrang nakakahalina?
Kailangan nating malaman, hindi lang ng gobyerno, na hindi ang PDAF ang ugat ng korupsyon at
katiwalian tulad ng kutsilyo na hindi ugat ng pagpatay. Kung kayat kahit na marami man ang hindi
sumang-ayon sa akin, ako ay susuway sa nosyon ng marami, naniniwala akong dapat hindi maalis ang
PDAF sa Sistema dahils a mga rason na hindi nakikita ng marami.
Ang solusyon ay dapat sa implementasyon at control ng mga patakaran at proseso ng gobyerno.
Dapat ay Makita ng mga tao ang paggmit ng Pork Barrel sa pamamgitan ng transparency. Maaaring
ilathala sa mga dyaryo o sa mga website sa internet ang report sa paggamit ng pondo. Nararapat na
magkaroon ng madalas na inspeksyon sa mga proyekto at ang halagang ginugugol ditto. Mas mabuti pa
kung magkaroon ng quota sa bialng ng proyekto ng gma opisyales, na ginagamitan ng pork barrel.
Ang mga solusyong ito ay hindi naiiba sa mga ideya ng marami. Ito ay pagnkaraniwang mga
opinion at suhestiyon. Ang talagang kailangan gn ating bayan ay pagmamahal sa sarilling bansa. Kung
mayroon ito, hindi natin uutakan ang isat isa. At maiisip antin na sa pagnanakaw ng ponding ito, hindi
mga tao ang inuutakan natin kundi an gating bayang ating sariling tahanan. An gating bayan ay an gating
repleksyon. Hindi ang mga bagay sa paligid ang may kasalanan kundi ang mga tao sapagkat tayo ang
may isip.
Maalis man ang Pork Barrel Fund, hindi ito nangangahulugang hindi na magnanakaw ang mga
taong walang konsensya.

You might also like