You are on page 1of 6

ANG SALITANG UMUUSO SA MGA PILIPINO

NGAYON: ANG SALITANG IMBA

Isang Paperl na Iniharap sa FILDLAR, Depertamento


ng Filipino, College of Business,
Pamantasang De La Salle

Marvin Joshua Chan


C34

Oktobre 24, 2012

Mga umuusong salita sa ating ngayon: Imba

Sa ngayong pag-uunlad ng ating sariling wika, ang wikang Filipino ay


mapapansin din naman talaga ang pagpalit palit o pagbago-bago ng mga salita dahil
nga ang Wika ay buhay at dinamiko na isinaad ni Gleason sa kanyang depinisyon ng
wika. Dumadami at dumadami ang mga salitang nasa dictiyonaryo natin at ito ay
magandang sign na umuunlad at lumalawak an gating sariling wika. Lagi nating
mapapansin araw araw sa ating paligid na parang may hindi pamiliar na salita na
naririnig natin, hindi dahil hindi natin alam ang ibig sabihin ng salitang iyon kung hindi
itong salita ay bago. At ang mga ito ay gawa gawa naman ng kung sino sino na
nandiyan at kahit sino ay nagkakaintindihan dahil sa salita. Madami din dito ay nagiging
trending na sa ating wika. Iilan sa mga itong maririnig natin ay ang jejemon na kung
saan pinantatawag sa mga nakasuot ng cap at kung ano ano pa at ang pagtawa sa text
or chat at jejeje. Meron din naman ang salitang conyo na kung saan ginagamit pangugnay sa mga medjo maarte ang pananalita ng tao at pinaghahalo- halo ang wikang
Inles at tagalong. Iilan lamang ito sa mga salitang umuuso ngayon at bagong panganak
palang sa lipunan. Meron din naming mga salita na nagbabago lamang ng ibig-sabihin
ngayon tulad ng ha? na ngayon ay nagsasaad ng pakiulit pero ito pala ay nanggaling
sa salitang tanga. Tingnan naman ang ibig sabihin ng Imba na isa ding umuuuso na
mga salita sa Pilipinas.
Ang salitang Imba ay ginagamit halos sa mga online na mga laro o mga laro na
may ibat ibang bersiyon na nakikita sa mga makabagong teknolohiya sa mga computer
gaya ng Ragnarok, DotA, Wow, LoL at madami pang iba. Ang ibig sabihin nito ay
sobrang lakas na ginagawang madaya ang laro at ito ay dapat gawing mahina o
pahinain.
Ang salitang imba ay nanggaling sa salitang imbalance na ang ibig sabihin ay
kulang sa distribusyon o pagkakapantay pantay. Ito ay isang verb na nagtutukoy sa
sobrang lakas o sobrang hina ng isang karakter na halos ginagamit sa mga laro. Pero
ito ay karamihan na naiuugnay sa sobrang lakas at ito ang mas ginagamit na

depinisyon ng salitang ito. Nagsimula ang salitang ito sa mga manlalaro ng Ragnarok at
DotA na kung saan ito ang ginagamit nilang pang-ugnay sa mga tauhan ng laro o sa
mga manlalaro mismo. Ito ay halos ginagamit lamang ng mga lalaki dahil halos mga
lalaki lang naman ang mas naglalaro ng mga ganito at bihira lamang makakita ng
babaeng naglalaro ng mga ganito. Minsan ay nasasabi pa ang salitang imba kung saan
sila ay nagulat o nabigla sa mga pangyayari at eksena sa laro dahil sa galing o sobrang
lakas ng pangyayari.
Ang salitang imba ay isang lenggwahe sa paglalaro. Mapapansin na pagpasok
sa mga computer shops o mga palaruam ay makikita natin at maririnig ang salitang
imba sa kahit saan lugar sa loob ng computer shop kung sila ay halos natatalo. Ang
mga ilang pag-uusap ay ganito:
Tingnan mo itong laro nila Kiddo oh, Sven gamit niya.
Triple Kill! Godlike! Kiddo ay nakapatay ng tatlong hero na magkakasunod.
Ang imba naman niya, parang wala ng tatalo pa sakanya.

Sa pag-uusap na ito ay halos pansin na pansin na ang pagkakagamit ng salitang


ito. Pero madami pang mga bagay kung saan makikita ang salitang imba tulad din sa
mga forums na parang ganito:
Ang tamang pagpili ng gamit, skills, at diskarte kay Mortred ay gagawing siyang
imba.

Ang paggamit ng mga ganito sa forums at paglalaro ay tumutulong sa mga


manlalaro na magkaintindihan sa kanilang gusting ipahatid sa kapwa. Gamit na gamit
din ito sa mga guides o pagtuturo ng mga larong ito para masmaunawaan ng mabuti
ang konteksto sa paglalaro.

Ang salitang ito ay nagsimula lang nitong mga nakaraang taon dahil kalian din
lamang umusbong ang mga makakabagong teknolohiya nganyong 21th century. Hindi
ito nagagamit dati dahil pwede naman itong maipahatid sa ibang mga salita gaya ng
sobrang lakas o pwede naman ang salitang imbalance at hindi pa ganun kapopular ang
mga larong mga ito. Pero siguro na rin na para masmabilis na maintindihan ng mga tao
ay pinaikli nalang ang salita para mabigkas ng mabilis habang naglalaro at gawing
masmasaya ang laro. Halata naman sa mga Pilipino at gustong gusto nila ang
nagpapaikli ng kung ano anong salita.
Madami naman itong mga kaugnay na mga salita gaya ng nerfed. Ang ibig
sabihin naman nito ay pahinain ang karakter o bawasan ang lakas nito. Ito ang parang
kakambal ng salitang imba dahil ito ang susunod na hakbang pag napapansin na imba
ang mga ibang karakter. Pero pag ito ay ikukumpara sa salitang imba, ito ay hindi halos
naririnig sa paguusap pero mas nakikita ito ng pasulat. Gamitin ito sa pangungusap
para masmabilis intindihain. Sa pangungusap na ito ay malalaman na ang ibig sabihin
ng salitang nerfed ay pahinain.
Ang Imba ni Mortred kanina, kailangan siya manerfed.

Ang salitang Imba naman ay maiuugnay din sa ibat ibang emosyon habang
naglalaro dahil na din sa pagusad ng laro. Madalas ito ay nasasabi sa magandang
paraan na ang imba ng kalaban dahil sila ay napabilib at nakakita ng nakakagulat na
eksena at ito ay hinahangaan nila. Pero minsan ito ay naiuugnay sa pagkasama ng loob
o pagkabad trip dahil ito minsan ang nagpapapangit sa mga laro. Minsan ito pa ay
sinasamahan ng mga masasamang salita o mura dahil ito ang rason ng kanilang
pagkatalo o ito ang nagpapapangit sa laro. Ito ay isang pangit na pagiinterpreta sa
salita dahil sa mga masasamang salita na nasasama dito.
Pagka ito naman ay binibigkas ay mapapansin na ibat iba din ang tono sa
pagsabi nito. Mapapansin sa computer shops o palaruan na pag nasasabi ang salitang
imba ay medyo pasigaw at maingay. Malamang dahil nagulat sila sa pagka imba ng

karakter na iyon. Pero minsan ay mahinahon ang pagsabi at pagsasasaad nito kapag
wala na sa laro dahil pinaguusapan na ito ng matino at hindi na nabigla.
Ang salitang imba ay hindi tanggap sa promal na wikang Filipino lalo na sa
pagsusulat. Ito ay hindi tanggap sa pormal dahil ito ay isang pinaikli lamang na salitang
imbalance at iilan lamang ang nakakaalam nito kahit naririnig ito palagi at ito din kasi ay
masasabing slang. Ang salitang ito ay tanggap na tanggap ng mga manlalaro at lagi
nila itong nagagamit pero pag ikukumpara ito sa mga ibang tao ay kakaunti lang ang
may alam ng ibig sabihin at hindi tinatanggap na magandang salita.
Madami ding nagsasabi na ang salitang ito ay parang isang mababang uri ng
salita na parang salitang kalye o pabalbal na hindi naman pwedeng kontrahin dahil hindi
nga ito tanggap na totoong salita. Naiuugnay ito sa ganung pagtingin sa salita dahil na
din sa larong DotA na halos nakikita ng karamihan na isang brutal na paglalaro. At
siguro na din ay ginagamit ito sa mga pasigaw na paraan. Pero ito ay tanggap talaga
sa pananaw ng mga manlalaro.
Nang unang marinig ko din ang salitang ito ay pangit din ang pumasok sa aking
isipan. Naitanong ko din sa aking sarili na kung ano ang ibig sabihin ng salitang ito.
Pero nang mapalapit sa mga ganitong laro ay nalaman na din ang ibig sabihin at
magsisimula na kayong magkaugnay o magkaintindihan. Maganda din naman ang
implikasyon ng salita na ito pero minsan at halos karamihan ay sinasabi ito ng pasigaw
at madami naman ang pangit ang pagtingin sa mga onine games kung saan ito
nanggaling kaya nadadamay ang salitang imba.
Ang mga salitang ganito ay unti unti nang nagiging uso sa ating lipunan dahil
mas nagkakaintindihan o nagkakaugnay tayo dito at magiging masmasaya ang
paglalaro. Pansin na pansin din naman sa ating lipunan at wika na nagagaya na tayo sa
wikang Ingles dahil halata naman ang paghango o pagtranslate ng mga salita. Halos
magkakatulad na kasi ang Wikang Ingles sa ating wika ngayon na tanggap na ang mga
ibang wikang Ingles sa wikang Filipino. Hindi gaya dati na hanay tayo sa wikang
espanol. Ang ganitong pagdagdag sa bokabularyo ng wikang Filipino ay pwedeng
nakakabuti at nakakasama sa pag-unlad n gating sariling wika. Ito ay nakakabuti dahil

magnagkakaugnayan ang bawat Pilipino sa mga bagay bagay at lumalawak ang mga
ideya sa ibat ibang asignatura. Napapalalim nito ang pagkaintindi sa mga salita at sa
mga salita ng propesyonal o mga register. Ito din naman ay pwed maging masama sa
ating lipunan dahil ang mga salitang ito ay maituturing ngang pabalbal kaya ito ay
nagbibigay ng pangit na impresyon sa salita na maaapektuhan ang buong wikang
Filipino. Gaya lamang ng mga salitang Jejemon, Conyo at Imba, napapagugnay nga
nila tayo pero parang ang pangit ng implikasyon sa wika dahil parang pangit din ang
pinagmulan ng mga salitang ito. Hindi pa din tanggap sa pormal na wikang Filipino at
pagsusulat. Pero pag ito naman ay matatanggap na sa ating wika ay magiging
maganda ang mga epekto nito. Dapat sana ay pag-aralan at pag-isipan muna ng maigi
ang pag-uunlad n gating sariling wika para sa gayon ay masmaayos ito at masmalawak
ang sakop na pag-aaral nito. Isa din sa mga layunin ng ating wika na maitulad ito sa
wikang Ingles na malayo pang mangyari sa ngayon dahil kunti palang ang sakop ng
wikang Filipino lalo na sa mga asignaturang tulag ng aghan at matematiko.

Sources:
http://www.beepinoy.com/2009/12/30/what-imba-meaning-in-online-gaming-world/
http://www.urbandictionary.com/define.php?term=imba
http://wiki.answers.com/Q/What_is_the_meaning_of_imba

You might also like