Professional Documents
Culture Documents
Sona 2014
Sona 2014
Magandang
hapon
po
sa
inyong
lahat.
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang natitira. May kasabihan po tayo:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. Kaya
marapat
lang
po
siguro
tayong
magbalik-tanaw:
Noon, sa sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang mangarap. May burukrasyang
walang saysay, patong-patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa sistema.
Naturingan tayong "Sick Man of Asia." Ang ekonomiya natin, matamlay; ang industriya,
manipis. Walang kumpiyansang mamuhunan sa atin pong bansa. Ang resulta:
kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating tigang sa pag-asa ang
mamamayang Pilipino. Marami sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa
ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap: Talagang wala tayong maaasahan
sa
ating
pamahalaan
at
lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na pamumulitika. Naglaho ang pananalig
natin sa isa't isa, humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang pinakamasakit:
Nawalan
tayo
ng
tiwala
sa
ating
mga
sarili.
Sa
puntong
ito
natin
sinimulan
ang
pagtahak
sa
tuwid
na
daan.
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi lang ang mga suliraning ating
dinatnan at mga lumilitaw sa kasalukuyan-obligasyon ko ring paghandaan ang
kinabukasan. Sa bawat sandali, kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-debista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang nanonood ng 200 channel sa
telebisyon nang sabay-sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang kasalukuyang
nagaganap, kundi ang pinanggalingan at paroroonan ng nilalaman ng bawat channel.
Bawal malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong, suhestiyon, at kritisismoat dapat sagutin mo ito, bago pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at tao
lang po
ako, na
kung minsan, nagkakaroon
din ng agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking pangunahing layunin: Ang ibalik ang
gobyerno sa dapat nitong tuon-ang paglingkuran ang taumbayan sa lahat ng panahon.
'Di po ba't may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang tao, at mapapakain mo siya ng
isang araw. Turuan mo siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain ang sarili
niya. Halimbawa nito ay ang TESDA. Sa Training-for-Work Scholarship Program, nagambag ang DAP ng 1.6 billion pesos. Nakapagpatapos po ito ng 223,615 benepisyaryo.
66 percent po nito-o katumbas ng 146,731 graduates-ang nagtatrabaho na ngayon.
Iyon naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin ng TESDA na makahanap
ng trabaho. Tingnan po ninyo: Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang
pangalan
at
iba
pang
datos,
na
puwede
ninyong
kumpirmahin.
Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang naipagkaloob na pondo, pumapatak ng
7,155 pesos ang naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat scholar. Sa
BPO sector, mababa na ang kitang 18,000 piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng
234,000 pesos. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang magiging income tax niya
kada taon: 7,900 pesos. Ibig-sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 pesos, sa
unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at ang lahat ng ibubuwis ng ating
scholar hanggang magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang kababayan ng
parehong pagkakataon. Ito po ang mabuting pamamahala: May tama pong intensyon,
pamamaraan,
at
resulta.
Lahat
panalo.
Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA graduate. [Ipinapanood ang
video
ng
dalawang
iskolar
ng
TESDA]
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional Cash Transfer Program nitong
Hunyo 2014, na may pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin ng estado
hanggang umabot ng 18 taong gulang ang benepisyaryo. May magtatanong, Bakit?
Batay po kasi sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, 40 percent
ang dagdag na sinasahod ng high school graduate, kumpara sa grade school lang ang
natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman ng bansa: ang taumbayan.
Pinapatunayan ito ng datos ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty
incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba patungong 24.9 percent sa
kaparehong panahon noong 2013. Ang three percentage points pong ito ay katumbas
ng halos 2.5 milyon na Pilipinong nakaalpas na sa poverty line. [Palakpakan] Totoo
namang dapat pagtuunan ng masusing pansin ang pinakamahihirap sa lipunan. Pero
hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang kakayahan natin, sinisikap nating hindi
na manumbalik sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas na.
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang bahay na hindi natin malisan. Ang
malala pa dito, halos wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang sira. Nitong
Summit dito sa susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at ang pagkakataong
hatid nito para sa lahat. Wala pong duda: More open for business na nga po ang
Pilipinas.
Bukod po sa maaliwalas na pagnenegosyo, isinusulong din natin ang maayos na
relasyon
ng
ating
mga
manggagawa
at
mga
kompanya.
Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa sa sampu ang bilang ng mga strike
kada taon ayon sa National Conciliation and Mediation Board. Isa po itong positibong
bunga ng itinataguyod nating Single Entry Approach, o SEnA, ng DOLE, kung saan
dumadaan sa 30-day conciliation-mediation ang mga nakahaing labor cases. Ang
maganda nga po: sa 115 notices of strike and lockout noong 2013, isa lang ang natuloy
na welga. Ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE. Maraming salamat po kay
Secretary Linda Baldoz, sa pamilya ng DOLE [palakpakan] at siyempre po sa labor at
management sectors. Minsan po ay nagkabiruan kami ni Secretary Baldoz, noong 2012
ho yatay may dalawang strike, noong 2013, isa na lang, so nangangalahati nang
nangangalahati. Sabi ko: Linda, sa 2014, hindi tagumpay yung may kalahating strike.
Baka
puwede,
wala
nang
strike?
Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng ekonomiya at pagbukas ng
pagkakataon, kailangan ng imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante,
magpapabilis sa daloy ng produkto at serbisyo, at sisigurong kaya nating
makipagsabayan
sa
iba
pang
merkado
sa
daigdig.
Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na ang budget para sa
imprastruktura, mula 200.3 billion pesos noong 2011, naging 404.3 billion pesos
ngayong 2014. Paalala ko lang po: Hindi tayo nagdagdag ng buwis maliban sa Sin Tax
Reform na nakatugon sa kalusugan, habang napanatili din ang ating allowable deficit, at
patuloy na bumababa ang ating debt-to-GDP ratio. Malaki po ang epekto nito, dahil
hindi lang lumaki ang pondo: binawasan pa natin ang mga tagas sa sistema, kaya
natitiyak nating mas sulit ang bawat pisong ginagastos ng estado.
Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH: Bawal ang tongpats, bawal ang
bukol. Tinapalan na ang mga butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso sa
ahensya. Isang simpleng halimbawa po nito ang pagtatanggal ng Letter of Intent sa
bidding process. Noon po kasi, ginagamit ito bilang kasangkapan sa kuntsabahankapag nalaman kung sino-sino ang bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang
sabwatan. Isa pa po: Ang mga dokumentong hinihiling mula sa bidders: lima na lang,
mula sa dating 20. Mas mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong
manghingi ng pampadulas o suhol. Ang resulta: Halos 28 bilyong piso ang naisalbang
pondo, at napapaaga ang pagpapatupad ng mga susunod na proyekto. Kaya naman
kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH: muli, maraming salamat po sa inyong lahat.
Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH, ang nailatag, napapaayos,
napalawak, o naipagawa nilang kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184
kilometro. Nung nakita ko po itong numerong to, napag-isip rin ako: Paano ko ba
maipapaliwanag yung labindalawang libo? Sabi po sa atin: katumbas ito ng apat na
kalsadang nag-uugnay sa Laoag hanggang Zamboanga City. National roads lang po
ito; wala pa rito ang mga local farm-to-market roads o tourism roads.
Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula Disyembre 2011 hanggang
nitong Hunyo, nakapag-award at nakalagda na ng pitong PPP projects ang inyong
pamahalaan; ang halaga nito: tinatayang 62.6 billion pesos. Sa apat na taon natin sa
tuwid na daan, nalampasan na natin ang pinagsamang anim lamang na aprubadong
solicited
PPP
projects
mula
sa
nakaraang
tatlong
administrasyon.
Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon. Sabi nga ni Secretary Cesar
Purisima: Dati, hindi makaakit ang Pilipinas ng mga mamumuhunan. Noon, gobyerno
pa mismo ang nag-aalay ng kaliwat kanang insentibo, tulad ng pagbibigay ng
commercial development rights, subsidy, at iba pang garantiya. Ngayon, baliktad na
ang sitwasyon. Matindi ang kompetisyon ng mga nag-uunahang kompanya; handa
silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo ang imprastrukturang kailangan
natin. Halimbawa po: Sa Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal
Building, may premium ang gobyerno na umaabot sa mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA
Expressway Project Phase 2, nakakuha ang gobyerno ng prima na 11 bilyong piso.
Muli:
Mabuting
pamamahala
ang
ugat
ng
lahat
ng
ito.
Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito, maginhawa na ang biyaheng
Tarlac hanggang Rosales sa Pangasinan. Ayon po sa kanila, ang bahagi hanggang
Urdaneta, makukumpleto na bago matapos ang 2014. Sa susunod na taon, aabot na
raw
ang
daang
ito
hanggang
sa
dulo
sa
Rosario,
La
Union.
Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa pangako, atin na rin pong
isinasakongkreto. Ang Aluling Bridge, na 1978 pa po binuo ang konsepto, bukas na sa
publiko. Ang Metro Manila Skyway Stage 3, na bahagi ng Metro Manila Expressway na
proyekto pa noong dekada sitenta, inilunsad na natin noong Enero. Sa mga dumadaan
ng Osmea Highway, nakikita naman po ninyo kung gaano kabilis itayo ang mga haligi
para dito. Ang Ternate-Nasugbu Road, na noon pang 1994 sinimulang ilatag ang plano100 percent complete na rin ngayon. Ang Basilan Circumferential Road, na year 2000
pang under construction, malapit na rin pong matapos. Hindi ko na ho sasabihin yung
eksaktong petsa baka mausog pa. Pero pag hindi ho natupad, yung ipinangako sa atin
ni Governor Hataman, sasamahan ko siya araw-araw hanggang matapos ito.
Ilan lang po ito sa mga imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang
problema; sa halip, ngayon, nagsisimula na itong mapakinabangan ng ating mga Boss.
Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may kakayahan na tayong tugunan, maging
ang mga problemang paparating pa lang. Halimbawa: sa tubig. Alam nating habang
lumalago ang populasyon at umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig ang
kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po sa pag-aaral, maaaring
magkaroon ng kakulangan ng tubig sa Metro Manila pagdating ng 2021. Hindi na po
natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong talagang pinag-aralan ng mga
dalubhasa, inaprubahan na po natin-ang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at ang pagaayos ng mga linya ng Angat Dam. Magandang solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig
mula sa mga aquifer sa ilalim ng lupa, na mas madaling pasukan o magbibigay-daan
para pasukin ng tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer lang tayo nakasalalay, mas
mapapabilis ang paglubog ng lupa-na siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.
Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga karatig-bayan ang suporta natin
sa mga tagalalawigan. Aprubado na rin ang Water District Development Sector Project,
sa
ilalim
ng
LWUA
o
Local
Water
Utilities
Administration.
Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating PPP project-ang Laguna
Lakeshore Expressway Dike-bubuksan na rin ang bidding bago matapos ang 2014.
[Palakpakan] Napakaraming benepisyong maidudulot nito. Una, mababawasan ang
pagbaha. Ngayon po, pag pumalo ng 12.5 meters ang taas ng tubig sa lawa, tiyak,
babahain na ang mga komunidad sa paligid nito. Ang solusyon: dikeng may taas na
higit sa 15 metro. Ikalawa pong pakinabang: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ang
ikatlo po: Bawas trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng expressway, na babagtas
sa Los Baos hanggang Taguig. Pag natapos ang C-6 road na kokonekta sa San Jose
del Monte, may isa na naman tayong paraan upang makatawid ng Kamaynilaan nang
hindi na kakailanganing dumaan sa EDSA. Sa pakikituwang ngpribadong sektor, ang
obligasyon natin dito ay right of way lang; porsyento ng lupang mare-reclaim ang
ipapambayad sa mananalong bidder. Dahil dito, makukuha natin ang ating mga
pangangailangan,
habang
mababawasan
din
ang
ating
gastusin.
kinailangan munang lutasin ukol sa pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din nating ang
mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa pangangailangan ng kanilang relihiyon at
kultura, kayat hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661 pamilya namang gustong sila
mismo ang magkumpuni ng sariling tahanan, 30,000 pisong halaga ng Home Materials
Assistance
ang
ipinapamahagi
na.
3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng
mga lote, pagpapatayo ng mga permanenteng tahanan, at iba pang suporta sa
Zamboanga. 2.57 billion pesos dito, nai-release na sa NHA at DPWH.
Ilang linggo naman po matapos ang krisis sa Zamboanga, niyanig ng lindol ang Central
Visayas; pinakamalaki ang pinsala sa Bohol. Dito natin nakita ang maaaring maabot ng
sambayanang nagkakaisa sa pagresponde sa sakuna. Isang linggo matapos ang lindol,
may kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng munisipalidad sa Bohol.
Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at kalsadang nasira ng lindol,
nadadaanan na. May kabuuang 3.583 billion pesos nang nai-release para sa
rehabilitasyon ng Bohol at Cebu. Kasama na rito ang 2.49 billion pesos na ipinagkaloob
ng DILG sa lokal na gobyerno, para sa pagpapagawa ng mga palengke, civic center,
tulay, water systems, munisipyo at ibang pang istrukturang pampamahalaan.
Bago naman po matapos ang 2013, dumating naman si Yolanda- ang pinakamalakas
na bagyo sa kasaysayan. 1.47milyongpamilya ang talagang naapektuhan, at 44 sa
ating 81 probinsya ang tinamaan. Sa Eastern Visayas, kung saan pinakamalakas ang
pinsalang
nadulot,
napakaraming
kinailangan
ng
agarang
lingap.
Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming LGU dahil sila mismo ang
tinamaan.Natangay po pati ang ating prepositioned relief goods, kayat talagang
kinailangang manggaling sa ibang lugar ang tulong. Lalo pang naging mabigat ang
pagdadala ng ayuda, dahil bagsak ang imprastruktura: Walang kuryente, hindi
madaanan ang kalsada, at halos lahat ng truck at heavy equipment na kailangan ng
ating first responders ay nasira sa pinakaapektadong lugar. Wala ring gasolina, at
walang
komunikasyon.
Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para ipaabot ang tulong sa mga
apektadong pamilya, kalingahin ang mga naulilat sugatan, siguruhing walang
mangyayaring outbreak ng sakit, at marami pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po
sa pagkain. Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang intindihin: kailangan din ng
ating
Gabinete.
To our friends and neighbors around the world: Your outpouring of solidarity will never
be forgotten by a grateful Filipino people. Again, on their behalf, we thank you.
Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa abot ng ating makakaya, na siyang
ipinapamalas ng ating OFWs, peacekeepers, at iba pang Pilipino sa labas ng bansa,
nang tayo naman ang nangailangan, nakita ng mundong karapat-dapat din tayong
tulungan. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng dalangin at suporta,
dito
man
o
sa
ibang
panig
ng
mundo.
Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng livelihood interventions, upang
maging mas mabilis ang pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan. Ngayong
Hulyo nga po, 221,897 trabaho na ang nalikha matapos tayong magkaloob ng bangka,
kagamitan sa pangingisda at pagtatanim, mga binhi, at livestock. Kasama na rin po dito
ang mga sinuwelduhan nating naging kabahagi ng cash for work program.
Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang problemang dala ni Yolanda. Pero
ayon nga po sa international standards, kapag nangyari ang ganitong klaseng sakuna,
isang taon ang inaabot bago matapos ang relief at mag-umpisa ang rehabilitasyon ng
isang bansa. Pero sa loob lang ng walong buwan, idineklara ng United Nations mismo
na nasa yugto na tayo ng rehabilitation. Si Ginoong Yuri Afanasiev ng United Nations
Development Programme na nga po ang nagsabi: We have never seen a recovery
happen so quickly. And many of us have been in many different disasters.
Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang makabangon sa mabibigat na sakuna.
Sa Haiti, dalawang taon ang nakalipas mula ng lindol, marami pa rin ang nasa
evacuation centers. Ang mga kapatid natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para
maka-recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa Amerika nga po, sinasabing walong
taon ang inabot para makabalik sa dati matapos humagupit si Hurricane Katrina.
Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang bahay na kailangang ipatayo;
marami pang mga kababayan natin ang kailangang ibangong muli; patuloy pa rin ang
pag-build
back
better
para
sa
mga
hinagupit
ni
Yolanda.
Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at nilagdaan na rin natin, ang LGU
Rehabilitation and Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern Samar, Leyte, at
Tacloban City. Pumasa po ito sa masusing pagsusuri ng mga cluster ng Gabinete;
laman nito ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, ayon na rin sa
isinasagawang malawakang post-disaster needs assessment. Nabuo po ang planong
ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping Lacson, na inatasan nga nating tumutok
sa mga hamong iniwan ni Yolanda. Umaasa po ako sa pakikiisa ng Kongreso, dahil
malaking halaga ang kailangan, upang tuluyan nang maibangon ang ating mga
kababayan.
Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang gawa. Ito rin ang parehong
ideya sa likod ng ating mga hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-lakas
natin ang mga LGU na siyang mga frontliner tuwing bagyo at ibang sakuna, gamit ang
moderno
at
malawakang
forecasting
system.
Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH, halimbawa, napapadali ang
pagtukoy kung saan ang mga lugar na pinaka-babahain. Nakamapa na po ang 19 sa
target nating 20 river systems para matukoy kung ano ang mga lugar na agad
naapektuhan
tuwing
bumubuhos
ang
ulan.
Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at saan tatama ang epekto ng
bagyo, ngayon po, napapaaga ang paghahanda at pagbibigay-babala ng ating mga
LGUs. Maaga na ring naililikas ang kanilang mamamayan. Kung ang maayos na
forecasting, tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga naman pong maraming
buhay ang maililigtas. Sa Albay na hinagupit kamakailan lang ng bagyong Glenda,
walang naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa mabuting pamamahala ni
Governor Joey Salceda. At kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya ngang
parang natawag na nga pong highway ng mga bagyo, bakit naman tayo magdududa na
kaya
ng
iba
pang
hindi
highway
ng
bagyo?
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo sa mga hamon sa bansa, at
alam din nating mahal ang kailangan nating mga kagamitan. Ngayon po, ikinalulugod
kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy ang modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang brand
new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong AgustaWestland-109 helicopters, at
ang kauna-unahang landing craft utility ship na ginawa dito mismo sa ating bansa, ang
BRP Tagbanua. Dumating na rin po ang apat na refurbished UH-1 helicopters at 2 navy
cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan na rin natin ang state-of-the-art
Command
Center
ng
Naval
Forces
West
sa
Palawan.
Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50 lead-in fighter trainer jets na binili
natin. Ang natitira naman po, inaasahan nating maide-deliver bago matapos ang 2017.
Target din nating makuha ang karagdagang brand new na 8 Bell combat utility
helicopters, 2 anti-submarine helicopters, 10 pang AgustaWestland-109 helicopters, 2
light-lift aircraft, 3 medium-lift aircraft, mga radar system at iba pang kagamitang
magpapaunlad sa kakayahan ng ating Sandatahang Lakas. Samantala po, sa
Setyembre ng taong ito, inaasahan ang pagdating ng karagdagang 17 refurbished UH-1
helicopters.
Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na binili natin para sa
kasundaluhan. Sa mga susunod na buwan, ang kabuuang bilang ng baril na
mapapasakamay ng ating mga kawal: 50,629 units ng M4. Ang bonus pa: dahil sa
maayos na proseso ng procurement at tapat na pangangasiwa sa pondo, may savings
tayo na mahigit 1.2 billion pesos; itong savings ay ipinambibili na natin ng mas marami
pang
baril.
Ididiin ko lang po: Brand new at de-kalidad ang lahat ng ripleng ito na nagmumula sa
manufacturer na daang taon na pong gumagawa ng aramas na ito. Di po ba noong
araw: naubos na nga ang pondo, hindi pa alinsunod sa spesipikasyong kailangan natin
ang binili nilang Kevlar Helmets. Imbes na sa US, sa ibang bansa sila bumili. May naconvict na po dahil dito. Pati ang isang hukom na diumanoy sangkot dito, natapos na
ang imbestigasyong inutos ng Korte Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.
Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado at masasamang elemento para sa mga
krimeng ginawa nila. Halimbawa nga po: Nahuli na ang Chairman at Secretary General
ng NPA nitong Marso. Nanunumbalik na rin po ang normalidad at kaayusan sa 31
probinsyang
dating
ginambala
ng
NPA.
Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating kapulisan. Patunay po rito ang 30 pulis,
sa pangunguna ni Inspector Charity Galvez, na tumalo sa tinatayang 250 NPA na
sumugod sa kanilang presinto noong 2011. [Palakpakan] Nitong Marso naman po, 4 na
bagitong pulis ang buong-tapang na sumagupa laban sa Martilyo Gang sa Mall of Asia.
Mabuti nga pot naabot na ang 1:1 police to pistol ratio, kayat naisyuhan na rin ng
bagong baril ang ating mga rookie policewomen. Dati, nakakaligtaan ang kapulisan;
ngayon, kinakalinga na sila ng estado, at talaga namang tinutumbasan nila ito ng wagas
at
masigasig
na
serbisyo.
Pakinggan po natin ang tinig magigiting nating pulis. [Ipinapanood ng video ng
testimonya
ng
mga
pulis.]
Halimbawa po: Sa Customs, na talaga naman pong sinubok ang ating pasensya noong
nakaraang mga taon. Naging malinaw sa atin: Reset button ang solusyon. Bumuo po
tayo ng mga bagong tanggapan para suriin at gawing epektibo ang mga patakaran sa
Customs. Nagtalaga tayo ng bagong commissioner, anim na bagong deputy
commissioner, kasabay na rin ang 40 iba pang maaasahang indibidwal para ipatupad
ang ating mga reporma sa Customs. Ibinalik din natin sa tamang posisyon ang mga
empleyado. Totohanang ipinagbawal ang mga guwardiyang umaastang kahera, o
warehouseman
na
ginagawang
examiner.
Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang Customs. Kabilang dito ang mga
kawani mula sa ibang departamento at ahensya ng gobyerno, na hiniling nating lumipat
sa Customs dahil tiwala tayo sa kanilang integridad. Sino nga ba naman ang
naghahanap ng sakit ng ulo, lalo pat walang garantiya ng tagumpay? May mga
ipinagpaliban ang kanilang promotion. May mga nagpahiwatig din ng agam-agam dahil
sa takot na balikan sila ng mga sindikato. Pero sa huli, tumugon sila sa ating
panawagang maglingkod. Marapat lang na personal kong pasalamatan ang lahat ng
kawaning ito, sa pangunguna na nga ni Commissioner Sunny Sevilla.
Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at pagkakaisa, kayang linisin kahit pa ang
isang institusyong napakahabang panahon nang dinungisan ng katiwalian. Patunay po
rito ang good news na natanggap natin: Mula Enero hanggang Abril 2014, umangat ng
22 porsyento ang cash collections ng Customs kumpara sa parehong panahon noong
nakalipas na taon. Ang kabuuan nilang koleksiyon sa unang apat na buwan ng taon:
117
billion
pesos.
Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket: Alam kong hindi na kayo
tinatablan ng takot at kahihiyan. Nasa inyo kung makukunsensya kayo-o maaawa kayo
sa mga nalululong sa drogang pinapapasok o pinahihintulutan ninyo, o sa mga
magsasakang napagkakaitan ng tamang kita. Ang sa akin lang: Kapag sumapat na ang
nililikom na ebidensya laban sa inyo, sa Bilibid ang susunod ninyong destino.
Kung pag-uusapan natin ang mga repormang nagsisimula nang magbunsod ng
malawakang kaunlaran, marapat din pong ibalita ko sa inyo ang mga pangyayari ukol
sa
repormang
agraryo.
Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan munang tukuyin ang maaari at
hindi maaaring ipamahaging lupain. Pero ang masaklap, ipinamana sa atin ang bungibunging datos. Bakit ka niyo? Taong 1913 pa sinimulan ang Cadastral Survey ng ating
masusi ang paghimay natin ng bawat probisyong ilalatag. Sa abot ng ating makakaya,
isusulong natin ang isang panukalang batas na makatuwiran, makatarungan, at
katanggap-tanggap
sa
lahat.
Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law bago matapos ang taon at
maisasagawa ang kinakailangang plebesito, mabibigyan ng isat kalahating taon ang
Bangsamoro Transition Authority para ipakita ang positibong pagbabago. Kung
maaantala naman ito, natural pong iikli rin ang panahon para mapatunayan na tama
nga
ang
landas
ng
kapayapaang
tinatahak
natin.
Napakarami na nga po nating nararating dahil sa tiwala-at wala tayong balak basagin
ang tiwalang ito. Ang gobyerno ninyo ngayon: mayroong isang salita. Hindi ko na po
iisa-isahin ang mga natupad nating panata sa tuwid na daan; baka masabihan lang
tayong nagbubuhat ng sariling bangko. Pero mahirap din namang hindi tayo
magbanggit, dahil malamang nag-aabang na ang mga magsasabing wala tayong
ginawa. Kaya samahan niyo na lang akong magbigay ng ilang halimbawa: Trabahot
pagkakataon para sa napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy pang nililikha. Sa
katunayan, mula Abril 2013 hanggang Abril 2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa
bilang ng mga Pilipinong nagtatrabaho. Minanang kakulangan sa aklat, upuan, at silidaralan, napuno na; habang ang mga panibagong pangangailangan dahil sa K to 12,
pinupunuan na rin. 1:1 police-to-pistol ratio, meron na rin po. Modernisasyon ng
Sandatahang Lakas, nangyayari na. Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao,
sumusulong
na.
Pag-angat
ng
ating
ekonomiya,
tuloy-tuloy
pa
rin.
Sabay-sabay nang natutupad ang ating mga pangarap: kalusugang pangkalahatan,
silid-aralan, trabaho, daungan, kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan. Ang nabawi
nating pambansang dangal, sinamahan pa ng pagkilala ng mundo sa bagong anyo ng
Pilipinas. Ang kaban ng bayang mula sa pawis ng mamamayan, ginugugol para lamang
sa
kanilang
kapakanan.
Pakinggan po nating muli ang isa pa sa ating mga Boss. [Ipinapanood ng video ng
isang
benipisaryo
ng
programang
relokasyon
ng
gobyerno.]
Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan, nasolusyonan. Ang nandiyan, tinutugunan.
At ang problemang parating pa lang, pinaghahandaan na rin. Naniniwala ako: Kung
mananatili
ang
inyong
tiwala,
masosolusyonan
natin
ang
mga
ito.
Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa na po natin ang lahat para
na rin ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng 500,000 metriko tonelada ng bigas
sa pamamagitan ng open bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-angkat
ng karagdagan pang 500,000 metriko tonelada, bilang paghahanda sa magiging epekto
ng
kalamidad
sa
ani
at
sa
presyo
ng
bigas.
Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat, mapupuwersa na ngayong
magbenta ang mga hoarder ng bigas na nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga
hoarder na ito: Kung gusto ninyong makipagmatigasan, okay lang, subukan ninyo ang
estado. Tandaan lang ninyo: Anim na buwan lang ang itatagal bago mabulok ang stock
sa mga warehouse ninyo. Siguradong malulugi kayo kapag nalunod na ang merkado sa
dagdag na bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga Pilipino; kami naman, isinusulong ang
interes ng bawat Pilipino. Tingnan natin kung sino ang mananalo.
Bukod po sa pag-iimbestiga sa mga diumanoy nagtago ng NFA rice, sinisiyasat na rin
natin ang lahat ng mga puwedeng nagkuntsabahan sa mga ahensya. Iniimbestigahan
na ang mga empleyadong pinagdududahan upang makasuhan at mapakulong ang mga
may-sala
sa
lalong
madaling
panahon.
Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin ang mga proyekto natin para
alagaan ang mga nasa sektor ng agrikultura. Ginagawa nating kaakit-akit na kabuhayan
ang pagtatanim ng palay. Alam naman po natin na tumatanda na ang ating mga
magsasaka, kaya malaki ang maitutulong sa food security kung mahihikayat natin ang
mga
kabataan
na
pasukin
ang
ganitong
hanapbuhay.
Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan sa pagsasaka para sa
episyenteng pagtatanim at pag-aani. Mula 2011 hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi
na natin ang kabuuang 4,628 production machineries, 11,362 post-production
machineries, at 105 rice mills sa ibat ibang farmers associations. Sa tulong po nito,
nabawasan ang nasasayang sa ani ng ating mga magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad
natin ang mga patubig, nagpapagawa tayo ng farm-to-market roads, at nagsusulong ng
training
programs
upang
masagad
ang
kanilang
kita.
Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang Ehekutibo, nagmumungkahi ng mga
proyekto; inaaprubahan naman ito ng Kongreso. Kailangan nga lang po nating itigil ang
ilan, para makasiguradong sumusunod tayosa naging desisyon ng Korte Suprema ukol
sa Disbursement Acceleration Program o DAP. Alam ko pong kaisa kayong mga nasa
bulwagang ito sa paniniwalang hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa ating
mamamayan, at dapat nga itong makarating sa kanila sa lalong madaling panahon.
Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng supplemental budget para sa 2014,
upang hindi naman maantala ang ating mga programa at proyekto. Kasabay po nito,
nananawagan din tayo sa pakikiisa ng Kongreso, upang maipasa ang isang Joint
Resolution na maglilinaw sa mga depinisyon at kaisipang tila pinagtatalunan pa-at iba
pang mga usaping kayo lang sa lehislatura, bilang mga nagsulat ng batas, ang
makakapaglinaw.
Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA, ihahain natin sa Kongreso ang
panukalang 2.606 trillion pesos na 2015 National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito
kasama ang mamamayan, gamit ang istratehiyang naglalaan ng pondo kung saan
lamang ito tunay na maghahatid ng benepisyo. Umaasa po tayo sa pakikiisa ng ating
mga mambabatas na pagtibayin ito, bilang pangunahing instrumento sa paglikha ng
pagkakataon
para
sa
sambayanang
Pilipino.
Pakinggan naman po natin ngayon ang isang benepisyaryo ng Alternative Learning
System program po ng DepEd. [Ipinapanood ng video ng isang benepisyaryo ng
Alternative
Learning
System
program
po
ng
DepEd.]
Mga kababayan, siya po, at ang marami pang benepisyaryong tulad niya, ang
natatabunan sa tuwing umiingay ang orkestra ng negatibismo sa balita. Itong maiingay
na ito, sadyang isinasara ang isip at namumuhay sa sariling mundo at realidad. Habang
nakikita ang pagbabago sa lipunan, nangyayari na nga ang ating inasahan: lalong
dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang pag-atake nila sa atin. Habang
lumilinaw ang benepisyo ng reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang
magtagumpay ang panlilinlang nila, kayat nagtatanim sila ng duda. Desperado na po
sila.
Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang kanilang motibasyon. Para sa
mga ginawa nang negosyo ang kanilang posisyon: kung maayos natin ang mga
sistema, nawawalan sila ng pagkakataong mansamantala. Natural lang na kontrahin
nila tayo. Ito namang mga walang ibang layunin kundi ibagsak ang gobyerno: Puwede
lang madagdagan ang kanilang hanay kung maraming nagdurusa, at nawalan ng tiwala
sa sistema. Ngayong nakukumpuni na ang sistema at natutugunan ang pagdurusa,
nababawasan na ang puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang pakaunti ang
kanilang bilang. Natural lang din na kontrahin nila tayo. Ang pinakamaingay na
kumokontra sa atin ay ang ayaw ng transpormasyon, dahil nagsamantala at nakinabang
sila
sa
lumang
kalakaran.
Ganito ko nga po naiisip ang ating sitwasyon: Para tayong mga mamamayang matagal
na naipit sa isang isla kung saan may nag-iisang tindahan. Dahil walang pagpipilian,
nagpapataas sila ng presyo kung kailan nila gusto, at talaga nga naman pong inaabuso
tayo. Inatasan po ninyo akong itimon ang bangka ng estado tungo sa kabilang isla,
kung saan mas maraming tindahan, mas maraming pagpipilian, mas maayos ang
buhay, at mas malawak ang pagkakataon. Siyempre po, ang nagpapatakbo ng tindahan
sa ating islang nilisan, ayaw tayong pumalaot, dahil mawawalan sila ng inaabuso.
Lahat, gagawin nila para pigilan ang ating pagtawid sa kabilang pampang. Sasabihin
nilang: Pareho lang naman doon; wala naman talagang pagbabago doon. Itatali nila
tayo sa daungan, bubutasan ang ating bangka, makikipagkuntsabahan para iligaw ang
ating
biyahe.
Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga ito, kundi ang taumbayang
nakikinabang sa tuwid na daan. Kontra sila sa magsasaka sa Iloilo, na mahigit
limampung taong nangarap ng maayos na irigasyon, at ngayon ay nakikita nang
ginagawa ang Jalaur Multi-purpose River Project. Kontra sila sa napakaraming
estudyanteng hindi na kailangang magsiksikan sa mga classroom. Kontra sila sa
nagkatrabaho dahil nasanay ng TESDA; kontra sa mga maagang naililikas sa panahon
ng bagyo dahil sa pinahusay na PAGASA; kontra sa mga informal settler na nailayo sa
panganib dahil sa programang pabahay; kontra sa mga maralitang libre nang
nakakapagpagamot sa pampublikong ospital; kontra sa mga sundalong may
modernong kagamitan kaya mas may kumpiyansa nang ipagtanggol ang bayan; kontra
sa mga Moro at katutubong abot-tanaw na ang kapayapaan. Mga Boss, kontra po sila
sa
inyo.
Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake na tayo. Sanay na tayong
sinasalubong ng negatibong komentarista sa almusal, pang-aalipusta sa tanghalian,
insulto sa hapunan, at may intriga pa bilang midnight snack. Ngayon nga pong Pangulo
ako, tuloy pa rin ang mga kontra sa pagbabago. Sa tingin ko, maski sa pagbaba ko sa
puwesto,
hindi
pa
rin
sila
titigil.
Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap ko dati sa kampanya. Ang sabi
niya sa akin, Noy, mag-iingat ka. Marami kang makakabangga. Totoo ang kanyang
babala. Pero buo ang loob kong kaharapin ang mga nakakabanggang ito, dahil alam
ko: iilan lamang sila, at di-hamak na napakarami natin. Mas malakas po tayong mga
handang makisagwan tungo sa pagbabago. Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil
tayo ang nasa tama.Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo, nakabuwelo tayo,
at ngayon, umaarangkada na nga po ang Pilipino. Lalong magiging sulit ang pagod at
sakripisyo natin kung itong nasimulan natin ay itutuloy po ninyo.
Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang magpapasya kung magtutuloy ang
pagbabago. Tandaan lang po natin, ito ang aking ikalimang SONA; isa na lamang ang
natitira. Sa 2016, pipili kayo ng bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po:
Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang pagbabagong tinatamasa na ng ating
lipunan, iisa lang ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala ni katiting na
dudang
magpapatuloy
sa
transpormasyong
ating
isinakatuparan?
Kayo po ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng pagbabago-kaya kayo rin
ang magpapatuloy nito. Nasa inyo kung paanong isusulat sa kasaysayan ang mga
panahong ito. Maaari itong maalala bilang tuktok ng ating tagumpay, bilang magandang
simulaing nasayang lang. Pero mas maganda pong di-hamak kung maalala ang mga
nagawa natin bilang simula pa lang ng ating mahabang paglalakbay tungo sa katuparan
ng
mas
matatayog
pang
pangarap.
Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na akoy tumakbo, ang sabi nila sa akin, hindi
namin inaasahan na lutasin mo lahat ng problema ng ating bansa sa loob ng anim na
taon. Pero simulan mo na sana.Nakita naman ninyo kung saan tayo nanggaling, at
nakita naman ninyong lampas-lampas pa sa ating mga pinangarap noong simula ang
tinatamasa
natin
ngayon.
Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang patas ang laban; kung saan ang
sumusunod sa patakaran ay nakakarating sa nais niyang paroonan; kung saan may
tunay na kumpetisyong nagbubukal ng pagkakataon at malawakang kaunlaran; kung
saan ang lahat ay may kakahayang panghawakan ang sariling kapalaran.
Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo, umaruga sa mga nasa laylayan;
kung saan ang bawat isa ay kumikilala sa kanyang tungkulin sa kapwa at sa bayan;
kung saan tuloy-tuloy at walang hanggan ang pakikiambag at sama-samang pag-angat
ng
sambayanan.
Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating kinabukasan, kung saan naghahari ang
katarungan,
at
tunay
pong
walang
maiiwan.
Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglalaban natin, at patuloy pang ipinaglalaban:
Hindi ang pagpapanatili ng nakasanayan, kundi ang pagbabago ng sistema para
makinabang
ang
lahat.
Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong pamunuan ang transpormasyon. Kung
hinindian ko ang hamon na iniharap niyo sa akin, para ko na ring sinabi na tutulong
akong pahabain ang inyong pagdurusa, at hindi maaatim ng konsensya ko iyon. Kung
tinalikuran ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang aking amat ina, at ang
lahat ng inialay nila para sa atin; hindi po po mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid
na daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama; tumotoo kayo sa akin-at ako naman ay
tumotoo
sa
inyo.
Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay magagawa nating permanente sa
gabay ng Panginoon. Hanggat buo ang ating pananalig at tiwala, at hanggat nagsisilbi
tayong lakas ng isat isa, patuloy nating mapapatunayan na, the Filipino is worth dying
for, the Filipino is worth living for, at idadagdag ko naman po: The Filipino is definitely
worth
fighting
for.
Alam po ni Vice President, na noong 1987 magkasama kami, may kudeta, na-ambush
po tayo doon, at tapos noon eh pangalawang buhay ko na po ito. Hindi natin maiiwasan
mag-isip sa mga binubunggo natin, may araw kayang pag sasampa ka sa entablado,
may trabaho ring araw-may magtatagumpay bang maglagay ng bomba?
Magtatagumpay ba yung mga may maiitim na balak ng atin pong mga katungaling
gusto tayong ibalik sa maling kalakaran. At kung dumating nga ang panahong pong
iyon, at natapos na po ang ating pangalawang buhay, masasabi ko ho bang, okay na
rin? At sasabihin ko po sa inyo, mata sa mata, sa lahat po ng inabot natin, ako poy
masasabi
kong
kuntento
na
ako.
Kuntento na po ako dahil panatag ang kalooban ko, na kung ako poy mawala na dito,
marami po ang magpapatuloy ng ating tinahak na. Baka iyon lang po talaga ang papel
ko-umpisahan
ito.
Nandiyan po ang mga taong tulad ni Cardinal Chito Tagle, at Ka Eduardo Manalo, at
tulad ni Brother Eddie Villanueva, Father Catalino Arevalo, at Father Jett Villarin, at ni
Bishop Jonel Milan, at si Sister Agnes Guillen, and Mae Salvatierra. Sila pong sektor
relihiyoso,
tuloy,
itutuloy
nila
ang
ating
pong
sinimulan.
Meron pong Aris Alip ng CARD na magtutuloy sa kanyang ambag sa pamamagitan ng
microfinance. Nandiyan po ang isang Alice Murphy at ang kanyang mga kasamahan sa
urban poor associates na talagang tutuluyan ang pangangalaga sa atin pong informal
settlers.
Nandiyan po ang ating mga sundalo at kapulisan-talagang araw-araw naman pong
pinipililt gawin ang tama, tulad ng ating bagong Chief of Staff, ating mga Service
Commanders, mga sundalo ng Light Reaction Battalion, at ng JSOG.
Nandiyan rin po, siyempre, hanay niyong pinanggalingan kong mga pulitiko. May duda
ba na dadalhin tayo ni Senate President Franklin Drilon at Speaker Belmonte sa
tamang
landas?
Naging pribelehiyo ko rin ho makipagtrabaho at makipagugnayan sa isang governor,
Alfredo Maranon ng Negros Occidental. Hindi ko kapartido, pero palagay ko naman po
kasama na niya ako sa fans club sa tama niyang pamamalakad sa Negros.
Mayroon tayong mga umaangat na bagong o mas bata sa akin pulitiko. Ayoko naman
ho sabihin na napakaluma ko nang pulitiko sa pagtukoy sa mga mas bata.
Mga
taong
tulad
ni
Mayor
Jed
Mabilog
at
ni
Mayor
Len
Alonte.
Meron din naman sa sektor, sabihin na nating mga culture tulad nina Noel Cabangon at
ni
Ogie
Alcasid
na
hindi
pansarili
lang
ang
iniintindi.
Gabi-gabi po, bago ako matulog, thank you at nakalampas pa ako ng isang araw. Kung,
sabi nga noong bata kami, finish or not finish, pass your paper eh dumating pa sa
akin, palagay ko naman, naramdaman na ninyo kung anong pagbabagong karapatan
ng
bawat
Pilipinong
mangyari,
at
bahala
na
kayong
ituloy
ito.
Mga Boss, kayo po ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi
ng pagpapatuloy ng lahat ng positibong pagbabagong naabot natin. Buong-buo ang
tiwala ko, nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa tama niyang
kalalagyan.
Kaya, hanggang dito na lang po ako. Magandang hapon sa lahat. Maraming salamat sa
inyo.