You are on page 1of 2

Edukasyon, isang karapatang kung ihalintulad ay isang kayamanang

panghabang-buhay. Sa kabila ng kahalagahan nito nakararanas parin ito ng lubos na


kakulangan sa kagamitan at elektrisidad. Teknolohiya nga bay isang kasagutan sa
problemang ito? Mapapaunlad ba nito ang pag-aaral at pagkatuto ng bawat kabataan?
Sa modernong panahon ating kinagigisnan marami paring eskwelahan ang
nangangailan ng elektrisidad at kagamitang sa pagtuturo na higit na lilinang sa bawat
isipan ng kabataang Pilipino. Ang kasalatang ito ang nais na mabigyan ng solusyun ng
proyektong SIAB o School In A Box.
Sa paghahanap ng ibat-ibang paraan upang malinang ang pag-aaral, nabuo ni
Miquel Bermundo na isang learning advocate kasama si Nikko Torcita na isa namang
electrical engineer ang School In A Box. Kinalaunan ay sinamahan sila nina Carmela
David at Skye Male na parte ng CSR o Corporate Social Responsibility na proyekto ng
Globe.
Ang SIAB ay isang kit na naghahangad na makatulong sa mga estudyanteng
salat sa mga kagamitan sa pag-aaral. Ngunit hindi dito nagtatapos ang layunin nito,
nais rin ng SIAB ang mapasaya ang pag-aaral sa paglalagay ng video at audio
materials na maaaring gamitin sa pagtuturo. Nagbibigay daan rin ito upang makagamit
ng internet ang guro o ang mga estudyante para sa pagsasaliksik. Ito rin ay isang
base platform na sumusuporta sa mga asignaturang Math at Science.
Ang kit na ito ay naglalaman ng mga kagamitan sa pag-aaral na naglalayong
makatulong sa mga lugar na hindi abot ng eletkrisidad at salat sa kagamitang
pampaaralan.
Ito ay gumagamit ng mga simpleng teknolohiya tulad ng credit card-sized
computer mainframe na tinatawag na Raspberry Pi. Ang computer nito ay gumagamit
ng SD card na may kasamang projector na kasing laki ng Iphone. Ito rin ay may
kasamang speakers at isang keyboard. Ang SIAB ay pinatatakbo ng isang 17-amp
motorcycle battery na tumatagal ng hanggang walong oras. Maari rin itong gamitan ng
internet broadband para sa online surfing. Nagtataglay rin ito ng microrscope set-up na
ginagamitan ng smartphone. Tunay na itoy isang kit na nagtataglay ng maraming
kagamitang makatutulong sa layunin nilang makatulong sa mga eskwelahan.
Matatandaan na ilang taon na ang nakalipas ng maging tanyag ang kariton
klasrum na naglalayon rin ng ika-uunlad ng pag-aaral ng mga kabataang Pilipino. Ito ay
naglalaman rin ng mga kagamitang makatutulong sa pagkatuto ng mga estudyante
kahalintulad ng SIAB. Ang kaibahan lamang, ito ay gumagamit ng mga kagamitang dala
ng teknolohiya at ito rin ay mas portable.
Sa mga lugar na di abot ng elektrisidad ay sa simpleng libro, papel at lapis
lamang umiikot ang kanilang pag-aaral. Ngunit sa tulong ng kit na ito na nagtataglay ng
mga kagamitang gumagamit ng teknolohiyay malilinang at mapauunlad ng kanilang
pag-aaral. Maaring ito ang maging daan upang mas maging interasado at mahilig pa
lalo sila sa pag-aaral dahil sa mga kagamitang taglay ng SIAB.
Limitado lamang ang pag-aaral nila sa librong kanilang kaharap sa araw-araw
nilang pag-aaral ngunit sa tulong ng SIAB mapalalawak pa nila ang kanilang kaalaman.
Sa SIAB maari silang magsaliksik pa ng mga bagong impormasyong lilinang sa
kanilang mga isipan.

Sa halos lahat ng pagkakataon, sa pagbabasa at pagtuturo ng kanilang guro


nakasalalay ang kanilang paglalakap ng mga impormasyon ngunit sa kagamitang taglay
ng SIAB ay malilinang pa ito. Maari silang manuod ng mga videos bilang visual aids
tulad ng mga films at infomercials na tunay na malaking tulong sa mga estudyante.
Dahil dito mapupukaw ang interes at hilig nila sa pag-aaral dala ng mga kagamitang
pangturo na taglay ng SIAB
Ang pagkakaroon rin ng SIAB ng microscope set-up ay isa ring malaking tulong
para sa mga estudyante. Malaking tulong ito sa mga eskwelahang salat sa laboratory
equipment. Magkakaroon ang mga estudyante ng bagong kaalaman at karanasan
pagdating sa asignaturang Agham.
Ang School In A Box ay sagot sa problemang kinahaharap ng mga eskwelahang
salat sa kagamitang pampaaralan at walang elektrsisidad. Mga eskwelahang nasa rural
areas tulad ng kabundukan. Sa mga kagamitang taglay naman nitoy siguradong
magiging daan sa mas epikitibo at mas masayang pag-aaral. Tunay na malilinang ang
pag-aaral sa tulong ng makabagong paraan ng pag-aaral. (Kahlil V. Alcala, G8-Rigel)

You might also like