You are on page 1of 1

Ang Batas Rizal (RA 1425)

Ang Batas Republika 1425 na mas kilala sa tawag na Batas Rizal ay pinangunahan ng dating
pinuno ng Pambansang Kapulungan ng Edukasyon na si Sen. Jose P. Laurel. Bago ito
mapagtibay noong Hunyo 12, 1956, dumaan ang batas na ito sa mga umaatikabong debate
sa loob ng Senado at Kongreso. Tinawag itong House Bill 5561 sa kongreso na
pinangunahan ni Cong. Jacobo Gonzales at tinawag naman itong Senate Bill 438 sa Senado
na pinangunahan naman ni Sen. Claro M. Recto. Hindi makakapagtaka na sila ang mga
pinunong nagtaguyod sa batas na ito, dahil kung babalikan ang kasaysayan, malinaw na
may marubdob na pagmamahal sa bayan ang dalawang ito. Si Gonzales ay nakipaglaban
upang mapalaya ang kanyang mga kababayang sakdalista at si Recto naman ay malinaw na
ipinaglaban ang soberanya ng Pilipinas labas sa Estados Unidos.
RIZAL: INSPIRASYON NG BAGONG HENERASYON
Ang pangunahing layunin ng mga mga nagtaguyod sa batas na ito ay muling pag-alabin ang
diwa ng nasyonalismo sa mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagsama sa kurikulum ng lahat ng paaralan, pampubliko man o pribado ang kurso sa pagaaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal, partikular na ang kanyang dalawang
nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Naniniwala sila na si Rizal ay maaaring
magsilbing inspirasyon sa atin, lalo na sa mga kabataan. Bukod dito, layunin din ng batas na
ito na parangalan si Rizal at ang iba pa nating mga bayani sa lahat ng kanilang mga ginawa
para sa bayan.
BATAS RIZAL: KAPARIS NG RH BILL
Katulad ng RH Bill, hindi naging madali ang pagpasa ng batas na ito dahil sa malakas na
pagtutol ng Simbahang Katoliko. Naniniwala ang simbahan at ang mga mambabatas na
pumanig sa kanila na ang dalawang nobela ni Rizal ay naglalaman ng mga pahayag na laban
sa simbahan. Ayon sa kanila, ang sinumang makabasa ng Noli Me Tangere at El
Filibusterismo ay maaaring mawalan ng pananampalataya o sumalungat sa mga itinuturo
ng simbahan.Ibat ibang taktika ang ginamit nila upang takutin ang mga nagtataguyod sa
batas na ito. Nariyang magsasara daw ang lahat ng paaaralang pag-aari ng simbahan sa
oras na maipatupad ito at hindi daw makakaasa ng suporta mula sa mga katoliko ang mga
nagtaguyod nito sa mga susunod na halalan. Ngunit kaparis ng RH Bill, naipatupad ang
Batas Rizal sa kabila ng malakas na pagtutol ng simbahan
BATAS RIZAL: SA NAKARAANG 50 TAON
Limang dekada na ang nakalipas mula ng maipatupad ang Batas Rizal. Ngunit nakatulong
nga ba ang pag-aaral ng buhay, mga ginawa at isinulat ni Jose Rizal upang makamit ang mga
adhikain ng mga nagtaguyod sa batas na ito? Sa mababaw na pagtingin, masasabi nating
naging matagumpay ito, dahil sa halos lahat ng plaza sa ating bansa ay may bantayog si
Rizal. Kilala siya ng lahat ng mga Pilipino bilang ating pambansang bayani. Madalas din
nating gamitin ang mga salitang iniwan niya, katulad ng walang-kamatayang ang kabataan
ang pag-asa ng bayan.
Ngunit sa mas malalim na pagtasa, masasabi nating naging matagumpay lamang ang batas
na ito na gawing pambansang simbolo si Rizal, na halos walang pinagkaiba sa kalabaw at
sampaguita. Ngunit sa puso ng maraming Pilipino, diwang busabos pa rin ang naghahari. Sa
katunayan wikang banyaga pa nga ang karaniwang gamit natin sa pagkuha ng kursong ito
dahil ito ang nakasaad sa batas. Hindi ko nauunawaan ang lohika sa likod nito (para kaya
hindi ito lubusang maunawaan ng karaniwan tao?). Nasaan ang nasyonalismo doon?

You might also like