You are on page 1of 3

Sandaan tatlumpu't siyam na taong nakaraan

Ika-siyam nang Mayo kung matatandaan


Isang ineng ang iniluwal sa Kalookan
Na'syang magiging bahagi nang kasaysayan
Kikilalanin bilang Lakambini ng Katipunan
Kabiyak nang Supremo, ina nang digmaan
Lalaban, susugod, itataguyod ang bayan
Iyan ay si Ako, Oriang ang pangalan.
O anong sakit kung aalalahanin
Na ang aking kaarawan na maibigin
Ay nasapit at pumatak sa bisperas din
Nang kabiyak ang kamatayan ay sapitin
Ako ay nagmula sa pamilyang karaniwan
Gobernadorcillo ang ama nang tahanan
Matalinong estudyante, mahusay sa paaralan
Nanguna sa test kayat may karangalan
Kailangan ko sa pag-aaral ay huminto
Upang magpatuloy dalawang bunso
Pagsapit naman sa edad na disi-osto
Akoy niligawan nang Bayaning Bonifacio
Anim na buwan, inibig ko na siya
Kahit pa tutol ang aking Ama
Pagiging mason niya, hindi ko alintana
O pag-ibig, tunay at dakila
Napapayag si Papa, kinasal sa Binondo
Upang siya ay matuwa, sa Simbahang Katoliko
Sa Katipunan kinasal kami, sumunod na lingo
Lakambini ng samahan, aking titulo.
Ang aking tungkulin aytagatago
Mga sandata, baril at palaso
Tagapag-alaga rin sa buong hukbo
Tuwing silay may sugat o kayay nasilo

Sa kabila nang lahat nang aking pagpagal


Ang samahang minahal ay di marangal
Inibig nang tunay ngunit anong sampal
Ang iginanti sa irog kot mahal
Siya ay pinagtulungan kahit walang laban
Nang inibig at binuo niyang samahan
Siya ay pinarusahan kahit walang sala
Binitay nang hindi maling akala
Pinagkaisahan nang buong kalipunan
Na buong lakas nyang pinagsilbihan
Sariling lahi siya ay kinalaban
Pinatay sa kamay nang inakalang kaibigan
Ito ang aking kwento na ibabahagi sa inyo
Nawa ay kapulutan nag aral at tuto
Ito ang aking kwento na ibabahagi sa inyo
Nawa ang lumabas lang ay pawang totoo
Tapos ang panahon na ang kalat ay huwad
Na ang buhay ko ay buhay nang iba
Tapos ang panahon na ang buhay ay luwad
Na ang kwento ay hinabi nang iba
Ako si Oriang at sinasabi ko ito
Kaya makinig ang lahat at matuto
Sa pagtampok sa akin bilang Babae nang Katipunan
Itinago nila ang siyang tunay na katotohanan
Ibinandila nila ang giting sa digmaan
Ngunit ikinubli ang tunay na karahasan
Silang pumatay, nagtaksil sa aking kabiyak
SIla ngayong kinilalang bayaning tiyak
Kaya aking pagsisigawan sa buong kapuluan
Hanggang marinig sa umpisat dulo nang kasaysayan
Ang pagtangis ko at pag-aasam nang katarungan
Para sa iniibig kong Bayani at Lakan

You might also like