You are on page 1of 14

>>><<<

HE'S DEFINITELY A SUPERSTAR (ONE SHOT)


written by Sarrah Armenta A.K.A sjmcarmenta
Copyright
All Rights Reserved 2012
>>><<<

Alam mo yung feeling na lahat ng galaw mo, binabantayan?

Kahit saan ka magpunta, may matang nakamatyag sa'yo.

Lahat ng taong kakausapin mo, aalamin kung sino.

Yun bang parang kulang na lang, pati utot mo sa isang buong araw, bilang na bilang.

Alam mo ba yung feeling na ganun?

May kilala kasi akong ganun ang sitwasyon eh at sigurado ako kilala nyo rin sya.

Well, who wouldn't know Ryan James Salvador anyway, right?

Yes. RJ Salvador, my boyfriend, which is now definitely a superstar.

***

5th year aniversary namin ngayon ni RJ kaya excited na ako. Bumangon na ako sa kama ko, naligo, at nagprepare
ng sarili. May usapan kasi kami ngayon na pupunta kaming Manila Ocean Park.

Well, just an FYI, 5 years of being in a relationship with a superstar sucks --- well not really, but it's difficult.

For 5 years, nagkasya ako sa kakaunting time na binibigay sa'kin ni RJ. Ok lang naman kasi sa tuwing nagkikita
kami, pinaparamdam naman nya sa'kin kung ga'no talaga nya ako kamahal.

What's difficult is the fact na, for 5 years, kapag nagdedate kami sa labas, lagi syang nag-didisguise ng look. Tapos
kapag magkikita kami, dapat laging patago. Dapat walang ibang nakakaalam, although alam naman ng buong
Pilipinas na may non-showbiz girlfriend sya. Sabi kasi nya, gusto nya raw maging private ang relationship namin as
much as possible. Syempre iniintindi ko na lang, mahal ko eh and I can't imagine myself 50 years from now living
without him.

Pero minsan, napapaisip rin ako, hanggang kelan kaya ako makakatagal sa ganitong sitwasyon? Pa'no kapag magasawa na kami? Ganito pa rin ba? Geez. I don't know. Basta ang alam ko lang, mahal ko sya.

I'm almost done sa pag-aayos ng sarili ko ng biglang tumunog yung doorbell ng condo unit ko. Oo nga pala, I haven't
tell you yet. May condo na ako. Regalo nina Mommy at Daddy pagkagraduate ko ng college.

So there. Sa pag-aakalang si RJ na yung dumating, dali-dali kong tinungo ang pinto upang buksan ito even though
nagsusuot pa ako ng hikaw. But to my dismay, ibang tao ang nabungaran ko pagkabukas ko ng pinto.

"Newspaper po Ma'am..." sabay abot nito ng dyaryo sa akin.

"Ah ok. Thanks." At pagkatapos ay sinara ko na uli ang pinto.

Nilapag ko lang yung dyaryo sa ibabaw ng center table, pagkatapos ay bumalik na sa kwarto ko para tapusin ang
pag-aayos. Pagkatapos kong mag-ayos and everything, naisipan kong tawagan na si RJ.

~The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.~

Isa pa ulit na try.

~The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.~

Bakit unattended ang phone nya? Hindi naman nya siguro nakalimutan na anniversary namin ngayon diba?

Wala sa sariling naglakad ako papunta sa living room at umupo sa couch, pagkatapos ay nilapag yung phone ko sa
center table. Akmang babalik na ako sa pagkakasandal sa couch ng biglang naagaw nung frontpage ng dyaryo ang
pansin ko.

Nanginginig na kinuha ko yung dyaryo at tinitigan ito ng mabuti.

It was a picture of RJ with one of his leading ladies. The girl's arm clinged to his.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nakita ko. Hindi ko alam kung sa'n ako nakakuha ng lakas para
basahin yung article na nakalagay sa ilalim ng picture.

RJ Salvador and Rachel Gomez, Officially Dating?!

Young superstar RJ Salvador was spotted in a mall with his 'I Love You Forever' leading lady, Rachel Gomez.

According to my source, it has been a long time since RJ dated his non-showbiz girlfriend, Nimfah Grace Cortizano.
Thus, the speculation that Salvador and Gomez are now officially dating just grew stronger.

Hanggang sa hindi ko na nakaya pang ipagpatuloy ang pagbabasa. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
Sakit. Inis. Selos. Pagdududa. Lahat lahat na ng hindi kanais-nais na pakiramdam. Pa'nong hindi eh ngayon lang
nagkaroon ng ganitong issue tungkol kay RJ.

Siguro kung 5 years ago lumabas ang issue na 'to, matatanggap ko pa eh. Kaso iba na ngayon. For Pete's sake!
We've been together for 5 years now. Pa'no ko 'to matatanggap?

Kaya ba gustong-gusto nyang gawing private ang relationship namin as much as possible ay dahil kinakahiya nya
ako?

O baka naman kaya rin unattended ang phone nya ngayon ay dahil kasama nya ang Rachel na yun?!

Damn! Ang sakit!

All of a sudden, nagsipag-unahan na lang bigla ang mga luha sa mata ko. Naramdaman ko rin ang biglaang
panginginig ng buo kong katawan. Parang kanina lang, excited na excited pa ako ah? Tapos ngayon --- aish!

I was still holding the newspaper ng biglang bumukas ang pintuan ng condo ko. Iniluwa noon ang lalaking dahilan
kung bakit nararamdaman ko ito ngayon.

Stupid moron. Nakalimutan ko palang ilock iyon kanina.

Tumingin ako sa kanya pero mabilis lang.

"Babe..."

Alam ko ng lalapitan nya ako kaya inunahan ko na sya. Agad kong ibinalibag yung dyaryo kung saan at pagkatapos
ay mabilis na tumakbo papunta sa kwarto ko at ini-lock ang pinto nito. Sakto pagka-lock ko ng pinto ay narinig ko ang
pagkatok nya mula sa labas.

"Babe, buksan mo naman 'to o, please! Kung ano man yung nakita at nabasa mo sa dyaryo, hindi totoo
yun!" patuloy pa rin sya sa pagkatok, rather sa pagkalampag sa pintuan ng room ko, habang ako naman ay
nakasandal lang sa likod nito.

"Umalis ka na dito!" sigaw ko.

"Babe, pakinggan mo naman ako o. Sige na, please... I'm begging you..."

"Leave me alone!" sigaw ko ulit.

Pagkatapos ay bigla na lang akong nakarinig ng footsteps. Mukhang sumuko na sya. Ilang sandali lang, ay narinig ko
na rin ang pagsara ng main door ng unit ko, tanda na umalis na talaga sya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko
habang patuloy pa rin sa pag-iyak sabay napaupo sa sahig.

Masisisi nyo ba ako kung nasasaktan ako ngayon? Sigurado, kung kayo rin ang nasa lagay ko, you would feel the
same way.

Wala sa sariling tumayo ako at naglakad papunta sa kama ko at humiga. Doon ko ipinagpatuloy ang pag-iyak.

Hindi ko alam kung ilang minuto or oras na akong umiiyak ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nakita kong
nagmamadaling nilapitan ako ng bestfriend kong si Angie. May susi kasi sya dito sa unit maging sa kwarto ko. Dito
kasi sya laging nag-ii-stay kapag nag-aaway sila ng Daddy nya.

Namalayan ko na lang na hinihila na pala nya ako palabas ng building.

"Ui Anj! Teka lang! San mo ba ako dadalhin?!" pasigaw kong tanong habang hila-hila nya pa rin ako.

"Basta! Manahimik ka na lang dyan!" sagot lang nya sabay pinapasok ako sa kotse nya.

"Ui Angela, sabihin mo na nga kasi! San mo ba talaga ako dadalhin?!" patuloy pa rin ako sa pangungulit sa
kanya.

Nagda-drive na sya ngayon at wala akong idea kung saan ako dadalhin ng babaeng ito. Mamaya pala, hindi na sya
ang bestfriend ko dahil naabduct na ng mga aliens ang katawan nya, tapos kung saan ako nito dalhin. Baka
mamaya, dalhin pa ako sa planeta nila.

Uwaaahh!!! Wag naman sana!!!

"Basta! Just trust me, okay?!"

Ay hala! Nabasa nya yung nasa isip ko?!

Waaahh! Baka nga alien talaga 'tong babaeng 'to!

Lord, tulungan nyo naman po ako! Huhuhu...

"Andito na tayo..." sabi nya pagkaraan ng ilang saglit pagkatapos ay ipinreno yung sasakyan.

Tumingin ako sa paligid at nagulat ako nung marealize ko kung asan kami.

"O ano pang inaantay mo dyan? Baba na!" sabi nya habang tinatanggal yung seatbelt nya pagkatapos ay bumaba
na ng sasakyan.

Saka ko lang narealize na si Angie pala talaga sya at hindi sya isang alien, but that doesn't mean na natutuwa ako sa
binabalak nya.

"Ayoko." Madiin kong sagot sa kanya.

"Ah! Ayaw mo ah?!"

Walang sabi-sabing binuksan nya ang pintuan ng sasakyan na nasa may side ko, tinanggal yung seatbelt na
nakakabit sakin, at pagkatapos ay kinaladkad ako papasok sa ABS-CBN compound.

Sinubukan kong tanggalin yung kamay nya na nakahawak sa braso ko, pero sadyang malakas sya. Aba'y eh, anong
laban ko dito, eh Black Belter to sa Taekwondo nung High School kami. Aish!

Wala na akong nagawa pa, dahil nagawa na nya akong kaladkarin hanggang dito sa set ng...

Wait!?

Showtime?!

Anong ginagawa namin dito?!

Nakataas ang kilay na tiningnan ko si Angie, pero imbes na magsalita ay ngumuso lang sya sa harapan.
Awtomatikong napatingin ako sa tinuro ng nguso ni Angie at doon ay nakita ko si RJ.

Nakadenim pants sya at long-sleeve na red shirt na napapatungan naman ng blue and white checkered style na polo.
He looks dazzling as always, but it doesn't change the fact na galit pa rin ako sa kanya.

Saka ko lang napansin na may spotlight rin palang nakatutok sa'kin. Bigla tuloy akong na-conscious.

At conscious na nga ako, mas lalo pa akong na-conscious sa mga sumunod na sinabi ni RJ.

"So here she is now... Happy 5th year anniversary Babe... Alam nyo po kasi,.. galit sa akin ang Babe ko
ngayon dahil dun sa kumalat na balitang magkasama kami ni Rachel sa mall... Yeah, I admit, totoong
magkasama kami noon, pero hindi ibig sabihin na there's something going on between us... I just asked a
favor from her na samahan akong bumili ng ipangreregalo sa girlfriend ko. And the reason behind that, you
know... behind that picture is... nakakatawa man sabihin... pero, muntikan na kasi syang matapilok, kaya
natural lang na mapahawak sya sa braso ko..."

"So please, sa mga reporters at manunulat... I know it's your job, but please don't make up stories. It doesn't
mean na porke hindi nyo kami nakikitang nagde-date ng girlfriend ko ay hindi na talaga kami nagde-date. I'm
just trying to make our relationship private as much as possible, kasi ayaw kong madamay ang mahal ko sa
magulong mundo ng showbiz..."

"I want all of you to know and witness how much I love this girl infront of me..."

Hanggang sa hindi ko namalayang kanina pa pala ako humahagulgol sa iyak. Ngayon ko nga lang napansin na may
hawak na pala akong mic. Hindi ko matandaan kung sinong nagbigay nito sa'kin. Naramdaman ko na lang ang
marahang paghagod ni Angie sa likod ko.

Magsasalita na sana ako sa mic ng biglang umurong yung dila ko dahil sa sunod na ginawa ni RJ.

He kneeled in front of me at mula sa likod nya ay may nilabas syang maliit na box. Binuksan nya yung box sa
harapan ko and I was so speechless ng makita ko ang kumikinang na bagay na nasa loob nito.

"Ms. Nimfah Grace Cortizano, will you marry me?"

Tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha sa mata ko, pero this time, hindi na dahil sa sakit kundi sa labis ng
kaligayahan.

Pinatayo ko sya and then immediately threw myself on him and hugged him very very tight. After several seconds,
humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya. My arms still wrapped around his neck while his hands are still on my
waist.

"Yes Mr. Ryan James Salvador. I'll marry you..." I said and then kissed him on the lips afterward.

I guess it's still a happy ending after all.

You might also like